Friday, January 22, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of January 2021 (Bleeding & Planning)

Loveless Story


January 16, 2021...

ngayong araw..
isa sa mga nakatrabaho ko dati ang lumapit sa akin para humingi ng tulong..
actually, sinadya pa niya akong i-unblock para makapag-send na ulit siya sa akin ng message..
she was offering the same thing, gaya ng ginagawa na ng karamihan sa panahon ng padelubyo ng Imperyo..
kaso wala naman akong magagawa to help her...

hindi ko gusto ang mga nangyayari sa panahon ngayon.. πŸ™
sobrang desperado na ng marami..
alam nila na mahihirapan silang i-market ang mga bagay-bagay kung hindi nila ipapakita ang lahat..
kaya isinusugal nilang ipakita ang mga mukha nila, kapalit lang ng ilang libo...

tapos nariyan pa ang pahamak na pamunuan..
sila itong mahusay sa pagpapakalat ng bioweapon..
wala silang pakialam sa mga babala..
handa silang mapeste ang loob ng bayan, para lang sa kapakanan ng put*ng inang Imperyo..
tapos ang lakas ng mga loob nila na sabihin na masama ang ginagawa ng mga taong gipit sa panahon ngayon...?? πŸ™

is πŸ’” feeling , winasak ng Imperyo ang lahat...


>
hindi 'to maganda..
mawawasak ang Dream Date ko kung tuluyang bibigay ang industriya..
although mananatili yung option na direkta ko na lang siyang kausapin, once ready na ang lahat..
baka hindi naman maging magandang ideya kung mas makakasama niya si Arjo sa panahon ng COVID-19...

wala pa naman akong tiwala sa lalaking 'yon..
ang landi-landi..
may iba pa siyang girlfriend late last 2019.. πŸ™
tapos pinatos niya si Miss Hn by 2020..
anak ng babaero...

mukhang wala rin nga akong mahihintay na vaccine..
kung ganun, swab test na lang ang magiging best option ko..
at hindi magiging madali ang preparations kung sa swab test lang ako dadaan...

is πŸ’” feeling , hindi ko siya pwedeng paghintayin nang sobrang tagal...


>
mukhang pwede 'to ah..
at talaga namang sa favorite place pa ni Miss C ko 'to nakita... πŸ™

sea side view..
dinner date setup sa labas ng accommodation...

kaso ang alam ko eh mahal ang package sa venue na 'to..
hindi ko lang nakuha yung data dati..
additional more than 1 hour din 'to sa biyahe, so baka maging toxic na..
at talagang nag-down muna sila ng website nila ngayong may bioweapon pa...

is πŸ’˜ feeling , tipong ganito sana...

---o0o---


January 17, 2021...

akala ko na pinaka-malala na yung nangyari nitong 2020...

pero nagsisimula pa lang pala si FATE.. πŸ™
mas malaking digmaan pala ang naghihintay para sa akin ngayong 2021...

hindi magiging madali na kumpletuhin yung Dream Date..
lalo na't nariyan pa rin ang bioweapon..
at ang pinaka-matindi kong kalaban - ang pagkabulok ng mismong katawan ko..
pero mas gugustuhin ko bang mamatay na lang..?
o pipilitin kong ngumiti ulit bago iyon mangyari..?
gusto kong makumpleto, bago ako tuluyang mawala...

is πŸ’€ feeling , madadaya at matatalo ko pa ba ang kamatayan...??


>
lagot na..
nagpapakita siya ng pangil niya... πŸ™

bakit..?
at paano..?
hindi maganda ang takbo ng mga bagay-bagay sa panahon ngayon..
everyone is struggling..
kaya bakit sila nagmamataas...??

sa papalala talaga ang takbo ng mga bagay-bagay..
wala akong magagawa kundi obserbahan ang mangyayari..
mananatili ba silang mapagmataas kapag natapos na ang problema ng bayan..?
o pipiliin nilang bumalik sa dati...??

is feeling , nagkamali yata ako na kinausap ko siya dahil sa power interruption...

---o0o---


January 18, 2021...

2021..?
seriously..?
hindi 'to nakakatuwa..
walang nangyayari na maganda para sa akin... πŸ™

yung katawan ko parang bumalik sa 2014..
yung loveless story ko naman, parang bumalik sa 2015... πŸ™

increase after increase..
from 6,000 to 7,500 and now to 8,500..
from 20,000 to 24,500..
from 35,000 to 38,000 (na questionable pa)..
ganito rin yung nangyari noong 2015 eh, nag-counter-counter lang..
and this is definitely not good...

iba ang direksyon nila..
hindi katulad ng sa iba...

wawasakin nitong mga ganitong move yung Dream Date ko..
mukhang Lottery lang talaga ang makakapaglitas na sa akin... πŸ™

is ⚠ feeling , kung magpapatuloy 'to.. mawawalan ako ng option, kundi ang abangan siya sa kanyang paglabas...


>
so imposible na yung stocks exchange.. πŸ™
dahil sa mga hindi magandang pagbabago, eh hindi ko na pwedeng galawin yung pera...

nasa Php 150,000..
kaso Php 50,000 yung mapupunta para sa pautang..
Php 30,000 naman yung para sa mga benefactor ko...

so parang may Php 70,000 lang ako na budget..
Php 40,000 yung hindi pwedeng galawin..
hindi ko tanda yung nagastos ko sa ospital noong 2014, pero kailangan ko sigurong magbuwis ng nasa Ph 10,000 para dun..
tapos na ang pulong kung padadaanin pa ako sa surgery, game over na kapag nagkaganun.. πŸ™
kaya naman nasa Php 20,000 na lang yung pagkakasyahin ko para sa:
- anti-bioweapon mechanism
- venue
- transportation
- food
- dinner setup
- flowers

no choice..
kailangang galawin yung budget para sa sleeping pills..
at yung sa cremation..
pero babalik din naman sa akin yung nasa Php 50,000 na pautang after 2 years...

is feeling , sobrang hirap maging masaya...


