Friday, May 30, 2014

A Laptop Sideline - The Last of May 2014 (YouTube Access)

last May 22, nadiskubre ko na may boyfriend na pala yung Espasol, na obviously itinago niya sa akin (siguro para panghawakan niya yung nararamdaman ko para sa kanya - yung tipo ng babaeng gusto parating nasa kanya lang ang atensyon)..
at ngayon namang May 24, 2014...

according to Source S..
2 years na daw 'sila' nung boyfriend niya..
Iglesia din daw 'to..
at tama naman yung trato dun sa Espasol (which i doubt, base na rin sa mga lumalabas niyang thoughts noon)...

at 2 years ka na palang may boyfriend, tang ina ka!?
ansama ng pakiramdam ko ngayon, at gusto kong mang-upak ng tao..
hayop na..
talagang ginago niya pala ako mula umpisa!!?
bawal pa daw mag-boyfriend..
echos lang daw yun..
okay lang daw akong maglalapit...

mga puta kayong mga nasa itaas kayo!!
ganito ba kayo kaasar sa akin kung kaya't pinaglaruan nyo ako nang ganito!!?
ano ba talagang nagawa ko sa inyong mga hinayupak kayo at ganito na lang ang galit nyo sa akin!!?
parang mas masahol pa talaga ako neto kumpara sa pinagsama-samang kriminal sa mundo ah!!?
halos 5 years kong iniiwas sa mga babae ang puso ko..
tapos nung nawalan na ako ng kontrol sa muli nitong pagbubukas para sa ibang tao..
eh hinayaan nyo naman akong matapat sa isang babaeng ubod ng sinungaling..?
bakit sa kanya pa..?
alam nyo kung gaano ako kailag sa mga taong sinungaling, dahil buong buhay ko napapalibutan na ako ng mga ganung klase ng nilalang...

bakit ba hindi pa ako mamatay-matay!!!?
 
feeling , maghahabol pa ba ako neto sa 30K Pussy Project, o diretsong sleeping pills na lang.. nakakasawa na eh...

paano ko pa buburahin nito yung sakit at galit na nararamdaman ko sa puso ko...?

---o0o---

 
May 25, 2014...

mula ngayon, lalayo na ako sa bintana..
ituring na lang natin siyang parang patay..
at huwag na huwag na tayong lilingon sa direksyon ng bahay nila..
haaay..
sana nga lang makisama na ang FATE, at hindi yung madalas kaming pinagsasabay ng paglabas ng mga bahay namin..
ayoko na siyang nakikita..
lalo na yung seksing boobs niya..
parang nananadya na kasi ang tangang kapalaran eh...

done with 2 sources..
at nagkakaparehas naman yung istorya nila..
isa na lang ang kulang..
someone who's much closer to her..
kundangan naman kasing asa na lang ang mga tao sa smartphones at free Wi-Fi ngayon eh >,<..?
katagal tuloy ng reply-an..
kailangan ko na lang malaman kung ano ba talaga ang naging tingin nung Espasol sa akin..
positive ba?
neutral lang..?
o talagang naging buwiset lang ba ako at panira sa secret love team nila nung Luckiest Guy on Earth niya..?
gusto kong malinaw na ang lahat ng mga nagtatalong detalye dito sa bobo kong isip..
gusto kong malaman kung totoong pinaglaruan lang ba niya ako..?
para malaman ko naman kung kailangan ko rin bang manakit ng ibang tao o hindi na lang..
kaya sana naman, mag-online at mag-reply ka na ulit...

yung tungkol naman sa drone..
eh tinatamad na akong manghuli..
dahil wala na nga akong sariling unit na maaasahan..
manghihiram na lang siguro ako..
para malaman ko kung ano bang mga salbaheng naiisip niya, siguro hanggang a week after her birthday...
 
feeling , wasak na wasak na...


finally got to talk with the last source..
kaso ang problema..
hindi nag-match yung data na galing sa kanya kumpara dun sa naunang 2 source..
malihim daw eh..

wala naman daw nababanggit tungkol sa akin..
 at sa pagkakaalam daw niya eh wala pa ring boyfriend (baka hindi pa rin lang pormal, nababahag siguro yung buntot nung hinayupak na yun para magpakilala)...
feeling , ay tapos tayo diyan!?
 
---o0o---


May 27, 2014...

made a very desperate move..
dahil wala akong nakuhang data mula doon sa taong naisip kong malapit sa kanya..
eh sinubukan ko namang kumontak ng 4th source...

i believe daughter siya nung Stepmom nung Espasol..
i'm not very sure, pero kung hindi ako nagkakamali eh siya yung nakakita sa akin noong mismong araw na na-basted ako ng Stepsister niya..
wala na kasi akong ibang maisip na paraan eh..
yung mismong babaeng involved, eh ayaw na ayaw magbigay sa akin ng mga paliwanag..
so naisip ko na baka naman matutulungan ako ng isang witness na actual na nakasaksi sa pagkabigo ko..
gusto ko lang talagang malaman kung bakit 'huwag na' at 'hindi pwede'..?
kaso dinedma niya lang ako matapos na makita yung message ko.. T,T
hooooh! putang ina!
wala talagang maasahan sa mga Iglesia na yan!!!

by 5:23 PM..
nasa may labas kami ng bahay noon nung baby..
yung Espasol naman eh biglang nagpunta sa malapit na tindahan..
naka-black sweater siya, blue top sa loob, dark jeans, at black flats..
tapos eh naka-lugay ang buhok at naka-makeup..
parang napalingon pa siya sa akin noon..
buti na lang at lumabas na yung biological demon sperm donor ko ng bahay para kuhanin na sa akin yung baby, para gumala...

---o0o---


May 28, 2014..
a day before her birthday...

i just learned na wala na pala yung biological mother niya..
she died bago pa man daw nag-10 years old yung Espasol..
may sakit daw kasi sa puso...

tapos..
ang isang mahalagang data na nakuha ko noong araw na iyon..
eh hindi daw payag si Sir (as in yung Tatay nung Espasol) na makipagrelasyon silang mga Iglesia sa hindi naman Iglesia..
sobrang 'racist' naman nun..
kung mahal daw talaga sila (specifically yung mga babaeng Iglesia) nung lalaki, eh magpapa-convert daw ang mga ito sa Iglesia para lang sa kanila..
kalokohan!
anong klaseng sindikato ba yan na gumagamit ng mga babae para mag-recruit ng mga bagong members!!?
talaga bang ganung katataas ang tingin nila sa mga sarili nila!!?
kung talagang nagmamahalan ang dalawang tao, eh hindi na dapat umabot pa sa punto na may kailangang magsakripisyo sa kanila ng kanilang paniniwala - dahil kung totoong nagmamahalan sila eh tatanggapin na lang nila kung anuman yung pagkakaiba nila..
tutal eh meron rin namang tinatawag na kasal sa huwas eh..
mga gunggong!
siguro siya yung nagbawal sa mga miyembro ng pamilya nila na makisalamuha pa sa akin...?

---o0o---


May 29, 2014...

so dumating na nga 'tong araw na 'to..
to think na this is exactly 2 months after akong ma-basted, dammit!
feeling , broken...
 
nauna ko nang i-post yung birthday greeting ko para sa kanya:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2014/05/letter-for-espasol-3-may-29-2014.html


gained a YouTube access..
kailangan ko na 'tong ingatan this time..
no more room for errors...

