Friday, May 9, 2014

Letter for the Espasol #2 (May 4, 2014 - Gawa-gawang Istorya)

well, although base naman sa mga nakalap kong data ang script na 'to..
eh 'gawa-gawa' lang siya since wala namang gustong mag-validate sa alinman sa kanila..
ewan ko..
sobrang sakit na kasi eh, at parang hindi na siya matatanggal hanggang hindi rin nawawala sa malapit sa akin yung Espasol..
base naman kasi sa mga past experiences ko, eh nakaka-recover rin naman ako mula sa MGA kabiguan once na mawala o mapalayo na ako mula dun sa stimulus...

wala lang..
parang mas magaan lang kasi na i-digest 'tong script ko na 'to..
everytime na may nakukuha o nao-overhear akong information mula sa kanila..
mag-e-evaluate ako, at naiisip ko na sana nga ganito lang talaga yung nangyari...

yung mga thoughts na naka-enclose sa [] are not essential parts of this gawa-gawang istorya..
sinulat ko lang sila para ipakita yung kasalungat ng mga bagay na gusto ko sanang mangyari at paniwalaan na sila namang nangyari sa totoong itinakbo ng love story ko...


September 27, 2011 pa lang napukaw na nung bata ang interes ko..
ang mga tao kasi, madalas pinagbibintangan ako na kesyo nalaman ko lang daw na nagkagusto o nagka-crush sa akin ang isang babae kaya ko lang ito nagustuhan din...

by the end of March 2013, and because of her Sunday dress..
na-realize ko na lang na nahulog na nga ako para sa kanya... 

by early April 2013 nagsimulang maglabasan yung mga biro ng half-siblings niya..
gusto kong isipin na ako nga yung crush niya noong mga panahon na yun (due to a certain data na sa near future ko pa malalaman)..
gusto kong isipin na i was one of the reason kung bakit gusto niya noon ng mga ice encounter..
gusto ko ring isipin na ako nga yung binabati ng busina ng kotse nila nang minsang magkasalubong kami sa daan..
[pero bakit biglang nagkaganun..?]
[noon eh parang okay lang sa kanila yung isyu nung crush, pero noong gusto ko nang mas makilala yung kapamilya nila, eh parang biglang nanlamig at nandiri na silang lahat sa akin...?]

April 22, 2013 nga noong magkakilala na kami..
pero May 3, 2013 pa lang eh tinanggihan na niya yung effort ko to get to know her more...

May 9, 2013 (heto na yung near future na tinutukoy ko)..
dumating na nga yung data na lubusang gumulo sa takbo ng mga pangyayari..
magiging manugang..?
eh bakit naman lalabas yung ganung klase ng biro kung wala naman talaga yung pinaghugutan..?
ano yun? napag-trip-an lang nilang sabihin sa demon biological sperm donor ko out of nowhere..?
nag-ipon ako ng lakas ng loob para alamin yung totoo mula mismo sa kanya..
pero noong May 15, 2013, mas pinangatawanan pa rin niya yung sinabi niya sa akin online at wala man lamang binigay na paliwanag...

from May 22 to 30, 2013, parang may iniinda  siya sa puso niya..
like something na natapos, just because inevitable na matapos yun..
na para yung isang bagay na walang patutunguhan, kaya mas maige na lang na ganun na lang ang mangyari..
gusto kong isipin na ako yun..
na gusto nga rin niya ako, but there's just something, a reason kung bakit hindi pwede yung love team namin..
[kung anuman yung rason na yun, hindi ko alam kung bakit ganun na lang yung paninindigan niya..]
[na willing siyang pakawalan ang lalaking gusto niya, para lang sa bagay na yun...]

June 22, 2013..
s-in-end ko sa kanya yung supposedly last message ko for her online..
last message na sana yun provided na sinagot at nilinaw lang niya lahat nung mga naging katanungan ko doon..
nakita niya yun during that same day..
after that parang naging iritable yung dating ng mga thoughts niya..
tapos by July 8, 2013 pa siya nag-reply..
sobrang ikli lang na reply na parang ang dating eh 'tama na! dahil ayoko nang guluhin mo pa ang isip ko!'..
nakakapagtaka lang kasi na nakita niya na yung message ko noong mismong araw na s-in-end ko yun sa kanya..
but it took her almost 16 days para lang magbigay ng kasagutan..
and to think na parang may itinatago talaga yung dating ng sagot niya sa akin..
the following day, she blocked me..
ang totoo hindi pa niya kaagad ginawa yun after niyang mabasa yung suggestion ko..
siguro pinag-isipan niya rin muna yung bagay na yun..
at sa ganung paraan, naputol na niya yung madaling paraan ko ng communication with her...