>
iba yung mood niya today..
sweet yung dating niya..
na excited...

mag-swab test na lang daw ako..
mukhang nagdududa na rin siya sa pagpapaasa ng mga vaccine sa sangkatauhan...

pero alam ko naman ang motibo niya..
halatang naghahabol siya sa bounty..
kaso may mga nagsisinungaling na naman sa hanay nila... πŸ™

ang sakit lang nung biro niya..
baka daw ma-inlove siya sa akin..
samantalang may Arjo na nga siya.. πŸ™
marunong siyang gumamit ng mga baraha niya...

is πŸ’” feeling , pilya kang bata ka.. mabuti na lang at alam ko ang totoo...


>
parang pwede 'to..
malapit lang..
kung totoong Hyacinth 'to, hindi na masama yung Php 8,500 para sa laki niya..
mahal nga lang kung nasa Php 20,000 lang yung budget ko..
pero meron din namang Php 3,500 na okay na accommodation..
baka bumukod nga lang yung rate para sa dinner setup...

baka wrong timing ang Summer..
baka matalo sa food..
malaki din yung kaltas sa oras..
from the usual na 2:00 PM to 12 NN, nasa 3:00 PM to 11:30 AM na lang siya sa panahon ng bioweapon..
malaking bagay din yung 22:00 hours kumpara sa 20:30 hours lang...

is feeling , titingnan...

---o0o---


January 19, 2021...

katawan ko..
sa dami mong depekto, alam kong kasabwat ka ng FATE sa pagpapahirap sa akin..
isa ka sa mga sumpa ko..
isa sa mga kamalasan ko..
isang malaking dahilan kung bakit hindi ko magustuhan ang buhay.. πŸ™
isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong patayin ang sarili ko...

bakit hindi mo kayang maging normal..?
bakit halos taun-taon ka na lang gumagawa ng mga gastusin simula 2014...??

tulungan mo naman ako o'..
mag-recover ka naman ng sarili mo..
sobrang gahaman ng panahon na 'to, lahat na lang ng mga gastusin eh nagtataasan..
alam kong nasisira ka na, dahil kailangan akong makumbinsi ng FATE para patayin na ang sarili ko..
pero kailangan ko pa ng konting panahon hanggang 2025...

is feeling , gumaling ka naman o'.. hindi para sa akin, pero para kay Miss Hn...


>
paano na ba 'to..?
yung naranasan kong hard times noong 2020..
naging harder times pa ngayong 2021... πŸ™

should i sacrifice her..?
kailangan ko bang maging masama para lang makuha yung memories na hinahabol ko..??
i mean, 1 rin naman siya sa 2 huli kong nakasama..
kaya gaano ba kalaki yung chance na magdudulot na ako ng risk para sa kanya sa ngayon...??

sa sobrang mahal ng medical expenses sa hinayupak na panahon ng bioweapon..
parang kailangan kong umatras..
Php 5,000 to 8,000 para sa swab test yung nakikita ko..
wala akong idea kung magkano yung range para sa lugar namin, since malihim rin nga ang mga put*ng inang ospital..
pero sa sobrang mahal ng mga bagay-bagay sa panahon ngayon, eh baka kailanganin ko na i-focus na lang yung lahat ng medical expenses ko sana sa swab test...??

ano bang masama sa paghahangad na may makasalo na babae sa isang pseudo-romantic na dinner date..?
ano bang masama sa paghahangad na may babaeng tumanggap ng ibibigay mong flowers..?
ano bang masama sa paghahangad na may maka-slow dance na babae..?
t*ng inang buhay 'to..
ang bigat-bigat..
puno na lang ng mga kamalasan..
gusto ko lang namang lokohin ang sarili ko na may babaeng gusto ko na magmamahal din sa akin..? πŸ™
pero bakit ang dami-dami ng mga hadlang...??

is ⚠ feeling , paano ko siya poprotektahan sa ganitong kamahal na mundo...??

---o0o---


January 20, 2021...

nakakainggit yung mga tao na ang problema ay kesyo hindi pa lang ulit magawang maka-travel sa ibang mga bansa..
pero may sapat na resources naman...

ganun din yung mga tao na pakiramdam nila na walang nagmamahal sa kanila..
pero may sapat din na resources...

samantalang yung iba:
- wala na ngang nagmamahal
- salat na nga sa financial resources
- nilalamon ng mga kriminal yung career
- tapos eh sabay-sabay pa ang mga medical issues sa katawan

is feeling , masusuwerte ang mga taong mahal ng mga diyos...

---o0o---


January 22, 2021...

hindi naman ako nagmamadali noon eh..
matapos ko siyang makasama noong 2020...

kaso..
ang bilis na binawi sa akin ng FATE yung Endorphins na nakuha ko mula sa kanya..
sa bawat dugo na tumatagas, pakiramdam ko na may panahon na nawawala sa akin..
tapos patuloy pa ang panloloko ng pamunuan sa mga tao tungkol sa alamat ng pa-vaccine nila..
yung mismong mga vaccine, nagkaka-issue pa ng tungkol sa pagpalpak..
yung bioweapon, patuloy sa pagbabago para malabanan ang mga ginagawang preparations ng sangkatauhan..
at ang pinakamasakit sa ngayon, yung put*ng inang economic impact na dala-dala nung bioweapon..
dagdag pa yung ibang factors na humihila rin sa ekonomiya pababa..
dahil kapag bumabagsak ang ekonomiya, eh nagmamahal ang maraming mga bagay...

paulit-ulit kong tinitimbang kung hanggang saan pa ba ang itatagal ko sa ganitong level ng digmaan..
kaya naman hindi ko maiwasang magmadali..
should i go for March..?
o may maaabutan pa ba ako after April...??

is ⚠ feeling , natural lang na bumibilis ang takbo ng orasan mo kapag may taning ka na...