---o0o---


May 31, 2014...

ano nga bang pagkakaiba..?
dalawang beses na rin akong ginago ng mga babae noon..
yung isang talagang pinakagat lang ako..
yung isa naman eh although naging totoo naman sa akin, eh nagsinungaling pa rin...

yung istorya nung sa nagpakagat..
totoong iniyakan ko rin nang iniyakan yun nang napakaraming beses..
pero eventually, na-realize ko na parang naghahabol na rin nga lang ako sa nakaraan..
na parang gusto ko na lang masagot yung 'what if naging kami nga'..
pero kung preference lang pagdating sa babae ang pagbabatayan, eh matagal na siyang napaglipasan ng panahon (siyempre nagbabago yung tingin at gusto ko sa mga babae habang tumatagal)..
konti lang yung dibdib niya..
tapos eh hindi rin naman talaga kaseksihan at kaputian..
tapos nun unti-unti na ring nabura yung feelings ko para sa kanya..
kahit yung naramdaman ko para sa kanya mula sa umpisa, eh kumupas na lang..
pero lumang istorya na 'to..'
ang mahalaga 'okay' na kami ngayon...

dun sa istorya naman nung naging totoo sa akin..
well, naging totoo nga siya in the sense na, inamin niya kaagad sa akin na may ibang lalaki siyang nagugustuhan at kung sino pa mismo yung lalaking yun..
sinabi niya sa akin na sigurado siyang mag-aaksaya lang ako ng oras sa kanya kapag tinuloy ko pa yung balak ko..
pero ang mali niya dun, nagpahayag pa siya na kesyo gusto naman niyang maging magkaibigan kami at magkakilala pa..
kaso, kagaya rin siya nung mga babaeng um-'oo' para lang matapos na ang usapan..
ang daming beses ko siyang nahuli na nagsisinungaling..
she would talk to anybody except me..
one time t-in-ext ko siya while pretending to be my sister (eh wala naman akong kapatid na babae sa totoong buhay), at nagre-reply naman siya..
sa isa pang kaso, she told me na hindi na siya makakapag-text sa akin dahil busy yata siya o wala ng load..
tapos nung ginamit ko na yung cellphone nung campus mate namin na lalaki na close sa kanya, eh nag-todo istorya at pangungumusta pa - eh anak ng puta, saan ba kayo nanggaling na mga hinayupak na mga babae kayo!!?
so ayun..
i guess what helped me recover mula sa pagkakagusto ko sa kanya eh yung fact na ako mismo yung nakahuli sa kalokohan niya..
nagkasama pa kami sa loob ng iisang campus for 3 years, pero hindi na gumana sa akin yung exposure theory ng stimulus, malamang kasi na-turn off na ako sa pekeng ugali niya..
in the end, parang kinarma rin siya, dahil it turned out na playboy yung lalaking sobrang tagal na niyang inasam sa buhay niya...

at ngayon naman..
ano pa bang kailangan ko para maka-recover na ako mula dun sa Espasol..?
nasa akin na naman yung data tungkol sa pagiging Iglesia niya - yung pagiging sarado-Iglesia ng pamilya nila..
siguro hindi pa ako maka-recover dahil ginugulo pa ako nung ibang data na iniisip ko na pumapabor pa sa akin kahit na papaano..
siguro kasi naghahanap pa nga ako ng paliwanag..
siguro kasi hindi pa nagtutugma-tugma nang husto yung mga data tungkol dun sa boyfriend niya..
kung malalaman ko lang sana talaga yung buong katotohanan...


kung makakaranas lang sana talaga ako ng kahit na konting swerte sa buhay..
yung makalayo na ako sa biological demon sperm donor ko..?
o di kaya yung manalo na ako sa lotto..
o yung magkaroon man lang ako ng 30,000 Php para sa 30K Pussy Project, at isang botelya ng sleeping pills pagkatapos..
o kung makakatikim lang sana ako ng mala-Marina Visconti na babae..
siguro kung mararanasan ko pa yung mga bagay na yun - baka hindi ganito kamalas at kababa ang tingin ko sa sarili ko ngayon...


Wednesday, May 28, 2014

Letter for the Espasol #3 (May 29, 2014 - Birthday Greeting)

Happy 21st Birthday!

nakakalungkot..
alam ko nga ang birthday mo, kaso hindi naman kita pwedeng batiin nang personal - kaya wala ring silbi..
kaya ibabato ko na lang online lahat ng gusto ko pang sabihin sa'yo..
kahit na gaano ko pa katagal matandaan yang kaarawan mo, eh wala na rin naman akong magagawa na para sa'yo..
baka mamaya niyan eh maging masamang alaala lang para sa'yo yung effort ko..
yung pambili ko sana ng surprise gift ko para sa'yo eh ginasta ko na lang noon sa ibang bagay dahil sa sobrang depressed ko..
medyo matagal ko na ring balak yung white wedge na yun..
' doon' kasi kita naaalala..
pero kinailangan kong i-abort na lang yung plano, tutal eh hindi ko na rin naman nakuha yung shoe size mo eh..
wala ng rason para tumanggap ka pa ng mga bagay na hindi mo naman maa-appreciate..
inubos ko na rin yung pang-date at pang-akyat ng ligaw ko sana sa'yo..
tutal eh ayaw mo naman akong hayaan na maipakita man lamang sa'yo kung gaano na kita kamahal eh...

at ang wish ko para sa'yo..
sana pahalagahan ka nang tama nung masuwerteng lalaking nagugustuhan mo..
at sana - mawala na rin nang tuluyan itong nararamdaman ko para sa'yo..
kasi ayoko na mabigat yung loob ko towards you..
ayoko nang magtampo sa'yo dahil lang sa ayaw mong ipaliwanag nang husto kung bakit 'huwag na' lang, kung bakit 'hindi pwede', at kung bakit ayaw mo talaga akong papasukin diyan sa buhay mo..
ayokong maging bangungot pa sa paningin mo itong nararamdaman kong pagmamahal para sa'yo..
kaya kikimkimin ko na lang ulit 'to dito sa puso ko..
para hindi na kita muli pang maabala..
at aasa ako na kusa na lang 'tong kukupas sa paglipas ng panahon...

ang totoo..
you've made the right decision - na hindi na lang ako i-entertain..
hindi lang dahil sa hindi naman ako miyembro ng sekta ninyo..
pero dahil ang totoo eh - wala naman talaga akong sektang kinabibilangan (which for most people seem worse, kesa sa pagiging magkaiba ng relihiyon)..
besides, wala rin naman talaga akong kakayahan na maging consistent with regards to my feelings..
i fell in love with you sa maling pagkakataon..
marami pa akong isyu sa buhay ko, at wala talaga akong kakayahan na magmahal..
i might be able to love you for a long time..
pero, it doesn't mean na makakaya ko yung ipakita at ipadama pa sa'yo - na kasing haba nang kung gaano kita makakayang mahalin..
i never meant na pasagutin ka para maging girlfriend ko..
yung 'panliligaw' was just a much easier term to use, kasi one word lang siya..
but unlike the real meaning of courtship, eh hindi na ako naghahabol sa isasagot mo..
dahil financially speaking, wala akong kakayahang mag-maintain ng isang relationship..
when i told your Stepmom na gusto ko nang ipakita sa'yo kung gaano ka na kahalaga para sa akin - yun lang talaga yung ibig kong sabihin noon..
i wasn't after anything in return..
ginusto kong iparamdam sa'yo kung gaano na kita kamahal, and it would only last for about 4 months..
dahil yun lang yung makakayanan ng savings ko, tsss..
hindi ko na k-in-onsider yung mararamdaman mo in the event na bigla na lang akong tumigil, kasi kampante na ako na hindi ka naman mai-inlove sa akin eh..
i wanted to know you better..
i wanted to court you at home..
i wanted to ask you out on a date..
i wanted to see you in your best dress - in your best form..
i wanted to hold your hands for a while..
i wanted to know how it feels like to hug you..
i wanted to be vocal about my feelings for you..
pero wala nang natupad ni isa man sa mga iyon...

kahit na parang imposible pa 'tong mangyari sa ngayon..
sana hindi na ulit mag-krus yung mga landas natin..
sana matanggap ka na kung saan ka man nag-a-apply ng trabaho, at hopefully sa malayo yun..
para you'll spend less time na lang dito sa lugar kung saan tayo nagkakilala..
kung pwede nga sana eh sa ibang lugar ka na lang mag-stay, para hindi na talaga tayo magkita pang muli..
para hindi mo na maalala na minsan kang minahal ng isang nakakarumi at panggulong katulad ko..
ingatan mo na lang sana parati ang sarili mo...
 
— feeling , sana balang araw makalimutan ko na kung anong meron sa araw na 'to...

Friday, May 23, 2014

A Laptop Sideline - Third Week of May 2014 (Disconnected Drone)

May 17, 2014...

by 1:01 PM..
halos katatapos ko lang magbenta noon ng yelo..
siya naman eh nagpunta doon sa malapit na tindahan
tapos by 1:03 PM eh muli na naman siyang bumalik doon sa tindahan...

by 5:01 PM naman..
nagpunta ako noon sa kabilang bahay para mag-Powerpoint presentation sa biological brother ko..
noong papalabas na ako ng bakuran nila eh narinig ko na may nag-uusap sa may tindahan sa tapat..
siyempre dinedma ko na lang yun..
pero noong nasa may kalye na ako at papauwi na sa amin..
eh saka ko napansin na bukas pala yung gate dun sa bahay ng Espasol..
at siya pala yung babaeng nakikipagkuwentuhan doon sa may tindahan...

by 7:02 PM naman..
sinundan namin nung biological nephew kong baby ang biological mother ko sa malapit na tindahan..
saktong pumunta naman noon sa may pa-norte o papalabas ng subdivision yung Espasol..
hindi ko sigurado kung sinong kasama niya, pero si Half-Brother siguro yun...

wala lang..
nakakaasar talaga yung pagkakataon, ano..?
kung kailan ko kailangang iwasan nang husto ang isang tao, eh saka naman hasing-hase na pinagtatagpo yung mga landas namin..
parang pasabik lang eh..
ipaparamdam sa'yo na andyan yung taong pinaka-ayaw mong makita, para ano..? - para maasar ka lang..
kung may katawan lang talaga ang FATE..
eh matagal ko na yung nasuntok nang diretsa sa mukha...

