i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
okay..
sinabi na niya..
wala siyang pakialam sa mga mahihirap..
ang gusto lang nila ang dapat na masunod..
at 16 Million lang ang may karapatan na mabuhay nang maayos sa bansa na 'to...
---o0o---
update ulit (194 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
- yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
- ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
- ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
- yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
- yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
- yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko
- yung 16 million lang ang gusto niyang i-consider, kumpara sa mahigit 100 million na mamamayan ng bansa
- yung atat na magdeklara ng kalayaan kahit na may mga labanan pa, may mga terorista pa, at may mga bihag pa
- eh yung lahat na lang ng mamamayan na may reklamo tungkol sa maling pamumuno eh gusto kaagad na i-classify bilang rebelyon
- yung nagse-set ng ultimatum na ni hindi rin nga feasible ayon dun sa mismong ahensiya
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
- sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
- sa Olongapo, yung 2 pulis na nasangkot sa robbery extortion matapos pagnakawan ng higit daw sa Php 100,000 ang mag-asawang drug suspect
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
- yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
- sa Tondo, yung pulis na nakunan ng ibang CCTV na ipinaling sa ibang direksyon ang isa pang CCTV camera habang may police operation daw ang mga ito
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
- sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
- yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
- sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
- sa Pasay, yung pulis na nanakit ng bata, na gumamit pa daw ng tabo sa pananakit
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
- yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- sa Olongapo, yung 6 na pulis na nasangkot sa pag-rape at pagpapa-rape sa isang babaeng drug suspect at sa isang lalaking bilanggo
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- sa Angeles, Pampanga, yung 16 y/o na nagmomotor na aksidente daw na nabaril ng 1 sa mga pulis na sumita sa kanya
- sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
- sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
- yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
- sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
- yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
- yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
- sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy
- sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
- sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
- sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
- sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
- yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
- sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
- sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
- sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
- sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
- yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
- yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
- sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
- sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
- yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
- sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
- yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
- sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
- yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
- in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
- yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
- sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw
- sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
- sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
- yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
- eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
- yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
- yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
- ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
- yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
- yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
- yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
- yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
- ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
- sa Alfonso, Cavite, yung 2 preso na nakatakas at nadala pa yung police mobile, matapos na maisipan na kumain na muna nung 4 na police escort nila
- ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
- yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
- sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
- follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
- sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
- sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
- yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
- yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
- yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
- yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
- yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
- yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
- yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
- yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
- yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
- yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
- kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
- ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
- yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
- yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
- yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit
- yung hindi masusing pinag-aralan na mamahaling modernization plan para sa mga jeep
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
- yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
- yung Oplan Cyber Tokhang
- yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
- yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
- yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
- ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
- yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
- yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
- eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
- yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
- yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
- yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas
- yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
- yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
- ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
- yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
- yung sinasabing hacking daw ng mga e-mail address ng mga tauhan ng mga kalaban sa pulitika
---o0o---
October 14, 2017...
Revolutionary Government para lang makakapit sa kapangyarihan...?
at talagang sila pa ang api ngayon sa kabila ng mga pag-atake nila sa balanse...?
was feeling , lahat na lang ng kalokohan para lang hindi sila mabuking...
---o0o---
October 16, 2017...
hindi kaya ang totoong plano eh alisin na nga sa mga kalye yung affordable na uri ng mga pampublikong sasakyan...?
tama rin naman kasi yung logic ng grupo ng Piston eh..
kung bebentahan kasi sila ng milyones na mga sasakyan..
tapos ay pagbabayarin sila ng Php 800 per day (kung yun nga yung actual amount)..
tapos kung aabot pa ng 7 years yung bayaran (kung yun nga yung nasa kontrata)..
tapos may coding pa, which means zero income sa mga ganung araw..
tapos may maintenance pa..
lalo na kung ie-equate mo yun sa kagustuhan ng pamunuan na buwisan at gatasan ang basic need na petrolyo - eh halos genocide na rin yun... :(
eh hindi pa nga nila nakikita at nako-consider sa punto na 'to yung tungkol sa life span nung mga bagong modelo ng sasakyan eh..
kasi kung magiging hanggang 15 years rin lang yun..?
imagine, magbabayad sila ng utang for the first 7 years, tapos pag-iipunan naman nila yung pambili nila sa ipapalit dun na unit for the next 7 years..
kaya may 1 na lang silang taon para lasapin yung kita nila sa pamamasada..
kaya paano naman yung pang-araw-araw nilang pangangailangan...?
masyadong maraming kaartehan ang mga pamunuan..
samantalang makina lang naman ang isyu na kailangang tutukan para sa kapakanan ng kalikasan..
at disiplina at penalty lang para sa mga driver ang kailangang i-consider para naman sa safety...
yung maaarteng mamamayan na gusto ng aircon, Wi-Fi, at sariling upuan - edi huwag silang sumakay sa jeep...
uubra lang yung iniisip nilang plano, kung pamunuan na ang mag-i-invest sa mga sasakyan..
at iha-hire na lang nila yung mga driver para patuloy na makapagbigay ng serbisyo ng murang PUV...
was feeling , nakaka-miss talaga yung panahon na Php 1.50 lang ang pamasahe...