>
so nakita ko na yung lalaki na sumira sa kanyang collarbone..
hindi pala si Arjo..
inker na mukhang kakilala ng bestfriend niya..
so bestfriend niya pala ang dapat kong sisihin para sa impluwensiya...

naging lagalag pala talaga siya noon..
after nilang mawalan ng trabaho sa area nila..
pero may kaluhuang mga lagalag, dahil kung saan-saan pa rin sila nagpupupunta..
mga pasaway...

mukhang miss na miss na niya yung bestfriend niya..
ewan ko ba dun..
ayaw na lang kusang makipag-ayos...

is feeling , lokong 'yon.. naninira ng kutis...


>
okay, so nag-inquire na kaagad ako dun sa resort..
in case na kailanganin ko nang kumilos by March..
at medyo madami-dami nga ang nagbago...

- minus 1:30 hours na sa accommodation
- hindi na saklaw ng accommodation ang breakfast

para sa dinner date setup:
- lowest offer nila is Php 3,500
- pwede dun sa mismong room o outdoor, pero siyempre outdoor yung target ko para surprise
- kaso wala sa package yung flowers, at wala rin talaga silang source ng flowers sa ngayon, kaya ni hindi ko pwedeng iusap sa kanila πŸ™

kung ako ang tatanungin, masyadong taga yung romantic dinner package..
kasi naman eh nasa Php 1,000 lang yung day use ng Cabana nila (pero ilang minutes ko lang naman gagamitin para sa pagkain), so parang Php 2,500 na yung rest nung package..
at ang natitira para dun sa Php 2,500 ay candle light setup, dinner (na ni hindi nga full course meal), and 2 glasses of wine..
grabe, ni hindi man lang isinama yung 2 glasses of juice and 1 bucket of ice.. XD
basta parang pang Php 2,000 to 2,500 lang dapat yung ganung details... πŸ™

so ayun nga..
hindi pa hagip sa Php 7,000 yung flowers..
at dahil sobrang mahal nung dinner, eh kailangan kong i-sacrifice yung bouquet..
so hanggang Php 1,500 na lang tuloy yung budget ko para sa roses... πŸ™

is ⚠ feeling , ay lagot.. aabot sa Php 60,000 ang range ng plano na 'to...

---o0o---


January 23, 2021...

[Music]

yung binubuo ko pa lang yung soundtrack para sa Dream Date ko..
nire-review ko pa lang at pinapakinggan, para malaman ko kung sa anong oras ko sila tamang patugtugin..
tapos eh naiiyak na kaagad ako... πŸ™

yung mag-i-start ka sa Beautiful Soul..
na may Pangarap lang Kita..
then kapag paubos na yung oras eh babanatan ng Foolish Heart..
Just So You Know..
tapos eh Imahe sa bandang dulo... πŸ™

is πŸ’” feeling , Masokista Playlist.. pero nakahanda akong saktan ang sarili ko, maranasan ko lang ulit na makapagkunwari nang todo...


>
may nakita akong bouquet sa Flowerstore.ph..
nasa Php 999 lang..
pero dozen roses na..
kailangan ko lang ng white version...

yun nga lang..
parang imposible ang delivery sa [Name of City]... πŸ™

is feeling , sayang naman...

-----o0o-----


January 17, 2021...

[Medical Condition]

9th try..
at mukhang hindi na talaga siya titigil pa... πŸ™

gulung-gulo na yung utak ko..
kaya ko pa bang makatagal hanggang February 14..?
saan ba dapat mapunta yung pera..?
sa ospital..?
o sa stocks exchange...??

is πŸ’€ feeling , masyadong matalino yung nag-design sa akin.. alam niyang mahihirapan akong magdesisyon kung magdurugo yung katawan ko...

---o0o---


January 18, 2021...

[Medical Condition]

takot ako sa COVID-19..
takot ako na baka nagtaasan na yung rates ng mga services sa opsital dahil sa COVID-19..
takot ako na malaman kung ano na yung kondisyon ng nabubulok kong katawan..
at takot ako na baka lumabas na wala na rin namang lunas yung kondisyon ko... πŸ™

takot ako na matapos ang lahat nang ganito na lang... πŸ™

is πŸ’€ feeling , hindi ko kayang lumaban sa mga hindi patas na labanan...


>
[Medical Condition]

ayoko talaga sa mga ospital..
kasi naman..
madalas surprise yung mga rate..
ayaw na lang ipaskil sa website..
para may ideya na yung tao bago pa man pumunta sa kanila..
gusto pa eh tatawag sa kanila, eh hindi nga ako makatawag dahil parati akong may mga kasama dito sa bahay...

problema lang kung malalaman nila na may depekto na naman ako... πŸ™

is πŸ’€ feeling , parati na lang ako yung may sakit...

---o0o---


January 19, 2021...

[Medical Condition]

sobrang haba na nung nakalabas na mass mula sa cyst ko..
lagpas doble na siya nung dati niyang laki...

is πŸ’€ feeling , natural na proseso ba 'to ng katawan..? ang mag-eject...??