---o0o---


May 18, 2014..
Sunday-Samba Day...

before 2:36 PM..
nasa may terrace kami noon nung baby kong biological nephew..
saktong punta naman nung Espasol sa malapit na tindahan...

by 3:03 PM naman..
kahahatid ko lang noon nung baby sa bahay nila sa kabila..
tapos biglang nasa tindahan na naman yung Espasol noong pauwi na ako..
nagtatawanan sila nung nasa may tindahan (tindera) noong paglabas ko ng gate..
dedma na lang.. dedma na lang..
kainaman eh..
bakit kaya..?
wag mong sabihing nai-tsismis pa ng mga iyon yung tragic story ko doon sa mga kapwa nila Iglesia na taga-doon sa tindahan...?


haaay.....
wala nang sumasagot sa kanila..
pakiramdam ko tuloy - wala talagang gustong tumulong sa akin..
ako na nga itong nasaktan eh..
tapos dededmahin pa nila ako tuwing may ideya na sila kung sino nga ba ako..
unfair.....
alam kong wala naman akong karapatan na mag-demand ng sagot mula sa mga taong hindi ko naman kakilala..
wala silang obligasyon sa akin..
mainit lang talaga ang ulo ko, at nabubuwiset dahil hindi ko alam yung totoong dahilan...
— feeling , pinagkaisahan na ako ng buong lecheng mundo na 'to...

---o0o---


May 19, 2014...

noon ko na lang ulit nakita si Bella..
mukhang busy na siya sa trabaho lately..
tinanong pa ako kung 1.50 Php pa rin daw ba yung binibenta kong yelo..
hindi ko na naman naitanong yung pangalan niya..
nagkataon kasing may kasama siyang bata noong gabing yun eh...

---o0o---


May 20, 2014...

before 8:43 PM..
siya yata yung nakasabay ko noon sa paglabas ng bahay..
nagpunta ako sa kabila, at siya naman eh sa tindahan..
mukhang may kausap na naman siya sa cellphone..
'may ikukuwento muna ako sa'yo' ang sabi niya..
sino kaya yun, yung boyfriend niya..?
tapos nung pabalik na ako sa amin, eh may ibang mga tao na doon sa may tindahan..
ewan ko lang kung kakilala ba nung Espasol yung mga yun...

---o0o---


May 21, 2014...

dahil wala na akong makuhang mga kasagutan mula sa mga kakilala niya..
eh sinubukan kong kausapin na yung last resort ko...


before 5:40 PM..
saktong may kliyente ako noon (nalimutan ko na kung sa yelo ba o sa money remittance)..
basta galing na naman yung Espasol sa malapit na tindahan...

by 6:27 PM naman..
nasa may harapan lang kami ng bahay namin nung baby..
tapos lumabas na naman siya para pumunta doon sa tindahan..
parang binantayan pa nga yung Espasol noon nung Tatay niya, na sumilip at naghintay pa doon sa may gate nila..
ganun ba karumi at kasama na ang tingin nila sa akin..?
na parang ikinakatakot nila na baka muli kong malapitan yung kanilang anak...?

by 9:00 PM something..
'nakakabadtrip na' daw..
ang alin..?
teka, may nagsumbong na ba sa kanya ng tungkol sa mga ginagawa kong pag-i-interview sa mga kakilala niya..?
eh sa hindi siya nagpaliwanag sa akin eh..
edi sa iba ko aalamin yung katotohanan..
hindi man eksaktong mga detalye yung makuha ko, second-hand information man yun..
at least may iba na akong makukuhang data tungkol dun sa mga nangyari...


kagabi may pinadala na naman sa aking mensahe ang kamalasan..
halos durugin na naman niya yung isang bagay na mahalaga para sa akin..
yung isang bagay na nagpapanatili sa aking buhay..
talagang balak niya akong unti-untiin..
hanggang sa ako na mismo yung tumapos sa sarili kong buhay..
tanggap ko na, hindi ko na magagawang takasan yung kapalaran ko..
ginawa lang ako para magdusa at mamatay sa bandang huli..
at wala na akong magagawa kundi i-delay lang yun...
— feeling , certified MALAS na POTASSIUM.

---o0o---


May 22, 2014..
Thursday-Samba day...

by 8:12 AM..
nasa may tindahan na kaagad yung Espasol..
hmmm..
yung dalagita na anak nung may-ari nung malapit na tindahan sa amin..
ang totoo, mataas ang kalidad ng isang yun..
di hamak na mas mataas kesa dun sa Espasol, at maging kay Bella..
ilang beses ko na siyang nakita nang harapan..
ang pinakahuli eh noong nag-abot siya ng handang pagkain para sa amin, dahil birthday daw nung bunso nilang kapatid..
medyo mapagbigay talaga sa mga kapitbahay yung pamilya ng mga yun eh, kahit na Iglesia pa sila..
well, ayun nga, maganda siya..
kahit yung isa kong kaibigan eh napansin siya noong minsang bumisita sila sa amin, at napabili siya doon sa tindahan na iyon..
medyo chubby nga lang yung mga hita, at lalo na yung mga binti niya..
high school pa lang yata ang naaabot nun eh..
tas Iglesia nga din gaya nung Espasol..
at tsaka nakita ko na noon na may dumadalaw-dalaw sa kanya na matangkad na lalaki, na sabihin na nating bagay naman sa kalidad niya..
ewan ko nga lang kung boyfriend ba niya yun, o kung sila pa ba...

by 9:12 AM eh nagsimula na ngang lumarga yung pamilya nung Espasol para sumamba siguro..
at ang masama pa nun..
eh nahuli pa yata ako nung mag-ate na sumisilip-silip sa pag-alis nila, sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon...


ini-add na ako nung isa niyang relative..
sana naman pumayag talaga yung bata na makakuwentuhan ko naman siya tungkol sa lovelife ng tiyahin niya..
gusto ko lang talagang ma-basted sa wastong paraan..
kumbaga parang naghahanap ng katarungan..
hindi ko kailanman kasi maiintindihan yung 'okay lang', tapos biglang 'huwag na' at 'hindi pwede'..
marunong naman akong magsulat ng script kahit na papaano..
kaya siyempre naghahabol ako nung buong istorya..
kung bakit nagkaroon pa ng katumbas ng 'go signal', tapos biglang 'stop' na kaagad..?
sabi nga nung aktor na kung kanino ako madalas na inihahambing (kaso bading naman daw.. tss! ihalintulad ba naman ako sa isang pinagsususpetiyahan na bading):
"i deserve an explanation.. i deserve an acceptable reason"...

according to Source A last May 9, 2014: hindi nga daw ako para i-entertain nung Espasol dahil may iba itong nagugustuhan..
kaso nag-decide siya na huwag na lang magbigay ng detalye tungkol dun sa Luckiest Guy on Earth..
masuwerteng lalaki yun - dahil baka kapag nakilala ko siya, eh baka ipalumpo ko siya hanggang sa mabaog na siya..
according naman to Source S last May 22, 2014: eh may boyfriend na daw yung Espasol..
parang medyo lumilinaw na sa akin yung mga pangyayari..
siguro taken na talaga yung puso niya noon pa man, kagaya ng isa sa mga dati ko ng assumption..
yun siguro yung dahilan kung bakit hindi niya nasagot yung interview ko noon..
na kesyo 'naka-reserba na ba para sa iba yung puso niya'..?
natakot siguro siya na may iba akong mapagsabihan kung sasabihin niya sa akin yung totoo..
ikinatakot niya siguro na baka makarating pa yun sa parents niya..
or worse, baka sinadya niyang ilihim sa akin yung tungkol sa bagay na yun..
para ano..? - edi para panghawakan yung pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya..
naisip niya siguro na sa pamamagitan nang hindi pagri-reveal ng isang 'sure win' na karibal - eh posibleng manatili lang yung pag-ibig na nararamdaman ko para sa kanya..
at ganun na nga yung nangyari..
without a definite reason to give up..
plus yung mga lintik na paasang tsismis na yun na kumalat noon..
eh naisip kong may pag-asa nga akong makapasok sa buhay niya..
putang inang iyan!

