Friday, October 13, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of October 2017 (Advance Booking)

[V-League]

PVL Collegiate Conference - The Bad Ending


October 7, 2017...

Semifinals - Round 2

untelevised Saturday... :(


AdU Versus FEU

25-21 ang Set 1, nakuha yun ng Adamson..
mukhang nagdikdikan naman sa Set 2, umabot sa 25-27 ang score, nakatabla ang FEU..
tapos sa FEU na ulit ang Set 3, 20-25..
sa Set 4, nakabawi na ulit ang Lady Falcons with 25-23..
kaso sa pagkakataon na 'to eh sila na yung kinapos sa Set 5, 11-15...

according sa news..
wala sina Flora at ang service specialist ng Adamson na si Uy..
sila kasi yung na-assign na maglaro sa UAAP beach volleyball for this season..
maganda naman ang laro nina Soyud at Permentilla na mga dating Archers, with 20 points each daw eh..
kaso nagka-sprain ang Libero nila na si Tempiatura sa 5th Set..
tig-12 points sina Dacoron at ang ngayon na lang ulit ginamit ni Coach Padda na si Roque..
11 points naman ang naging ambag ni Perez..
kaso kahit na maganda yung naging performance nila sa scoring eh nagpakawala naman sila ng 43 points...

unang talo 'to ng AdU sa conference na 'to..
at dahil dito ay napalapit sila sa hulog sa Championship, na yun sana ang best gift para kay Galanza..
kailangan ring i-consider ng Adamson na delikado ring kalaban ang Arellano, kaya mas maige sana kung at least 2nd Place ang ipu-pursue nila...


NU versus AUN

sa NU ang Set 1, 25-17..
nanlaban ang Arellano sa Set 2, napaabot pa yung set sa 26-28..
nadala ng Arellano ang momentum hanggang Set 3, 17-25..
tila nagalit naman ang NU sa Set 4, overkill na nilaro-laro din, 25-13..
naunang mang-iwan ang Arellano, pero nakipagbawian ang NU ng lamang mula sa set point ng Arellano, natapos ang Set 5 sa 20-18...

sobrang gandang effort para kina Prado..
NU pa man din yung nakatapat nila..
tinapos ng NU ang Semifinals nang wala pa rin silang bahid ng pagkatalo..
at may bonus pa silang rest day bago ang Finals...

was feeling , team, pakibigay naman ng nararapat para kay Galanza...

---o0o---


October 9, 2017...

Semifinals - Do or Die Game 3

lagot, bitbit ng FEU si Pons just in case..
parehas ngang present ang mga Ace Player ng bawat team, pero ang pagkakaiba ay wala namang kakayahan si Galanza na maglaro ngayon... :(

maagang nang-iwan ang FEU sa Set 1 pero nakahabol naman ang Adamson..
putang ina ipinasok na si Pons sa Set 1, hindi na patas ang laban..
tuso 'tong FEU, naninigurado na ng Finals seat..
pero mula 19-21, eh lumaban ang Lady Falcons para tapusin yung set with 25-21..
medyo preview na 'to ng UAAP ngayon...

maaga ulit na nang-iwan ang FEU sa umpisa ng Set 2, pero okay rin yung ipinakita na paghabol ng Adamson hanggang 20-22, kaso sa 20-25 natapos yung set dahil sa mga errors..
dikitan ang laban sa Set 3 kahit na medyo nagagalit na si Coach Padda, kaso pinakawalan pa ng Falcons yung lead nila sa bandang dulo at natapos yung set sa 22-25..
sa FEU na ang Set 4, natapos ang laban 18-25, 1-3 sets...

bad news..
nawalan na ang Adamson ng pag-asa na makaabot sa 2nd Place..
masakit yun para kina Galanza at Coach Padda..
kund hindi lang sana nila pinakawalan yung Game 2..
maganda rin naman ang ipinakita ng team nila ngayon laban sa buong pwersa ng FEU, pero hindi pa rin consistent..
delikado rin sila laban sa Arellano...

was feeling , team naman, wala na ang 2nd Place, 3rd Place na lang ang maiaalay ninyo para kay Galanza...

---o0o---


October 11, 2017...