July 27, 2013..
may mga bisita sila sa bahay nila..
narinig ko lang na parang may nagbibiruan sa poder nila ng tungkol sa yelo..
pero hindi naman talaga sila bumili nun noong araw na yun..
tapos noong bandang hapon eh may nagsabi na kesyo maggagawa daw ng sariling relihiyon..
naisip ko na ganun bang klase yung sekta nila na minsan eh parang naiisip rin nilang iwanan..?
pero noong time (2014 na 'to) na may lumabas na sa showbiz news na tungkol sa conflict sa relationship with respect to that Iglesia ni Cristo na sekta..
eh naisip ko na baka yun yung dahilan kung bakit nagkaroon sila ng mga hirit tungkol sa paggagawa ng sariling relihiyon...

August 15, 2013..
noon na lang siya ulit bumili sa bahay matapos ang mga nangyari sa pagitan namin..
hindi ako ang nakita at nag-asikaso sa kanya noon..
she had a thought na parang patungkol sa naging ice encounter niya..
and she also mentioned na parang masakit sa dibdib..
naisip ko noon na baka nahihirapan rin siya sa ginagawa niyang pag-iwas sa akin..
na baka akala niya noon na ayoko na kaagad sa kanya kung kaya't hindi ako ang humaharap sa kanya..
August 16, 2013 naman..
may thought siya na nagsasabi na kesyo sana naiintindihan mo kung bakit ganito..
naisip ko tuloy na baka may mabigat na rason kung bakit hindi niya ako pwedeng papasukin sa buhay niya..
may dalawa pang ice encounter na dumaan na hindi ako yung humarap sa kanya..
na parang ang FATE mismo eh ayaw na pagtagpuin na ulit kami..
at September 14, 2013 na nang muli kaming magkaroon ng ice encounter...

noong first half ng September 2013, parang may iniinda siya sa puso niya noon..
kaya noong September 27, 2013, nagpadala ako ng roses sa kanya..
para lang maramdaman niya that she's being appreciated naman kahit na papaano..
and also to celebrate yung 2 years na dumaan mula noong makuha niya ang atensyon ko..
parang okay naman ang mga pangyayari noon, siguro dahil na rin sa anonymous yung ginawa kong pagpapadala nung flowers..
there was no violent reaction from anyone..
most of the girls told her na sweet naman daw yung ginawa ko for her..
tapos si Sir naman eh wala nang nagawa, since they were all clueless kung kanino nanggaling yung flowers...

October 6, 2013..
may mga bisita na naman sila sa bahay nila..
i thought na pinag-uusapan nila ako since they mentioned something na ako lang yung gumawa o may hawak during that time..
naisip ko tuloy na baka ibinibida na naman niya o nila ako sa kanilang mga kakilala..
na kesyo ako yung lalaking patay na patay sa kanya...

December 15, 17, and 18, 2013 naman..
may mga thoughts na naman na parang patungkol sa akin..
na kesyo mas matangkad pa sa akin ang pride ko (alam ko namang bansot ako eh)..
na kesyo she cares, but is only pretending not to..
at tungkol sa isang bagay na natapos na, na kesyo hindi yun dapat iyakan, bagkus eh dapat ikasiya dahil kahit papaano eh nangyari pa rin...

sa pagpasok ng January 2014, nag-decide ako na magsimula ulit..
na kesyo wala nang gamitan ng mga data na nakuha ko na dati..
na kesyo ang goal is to express na lang yung feelings na naipon dito sa puso ko...

January 12, 2014..
medyo pinahagingan ko siya about having a boyfriend..
and she told me na echos lang daw yun..
i was glad, na after all that happened at matapos ang lahat ng mga nasayang na panahon - eh wala pa ring nagmamay-ari ng puso niya..
January 18, 2014..
i personally asked her kung may magagalit na ba sakaling subukan ko na ulit na ilapit ang sarili ko sa kanya..
i did that to verify yung sagot na ibinigay niya sa akin noong January 12..
and to make sure na hindi pa naka-reserba para sa iba ang puso niya..
wala naman daw magagalit, that is aside from her and her dad..
yung tungkol sa Tatay niya, edi kausapin ko daw iyon..
tas kung siya naman ang tatanungin, eh okay lang naman daw..
noong mga panahon na yun i really thought na may pagkakataon na ako para mahalin siya..
i thought na nag-a-agree na siya sa lahat ng balak ko...

