Friday, May 16, 2014

A Laptop Sideline - First Half of May 2014 (Reconnaissance)

May 5, 2014...

spotted her sa malapit na tindahan by 9:22 AM..
may mga pagkakataon talaga na nae-emphasize nang husto yung dibdib niya...

---o0o---


May 7, 2014...

nagpunta sa malapit na tindahan by 11:57 AM..
maingay na naman sila...

---o0o---


May 8, 2014...

mga 7:44 AM, galing yata siya sa malapit na tindahan..
bago yun eh mukhang na-interview pa siya ng biological demon sperm donor ko..
bakit daw naka-salamin na sa mata yung Espasol..?
sumagot naman yung bagets na malabo na daw kasi ang mata niya...

mga 11:05 NN naman, nasa malapit na tindahan pala sila ng Stepmom niya..
sakto naman na kinailangan kong magbukas ng gate sa kabilang bahay..
dedma na lang, kesa naman pagtawanan pa nila akong magnanay-nanayan...

---o0o---


May 9, 2014...

before 11:22 NN, nasa malapit na tindahan na naman siya..
saktong kinailangan ko namang mag-check ng mga pinabubuo kong yelo sa kabilang bahay..
tapos biglang may nagsabi mula doon sa direksyon ng tindahan na 'nakita na naman niya'..
ano naman kaya yun...??

by 6:15 PM naman..
andun pala ulit siya sa malapit na tindahan..
saktong may kliyente naman ako sa yelo sa may gate namin kaya ko siya nakita...


mukhang malapit ko nang makuha yung mga kasagutan sa mga tanong ko..
kailangan ko na lang ng dalawa pang taong makakausap..
at base dun sa nauna, eh mali ang assumptions ko (as in Potassium nga ako)..
hindi pa rin ako makapaniwala na coincidence lang ang lahat..
na nagkataong parang parallel na parallel lahat ng mga naging aksyon ko para dun sa Espasol, dun sa mismong istorya nila nung Luckiest Guy on Earth niya..
oo tama, unfortunately may iba na ngang nagugustuhang guy yung Espasol..
meaning, talagang nagsinungaling siya sa akin simula pa lang noong unang beses kaming magkakilala..
napakadali lang namang magdispatsa ng lalaki kung tutuusin eh, just tell him na may iba ka nang nagugustuhan at wala kang panahon para sa kanya o na magsasayang lang siya ng oras sa'yo - tapos ang pulong!
hindi yung sasabihin mo na wala pa namang magagalit, o na pwede ka pang lumapit sa kanya..
isa 'tong malaking patunay na hindi mo madadaan sa pagpupursige ang lahat ng bagay...

nakakaasar na kung kailan ko nadi-diskubre ang tungkol sa mga bagay na 'to, eh saka naman umaapela ang FATE para pagtagpuin ang mga landas namin..
May 8 and May 9, 2014, parati ko na lang siyang nadadatnan doon sa tindahan sa tapat namin sa tuwing pupunta ako sa kabilang bahay..
sinusubukan ko na ngang itaon kung kailan alam kong wala siya sa labas ng poder nila eh, pero nagugulat na lang ako na saktong tuwing lalabas na ako ng gate namin eh andun pala siya sa tindahan..
wala lang, nakakapanliit lang ng tingin sa sarili kapag ramdam mo parati yung presence ng babaeng bumigo at pumahiya sa'yo..
na parang pakiramdam mo na pinagtatawanan ka lang niya nang dahil sa pagpapakatanga mo sa kanya sa tuwing nakikita ka niya...
 
— feeling , Potassium...

---o0o---


May 10, 2014...

mga before 10:45 AM..
pumunta ako sa kabilang bahay..
tapos halos kasunod ko lang siya na lumabas ng gate nila..
magpapa-load yata doon sa malapit na tindahan eh..
pero dedma na lang rin..
ayoko nang makita niya akong tumitingin sa kanya...

ano ba talagang meron..?
bakit ba kasi kung kailan certified basted na ako, eh saka naman kami pinagtatagpo nang pinagtatagpo ng FATE..?
parang nang-aasar lang eh...?


pabulusok, paibaba - yun na lang ang natitirang direksyon para sa nalalabi kong buhay... 
— feeling , na-frame up ng FATE para maging isang Potassium...

---o0o---


May 11, 2014...

lagot!
may yelo na pala ulit na binibenta dun sa malapit na tindahan..
siguro pamilya nila ang nag-request na magbenta na ulit ang mga yun ng yelo, dahil ayaw na nilang muling lumapit sa akin..?
wala na, basag na!
sira na talaga ang pagsubok ko kung makakaya pa ba ulit nilang lumapit sa akin...


minsan iniisip ko..
siguro kung nagtagumpay akong makatakas sa mala-impiyernong bahay na 'to, kung hindi sana dahil dun sa kasumpa-sumpang araw na iyon..
siguro guwapo na sana ako ngayon...

guwapo as in - may wheels (kahit na motorsiklo lang siguro, kahit na ni hindi pa nga ako marunong mag-bike)..
guwapo as in - de-collar yung trabaho (kahit na corporate slave pa)..
guwapo as in - yung tipo ng lalaki na parating may mabubunot na pera tuwing kinakailangan o kailangan niyang magpasikat...

kung naging guwapo lang sana ako..
edi siguro may nagmamahal na sana sa aking babae sa ngayon... T,T
 
— feeling , parati na lang may ibang gusto yung babaeng nagugustuhan ko...