Finals

AdU versus AUN

ayun na nga ang nangyari dahil wala si Galanza..
0-3..
wala man lamang nakuhang set ang Adamson...

mukhang katapusan na 'to ng paghahabol nila ng award..
nasayang ang lahat nang dahil sa injury..
nasaktan lang si Galanza para sa wala... :(

kung gusto nila na masungkit pa rin ang 3rd Place, in case na tapusin na ng NU ang Championship sa 2nd game..
kailangan ng Adamson na talunin and Arellano within 3 sets..
at dapat tambakan nila sila, tipong 25-10 ang bawat set...


NU versus FEU

3-1 sets..
panalo ang NU...

at dahil rin sa pagkapanalo na yun ay mas lumiit na yung tsansa ng Adamson na masungkit ang 3rd Place kung matatapos na yung Championship match sa 2nd game pa lang...

was feeling , pati si Galanza at ang Adamson eh minalas na nang dahil sa akin eh...

-----o0o-----


October 8, 2017...

medyo may mga kinausap na ako...

si Miss Burger eh retirado na daw..
pero according to previous sources eh selective na lang yung operation na ginagawa niya..
so hindi magandang ipilit...

tapos medyo in-interview ko na rin si Cora..
wala naman siyang braces..
and she's already a mom..
parang gusto ko rin naman kasing makakita ng maganda-ganda...

sa potential sources naman ng data..?
well, there are 3 na matagal na niyang nakatrabaho..
pero kagagaling lang nung isa sa mahabang hiatus..
kaya bale 2 lang yung nakasama ni Miss C nang matagal nitong nakaraang dalawang taon..
si Miss Y at si Miss Al..
parehas na hindi naman looker, pero sila yung may data..
so pag-iisipan ko pa kung sino yung mas makabubuting i-pursue sa pagitan nilang 2...

para sa impormasyon..
kunwari na lang eh gagastos ako sa pagta-travel...

was feeling , Lottery, please guide me...

---o0o---


October 9, 2017...

[Movies]

Seven Sundays

una..
parang maganda yung Seven Sundays..
parang The Greatest Love din, istorya ng pamilya..
pero yung ama naman ang buhay sa version na 'to..
pero parang papalapit na rin siya sa kamatayan..
apat rin ang mga anak at hindi rin sila magkakasundo...



The Barker

LOL, Coco at Bella, parang Ang Probinsiyano lang..
balik-tambalan na sina Empoy at Shy (mula sa TV 5)..
ambangis ni idol sa action..
idol na idol rin ang buhok...

credit goes to the owner and uploader of that video...

— feeling , ambangis...

>
parang hindi ako aabot..
with less than 14 days..
tapos kailangan pa ng double render nung ibang eksena...

was feeling , 60-page target...

---o0o---


October 10, 2017...

sorry sa mga benefactor ko... :(

nakapag-set na kasi ako ng appointment kanina..
kina Cora at Miss Al...

pakiramdam ko lang na kailangan ko 'tong gawin..
para mahanap ko sa totoong mundo si Miss C..
alam kong hindi magandang timing..
ganun naman lahat sa buhay ko eh - parating wrong timing..
kasalanan ko rin dahil kung saan-saan ko nilalagay ang puso ko..
alam ko rin na posibleng mabigo na naman ako nang matindi sa bandang huli..
pero gusto ko talaga siya eh..
kung sa huli madidiskubre ko na happily married na siya at hindi separada - edi at least mawawala na yung "what if"..
edi makakasuko na ako nang tuluyan...

babawiin ko na lang yung mawawala kong kita gamit yung Google ko...

tsaka..
kapag inabutan ako ng lindol sa lugar na yun, eh alam na..
baka nga ako ang may dalang kamalasan sa mga tao sa paligid ko...

was feeling , Huling Sayaw...

---o0o---


October 11, 2017...

[Online Marketing]

pumasok na yung benta galing sa promo..
fortunately, yun rin yung may pinakamalaking palitan ng USD to PHP, dahil sa hina ng ekonomiya ng bansa ngayon..
fortunately - kasi in terms of number eh mas malaki talaga siyang tingnan, pero hanggang dun lang yun...

problema ko na lang talaga eh yung pag-transfer...

siguro kapag nagkaroon na ako ng 5th issue, eh dapat na akong maglabas ng volume sale..
kagaya sa mga manga..
siguro kada-5 issues eh pwede..
bilang marketing strategy na rin...

pero sa ngayon eh matrabaho talaga 'tong Halloween issue...

was feeling , salamat mga foreigners!