>
[Medical Condition]

hayop na medical system 'to..
ginamit na rin ang bioweapon sa pagpapahirap sa mga tao... πŸ™

3 days a week na lang ang pasok..
tapos 2 oras na lang ang serbisyo, 10:00 AM to 12:00 NN..
tapos sasabihan ako na 11:30 AM pa ako pumunta..
eh ano pang maaabutan ko nun..?
ang mag-fill out ng contact tracing form...?? πŸ™

from Php 500 na consultation fee..
biglang Php 800 to 1000 na ngayon..
eh paano pa kaya yung mga dadaanan na test..?
baka kulangin pa yung Php 10,000 sa mga gahaman na 'to... πŸ™

sobrang late pa ng start..
sa halip na magawa na yung ibang mga ipapagawa, kung meron man..
okay lang sana kung pwedeng ma-contact muna eh, "you can do this and that, para ready na when you come here, then magbayad ka ng Php 800"..
kaso hindi eh..
limited time..
punta ka, heto ang mga gagawin mo, pay Php 800..
punta ka, analyze natin yung mga lab results mo, pay Php 800..
bilhin mo ang mga inireseta sa'yo..
balik ka after ng gamutan, pay Php 800...

hayop kang katawan ka..
bakit ngayon ka nagloloko sa hinayupak na panahon na 'to..?
i'm not yet done..
kaya bakit kailangang ma-activate ng ganitong level ng kamalasan sa panahon na sobrang mahal ng lahat ng bagay...?? πŸ™

i can't do this..
maghihintay na lang ako ng pain symptom.. πŸ™
at saka ko pag-iisipan ulit kung anong gagawin ko...

is πŸ’€ feeling , hayop na.. iinom na lang ako ng Sesame Oil.. at maghahanap na rin ng Virgin Coconut Oil...

---o0o---


January 20, 2021...

[Gadget-Related]

konting positivity muna...

magaling din nga pala talagang magluto yung Air Fryer..
bumili kasi yung mapera na kasama ko sa bahay, kaya nakakatikim tuloy ako..
chicken for 18 minutes at pusit for 15 minutes..
at maayos ang pagkakaluto..
yung sarap eh depende naman na yun sa nagtitimpla...

ewan ko lang kung tama yung claim ng isang electric company na kesyo mura na yung Php 4.00 na pagluluto for about 20 minutes..
kasi kung ang 2 lutuan for 30 days eh aabot sa Php 240..
eh baka posible nga na mas makatipid 'yon dahil yung gasul namin eh nasa Php 650 plus na for about 2 months..
eh may minus pa sa gastos para sa mantika... :like:

yun lang..
Imperial brand yung binili ng kasama ko sa bahay.. πŸ™
mas maganda kung ibang brand, tipong Japanese, basta't hindi Imperial...

is  feeling , cook...


>
[Medical Condition]

so ganito pala yung nangyari noong 2014:
November 24 - nadiskubre yung depekto pero wala pa namang physical symptom
December 4 (after 10 days) - saka lumabas yung symptom ng pain
December 10 - nagsimula yung gamutan
December 24 (after 30 days) - end of medication na tumagal ng 14 days
January 12 - nagsimulang mag-clear yung case 19 days after ng medication
January 18 (after 55 days) - medyo nag-recur yung visual symptom, pero nag-clear din naman nang tuluy-tuloy yung case after that

samantalang sa ngayon..
nasa 45 days na ako na visual symptoms lang...

is feeling , maghahanap pa lang ako ng Virgin Coconut Oil sa isang araw...


>
[Medical Condition]

afternoon...

yung ejected mass..
napansin ko kasi na nagagalaw na siya nang hindi sumasakit, kaya tinanggal ko na..
hindi na siya nakabaon sa loob, at parang itinulak talaga ng katawan ko papalabas..
halos kasing-laki siya ng butil ng mais..
parang rubber ang dating kapag pinipisil..
hindi ko alam kung ano talaga siya..
pero gusto kong umasa na yan yung tissue o kung ano man na nagko-cause noon ng mga pagbukol simula pa noong nasa college ako...

for now, this can grant me a normal-like appearance para sa Dream Date ko..
may scar lang, pero walang kung anu-anong lumalabas sa katawan...

---o0o---


January 21, 2021...

[Medical Condition]

dahil walang maaasahan sa mga ospital sa panahon ng hinayupak na bioweapon..
matakaw na sa oras, eh matakaw pa sa pera.. πŸ™
kaya aasa na lang dito...

Prosource Extra Virgin Coconut Oil..
hindi natural na virgin, kundi extra virgin, medyo magkaiba pa 'yon..
Php 199 per 250 ml bottle..
hindi ako iinom nito bilang panlaban sa COVID-19..
pero iinom ako nito dahil sa ibang sakit..
kailangang mag-redirect ng pondo sa mas mahahalagang bagay...

---o0o---


January 22, 2021...

may nakahanap na naman sa akin na taong kakilala ko..
taong inirerespeto ko..
isang friend request... πŸ™

kaso hindi talaga pwede eh..
masyadong madilim pa ang mga kaganapan sa buhay ko ngayon..
to be honest, umasa ako noon na may magbabago..
pero walang nangyari..
the more i fight, the more na may mga lumalabas na sakit..
ngumiti ka nang minsan, at uulan ng mga kamalasan sa mga susunod na panahon..
kaya sa tingin ko wala ng magbabago hanggang sa mga huling sandali ko sa mundo..
nabuhay ako na talunan..
kaya mamamatay ako na talunan..
at hindi ko kayang ipakita sa lahat kung gaano ko kinamumuhian ang buhay...

is πŸ’€ feeling , naging basurahan ko ng mga alaala ang Facebook at Blogger sa loob ng napakatagal nang panahon...