---o0o---


May 13, 2014...

mga before 5:32 PM..
saktong punta ko sa kabilang bahay dahil sa daily routine ko ng pamamaslang ng mga lamok doon..
halos kasunod ko naman siya noon, nagpunta siya sa malapit na tindahan..
tapos parang nagbiruan pa sila nung tumatao noon sa tindahan..
ilang saglit lang eh kinailangan ko ulit na lumiban pabalik sa bahay namin dahil may bumili ng yelo..
tapos halos kasabay ko na ulit siyang lumabas noong bumalik na ako sa kabilang bahay...

---o0o---


May 14, 2014...

by 9:48 AM, sa malapit na tindahan..
naka-basic ponytail, red frame glasses, white printed tee, knee-high shorts, at some flops..
brusko siyang tingnan sa ganitong porma, at mukhang mas mataba...

---o0o---


May 15, 2014...

it has been a year naman since v-in-erify ko in person, mula mismo sa kanya, yung naging first rejection niya sa akin...

by 11:42 NN, halos kababalik lang nila noon galing sa pagsamba..
pumunta siya sa malapit na tindahan..
tapos saktong may binentahan naman ako ng yelo..
kaya tuloy nakita ko na naman siya..
medyo nakabihis pa siya noon, kaya inakala ko na baka aalis ulit sila ng bahay...

by 3:46 PM, nagkamali ako ng akala, andito lang pala siya (sila ng mga half-siblings niya siguro)..
ilang araw na ring naiiwan ang mga bata sa bahay nila..
magaganda sanang pagkakataon ang mga yun, kung nasunod lang sana ang mga plano ko..
pero wala nang silbi ang mga yun sa ngayon - dahil hindi na niya talaga ako hahayaang makalapit pa sa kanya...

meron ring anonymous number na nagte-text sa akin sa lately..
babae eh, kaya hindi ko alam kung nagkataon lang, o kung may nanti-trip lang sa akin sa mga kakilala ko..
basta, nakakailang araw na siyang nakikipag-usap sa akin eh...

tapos noong gabi na..
bakit parang may kaharutan yata siya doon sa may tindahan..?
o si Half-brother lang ba niya yung kausap niya...?


totoo..
hindi ko na naman siya magawang pulidong iwasan lately..
gaya ng nasabi ko, nakikita ko pa rin siya kahit na sa mga hindi inaasahan na pagkakataon..
para lang 'tong yung research ko noong college eh..
mararamdaman mo lang yung pakiramdam na 'yun' habang nariyan sa paligid mo yung stimulus..
pero kapag nawala na siya, unti-unti na ring huhupa yung damdamin na yun..
hindi siya necessarily na mawawala na lang..
minsan nagiging dormant lang siya, na posible ulit ma-activate once na magtagpo na ulit yung mga landas ninyo nung taong gusto mo...

pero kailan nga ba siya aalis sa lugar na 'to..?
sana malapit na..
gusto kong matahimik na ako...

---o0o---


May 17, 2014...

wala..
iniimbestigahan ko nga yung nangyari sa akin..
akala ko madali na lang yun kapag nakapag-establish na ako ng mga koneksyon..
kaso hindi rin pala..
hindi ko alam kung talagang busy lang ba ang mga tao..?
kung mga cellphone lang ba nila ang gamit nila sa pag-i-internet..?
kung ayaw lang nilang makipag-usap sa mga taong hindi naman nila kakilala sa personal..?
o kung ayaw lang talaga nilang tumulong sa ibang tao kahit gaano pa ito magmakaawa...

mahigit isang linggo na rin ang itinatakbo ng imbestigasyon kong ito..
pero konting data pa lang yung nakokolekta ko..
ewan ko nga ba kung bakit curious na curious pa rin ako tungkol sa mga bagay-bagay..
dalawa lang naman talaga yung major concern ko kung bakit ko pa 'to ginagawa eh:
- gusto kong malaman kung ano ba yung naging impact ng mga ginawa ko para sa Espasol (kung totoo bang puros masasamang alaala lang yung dinulot ko sa kanya), para malaman ko kung hanggang kailan ko ba kailangang parusahan ang sarili ko nang ganito
- at ikalawa, kung sino at anong klase ba ng lalaki yung hinayupak na Luckiest Guy on Earth na yun

kaso..
parang wala talagang willing na magbigay ng mga kasagutan o ideya sa akin eh...
 
— feeling , Detective Conan

---o0o---


hindi totoo ang mga sinasabi ng ibang tao..
dahil kung ano yung pinagdaraanan mo sa buhay - yun lang ang totoo para sa'yo..
hindi puwerket iisa kayo ng mundong nilalakaran eh parehas na ang magiging trato sa inyo ng buhay..
kung basura ka - edi basura ka..
pero kung hindi naman - edi pasalamat ka...


No comments:

Post a Comment