Friday, December 11, 2015

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of December 2015 (Wake Up Call)

December 6, 2015...

reformat..
restart...

well, nakuha ko naman kahit papaano yung closest sa ultimate goal ko...

ano na nga bang pwede ko pang gawin ngayon...?

kailangan ko pa nga bang magpagamot..?
o huwag na nga lang..?
para kasing wala na ring sense kahit na treatable pa yung kondisyon ko..
at tsaka mukhang wala na rin ngang mapaggagamitan pa eh...

haaay.....
ang hirap mabuhay bilang ako..
pati ba naman motivation for life eh kailangan ko pang pag-isipan... :(
feeling , FATE, ikaw na nga ang bahala sa lahat...
>
wala..
kinampihan ng mga nakatataas eh..
binura lahat ng reviews ko...

anyway, wala na akong pakialam sa forum site na yun..
bahala na kung paano silang magkakaintindihan sa kabila ng mga kasinungalingan nilang lahat...

feeling , money talks...
---o0o---


December 7, 2015...

so ayun nga..
generally accepted norm nga sa loob ng industry ang mga kasinungalingan..
kaya wala nga palang silbi doon yung revelation ko...

grabe, kagarapal yung babae..
so binigay niya nga sa iba yung December 6 niya..
but then nag-cancel din (ako pa ang nasisi nung kliyente)..
tapos ayun, may ibang kliyente ulit na pinatos (na nagkaroon ng pagkakataon para magyabang doon)...


so ayun nga yung totoo..
hindi niya pala ako gustong i-meet..
pinahaba pa niya ang usapan sa halip na magsabi lang ng 'NO'...

anyway, nag-apologize na rin ako sa kanya kagabi for using such words to describe her..
but not for revealing her secret...

tapos ayun..
marami na naman akong nalaman today..
so naiwas nga pala yung ibang members nung group sa akin dahil sa sobrang detalyado ng mga reviews ko..
at na pera lang talaga ang totoo sa mundo na yun..
i mean, kahit ang Ace of Hearts 02 ko eh hindi ko pwedeng pagkatiwalaan dahil magiging lason lang yun..
(haaay..... saan kaya ako makakakita pa ng katulad niya, pero yung matapat na version na pwedeng mahalin..?)
it's not a place where you can find friends nor acquaintances (wala kang makikilala kundi mga mapagpanggap na tao na sumasamba sa pera)..
walang lugar para sa sincerity - only a YES means yes, everything aside from that means NO, pero hindi ka rin nila didiretsahin sa pagbabakasakali na magagamit ka pa rin nila sa oras ng kagipitan..
walang benefit na makukuha mula sa lugar na yun kundi easy sex lang talaga...
feeling , ganun pala yun...
---o0o---


December 8, 2015...

mas mabagal na ulit ang takbo ng oras ko sa ngayon...
feeling , i need to find that answer...
---o0o---


December 9, 2015...

nothing for today...
feeling , wala eh...
---o0o---


December 10, 2015...

[Strange Dreams]

had a dream last night..
about my Ace of Hearts 02..
parang church setup with blood relatives...

she then arrived..
i was surprised (of course)..
nagtabi kami sa bench..
sabi niya ipakilala ko daw siya as my girlfriend..
tapos she invited me to play Lucky 9, may dealer sa tapat ng seat namin eh..
pero while playing the card game, eh na-realize ko na hindi naman talaga siya Lucky 9 kasi labis sa 5 yung baraha..
para tuloy naging mini-Casino yung venue..
some people approached us..
nawala siya sa paningin ko..
hanggang sa nagising na rin ako...
feeling , lagot ako.. napasok na niya yung panaginip ko...
>
[Gadget Related]

after wala pang 2 months..
Android keyboard down ulit..
some Google unfortunately bla, bla, error eh..
kaya ayun - puwersahang revert to factory settings na naman...
feeling , nakikisabay ka na naman...
---o0o---


December 11, 2015...

[Gadget Related]

mukhang yung Voice option yung nag-ge-generate nung error..
but i think i found a fix..
i-disable na lang ang Google Search... XD
feeling , kesa naman reformat...
>
Maria Ozawa sa UKG..
haha..
parang kahit sa non-rated na palabas siya mapanood, ang hirap maalis sa isip na dati siyang legendary JAV idol... XD
feeling , adulthood ruined, haha!
>
sa lahat naman ng babaeng pwede kong magustuhan, bakit ikaw pa..?
bakit ikaw pa na naikasal na noon..?
bakit ikaw pa na may anak na..?
bakit ikaw na napapaligiran ng mga sinungaling na tao..?
at bakit ikaw pa na hindi ko mabasa kung ano nga ba ang totoo tungkol sa pagkatao...? 

pero nasa 'yo talaga halos lahat ng gusto kong makita sa isang babae eh... :(
feeling , it's complicated...
>
ayun..
suma-sideline ng trabaho para sa isang kompanya..
hindi na masamang pang-ubos oras at pampaabala ng isip...
feeling , semi-preoccupied...
---o0o---


December 12, 2015...

[Lottery]

true to life story 'to..
kilala ko yung mama na involved..
just recently, bigla na lang daw siyang nilapitan ng isang Intsik (Tsinoy i guess)..
bigla ring nag-request na titingnan yung palad niya..
ang sabi, malas daw siya sa Jueteng kaya huwag daw siya dun tataya..
pero suwerte naman daw siya pagdating sa Lotto, kaya ayun binigyan na rin siya ng 6 na numero na tatayaan... :D


kaso ayun..
hindi niya siguro kabisado na dalawahan o pares ang bola ng Lotto daily..
itinaya niya yung 6 na numero sa 6/49 nitong Huwebes lang na nagdaan, siguro dahil yun yung sobrang laki ang jackpot prize..
at ayun..
nabola nga naman lahat ng numero na ibinigay sa kanya nung misteryosong Intsik..
yun nga lang, sa 6/42 tumugma yung lahat nung numbers..
jackpot na sana, naging bato pa... XD

suwerte na sana, kaso tinamaan pa ng saltik..
eh sa hindi nga naman siya nasabihan kung saang game yun mabobola eh...
feeling , sana makakilala rin ako ng Misteryosong Intsik...
>
[Strange Dreams]

wala akong matandaan sa ibang detalye..
basta may nag-try daw na i-verify yung VIP Card ko...
feeling , not again...

No comments:

Post a Comment