Friday, January 15, 2021

Imperial Patriots

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily black prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 189...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 154 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung madali lang para sa kanya na isapubliko ang pangalan ng ibang mga tao, pero hindi yung sa iba pa
  • yung may mga Representative na kayang pangalanan kaagad at meron ding mga pinipiling hindi pangalanan
  • yung dating opisyales na idinadawit sa anomalya, pero muling bibigyan ng katungkulan ngayon
  • yung pangmamaliit sa mga kababaihan regarding sa pamumuno
  • yung pagbabaling ng sisi sa mga Internet Service Provider dahil sa paglaganap ng child pornography
  • yung palusot na kesyo may sakit daw sa utak yung pulis na innocent-killer sa Tarlac
  • yung kailangan DAW ng modernization para sa mga armadong empleyado dahil sa pandemic at natural calamities, pero sino bang nagpapatulog nung pera sa PITC
  • yung gustong gawin nang libre ang swab test, pero ni hindi nga mabayaran ang lahat ng utang sa Philippine Red Cross
  • yung ayaw na ng kapayapaan kasama ng mga rebelde, pero willing na magbigay ng COVID-19 vaccine para sa mga rebelde
  • yung kagustuhan na i-exempt ang mga lokal na mamamayan na nasa UK mula sa travel ban na laban sana sa pagkalat ng UK COVID-19 variant
  • yung ilang araw ng topic yung tungkol sa bagong COVID-19 virus strain mula sa UK, pero late nang kikilos
  • yung ginagawang hostage ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapalit ng pagkakaroon ng vaccine mula sa USA
  • yung pagbibigay papuri sa paggamit ng smuggled na vaccines
  • yung pagpoprotekta sa mga gumagamit ng smuggled, at maging sa mismong smuggler na rin
  • yung kagustuhan na madaliin ang approval ng Imperial vaccine, sa kabila ng mababang efficacy rate nito at ng pagiging mas mahal kumpara sa iba pang vaccines
  • yung pagtatanggol na may sapat daw na kaalaman ang mga Imperyalista tungkol sa mga vaccine

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Angeles City, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa CALABARZON, yung 2 pulis na pinasisibak sa katungkulan matapos na mahuling nagpositibo sa illegal drugs
  • sa Davao City, yung empleyado ng Davao City Treasurer's Office na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng gusali ng Sangguniang Panlungsod
  • sa Zambales, yung 4 na pulis na bahagi ng drug enforcement unit at 1 sibilyan na nahuli sa buy-bust operation sa isang shabu laboratory
  • sa Arayat, Pampanga, yung Barangay Chairman na nahuli dahil sa pagkakaroon ng hindi lisensyadong mga baril
  • sa Isabela, yung pulis na nahuli dahil sa robbery extortion laban sa isang babae na may kinakaharap na maraming kaso
  • sa Navotas City, yung naka-AWOL na pulis na naaresto dahil sa pangongotong
  • sa Ermita sa Manila, yung 2 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • yung empleyado ng DOJ, na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil ng tinatawag daw na pasalubong mula sa isang customs broker
  • sa Camp CastaΓ±eda sa Silang, Cavite, yung kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na binugbog ng mga kapwa niya kadete nitong bagong taon, na nag-ugat daw sa pagsita ng biktima sa 3 suspek dahil sa pag-iinuman sa school premises
  • sa Pampanga, yung construction worker na napatay ng pulis matapos na mapagkamalang holdaper
  • sa Mabalacat, Pampanga, yung dating pulis, na nag-AWOL, na hinuli dahil sa kasong murder
  • sa Paniqui, Tarlac, yung pulis na innocent-killer na pumatay ng walang kalaban-laban na mag-ina nang dahil lang sa away sa boga at righ of way
  • sa Zamboanga City, yung sundalo na nakapatay ng kapwa niya sundalo, kasi nagkaroon daw ng pagtatalo dahil lasing yung isa

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pulis na isa sa mga suspek sa nangyaring pananambang at pagtumba sa isang lawyer sa Palawan
  • sa Baguio City, yung lalaking dinukot at pinatay, pinugutan pa yata ng ulo, kung saan 2 pulis ang mga suspek na miyembro raw ng drug enforcement unit ng Police Regional Office - Cordillera
  • sa Tarlac, yung natagpuang bangkay ng isang dating Court of Appeals justice, na pinutulan daw ng kamay at ng mga daliri
  • yung Mayor ng Los BaΓ±os, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall
  • yung pagkamatay ng Counter Terrorism Division Chief ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng kanyang opisina
  • yung mag-asawang former peace consultants na napatay daw sa police operation na isinagawa nang madaling araw
  • sa Iloilo City, yung sinasabing Tumandok Massacre raw na laban na naman sa mga indigenous people
  • sa Negros Oriental, yung nire-red tag na babaeng doktor at ang kanyang asawa na biktima ng tumbahan
  • yung maraming mga hinuhuli sa panahon ngayon dahil kesyo sa pagtatago ng mga armas
  • yung sinasabing Search Warrant Queen