---o0o---


May 23, 2014...

isa na namang napakalungkot na araw..
after more than 10 months na serbisyo nung drone ko, eh nahuli na rin siya nung Espasol..
nagising na lang ako ngayong umaga na na-kick na pala siya nung bagets..
i don't know kung paano, siguro nilinis niya yung network niya..
o siguro nakaapekto yung mga ginagawa kong interview recently..
o baka naman may kasumpa-sumpang tao na naka-link sa akin, na nagpapanggap na kaibigan ko, o posibleng naka-link sa akin noon, na nagsusumbong dun sa Espasol, o nag-tip dun sa Espasol kung nasaan yung blog site ko..
kung sino ka man, manalangin kang hindi kita mahuli, dahil isasama kita sa hukay kong putang ina mo ka..
haaay..
maging siya eh hindi man lamang umabot ng 1 year eh...

bakit ngayon pa..?
bakit kung kailan lumalabas na yung totoo..?
at tsaka 6 days na lang before her birthday..
hindi ganoong kabilis manghuli ng drone...

wala palang boyfriend ha!?
napaka-sinungaling na babae, pinakagat lang talaga niya ako..
parang gusto ko tuloy gumanti..
ipapalumpo o ipapa-riding in tandem ko yung hinayupak na Luckiest Guy on Earth niya na yun, habang siya naman eh tinitira ko nang pa-standing doggy, habang pinapanood nila yung kapalaran ng bawat isa...

bakit ba ganito yung kinasapitan ng lovelife ko..?
parang tinutulak talaga ako sa dark side ng lahat ng kamalasan at panggagagong sinasapit ko sa buhay...
— feeling , nagiging Sith na Potassium na ako...

ang totoo..
iniisip ko pa kung dapat ba akong kumuha ng ibang drone..
o kung hahayaan ko na lang yung ganitong sitwasyon..
kung iisipin kasi, baka mas makabuti na rin 'to - dahil at least mawawalan na ako ng koneksyon sa kanya..
the less i see her - the better (i guess)..
nanghihinayang lang ako dahil sa sobrang ka-brutal-an sa akin ng FATE..
eh talaga namang hinayaan niyang ma-disconnect ako a few days before her birthday..
pakiramdam ko tuloy na andami kong mami-miss..
sana man lamang pinalampas muna yung okasyon bago ako ginago nang ganito ng kapalaran.. T,T
di ga...?


Dreams - May 19 to 21, 2014 (3 Days...)

May 19, 2014...

early morning dream..
umalis daw yung SUV nila..
inakala ko tuloy na wala ng tao sa bahay nila..
pero maya-maya lang ay may napansin akong gumalaw sa may terrace/garahe nila..
kulambo pala iyon, at may latag na higaan sa lapag..
at kapapasok lang noon nung mag-ate (yata) para bumalik na sa pagtulog...

---o0o---


May 20, 2014...

ibang panaginip naman 'to this time..
ang setting ay parang doon sa dating itsura ng likod-bahay namin..
kasama ni L (ibang babae 'to, mula sa nakaraan ko) yung mga tropa niya..
hindi ko na maalala yung tamang pagkakasunud-sunod nung mga pangyayari..
basta parang may 'cheesy' na sinabi sa akin si L eh..
tas kinukulit daw niya ako ng pagtatanong..
hindi ko naman daw siya magawang paniwalaan na (dahil na rin sa pagkawala na ng tiwala ko sa mga babae)..
kaya naman hindi rin daw ako makapagbigay sa kanya ng sagot..
tas biglang may mga nahulog daw na bagay sa sahig..
kinailangan kong pulutin ang mga iyon..
at parang nakipulot na rin nga si L..
tapos habang ginagawa namin yun, dahan-dahan na lang niyang inilapit sa akin yung mukha niya..
at hinalikan niya ako sa labi..
hindi lang yun basta ordinaryong halik, dahil may pagka-passionate na kiss yung ibinigay niya sa akin...

---o0o---


May 21, 2014...

short dream..
na nakapaloob sa isa pang panaginip..
natakasan daw ako nung family nung Espasol..
nauna yatang nakalarga yung Toyota nila..
tapos nung medyo nagtagal eh nalaman kong may naiwan pa palang mga tao sa bahay nila..
sina Sir at Half-Brother pala yun..
at sila ang huling umalis, na dala yung kanilang SUV...

siguro napanaginipan ko yun dahil napadalas na naman yung alis nila noong mga nakaraang araw..
dahil yata yun sa may na-ospital silang kamag-anak...
— feeling , pwede bang umalis ka na sa mga panaginip ko...?


Saturday, May 17, 2014

Watchmen

Watchmen..
matagal ko nang gustong mapanood ang movie na 'to..
pero this week ko lang siya napanood (care of TV5)...

tungkol yung istorya sa grupo ng mga heroes (superheroes) na may kani-kaniyang ideya tungkol sa pagkakamit ng tunay na kapayapaan, at katarungan..
ipinakita dito kung paano napagbago ng mga hero ang buong mundo sa pamamagitan ng 'pagtatakip' sa katotohanan ng kung ano ang nararapat (parang white lie)..
kinapalooban yung istorya ng isang tuso at malaki o malawakang evil plot, at milyon-milyong buhay ang isinakripisyo para makamit ang layunin nito..
maging ang pagkakaibigan at pagsasamahan eh naisakripisyo rin dito..
lahat ng iyon, para lang makamit ang kapayapaan at pagkakaisa ng buong mundo...

pero siyempre, nag-iwan rin yung writer ng mga butas dun sa istorya para papag-isipin yung mga manononood..
gaya na lang ng, kung gaano ba magtatagal yung kapayapaan na ibinunga nung plano ng isa sa mga hero...?

gusto ko yung isa sa mga naging mensahe dun sa movie..
na mas mahalaga pa rin ang 'mundo' kesa sa buhay ng mga tao..
dahil siyempre, kung masira na nang tuluyan o mawala ng ang mundo - eh saan na lang pupulutin ang lipi ng sangkatauhan...?


Friday, May 16, 2014

A Laptop Sideline - First Half of May 2014 (Reconnaissance)

May 5, 2014...

spotted her sa malapit na tindahan by 9:22 AM..
may mga pagkakataon talaga na nae-emphasize nang husto yung dibdib niya...

---o0o---


May 7, 2014...

nagpunta sa malapit na tindahan by 11:57 AM..
maingay na naman sila...

---o0o---


May 8, 2014...

mga 7:44 AM, galing yata siya sa malapit na tindahan..
bago yun eh mukhang na-interview pa siya ng biological demon sperm donor ko..
bakit daw naka-salamin na sa mata yung Espasol..?
sumagot naman yung bagets na malabo na daw kasi ang mata niya...

mga 11:05 NN naman, nasa malapit na tindahan pala sila ng Stepmom niya..
sakto naman na kinailangan kong magbukas ng gate sa kabilang bahay..
dedma na lang, kesa naman pagtawanan pa nila akong magnanay-nanayan...

---o0o---


May 9, 2014...

before 11:22 NN, nasa malapit na tindahan na naman siya..
saktong kinailangan ko namang mag-check ng mga pinabubuo kong yelo sa kabilang bahay..
tapos biglang may nagsabi mula doon sa direksyon ng tindahan na 'nakita na naman niya'..
ano naman kaya yun...??

by 6:15 PM naman..
andun pala ulit siya sa malapit na tindahan..
saktong may kliyente naman ako sa yelo sa may gate namin kaya ko siya nakita...


mukhang malapit ko nang makuha yung mga kasagutan sa mga tanong ko..
kailangan ko na lang ng dalawa pang taong makakausap..
at base dun sa nauna, eh mali ang assumptions ko (as in Potassium nga ako)..
hindi pa rin ako makapaniwala na coincidence lang ang lahat..
na nagkataong parang parallel na parallel lahat ng mga naging aksyon ko para dun sa Espasol, dun sa mismong istorya nila nung Luckiest Guy on Earth niya..
oo tama, unfortunately may iba na ngang nagugustuhang guy yung Espasol..
meaning, talagang nagsinungaling siya sa akin simula pa lang noong unang beses kaming magkakilala..
napakadali lang namang magdispatsa ng lalaki kung tutuusin eh, just tell him na may iba ka nang nagugustuhan at wala kang panahon para sa kanya o na magsasayang lang siya ng oras sa'yo - tapos ang pulong!
hindi yung sasabihin mo na wala pa namang magagalit, o na pwede ka pang lumapit sa kanya..
isa 'tong malaking patunay na hindi mo madadaan sa pagpupursige ang lahat ng bagay...

nakakaasar na kung kailan ko nadi-diskubre ang tungkol sa mga bagay na 'to, eh saka naman umaapela ang FATE para pagtagpuin ang mga landas namin..
May 8 and May 9, 2014, parati ko na lang siyang nadadatnan doon sa tindahan sa tapat namin sa tuwing pupunta ako sa kabilang bahay..
sinusubukan ko na ngang itaon kung kailan alam kong wala siya sa labas ng poder nila eh, pero nagugulat na lang ako na saktong tuwing lalabas na ako ng gate namin eh andun pala siya sa tindahan..
wala lang, nakakapanliit lang ng tingin sa sarili kapag ramdam mo parati yung presence ng babaeng bumigo at pumahiya sa'yo..
na parang pakiramdam mo na pinagtatawanan ka lang niya nang dahil sa pagpapakatanga mo sa kanya sa tuwing nakikita ka niya...
 
