Happy 21st Birthday!
nakakalungkot..
alam ko nga ang birthday mo, kaso hindi naman kita pwedeng batiin nang personal - kaya wala ring silbi..
kaya ibabato ko na lang online lahat ng gusto ko pang sabihin sa'yo..
kahit na gaano ko pa katagal matandaan yang kaarawan mo, eh wala na rin naman akong magagawa na para sa'yo..
baka mamaya niyan eh maging masamang alaala lang para sa'yo yung effort ko..
yung pambili ko sana ng surprise gift ko para sa'yo eh ginasta ko na lang noon sa ibang bagay dahil sa sobrang depressed ko..
medyo matagal ko na ring balak yung white wedge na yun..
' doon' kasi kita naaalala..
pero kinailangan kong i-abort na lang yung plano, tutal eh hindi ko na rin naman nakuha yung shoe size mo eh..
wala ng rason para tumanggap ka pa ng mga bagay na hindi mo naman maa-appreciate..
inubos ko na rin yung pang-date at pang-akyat ng ligaw ko sana sa'yo..
tutal eh ayaw mo naman akong hayaan na maipakita man lamang sa'yo kung gaano na kita kamahal eh...
at ang wish ko para sa'yo..
sana pahalagahan ka nang tama nung masuwerteng lalaking nagugustuhan mo..
at sana - mawala na rin nang tuluyan itong nararamdaman ko para sa'yo..
kasi ayoko na mabigat yung loob ko towards you..
ayoko nang magtampo sa'yo dahil lang sa ayaw mong ipaliwanag nang husto
kung bakit 'huwag na' lang, kung bakit 'hindi pwede', at kung bakit
ayaw mo talaga akong papasukin diyan sa buhay mo..
ayokong maging bangungot pa sa paningin mo itong nararamdaman kong pagmamahal para sa'yo..
kaya kikimkimin ko na lang ulit 'to dito sa puso ko..
para hindi na kita muli pang maabala..
at aasa ako na kusa na lang 'tong kukupas sa paglipas ng panahon...
ang totoo..
you've made the right decision - na hindi na lang ako i-entertain..
hindi lang dahil sa hindi naman ako miyembro ng sekta ninyo..
pero dahil ang totoo eh - wala naman talaga akong sektang
kinabibilangan (which for most people seem worse, kesa sa pagiging
magkaiba ng relihiyon)..
besides, wala rin naman talaga akong kakayahan na maging consistent with regards to my feelings..
i fell in love with you sa maling pagkakataon..
marami pa akong isyu sa buhay ko, at wala talaga akong kakayahan na magmahal..
i might be able to love you for a long time..
pero, it doesn't mean na makakaya ko yung ipakita at ipadama pa sa'yo -
na kasing haba nang kung gaano kita makakayang mahalin..
i never meant na pasagutin ka para maging girlfriend ko..
yung 'panliligaw' was just a much easier term to use, kasi one word lang siya..
but unlike the real meaning of courtship, eh hindi na ako naghahabol sa isasagot mo..
dahil financially speaking, wala akong kakayahang mag-maintain ng isang relationship..
when i told your Stepmom na gusto ko nang ipakita sa'yo kung gaano ka
na kahalaga para sa akin - yun lang talaga yung ibig kong sabihin noon..
i wasn't after anything in return..
ginusto kong iparamdam sa'yo kung gaano na kita kamahal, and it would only last for about 4 months..
dahil yun lang yung makakayanan ng savings ko, tsss..
hindi ko na k-in-onsider yung mararamdaman mo in the event na bigla na
lang akong tumigil, kasi kampante na ako na hindi ka naman mai-inlove sa
akin eh..
i wanted to know you better..
i wanted to court you at home..
i wanted to ask you out on a date..
i wanted to see you in your best dress - in your best form..
i wanted to hold your hands for a while..
i wanted to know how it feels like to hug you..
i wanted to be vocal about my feelings for you..
pero wala nang natupad ni isa man sa mga iyon...
kahit na parang imposible pa 'tong mangyari sa ngayon..
sana hindi na ulit mag-krus yung mga landas natin..
sana matanggap ka na kung saan ka man nag-a-apply ng trabaho, at hopefully sa malayo yun..
para you'll spend less time na lang dito sa lugar kung saan tayo nagkakilala..
kung pwede nga sana eh sa ibang lugar ka na lang mag-stay, para hindi na talaga tayo magkita pang muli..
para hindi mo na maalala na minsan kang minahal ng isang nakakarumi at panggulong katulad ko..
ingatan mo na lang sana parati ang sarili mo...
— feeling , sana balang araw makalimutan ko na kung anong meron sa araw na 'to...
No comments:
Post a Comment