>
okay yung trabaho ng mga awtoridad sa Laguna...
yung hinuli yung mga taong may existing na warrant..
bago man o yung mga nagtago lang noon..
at wala namang namatay sa kanila...
was feeling , kulang na lang talaga eh i-upgrade yung parusa laban sa mga may more than 1 or 2 na criminal offense...
>
tama-tama na nga yang pagbibida ng validity ng driver's license at passport...
oo at nakatulong na kayo kahit papaano..
nakapagpasaya na kayo..
pero hindi rin naman basta-basta napapakinabangan yang mga ganyan ng mga mahihirap...
was feeling , ginagamit nyo pa yung mga madaliang papogi moves...
---o0o---
October 17, 2017...
eh yung nagyabang muna at nag-declare na may pasok na daw..
kesyo hindi naman daw epektibo yung naging welga eh...
pero para makasigurado eh binawi rin yung una nilang deklarasyon..
at nag-announce na nga ulit ng malawakang bakasyon...
was feeling , natakot siguro sa posibleng maging online bashing kung nagkataon...
>
yung mga siraulong transport group na pabor na pabor sa mamahaling modernization plot..
pero ang isinusulong naman eh ang ipasa sa mga mananakay ang dagdag na pamasahe...
was feeling , payag kayo na gatasan kayo, dahil bilang kapalit eh ang mga mananakay naman ang gagatasan ninyo...?
>
FAKE news ba yun...?
malaya na daw eh..?
pero hindi pa naman tapos ang giyera..
may mga terorista pa daw..
at may mga bihag pa nga rin daw eh...
pero ang kalokohan ay yung magpapasalamat sa mga taong nagpabaya..
hindi na nga ginamit yung intelligence..
tapos may mga nakapatay pa sa mga sariling kakampi...
was feeling , ang daming sinayang na buhay...
---o0o---
October 18, 2017...
hala!
nagalit na yung diktador..
ang gusto eh yung gusto na lang nila parati ang masusunod...
ano bang majority ang sinasabi niya..?
yung 16 Million na naman niya...?
sa nangyayari ngayon eh parang gusto na nilang tapusin yung mga career ng mga individual o maliliit na jeepney operators..
baka gusto nilang igaya na rin sa mga bus, na mga kompanya lang ang pwedeng pumasok sa ganung uri ng negosyo..
at unfair yun para sa mga maliliit na operator o driver kung ikukumpara yun sa kakayahan ngayon ng mga nasa linya naman ng TNVS...
sa tingin ko ang mga mananakay talaga ang balak nilang gawing sakripisyo sa isyu na 'to..
kapag andiyan na nga naman yung mga bagong mamahaling sasakyan eh ii-insist na nila na taasan na lang ang pamasahe para makabayad at kumita naman ang mga operator..
tapos murder nga lalo kapag ginatasan na nila ang petrolyo..
ipagmamalaki nila na kesyo mas marami na ngayon ang kita ng mga sumusweldo dahil sa kino-commercial nila lately na tax reform law..
pero siyempre eh hindi na naman nila na-consider yung mga mamamayan na hindi naman umaasa sa regular na suweldo... :(
wala namang masama sa pagbabago..
siyempre mas maganda nga yung may pagmamalasakit sa kalikasan..
pero yung wala kayong matinong plano para sa mga mawawalan ng hanapbuhay at para sa mga mananakay - eh lokohan na yun..
bakit ba naman kasi uunahin ang mga kapritso...?
was feeling , kung wala kang planong kumapit sa kapangyarihan, edi bumaba ka na sa trono.. pero dahil hindi pa tapos ang misyon mo para sa Dictator Clan eh kapit-tuko ka pa rin...
>
tapos rebelyon na rin daw ang pagwewelga...?
sus!
gusto mo lang magdeklara ng Martial Law sa buong bansa eh..
lahat na lang gusto mong gawing dahilan para kunwari ay may threat sa puwesto mo eh... :(
samantalang yung iba't ibang sangay naman ang unti-unti talaga ninyong minamanipula... :(
was feeling , pasimple ka pang Hokage na Mahilig ka...