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung opisyales na sakitin na noong may mga kaso siya, pero ngayon ay may panibago na namang hawak na katungkulan
  • yung pagbibigay ng executive branch ng mga kondisyon para ma-certify na urget yung anti-money laundering law amendments bill
  • sa Cebu, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang opisyales, na dinumog ng mga tao
  • sa Batangas, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Senator, na dinumog ng mga tao
  • yung bad example na senador na nagsasabi na magmalasakit daw at mahalin ang mga pulis, kahit na may mga kriminal sa hanay ng mga ito
  • yung update ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac na hindi tumugma sa record ng Tarlac government, 211 kumpara sa 19 lang
  • yung mabilis at nasa Php 1,900 lang pala yung swab test sa UP-PGH pero hindi naman kayang ipatupad sa buong bansa
  • yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang
  • yung lokal na mamamayan na naka-travel palabas ng bayan, tapos saka napag-alaman sa Hong Kong na carrier na pala siya ng UK variant ng COVID-19
  • yung problema sa usapin sa face shield, dahil biglaan na naman ang pagpapatupad nang hindi naman pinag-aaralan lahat ng klase ng sitwasyon
  • yung masyadong paghihigpit sa mga local government unit at private companies sa pag-aangkat ng mga ito ng COVID-19 vaccines, at mas willing pa nga na mangutang na lang ng limpak-limpak na halaga na ikababaon ng bayan
  • yung pagpabor sa Imperial vaccine kahit na mahal pala iyon at wala pang Phase III trial
  • yung namimili sila ng mas mahal pero less effective na COVID-19 vaccine, tapos sasabihan ang mga mamamayan na huwag daw maselan pagdating sa pagpapabakuna
  • yung nasa 50% pa lang daw ang efficacy nung Imperial vaccine kahit na mas mahal iyon
  • yung may paparating na raw na supply ng Imperial vaccine sa bayan, samantalang ni wala pa nga silang nakukuhang permiso
  • yung pagpapakawala RAW sa Pfizer vaccine deal
  • yung opisyales na nagsasabi na kesyo kailangan daw muna na magkaroon ng community transmission ng UK COVID-19 variant mula sa kung saang bansa bago mag-issue ng travel ban para sa bansang iyon
  • yung hindi convincing na mataas na rating sa DOH para sa pagtugon laban sa COVID-19
  • yung mga health workers na nasaktan ang damdamin dahil hindi sila ang totoong priority para sa COVID-19 vaccination
  • yung mga PSG na nabakunahan na RAW ng Imperial vaccine
  • yung umamin na smuggled pala yung mga Imperial vaccines na ginamit para sa Presidential Security Group (PSG)
  • yung ayaw sabihin kung sino yung nag-donate at nag-smuggle nung mga Imperial vaccine papasok sa bayan
  • yung may nauna na rin DAW sa cabinet sa COVID-19 vaccination
  • sa Olongapo City, yung pulis na nag-organize raw ng pagtitipon kung saan nalabag ang mga health protocols
  • yung mga pabayang barangay kung saan pinapabayaan lang ang mga nagpa-party at videoke sa panahon ng COVID-19
  • sa Davao City Hall, yung 14 daw na empleyado na nahuling nagpa-party, nag-iinuman pa raw habang naka-duty
  • sa Davao City ulit, yung 4 na kawani ng LGU na kabilang daw sa Rapid Action Team laban sa COVID-19 na nahuling nag-iinuman sa loob ng isang paaralan, sa kabila ng ipinatutupad na liquor ban doon
  • sa Laoag, Ilocos Norte, yung holiday party ng local government unit na lumabag daw sa mga health protocols
  • yung napasok na rin ng COVID-19 ang Philippine Military Academy (PMA)
  • yung pagsabog ng COVID-19 sa iba't ibang mga kulungan
  • yung may nakapasok sa bayan na COVID-19 carrier na mula sa UK sa panahon ng UK variant
  • yung napasok na ng COVID-19 UK variant ang bayan dahil sa kawalan ng total international travel ban
  • yung hinahanap pa ulit yung mga possible contact nung kauna-unahan daw na COVID-19 UK variant carrier
  • yung gusto rin ng sobrang tinong PhilHealth na ituloy yung pagtataas sa rate of contribution for 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
  • yung wala palang silbi yung salita lamang upang mapahinto kaagad ang pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth, dahilan kung bakit patuloy ang paniningil nila ng mas mataas na kontribusyon
  • yung kagustuhan ng SSS na ituloy pa rin yung pagtataas ng kontribusyon ng mga members sa 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
  • yung Workers' Investment and Savings Program (WISP) ng SSS, kung saan obligado raw na maghulog ang mga members na may higit sa Php 20,000 na monthly income, bukod pa sa tuloy nga yung increase sa basic na contribution sa 2021
  • sa website ng SSS, yung mali ang lumalabas na final total para sa babayarang contribution kahit na tama naman yung initial na computation
  • yung plano ng Bangko Sentral na gumamit ng bago at pangit na logo na malamang magdulot na naman ng pagpapalit ng disenyo ng mga kasalukuyang pera
  • yung bilyon-bilyung nakatengga na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC)
  • yung may 1% pala na komisyon ang PITC para sa mga pamimili na idinadaan sa kanila
  • yung pati construction ng mga fire station ng Bureau of Fire Protection (BFP) eh idinaan din sa PITC
  • sa SLEX, yung kalituhan na idinulot tungkol sa kung may limit nga ba o wala ang sistema ngayon sa pagpapakabit ng RFID
  • sa NLEX, yung cashless na dapat ang sistema ayon sa kanila pero napilitang tumanggap pa rin ng cash
  • yung hindi raw pulido na RFID sensors sa NLEX
  • yung mga kuwestiyonableng kaltasan sa RFID load, para sa NLEX lang yata 'to
  • yung hindi raw tamang pagganap ng Toll Regulatory Board (TRB) sa kanilang tungkulin, dahilan kung bakit may mga palpak na sistema hanggang sa ngayon
  • sa Muntinlupa City, yung bumagsak na steel girder mula sa ginagawang Skyway Project, kung saan 1 ang namatay at 4 naman ang sugatan
  • yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway, dahil sa mga pasaway at sa kawalan ng mga nagre-regulate
  • yung pag-iinitan na naman ang mga truck dahil sa problema sa traffic, samantalang sila nga ang nagde-deliver ng mga goods
  • yung logging at quarrying ang itinuturong dahilan sa naging matinding pagbaha sa Cagayan
  • yung may reclamation pala na ginagawa sa isang bahagi ng Marikina River
  • yung suliranin sa supply ng karne ng baboy, dahil yung ASF (African Swine Fever) eh nakapasok na rin nang husto sa loob ng bayan dahil sa palpak na pagbabantay laban dun
  • yung nagsasabi na nakamit na raw yung hustisya sa nangyaring massacre samantalang imposible naman na iilang tao lang ang may kagagawan sa ganung kalaking krimen
  • yung pagtatanggol ng mga opisyal sa mga investor ng tollway sa kabila ng mga obvious na pagkukulang
  • yung kapag nasisita eh hindi member, pero kapag tungkol sa utang o limos ang usapan eh automatic na member
  • yung opisyales na kumanta sa isang restaurant sa panahon ng COVID-19, pero palalagpasin na lang siya ng DILG
  • yung hindi patas na pagpapatupad ng DILG ng mga patakaran laban sa mga lumalabag sa mga health protocol
  • yung panibagong impeachment complaint, laban pa rin sa tao na hindi ang hanay nila ang nag-assign sa katungkulan
  • yung overgeneralization na automatic DAW na supporters ng mga rebelde ang mga kamag-anak nila
  • yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Representative na automatic na pinagbibintangang supporters ng mga rebelde
  • yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army
  • yung opisyales nag-uutos na bawal daw ang mga party, pero sila mismo eh masamang ehemplo
  • yung nasira kaagad yung bangkay nung namatay na babaeng flight attendant bago pa man na-autopsy, kasi inembalsamo kaagad kesyo protocol daw dahil sa COVID-19
  • yung tanong sa NBI, na paano daw sila nakakuha ng urine sample mula sa naembalsamo nang bangkay nung babaeng flight attendant na namatay noong New Year
  • sa Davao City, yung pulis na nahuling gumamit ng peke na swab test result
  • yung kailangan pa RAW ng anger management ng mga pulis
  • yung surprise inspection para sa Malate Police, na naging dahilan kung bakit sila inalisan ng Christmas at New Year break, at sinibak din ang kanilang hepe, kasi sobrang kulang yung bilang ng mga dinatnan na naka-duty kumpara sa dapat na bilang
  • yung babaeng pulis na nagpaputok ng baril nito raw bagong taon, na nag-ugat daw sa selos
  • yung sinibak na hepe ng mga pulis sa Bato, Catanduanes, na pabor sa pagpatay sa mga inosenteng tao kapag naubusan na ng pasensya ang mga pulis
  • yung may dati na palang mga kaso yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, 6 na nasa record na may kasamang Homicide
  • yung biglang isiningit na panukala, yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment
  • yung may mga Imperial employees ng mga offshore companies ang naturukan na RAW ng COVID-19 vaccine 