— feeling , Potassium...

---o0o---


May 10, 2014...

mga before 10:45 AM..
pumunta ako sa kabilang bahay..
tapos halos kasunod ko lang siya na lumabas ng gate nila..
magpapa-load yata doon sa malapit na tindahan eh..
pero dedma na lang rin..
ayoko nang makita niya akong tumitingin sa kanya...

ano ba talagang meron..?
bakit ba kasi kung kailan certified basted na ako, eh saka naman kami pinagtatagpo nang pinagtatagpo ng FATE..?
parang nang-aasar lang eh...?


pabulusok, paibaba - yun na lang ang natitirang direksyon para sa nalalabi kong buhay... 
— feeling , na-frame up ng FATE para maging isang Potassium...

---o0o---


May 11, 2014...

lagot!
may yelo na pala ulit na binibenta dun sa malapit na tindahan..
siguro pamilya nila ang nag-request na magbenta na ulit ang mga yun ng yelo, dahil ayaw na nilang muling lumapit sa akin..?
wala na, basag na!
sira na talaga ang pagsubok ko kung makakaya pa ba ulit nilang lumapit sa akin...


minsan iniisip ko..
siguro kung nagtagumpay akong makatakas sa mala-impiyernong bahay na 'to, kung hindi sana dahil dun sa kasumpa-sumpang araw na iyon..
siguro guwapo na sana ako ngayon...

guwapo as in - may wheels (kahit na motorsiklo lang siguro, kahit na ni hindi pa nga ako marunong mag-bike)..
guwapo as in - de-collar yung trabaho (kahit na corporate slave pa)..
guwapo as in - yung tipo ng lalaki na parating may mabubunot na pera tuwing kinakailangan o kailangan niyang magpasikat...

kung naging guwapo lang sana ako..
edi siguro may nagmamahal na sana sa aking babae sa ngayon... T,T
 
— feeling , parati na lang may ibang gusto yung babaeng nagugustuhan ko...

---o0o---


May 13, 2014...

mga before 5:32 PM..
saktong punta ko sa kabilang bahay dahil sa daily routine ko ng pamamaslang ng mga lamok doon..
halos kasunod ko naman siya noon, nagpunta siya sa malapit na tindahan..
tapos parang nagbiruan pa sila nung tumatao noon sa tindahan..
ilang saglit lang eh kinailangan ko ulit na lumiban pabalik sa bahay namin dahil may bumili ng yelo..
tapos halos kasabay ko na ulit siyang lumabas noong bumalik na ako sa kabilang bahay...

---o0o---


May 14, 2014...

by 9:48 AM, sa malapit na tindahan..
naka-basic ponytail, red frame glasses, white printed tee, knee-high shorts, at some flops..
brusko siyang tingnan sa ganitong porma, at mukhang mas mataba...

---o0o---


May 15, 2014...

it has been a year naman since v-in-erify ko in person, mula mismo sa kanya, yung naging first rejection niya sa akin...

by 11:42 NN, halos kababalik lang nila noon galing sa pagsamba..
pumunta siya sa malapit na tindahan..
tapos saktong may binentahan naman ako ng yelo..
kaya tuloy nakita ko na naman siya..
medyo nakabihis pa siya noon, kaya inakala ko na baka aalis ulit sila ng bahay...

by 3:46 PM, nagkamali ako ng akala, andito lang pala siya (sila ng mga half-siblings niya siguro)..
ilang araw na ring naiiwan ang mga bata sa bahay nila..
magaganda sanang pagkakataon ang mga yun, kung nasunod lang sana ang mga plano ko..
pero wala nang silbi ang mga yun sa ngayon - dahil hindi na niya talaga ako hahayaang makalapit pa sa kanya...

meron ring anonymous number na nagte-text sa akin sa lately..
babae eh, kaya hindi ko alam kung nagkataon lang, o kung may nanti-trip lang sa akin sa mga kakilala ko..
basta, nakakailang araw na siyang nakikipag-usap sa akin eh...

tapos noong gabi na..
bakit parang may kaharutan yata siya doon sa may tindahan..?
o si Half-brother lang ba niya yung kausap niya...?


totoo..
hindi ko na naman siya magawang pulidong iwasan lately..
gaya ng nasabi ko, nakikita ko pa rin siya kahit na sa mga hindi inaasahan na pagkakataon..
para lang 'tong yung research ko noong college eh..
mararamdaman mo lang yung pakiramdam na 'yun' habang nariyan sa paligid mo yung stimulus..
pero kapag nawala na siya, unti-unti na ring huhupa yung damdamin na yun..
hindi siya necessarily na mawawala na lang..
minsan nagiging dormant lang siya, na posible ulit ma-activate once na magtagpo na ulit yung mga landas ninyo nung taong gusto mo...

pero kailan nga ba siya aalis sa lugar na 'to..?
sana malapit na..
gusto kong matahimik na ako...

---o0o---


May 17, 2014...

wala..
iniimbestigahan ko nga yung nangyari sa akin..
akala ko madali na lang yun kapag nakapag-establish na ako ng mga koneksyon..
kaso hindi rin pala..
hindi ko alam kung talagang busy lang ba ang mga tao..?
kung mga cellphone lang ba nila ang gamit nila sa pag-i-internet..?
kung ayaw lang nilang makipag-usap sa mga taong hindi naman nila kakilala sa personal..?
o kung ayaw lang talaga nilang tumulong sa ibang tao kahit gaano pa ito magmakaawa...

mahigit isang linggo na rin ang itinatakbo ng imbestigasyon kong ito..
pero konting data pa lang yung nakokolekta ko..
ewan ko nga ba kung bakit curious na curious pa rin ako tungkol sa mga bagay-bagay..
dalawa lang naman talaga yung major concern ko kung bakit ko pa 'to ginagawa eh:
- gusto kong malaman kung ano ba yung naging impact ng mga ginawa ko para sa Espasol (kung totoo bang puros masasamang alaala lang yung dinulot ko sa kanya), para malaman ko kung hanggang kailan ko ba kailangang parusahan ang sarili ko nang ganito
- at ikalawa, kung sino at anong klase ba ng lalaki yung hinayupak na Luckiest Guy on Earth na yun

kaso..
parang wala talagang willing na magbigay ng mga kasagutan o ideya sa akin eh...
 
— feeling , Detective Conan

---o0o---


hindi totoo ang mga sinasabi ng ibang tao..
dahil kung ano yung pinagdaraanan mo sa buhay - yun lang ang totoo para sa'yo..
hindi puwerket iisa kayo ng mundong nilalakaran eh parehas na ang magiging trato sa inyo ng buhay..
kung basura ka - edi basura ka..
pero kung hindi naman - edi pasalamat ka...


Friday, May 9, 2014

Letter for the Espasol #2 (May 4, 2014 - Gawa-gawang Istorya)

well, although base naman sa mga nakalap kong data ang script na 'to..
eh 'gawa-gawa' lang siya since wala namang gustong mag-validate sa alinman sa kanila..
ewan ko..
sobrang sakit na kasi eh, at parang hindi na siya matatanggal hanggang hindi rin nawawala sa malapit sa akin yung Espasol..
base naman kasi sa mga past experiences ko, eh nakaka-recover rin naman ako mula sa MGA kabiguan once na mawala o mapalayo na ako mula dun sa stimulus...

wala lang..
parang mas magaan lang kasi na i-digest 'tong script ko na 'to..
everytime na may nakukuha o nao-overhear akong information mula sa kanila..
mag-e-evaluate ako, at naiisip ko na sana nga ganito lang talaga yung nangyari...

yung mga thoughts na naka-enclose sa [] are not essential parts of this gawa-gawang istorya..
sinulat ko lang sila para ipakita yung kasalungat ng mga bagay na gusto ko sanang mangyari at paniwalaan na sila namang nangyari sa totoong itinakbo ng love story ko...