January 24, 2014..
i talked to her parents para ipaalam sa mga ito ang tungkol sa nararamdaman ko para dun sa Espasol..
at para bigyan na rin sila ng ideya tungkol sa kagustuhan kong mas maging expressive about my feelings..
kaso hindi pa daw pwede..
gusto daw muna nilang tuluyang makatapos ng college yung bata, para hindi na ito muling ma-distract..
na kesyo konting oras na lang naman daw yun..
[katulad ba niya yung Stepmom niya, na nagbigay na lang ng sagot para lang matapos na yung usapan..?]
[did she really mean na pwede kong hintayin yung stepdaughter niya..?]
[o sinabi lang ba niya yun, dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan ang lahat, at na maghihintay lang ako para sa wala..?]
[pero bakit nga rin ba niya ako pinaasa..?]
[pwede namang diretsahin na lang nila ako noong mga oras na yun, at sabihin na hindi ako pwedeng manligaw kesyo hindi ako isang Iglesia eh...?]

by January 25, 2014, kinausap ko kaagad siya noong umaga dahil i was worried for her dahil sa kinalabasan ng pag-uusap namin ng Stepmom niya..
i told her what i did..
at sinabi niya sa akin na kinausap nga daw siya ng parents niya o either one of the two, tungkol sa ginawa ko..
at ang thought niya noong bandang hapon, eh kung 'goodbye' na ba daw iyon..
noong mga panahon na yun, hindi pa pumapasok sa isip ko na hindi talaga kami pwede sa isa't isa..
akala ko na yung 'goodbye' na tinutukoy niya is about me losing hope and giving up on her..
pero sa naging dating ng mga pangyayari, mukhang yung 'goodbye' na yun stands for something na hindi niya magagawang baliin..
i was thinking kung religious ba ang basehan nun, o kesyo dangal lang ba ng family nila..
na kesyo magiging kahiya-hiya sila kapag nakipag-relasyon ang kaanak nila sa isang lalaking hindi nila ka-sekta...

by February 27, 2014..
mukhang talagang nakapag-decide na siya..
at final na ang 'goodbye' niya..
meron pa ngang nakapag-comment sa kanya na kung 'i love you, goodbye' ba daw ang ibig sabihin nun..
tapos ni-like naman niya yung comment sa kanya na ganun, which i think is a gesture of confirmation..
naisip ko tuloy na siguro nga gusto niya rin ako, pero hindi lang talaga 'kami' pwede...

February 28, 2014..
may event noon sa campus nung Espasol..
sinita siya ng Stepmom niya nung papunta ito sa tindahan..
alam nito siguro na makikita ko siya sa ganung pagkakataon, at naisip niya na baka magpapapansin lang sa akin yung stepdaughter niya...

March 3, 2014..
mukhang may iniinda na naman noon yung Espasol sa loob-loob niya..
kaya naman kahit na nag-decide na ako na huwag na muna siyang lapit-lapitan noong mga panahon na yun dahil sa kondisyon ng parents niya..
eh i still tried to talk to her, kaso may pupuntahan daw siya noon eh..
tapos noong bandang gabi eh full of regrets daw siya..
naisip ko na nagsisisi siguro siya na hindi pa niya ako kinausap noong umaga..
na baka marami rin siyang gustong sabihin sa akin na hindi naman niya pwedeng sabihin..
na kesyo nanghihinayang siya na hindi pwedeng maging kami, o na ni hindi man lamang namin pwedeng subukan...

March 4, 2014, she mentioned something about wanting to delete her feelings for someone, but it's just too big to get deleted instantly..
naisip ko na gusto na niya akong kalimutan, pero hindi pa rin niya magawa..
March 5, 2014, she mentioned something about missing someone - everyday..
March 10, 2014, her thought was, if only she could be with anyone (just anyone), eh she'd still choose him..
mas naiisip ko na tuloy na baka nga more on religious aspect talaga yung naging conflict between us..
na kung malaya lang sana yung mga miyembro ng simbahan nila na pumili ng taong gusto nilang mahalin - eh magmamahal siya kahit ng isang lalaking hindi naman Iglesia...

March 13, 2014..
napaaga yung graduation gift ko sa kanya..
nag-'thank you' naman siya..
pero ni minsan yata eh hindi pa niya isinuot yung bracelet na yun..
ewan..
baka pinagbawalan siya na gawin yun..
o baka itinapon na lang niya sa basurahan iyon...

March 23, 2014..
finally, naka-graduate na siya..
ang bati kaagad sa kanya nung isa nilang bisita noon eh pwede na daw siyang magka-boyfriend..
buong akala ko na yun na nga yung pinakahihintay kong araw, pero hindi pala ganun yun...

March 25, 2014..
may mga kabarkada akong bumisita dito sa lugar namin..
nasa may labas kami ng kalye noon..
tapos eh lumabas rin siya para bumili sa tindahan..
naisip ko tuloy na baka sinadya niyang siya ang bumili para mag-espiya sa kung sino ang mga kasama at kausap ko noon..
baka kako akala niya na may kausap akong babae..
at para na rin magparamdam sa akin...