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung wala na ring UAAP Season 83 dahil sa hinayupak na pa-COVID-19 na yan ng mga Imperyalista
  • yung mga mamamayan na masyadong pinahahalagahan ang mga handa at materyal na bagay para sa holiday season
  • yung mga pabayang magulang na nagpakalat ng mga anak nila sa araw ng pamamalimos, na mga hindi naman nagsusuot ng face mask at face shield
  • yung hotel kung saan may namatay o napatay na flight attendant matapos na mag-party doon noong New Year, na napag-alamang lumabag pala sa COVID-19 protocol para sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facility
  • yung pagsabog daw ng COVID-19 sa mga lock-in movie shoots
  • yung binalewala na ng mga tao ang safety protocols sa isang murang pamilihan dahil lang sa pamimili nila para sa nalalapit na holiday season
  • yung mga deboto ng isang religious na rebulto, na hindi nagpaawat dahil sa okasyon kahit na may banta pa ng COVID-19, kaya naman nalabag na ang mga health protocol
  • sa ParaΓ±aque City, yung religious group na nagdaos ng event sa panahon ng COVID-19 kung saan marami ang dumalo at nalabag na raw ang mga health protocols
  • sa Zamboanga City, yung nagbukas na mall sa panahon ng COVID-19 na dinagsa ng sangkatutak na mga pasaway na tao
  • sa Zambales, yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party sa 2 super-spreader na event
  • yung Halloween party sa Boracay sa panahon ng COVID-19, kung saan nilabag nang husto ang mga health protocol
  • sa San Juan, Batangas, yung nakunan ng video na medyo malaking beach party sa panahon ng COVID-19, kung saan binalewala na ang mga health protocol
  • sa Manila North Cemetery, yung pasaway na party kung saan may inuman at videoke, at balewala na ang health protocol
  • sa Quezon City, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang compound dahil sa pagdadaos ng birthday party, kung saan isang government employee daw na may symptoms ng COVID-19 yung dumalo doon sa party
  • yung mga OFW na nagrereklamo dahil sa panibagong paghihigpit sa pagta-travel dulot ng UK COVID-19 variant, kahit na wala pa naman talagang nagagawang totoong lunas simula pa noong December 2019 
  • sa Manila, yung rambulan ng nasa 100 daw na kabataan na nakunan ng CCTV camera
  • sa Ilocos Norte yata 'yon, yung mga nahuli na nameke ng antigen test result
  • yung mga nahuli na turista na ginustong makapasok sa Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
  • yung mga turista na pilit pumapasok sa isla ng Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
  • yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth
  • sa Cavite, yung mga gamit na face mask na ginawang palaman sa ibinibentang unan
  • yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, na ang kapal ng mukha na maghain ng not guilty plea kahit na huling-huli sa video yung kasamaan niya
  • yung mga online users na nagsasabi na tama lang yung ginawang pagpatay nung pulis na innocent-killer sa Tarlac kahit na wala namang armas yung mga naging biktima
  • yung mga pasaway na nagbibisikleta sa EDSA na humahawi sa daan para makapag-shortcut, ganun din yung ang gamit ay iba pang klase ng mga sasakyan
  • yung mga pro- sa shutdown nung TV network na naglaro sa bahay ng mga celebrities
  • yung latest na survey tungkol sa 2022, kung saan mataas ang popularity ng mga magnanakaw
  • sa Pampanga, yung mga kaawa-awang migratory birds na pinagbabaril ng mga tao
  • sa ParaΓ±aque City, yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo
  • sa Bamban, Tarlac yata iyon, yung mahigit sa 300 foreigners na nahuli na ilegal na nagtatrabaho dito sa bayan, kung saan karamihan eh mga Imperial citizens
  • sa Imus, Cavite, yung 2 Imperial citizen na nahuli dahil sa pag-kidnap at pagto-torture sa 1 Taiwanese kapalit ng ransom
  • sa ParaΓ±aque City, yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pangho-holdap sa kapwa nila Imperial citizen
  • sa Laguna, yung 7 Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na hinuli dahil sa pagdukot at pagpatay sa ilang POGO workers
  • yung kagustuhan ng National Grid Corporation of the Philippines na ma-exempt ang mga ka-deal nila sa travel ban na dulot ng UK COVID-19 variant
  • yung pagpapabaya ng WHO laban sa bagong strain ng COVID-19 virus na mula sa UK
  • yung kaso ng Zombie Minks sa Denmark
  • sa Indonesia, yung mga underwater drones na nakuha, na posible daw na mga drone ng Imperyo
  • sa Ilocos Norte, yung Imperial citizen at ang driver niya na nag-present ng pekeng antigen test result
  • yung may ilegal na RAW na pagbabakuna sa loob ng bayan gamit ang Imperial vaccine
  • yung may nag-positive RAW sa COVID-19 sa hanay ng mga Imperial citizens sa bayan na naturukan na ng kung anong vaccine
  • sa Brazil, yung Imperial vaccine na nasa 50% plus lang ang efficacy rate
  • yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus, inililipat na nila ang origin sa ibang bansa
-----o0o-----