September 27, 2011 pa lang napukaw na nung bata ang interes ko..
ang mga tao kasi, madalas pinagbibintangan ako na kesyo nalaman ko lang daw na nagkagusto o nagka-crush sa akin ang isang babae kaya ko lang ito nagustuhan din...

by the end of March 2013, and because of her Sunday dress..
na-realize ko na lang na nahulog na nga ako para sa kanya... 

by early April 2013 nagsimulang maglabasan yung mga biro ng half-siblings niya..
gusto kong isipin na ako nga yung crush niya noong mga panahon na yun (due to a certain data na sa near future ko pa malalaman)..
gusto kong isipin na i was one of the reason kung bakit gusto niya noon ng mga ice encounter..
gusto ko ring isipin na ako nga yung binabati ng busina ng kotse nila nang minsang magkasalubong kami sa daan..
[pero bakit biglang nagkaganun..?]
[noon eh parang okay lang sa kanila yung isyu nung crush, pero noong gusto ko nang mas makilala yung kapamilya nila, eh parang biglang nanlamig at nandiri na silang lahat sa akin...?]

April 22, 2013 nga noong magkakilala na kami..
pero May 3, 2013 pa lang eh tinanggihan na niya yung effort ko to get to know her more...

May 9, 2013 (heto na yung near future na tinutukoy ko)..
dumating na nga yung data na lubusang gumulo sa takbo ng mga pangyayari..
magiging manugang..?
eh bakit naman lalabas yung ganung klase ng biro kung wala naman talaga yung pinaghugutan..?
ano yun? napag-trip-an lang nilang sabihin sa demon biological sperm donor ko out of nowhere..?
nag-ipon ako ng lakas ng loob para alamin yung totoo mula mismo sa kanya..
pero noong May 15, 2013, mas pinangatawanan pa rin niya yung sinabi niya sa akin online at wala man lamang binigay na paliwanag...

from May 22 to 30, 2013, parang may iniinda  siya sa puso niya..
like something na natapos, just because inevitable na matapos yun..
na para yung isang bagay na walang patutunguhan, kaya mas maige na lang na ganun na lang ang mangyari..
gusto kong isipin na ako yun..
na gusto nga rin niya ako, but there's just something, a reason kung bakit hindi pwede yung love team namin..
[kung anuman yung rason na yun, hindi ko alam kung bakit ganun na lang yung paninindigan niya..]
[na willing siyang pakawalan ang lalaking gusto niya, para lang sa bagay na yun...]

June 22, 2013..
s-in-end ko sa kanya yung supposedly last message ko for her online..
last message na sana yun provided na sinagot at nilinaw lang niya lahat nung mga naging katanungan ko doon..
nakita niya yun during that same day..
after that parang naging iritable yung dating ng mga thoughts niya..
tapos by July 8, 2013 pa siya nag-reply..
sobrang ikli lang na reply na parang ang dating eh 'tama na! dahil ayoko nang guluhin mo pa ang isip ko!'..
nakakapagtaka lang kasi na nakita niya na yung message ko noong mismong araw na s-in-end ko yun sa kanya..
but it took her almost 16 days para lang magbigay ng kasagutan..
and to think na parang may itinatago talaga yung dating ng sagot niya sa akin..
the following day, she blocked me..
ang totoo hindi pa niya kaagad ginawa yun after niyang mabasa yung suggestion ko..
siguro pinag-isipan niya rin muna yung bagay na yun..
at sa ganung paraan, naputol na niya yung madaling paraan ko ng communication with her...

July 27, 2013..
may mga bisita sila sa bahay nila..
narinig ko lang na parang may nagbibiruan sa poder nila ng tungkol sa yelo..
pero hindi naman talaga sila bumili nun noong araw na yun..
tapos noong bandang hapon eh may nagsabi na kesyo maggagawa daw ng sariling relihiyon..
naisip ko na ganun bang klase yung sekta nila na minsan eh parang naiisip rin nilang iwanan..?
pero noong time (2014 na 'to) na may lumabas na sa showbiz news na tungkol sa conflict sa relationship with respect to that Iglesia ni Cristo na sekta..
eh naisip ko na baka yun yung dahilan kung bakit nagkaroon sila ng mga hirit tungkol sa paggagawa ng sariling relihiyon...

August 15, 2013..
noon na lang siya ulit bumili sa bahay matapos ang mga nangyari sa pagitan namin..
hindi ako ang nakita at nag-asikaso sa kanya noon..
she had a thought na parang patungkol sa naging ice encounter niya..
and she also mentioned na parang masakit sa dibdib..
naisip ko noon na baka nahihirapan rin siya sa ginagawa niyang pag-iwas sa akin..
na baka akala niya noon na ayoko na kaagad sa kanya kung kaya't hindi ako ang humaharap sa kanya..
August 16, 2013 naman..
may thought siya na nagsasabi na kesyo sana naiintindihan mo kung bakit ganito..
naisip ko tuloy na baka may mabigat na rason kung bakit hindi niya ako pwedeng papasukin sa buhay niya..
may dalawa pang ice encounter na dumaan na hindi ako yung humarap sa kanya..
na parang ang FATE mismo eh ayaw na pagtagpuin na ulit kami..
at September 14, 2013 na nang muli kaming magkaroon ng ice encounter...

noong first half ng September 2013, parang may iniinda siya sa puso niya noon..
kaya noong September 27, 2013, nagpadala ako ng roses sa kanya..
para lang maramdaman niya that she's being appreciated naman kahit na papaano..
and also to celebrate yung 2 years na dumaan mula noong makuha niya ang atensyon ko..
parang okay naman ang mga pangyayari noon, siguro dahil na rin sa anonymous yung ginawa kong pagpapadala nung flowers..
there was no violent reaction from anyone..
most of the girls told her na sweet naman daw yung ginawa ko for her..
tapos si Sir naman eh wala nang nagawa, since they were all clueless kung kanino nanggaling yung flowers...

October 6, 2013..
may mga bisita na naman sila sa bahay nila..
i thought na pinag-uusapan nila ako since they mentioned something na ako lang yung gumawa o may hawak during that time..
naisip ko tuloy na baka ibinibida na naman niya o nila ako sa kanilang mga kakilala..
na kesyo ako yung lalaking patay na patay sa kanya...

December 15, 17, and 18, 2013 naman..
may mga thoughts na naman na parang patungkol sa akin..
na kesyo mas matangkad pa sa akin ang pride ko (alam ko namang bansot ako eh)..
na kesyo she cares, but is only pretending not to..
at tungkol sa isang bagay na natapos na, na kesyo hindi yun dapat iyakan, bagkus eh dapat ikasiya dahil kahit papaano eh nangyari pa rin...

sa pagpasok ng January 2014, nag-decide ako na magsimula ulit..
na kesyo wala nang gamitan ng mga data na nakuha ko na dati..
na kesyo ang goal is to express na lang yung feelings na naipon dito sa puso ko...

January 12, 2014..
medyo pinahagingan ko siya about having a boyfriend..
and she told me na echos lang daw yun..
i was glad, na after all that happened at matapos ang lahat ng mga nasayang na panahon - eh wala pa ring nagmamay-ari ng puso niya..
January 18, 2014..
i personally asked her kung may magagalit na ba sakaling subukan ko na ulit na ilapit ang sarili ko sa kanya..
i did that to verify yung sagot na ibinigay niya sa akin noong January 12..
and to make sure na hindi pa naka-reserba para sa iba ang puso niya..
wala naman daw magagalit, that is aside from her and her dad..
yung tungkol sa Tatay niya, edi kausapin ko daw iyon..
tas kung siya naman ang tatanungin, eh okay lang naman daw..
noong mga panahon na yun i really thought na may pagkakataon na ako para mahalin siya..
i thought na nag-a-agree na siya sa lahat ng balak ko...