>
[Gadget-Related]

isip ako nang isip kung paano ko mate-testing yung PayPal to GCash..
yun pala eh Marshmallow yung isang panghiram na smartphone dito sa bahay..
yung panghiram nung marami nang nawasak na phone...

naman..
gumana ka please...

was feeling , andami kong sinayang na panahon...

>
[Gadget-Related]

ayun..
may nagawa pala akong pagkakamali according sa mga pro na sa 3D arts...

basically, hindi na lang sa display kayang tumulong ng GPU ng Graphics Card..
kundi pati na rin nga sa halos lahat ng may kinalaman sa graphics..
although tama naman na NVIDIA compatible yung nabili kong Graphics Card..
hindi ko naman na-consider yung CUDA cores, na software technology na mas kaya pang pataasin yung efficiency nung Graphics Card..
unfortunately for me, 96 lang yung CUDA cores nung sa akin..
samantalang at least 1024 nga yung sina-suggest sa akin...

CUDA cores, noted...

kaya ayun..
wala akong rason para mag-upgrade ng RAM kung hindi rin naman makakasabay yung Graphics Card...

was feeling , kaya pala hirap ako sa mga mas komplikadong renders...

---o0o---


October 13, 2017...

[Gadget Related]

ano ga yun..?
24 GB na ang kinakain ng Windows 10 sa kasusubok lang na i-download yung version 1703...

eh mahigit 40% na yun nung luma kong hard disk eh... :(

was feeling , ang aksaya...

>
[Gadget Related]

holy crap!
Php 12,600 para sa 1024 CUDA cores..?
eh makakabili na ng basic laptop sa ganung halaga eh..
samantalang yung sa akin ay Php 2,850 para lang sa 96 CUDA cores... :(

— feeling , 96 to 1024.. imagine the difference...

>
[TV Series]

Wild Flower

nakakaumay na yung istorya..
talo, panalo, talo, panalo, talo..
pero understandable naman kasi nga character story naman siya...

at kahit na hindi na realistic yung ginagawa nilang artistic at dramatic na pagpapatayan o attempt para magpatayan..
kung tutuusin eh naipapakita pa rin nga nun yung realidad dito sa bansa..
kung paano lumalaban yung mga matitino laban sa mga corrupted na mga mamamayan na patuloy na kumakapit sa kasamaan..
at kung paanong hinding-hindi talaga basta-basta natatalo ang kasamaan kung hindi rin lang sila papatayin...

was feeling , eh sa yun yung paraan ng sining nila eh...

---o0o---


October 14, 2017...

[Gadget Related]

another checkmate for me... :(

ewan ko ba kung nasaan yung balat ko at hari talaga ako ng kamalasan...?

walang silbi kahit na Marshmallow pa yung smartphone..
nabiktima na naman ako ng maling pagkakataon..
dahil standard SIM Card ang gamit ko na mula pa sa lumang panahon..
eh hindi nga rin pala ako pwedeng gumamit ng mga smartphone na gumagamit lang ng nano- at micro- SIM...

hindi ko rin naman pwedeng isugal na tapyasin yung standard SIM ko..
dahil bukod nga sa may mga pera pa yun..
eh konektado na rin yun sa maraming bagay..
kaya sobrang laking risk kung masisira siya...

putang ina!
BDO na lang pala talaga yung pag-asa ko..
problema ko pa ngayon dahil nakapagpa-book na ako...

is feeling , nice one, FATE! supalpal na naman ako...

-----o0o-----


[Public Interest]

Globe Changing the Time of Expiration of Prepaid Load - 2nd Experience


October 10, 2017...

busy day...

tapos nakiagaw na naman ng oras yung Globe..
nabitkima na naman ako ng delaying tactics ng mga bobo na taga-sagot ng telepono... :(

same bad experience..
sa padalawa kong Balance Inquiry eh napalitan na ulit yung date/time ng expiration ng load ko..
from past 9:00 AM eh napaaga na naman sa 12:00 AM..
tapos messages from the future na naman yung nangyari..
October 10 pa lang ngayon, pero lahat ng Balance Inquiry ko eh pang-October 11 na kaagad yung date...

ang weird..?
sinubukan ko ring mag-Balance Inquiry para sa ibang Globe prepaid number na nasa bahay..
pero tugma yung expiration nung sa number na yun sa date/time ng pagre-reload niya..
at tama rin na October 10 yung reply sa kanya ng system...

was feeling , si Emoji-Girl na lang ang pakunswelo ko ngayong araw eh...


No comments:

Post a Comment