>
bad news...
may nang-hack sa website ng PCSO..
hindi ko alam kung kailan mismo, pero okay pa naman yun kahapon..
basta recent lang yun, kanina ko lang nakita pag-visit ko...
may gustong iparating na mensahe yung grupo eh...
badtrip lang kasi PCSO pa yung h-in-ack..
eh kung yung mga bangko na lang kaya na ginagamit ng angkan ng Hokage na Mahilig ang subukan ninyong i-hack..?
para ma-challenge kayo..?
at tsaka para magkaalaman na rin kung ano nga ang totoo...?
isa rin 'tong patunay kung bakit hindi pa rin talaga napapanahon ang National ID System..
kasi hindi naman ganung kataas ang level ng security ng pamunuan regarding sa pagha-handle ng data...
was feeling , huwag naman PCSO please...
---o0o---
October 19, 2017...
sa Pasay..
yung pulis na nanakit daw ng bata..
yung inilagay sa tabo ang batas..
umabot pa daw sa punto na nagdugo na yung mukha nung bata eh..
at marami na rin daw talagang reklamo laban dun sa pulis sa barangay nila...
kaso noong pinuntahan na sa bahay..
ang unang sabi nung ina nung pulis ay tulog daw ito..
pero noong hiniling na gisingin yung suspek, eh biglang naiba na yung istorya nung kanyang ina, at kesyo wala daw doon yung pulis...
haaay..
alam na natin ngayon kung bakit may mga lumalaking kriminal sa mundo na 'to... :(
was feeling , inilagay sa tabo ang batas...
>
ano..?
suntukan na lang daw sabi nung Diktador...?
pero kung tutuusin, kulang na effort nga na hanggang 15 y/o pa pwedeng ma-classify na menor de edad ang bata..
kung mapapanood kasi sa mga balita eh may mga at least 4 to 6 y/o na na nate-train ng mga demonyong magulang nila na pagnakawan ang kapwa nila..
sa ganung mga edad rin ay may natututo na na umasa na lang sa solvent para mairaos ang gutom sa buong araw..
sa Grade school level pa lang eh may mga kaso na ng pananaksak sa kapwa estudyante..
tapos from at least 10 y/o para sa mga batang lalaki eh may mga naitala na na kaso ng panggagahasa dahil na rin sa pagtutulungan at influence ng mga magkakaibigan..
tapos i-consider na rin nga yung mga napupunta sa pangangalaga ng ahensya ng pamahalaan, pero tumatakas rin naman...
ganun kadelikado ang mga kabataan sa panahon ngayon..
kaya kung tutuusin eh dapat isagad na ang age classification para sa mga minors..
kung pwede nga lang eh gawing hanggang 3 y/o na lang ang menor de edad..
tapos lahat ng magkakaroon ng 2nd criminal offense eh hindi na pwedeng pakawalan pa habambuhay..
yung malalala ang kaso eh pagpapatayin na lang..
tapos yung mga paulit-ulit lang sa mga kriminal nilang gawain eh gawin na lang na mga alipin, pagsakahin na lang, tutal eh kulang na rin ang mga magsasaka sa bansa sa panahon ngayon...
was feeling , naman sa mga mambabatas na 'to o'.. hindi puwerket may mga anak kayo na tila inosente pa sa ganung age level, eh ibig sabihin ay yun na yung tamang batayan in general...
>
sa Olongapo..
yung 6 na pulis na nang-rape daw ng isang babaeng drug suspect..
sa mismong presinto daw nangyari yung krimen eh..
una, pinag-sexy dance daw yung babae..
may isang report na nagsasabi na ginahasa daw siya ng 1 sa mga pulis..
tapos nagsama pa daw ng lalaking preso at pinag-sex yung 2 habang nanonood yung mga pulis...
was feeling , Hokage moves...
>
eh yung mukhang pati yung ultimatum eh magiging FAKE din sa bandang huli...?
hindi daw kakayanin yung plano eh...
magtiis kasi kayo sa hirap at gutom..
yung 16 Million lang may karapatan na mabuhay dito sa bansa...
was feeling , Hokage na Mahilig sa FAKE...
---o0o---
October 20, 2017...
sa Olongapo ulit..
yung 2 pulis na kinasuhan daw ng robbery extortion..
yung nag-withdraw daw ng nasa Php 100,000 na pera ng mag-asawang drug suspect noong May 2017 pa..
bukod pa yun sa iba pa daw nilang kinuha sa bahay ng mga suspect...
was feeling , andaming lilinisin...
No comments:
Post a Comment