Saturday, May 17, 2014

Watchmen

Watchmen..
matagal ko nang gustong mapanood ang movie na 'to..
pero this week ko lang siya napanood (care of TV5)...

tungkol yung istorya sa grupo ng mga heroes (superheroes) na may kani-kaniyang ideya tungkol sa pagkakamit ng tunay na kapayapaan, at katarungan..
ipinakita dito kung paano napagbago ng mga hero ang buong mundo sa pamamagitan ng 'pagtatakip' sa katotohanan ng kung ano ang nararapat (parang white lie)..
kinapalooban yung istorya ng isang tuso at malaki o malawakang evil plot, at milyon-milyong buhay ang isinakripisyo para makamit ang layunin nito..
maging ang pagkakaibigan at pagsasamahan eh naisakripisyo rin dito..
lahat ng iyon, para lang makamit ang kapayapaan at pagkakaisa ng buong mundo...

pero siyempre, nag-iwan rin yung writer ng mga butas dun sa istorya para papag-isipin yung mga manononood..
gaya na lang ng, kung gaano ba magtatagal yung kapayapaan na ibinunga nung plano ng isa sa mga hero...?

gusto ko yung isa sa mga naging mensahe dun sa movie..
na mas mahalaga pa rin ang 'mundo' kesa sa buhay ng mga tao..
dahil siyempre, kung masira na nang tuluyan o mawala ng ang mundo - eh saan na lang pupulutin ang lipi ng sangkatauhan...?


No comments:

Post a Comment