March 26, 2014..
she told me na pwede ko nang makuha yung cellphone number niya sa ibang araw, kasi aalis lang siya noon..
buong akala ko na totoo siya sa sinabi niyang iyon..
that night, saka lumabas yung tungkol sa Potassium - na kesyo Pota na nga. Assuming pa..
i'm not sure kung sinong pinapatungkulan niya nun..
if the 19 and K ba na atomic number at chemical symbol has something to do with that person..
pero after ng mga sumunod na pangyayari, parang naukit na rin sa pagkatao ko ang pagiging Potassium..
na siguro nga ako yung tinutukoy niya nun...

March 28, 2014..
tumanggi na siyang ibigay sa akin ang cellphone number niya..
kesyo 'huwag na' daw at 'hindi pwede'...

March 29, 2014..
yun yung day kung kailan ko i-m-in-ove yung Valentine's Day for both of us..
kahit na masama na yung pakiramdam ko sa mga latest development noon eh itinuloy ko pa rin yun para lang malaman ko na ang buong katotohanan..
sa itsura pa lang ng Stepmom niya pagkakita nito sa amin nung delivery guy, eh mukhang tagilid na kaagad ako..
that day b-in-asted niya ako..
or i guess i should say na binigyan ko siya ng dahilan para basted-in na kaagad niya ako..
matipid kasi siya sa mga salita noon eh..
at 'huwag na' at 'hindi pwede' lang talaga yung paulit-ulit niyang sinasabi..
naisip ko na there must be something behind those words..
na kesyo warning yun na huwag ko na lang ituloy yung gusto kong gawin..
na hindi talaga 'kami' pwede..
na wala kaming patutunguhan, at mahihirapan lang kami kung sakaling mapalapit pa kami sa isa't isa...

March 30, 2014, i cut my hair..
at inakala ko nga rin na nagpagupit siya..
April 1, 2014, naisip ko na mas iklian pa yung putol ng buhok ko..
kasi hindi na naman pantay yung nauna kong putol..
at para na rin mas ramdam ko yung pagdadalamhati ko..
parusa ko yun sa sarili ko dahil binuwiset ko lang pala yung babaeng pinaka-gusto ko..
simbolo rin yun nang tuluyang pagkawala ng respeto ko sa aking sarili..
kawalan ng respeto, hindi dahil nabigo ako sa panliligaw ko sa isang babae..
kundi kawalan ng respeto dahil nakagulo lang yung existence ko para sa ibang tao...

April 6, 2014..
a visitor of them mentioned something about having a 'first boyfriend'..
naisip ko tuloy na napaka-swerte ng lalaking magiging first boyfriend nung Espasol...
April 23, 2014..
she posted a heart icon..
at hindi ko naman maalis sa isip ko na isipin na baka para sa akin iyon dahil nakita niya akong nagpapa-walker ng baby noong mga oras na iyon..
April 26, 2014..
'buhok', 'kung pwede na', at 'kawawa naman' yung mga phrases..
naisip ko tuloy na baka pinagkukuwentuhan niya at ng mga bisita nila ang tungkol sa sinapit kong kabiguan sa kamay niya..
at April 28, 2014 naman..
mga thoughts tungkol sa paglandi...
[at sino naman kaya ang nilalandi niya...?]

sa ngayon..
it's either, ayaw na talaga niya akong lapitan nang dahil sa mga nagawa ko for her..
o na pinagbawalan na lahat ng miyembro ng pamilya nila na lumapit sa akin (which is more probable)..
parang imposible naman kasi na iniiwasan na niya akong makita completely eh..
dahil kung ganun - edi dapat hindi na siya lumalabas ng bahay nila kapag alam niyang nasa labas lang ako ng bahay namin (na paminsan-minsan lang naman nangyayari)..
ewan ko, pero pakiramdam ko talaga eh maalin o parehong family at religion na yung rason kung bakit niya ako kailangang ipagtabuyan palayo..
pero ito naman eh yung sarili ko lang version nung istorya...

---o0o---


kahit na ano pang rason mo, i think it's unfair na ni hindi mo man lamang magawang ipaliwanag saken yung ibig sabihin nung 'huwag na' at 'hindi pwede' mong sagot..
considering na umabot na rin nga tayo sa sitwasyon kung saan napaasa mo na rin nga ako..
naging tapat naman ako sa'yo ah..?
kaya kahit na masakit pa ang katotohanan, hindi ba patas lang naman na ipaalam mo sa akin yun..?
hindi tulad ngayon na ginugulo pa rin ako ng mga what if(s) sa isip ko...


No comments:

Post a Comment