January 24, 2014..
i talked to her parents para ipaalam sa mga ito ang tungkol sa nararamdaman ko para dun sa Espasol..
at para bigyan na rin sila ng ideya tungkol sa kagustuhan kong mas maging expressive about my feelings..
kaso hindi pa daw pwede..
gusto daw muna nilang tuluyang makatapos ng college yung bata, para hindi na ito muling ma-distract..
na kesyo konting oras na lang naman daw yun..
[katulad ba niya yung Stepmom niya, na nagbigay na lang ng sagot para lang matapos na yung usapan..?]
[did she really mean na pwede kong hintayin yung stepdaughter niya..?]
[o sinabi lang ba niya yun, dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan ang lahat, at na maghihintay lang ako para sa wala..?]
[pero bakit nga rin ba niya ako pinaasa..?]
[pwede namang diretsahin na lang nila ako noong mga oras na yun, at sabihin na hindi ako pwedeng manligaw kesyo hindi ako isang Iglesia eh...?]

by January 25, 2014, kinausap ko kaagad siya noong umaga dahil i was worried for her dahil sa kinalabasan ng pag-uusap namin ng Stepmom niya..
i told her what i did..
at sinabi niya sa akin na kinausap nga daw siya ng parents niya o either one of the two, tungkol sa ginawa ko..
at ang thought niya noong bandang hapon, eh kung 'goodbye' na ba daw iyon..
noong mga panahon na yun, hindi pa pumapasok sa isip ko na hindi talaga kami pwede sa isa't isa..
akala ko na yung 'goodbye' na tinutukoy niya is about me losing hope and giving up on her..
pero sa naging dating ng mga pangyayari, mukhang yung 'goodbye' na yun stands for something na hindi niya magagawang baliin..
i was thinking kung religious ba ang basehan nun, o kesyo dangal lang ba ng family nila..
na kesyo magiging kahiya-hiya sila kapag nakipag-relasyon ang kaanak nila sa isang lalaking hindi nila ka-sekta...

by February 27, 2014..
mukhang talagang nakapag-decide na siya..
at final na ang 'goodbye' niya..
meron pa ngang nakapag-comment sa kanya na kung 'i love you, goodbye' ba daw ang ibig sabihin nun..
tapos ni-like naman niya yung comment sa kanya na ganun, which i think is a gesture of confirmation..
naisip ko tuloy na siguro nga gusto niya rin ako, pero hindi lang talaga 'kami' pwede...

February 28, 2014..
may event noon sa campus nung Espasol..
sinita siya ng Stepmom niya nung papunta ito sa tindahan..
alam nito siguro na makikita ko siya sa ganung pagkakataon, at naisip niya na baka magpapapansin lang sa akin yung stepdaughter niya...

March 3, 2014..
mukhang may iniinda na naman noon yung Espasol sa loob-loob niya..
kaya naman kahit na nag-decide na ako na huwag na muna siyang lapit-lapitan noong mga panahon na yun dahil sa kondisyon ng parents niya..
eh i still tried to talk to her, kaso may pupuntahan daw siya noon eh..
tapos noong bandang gabi eh full of regrets daw siya..
naisip ko na nagsisisi siguro siya na hindi pa niya ako kinausap noong umaga..
na baka marami rin siyang gustong sabihin sa akin na hindi naman niya pwedeng sabihin..
na kesyo nanghihinayang siya na hindi pwedeng maging kami, o na ni hindi man lamang namin pwedeng subukan...

March 4, 2014, she mentioned something about wanting to delete her feelings for someone, but it's just too big to get deleted instantly..
naisip ko na gusto na niya akong kalimutan, pero hindi pa rin niya magawa..
March 5, 2014, she mentioned something about missing someone - everyday..
March 10, 2014, her thought was, if only she could be with anyone (just anyone), eh she'd still choose him..
mas naiisip ko na tuloy na baka nga more on religious aspect talaga yung naging conflict between us..
na kung malaya lang sana yung mga miyembro ng simbahan nila na pumili ng taong gusto nilang mahalin - eh magmamahal siya kahit ng isang lalaking hindi naman Iglesia...

March 13, 2014..
napaaga yung graduation gift ko sa kanya..
nag-'thank you' naman siya..
pero ni minsan yata eh hindi pa niya isinuot yung bracelet na yun..
ewan..
baka pinagbawalan siya na gawin yun..
o baka itinapon na lang niya sa basurahan iyon...

March 23, 2014..
finally, naka-graduate na siya..
ang bati kaagad sa kanya nung isa nilang bisita noon eh pwede na daw siyang magka-boyfriend..
buong akala ko na yun na nga yung pinakahihintay kong araw, pero hindi pala ganun yun...

March 25, 2014..
may mga kabarkada akong bumisita dito sa lugar namin..
nasa may labas kami ng kalye noon..
tapos eh lumabas rin siya para bumili sa tindahan..
naisip ko tuloy na baka sinadya niyang siya ang bumili para mag-espiya sa kung sino ang mga kasama at kausap ko noon..
baka kako akala niya na may kausap akong babae..
at para na rin magparamdam sa akin...

March 26, 2014..
she told me na pwede ko nang makuha yung cellphone number niya sa ibang araw, kasi aalis lang siya noon..
buong akala ko na totoo siya sa sinabi niyang iyon..
that night, saka lumabas yung tungkol sa Potassium - na kesyo Pota na nga. Assuming pa..
i'm not sure kung sinong pinapatungkulan niya nun..
if the 19 and K ba na atomic number at chemical symbol has something to do with that person..
pero after ng mga sumunod na pangyayari, parang naukit na rin sa pagkatao ko ang pagiging Potassium..
na siguro nga ako yung tinutukoy niya nun...

March 28, 2014..
tumanggi na siyang ibigay sa akin ang cellphone number niya..
kesyo 'huwag na' daw at 'hindi pwede'...

March 29, 2014..
yun yung day kung kailan ko i-m-in-ove yung Valentine's Day for both of us..
kahit na masama na yung pakiramdam ko sa mga latest development noon eh itinuloy ko pa rin yun para lang malaman ko na ang buong katotohanan..
sa itsura pa lang ng Stepmom niya pagkakita nito sa amin nung delivery guy, eh mukhang tagilid na kaagad ako..
that day b-in-asted niya ako..
or i guess i should say na binigyan ko siya ng dahilan para basted-in na kaagad niya ako..
matipid kasi siya sa mga salita noon eh..
at 'huwag na' at 'hindi pwede' lang talaga yung paulit-ulit niyang sinasabi..
naisip ko na there must be something behind those words..
na kesyo warning yun na huwag ko na lang ituloy yung gusto kong gawin..
na hindi talaga 'kami' pwede..
na wala kaming patutunguhan, at mahihirapan lang kami kung sakaling mapalapit pa kami sa isa't isa...

March 30, 2014, i cut my hair..
at inakala ko nga rin na nagpagupit siya..
April 1, 2014, naisip ko na mas iklian pa yung putol ng buhok ko..
kasi hindi na naman pantay yung nauna kong putol..
at para na rin mas ramdam ko yung pagdadalamhati ko..
parusa ko yun sa sarili ko dahil binuwiset ko lang pala yung babaeng pinaka-gusto ko..
simbolo rin yun nang tuluyang pagkawala ng respeto ko sa aking sarili..
kawalan ng respeto, hindi dahil nabigo ako sa panliligaw ko sa isang babae..
kundi kawalan ng respeto dahil nakagulo lang yung existence ko para sa ibang tao...

April 6, 2014..
a visitor of them mentioned something about having a 'first boyfriend'..
naisip ko tuloy na napaka-swerte ng lalaking magiging first boyfriend nung Espasol...
April 23, 2014..
she posted a heart icon..
at hindi ko naman maalis sa isip ko na isipin na baka para sa akin iyon dahil nakita niya akong nagpapa-walker ng baby noong mga oras na iyon..
April 26, 2014..
'buhok', 'kung pwede na', at 'kawawa naman' yung mga phrases..
naisip ko tuloy na baka pinagkukuwentuhan niya at ng mga bisita nila ang tungkol sa sinapit kong kabiguan sa kamay niya..
at April 28, 2014 naman..
mga thoughts tungkol sa paglandi...
[at sino naman kaya ang nilalandi niya...?]

sa ngayon..
it's either, ayaw na talaga niya akong lapitan nang dahil sa mga nagawa ko for her..
o na pinagbawalan na lahat ng miyembro ng pamilya nila na lumapit sa akin (which is more probable)..
parang imposible naman kasi na iniiwasan na niya akong makita completely eh..
dahil kung ganun - edi dapat hindi na siya lumalabas ng bahay nila kapag alam niyang nasa labas lang ako ng bahay namin (na paminsan-minsan lang naman nangyayari)..
ewan ko, pero pakiramdam ko talaga eh maalin o parehong family at religion na yung rason kung bakit niya ako kailangang ipagtabuyan palayo..
pero ito naman eh yung sarili ko lang version nung istorya...

---o0o---


kahit na ano pang rason mo, i think it's unfair na ni hindi mo man lamang magawang ipaliwanag saken yung ibig sabihin nung 'huwag na' at 'hindi pwede' mong sagot..
considering na umabot na rin nga tayo sa sitwasyon kung saan napaasa mo na rin nga ako..
naging tapat naman ako sa'yo ah..?
kaya kahit na masakit pa ang katotohanan, hindi ba patas lang naman na ipaalam mo sa akin yun..?
hindi tulad ngayon na ginugulo pa rin ako ng mga what if(s) sa isip ko...


Friday, May 2, 2014

A Laptop Sideline - April 26 to Early May 2014 (Ballpen Portrait)

"thou shalt not trust women..."


ballpen portrait ng babaeng pinaka-huli kong nagustuhang mahalin..
done by May 2, 2014, though April ko pa talaga natapos yung karamihan sa lines neto..
ang babaeng nabigyan ko ng masasamang alaala nang dahil lang sa minahal ko siya - kung kaya't pinutol ko yung buhok ko bilang kaparusahan sa mga nagawa ko for her..
isang paalala na hindi dapat pinagkakatiwalaan ang mga babae (lalo na kung Iglesia)..
ang pinaka-huling babaeng dudurog sa puso ko..
sorry talaga kung minahal pa kita... T,T

bale..
maalin na lang 'to sa kung marunong nga ba akong gumuhit o konti lang o hindi talaga..
that way, walang makapagsasabi kung sino ba talaga sa totoong buhay itong Espasol na ginawan ko ng portrait... XD

---o0o---


April 26, 2014...

ewan ko..
mga bandang 2:00 to 4:30 PM noon..
may mga nakatambay sa may terrace nila..
'buhok', 'kung pwede na', 'kawawa naman'..
yun yung mga phrase na narinig ko mula sa kanila..
at dahil isa nga akong Potassium (Pota na nga, na Assuming pa) - eh hindi ko maiwasang isipin na baka ako yung pinagtsi-tsismisan ng mga taong yun..
na kesyo nagputol ako ng buhok ko..
na kesyo nagtanong pa ako dati sa kanya at sa parents niya kung pwede na..
at na kesyo kawawa naman yung kinahantungan ko...

nakakasakit lang ng damdamin na isipin na pinagkukwentuhan ng mga tao yung tungkol sa kabiguan mo..
tapos eh, ni ikaw eh hindi alam kung ano yung mismong dahilan kung bakit ka ba nabigo...

---o0o---


April 27, 2014...

wala naman..
napansin ko lang na medyo maingay sila kapag lumalabas sila ng gate...

antanda ko na..
yung mga ka-edad-an ko eh puros nagsisipakasal na..
samantalang ako eh matagal nang walang girlfriend man lamang..
nakakainggit na tuloy na makitang maligaya ang ibang tao..
pakiramdam ko na sobrang malas ko talaga sa buhay..
hindi ko maiwasan na ikumpara ang sarili ko sa kanila..
na parang sobrang baba ko ng uri ng lalaki..
kaya naman ayoko na munang makakita ng mga taong nagmamahalan...

sa ngayon, hindi na ako naniniwala na meron pang darating na babae para lang magmahal sa isang katulad ko..
na makakakita pa ako nun sakaling mas lalawakan ko pa ang mundo ko..
pare-parehas lang sila..
na gusto yung mga tipo ng lalaking matataas ang 'ihi'..
kepyas lang siguro ang katapat nito eh..
siguro kapag nalaman ko na kung anong pakiramdam na magbabad sa loob ng kepyas ng isang babae..
eh baka sakaling gumaling na ako..
siguro after that, eh magagawa ko na ulit na makisalamuha sa iba...

---o0o---


April 28, 2014...

antagal kong iniiwas ang sarili ko mula sa mga tao para lang maiwasan ko na masaktan ulit ako nung mga magnanakaw at sinungaling na tipo - mga klase ng tao na hinding-hindi ko mapagkakatiwalaan..
tapos yun pala eh sa ganun pa mismong klase ng babae nabihag ang puso ko... T,T

---o0o---


April 29, 2014...

it's been a month since b-in-asted niya ako sa ikalawang pagkakataon..
parang ambagal na ulit ng takbo ng oras simula noong araw na nasaktan ako..
isang buwan na lang at birthday na niya..
naging basura lang tuloy lahat ng mga plano ko for that day..
hindi ko naisip na masyado pala akong ba-basted-in na tipo ng lalaki, para umasa na makakaabot man lamang ako sa kaarawan niya..
hindi na nga ako umabot noong 2013 eh, tapos ganun pa ulit nitong 2014..
such a loser... T,T

madalas napapaisip pa rin ako..
kung bakit nga ba may mga ganung babae na sumasang-ayon na lang para lang matapos na ang usapan..
at kung bakit hindi man lamang sila marunong humingi ng sorry..
i mean, hindi ba talaga ako deserving para sa isang 'sorry'..?
napaasa naman talaga niya ako when she told me na okay lang na subukan ko na ulit na ilapit ang sarili ko sa kanya..
at na ibibigay na 'daw' niya sa akin yung cellphone number niya ah..
sobrang sakit talaga na mapaasa ka ng taong pinaka-gusto mo...

---o0o---


May 1, 2014...

May na naman..
ilang araw na lang at birthday na niya ulit..
simula noong marinig ko yung mga bagay na 'yun' noong April 26, eh hindi ko na naman maiwasan nang husto na silip-silipin siya...

kailan ba kasi siya matatanggap sa trabaho..?
sana naman malapit na..
tapos sana eh hindi na rin siya bumisi-bisita dito sa lugar namin..
para hindi ko na ulit siya makita..
para tuluyan ko na siyang makalimutan..
o di kaya, eh sana aksidente siyang mabuntis ng kung sinong pinagmamalaki niya o nilang Iglesia..
para hindi ko na siya hangarin..
para bumaba na yung tingin ko sa kanya - na parang isang gamit na babae...

---o0o---


May 2, 2014...

oo nga pala..
pansamantala na ulit na nagbukas ng tindahan yung kapitbahay ng Espasol na nasa tapat din ng bahay namin..
meaning, malapit na ulit sa kanila yung bilihan ng mga softdrinks..
hindi ko pa sigurado, pero mukhang hindi na sila nagbebenta ng yelo eh..
kaya mas mao-obserbahan ko ngayon kung ano na ang strategy na gagawin nila para lang makaiwas sa mga ice encounter..
natiis nila ako sa buong buwan ng April..
makikita naten ngayon kung hanggang kailan nila kayang magmatigas at manindigan sa pag-iwas nila sa akin...

---o0o---


May 3, 2014...

it's been a year naman since the first time she rejected me...


Budgies Update: April 16 & 23, 2014 - New Budgies (Again)

okay..
dahil sobrang naaasar ako sa kinahahantungan ng kagustuhan kong magparami ng mga budgies..
eh are, nag-decide akong sumugal sa huling pagkakataon - provided na totoong mga babaeng budgies nga yung huli kong mga nabili...

as of April 16, 2014...

heto si Yellow-Albino..
i think albino siya kasi pula yung mga mata niya..
siya rin yung pinaka-maliit sa mga ibon ko sa ngayon kahit na mukhang lampas na ng 1-year old yung mga nabili kong bago...


heto naman si Yellow-Brown..
nagustuhan kaagad siya ni Yellow-Girl (na eventually eh lumabas na lalaki naman pala), so i hope na totoong babae nga areng natipuhan niyang maging kaparehas...


at are naman, as of April 23, 2014...

binisita ko ang mga budgies ko noong umagang iyon..
hindi ko pa kaagad napansin na may duguan na pala sa kanila..
una ko pang napansin na parang may maliit na red marking sa bandang likuran ng kulungan ng mga ibon..
akala ko wala lang iyon, pero nang mailibot ko ang paningin ko eh saka ko napansin na andami pala nung nagkalat na dugong iyon..
pinagmasdan ko ang bawat budgie ko, at nadiskubre ko nga na may dugo sa may kanang pakpak ni Yellow-Girl..
may pagka-agresibo rin silang dalawa noon ni Yellow-Boy habang habol sila nang habol sa halos bagong salta lamang na si Yellow-Brown..
inakala ko noon na titigil o tumigil na sila sa kanilang bangayan, so pumasok na muna ako sa loob ng bahay para magpalit ng kanilang inuming tubig...

pero laking gulat ko nang balikan ko na sila..
dahil mukhang nagsimula na ulit magdugo yung sugat ni Yellow-Girl, at medyo marami na rin nga yung mga patak nito sa may ilalim ng kanilang kulungan..
at wala na namang tigil sa bangayan ang mag-batchmate na sina Yellow-Girl at Yellow-Boy..
though hindi ko naman talaga nakita kung sinong kumagat sa pakpak nung isa (siya pa naman yung pinakamalaking budgie sa kanilang apat sa ngayon)..
dahil dun, nag-decide ako na paghiwalayin na muna ulit ang mga ibon ko..
sina Yellow-Girl at Yellow-Brown sa may left side ng kulungan, at sina Yellow-Boy at Yellow-Albino naman sa may right side..
sana lang tama na yung ginagawa ko this time...

matigil na sana ang mga kamalasan ko sa buhay na idinadamay maging ang mga alaga ko... T,T