January 11, 2021...

yung dating opisyales na idinadawit sa anomalya..

pero muling bibigyan ng katungkulan ngayon...

is feeling , wala talagang maparurusahan sa hanay ng alyansa ng kadiliman...

---o0o---


January 12, 2021...

yung may paparating na raw na supply ng Imperial vaccine sa bayan..
samantalang ni wala pa nga silang nakukuhang permiso...

is ⚠ feeling , kaduda-duda...


>
yung masyadong paghihigpit sa mga local government unit at private companies sa pag-aangkat ng mga ito ng COVID-19 vaccines..
at mas willing pa nga ang mga nasa tuktok na mangutang na lang ng limpak-limpak na halaga na ikababaon ng bayan... πŸ™

is feeling , set up...


>
yung namimili sila ng mas mahal pero less effective na COVID-19 vaccine..
tapos sasabihan ang mga mamamayan na huwag daw maselan pagdating sa pagpapabakuna... πŸ™

is feeling , kaduda-duda...


>
sa Indonesia..
yung mga underwater drones na nakuha..
na posible daw na mga drone ng Imperyo...

is ⚠ feeling , COVID-19 for world domination...

---o0o---


January 13, 2021...

bakit sisisihin ang mga internet service provider sa paglaganap ng child pornography dito sa bayan..??
eh access sa internet yung trabaho nila..
at sobrang lawak ng saklaw ng internet...

samantalang hindi naman pwedeng tiktikan ng mga ISP ang bawat isa nilang subscriber..
bukod pa sa fact na maraming mga lehitimong website at app ang nagagamit para sa mga transactions..
communication platform lang ang kailangan kung tutuusin eh...

sobrang daming trabaho lang kung iaasa pa sa mga ISP ang pagmo-monitor sa mga online conversations..
bukod pa sa ilegal 'yon, dahil sa invasion of privacy..
matrabaho din ang pagmo-monitor maging sa mga money flow bilang patunay na may transactions nga na nangyayari...

trabaho ng mga nasa intelligence division ang hanapin ang mga kriminal..
kapag may nakita silang ilegal na website, edi saka nila ipa-block sa mga ISP..
website hosting companies ang pwede nilang habulin for catering their service sa mga kriminal..
pero masyadong malawak ang saklaw ng service ng mga ISP para sila ang parusahan sa pagkukulang ng mga awtoridad...

is feeling , hindi nila dapat isisi sa iba ang kakulangan nila...


>
[Natural Calamities]

sa itaas..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Ilocos Norte...

is feeling , unang significant na rasyon sa 2021...


>
sa Brazil..
yung Imperial vaccine na nasa 50% plus lang ang efficacy rate... πŸ™

is feeling , never trust them...


>
yung tanong sa NBI..
na paano daw sila nakakuha ng urine sample mula sa naembalsamo nang bangkay nung babaeng flight attendant na namatay noong New Year...??

is feeling , winasak na ang mismong ebidensya.. Room 2207 na lang ang makasasagot kung anong nangyari sa side nila...


>
sa ParaΓ±aque City..
yung 3 Imperial citizen na nahuli dahil sa pangho-holdap sa kapwa nila Imperial citizen..
nasa Php 2 Million yung pinag-uusapang halaga...

is feeling , ano nga bang maaasahan mula sa kanila...??


>
sa Laguna..
yung 7 Imperial citizen at 1 lokal na mamamayan na hinuli dahil sa pagdukot at pagpatay sa ilang POGO workers...

is feeling , yun kayang mga leader ninyo ang gawin ninyong target...


>
yung napasok na ng COVID-19 UK variant ang bayan... πŸ™

perpekto ang plano..
pestehin ang mga mamamayan..
at saka ibaon sa utang ang bayan... πŸ™

is ⚠ feeling , salamat sa kawalan ng total international travel ban...

---o0o---


January 14, 2021...

sa Arayat, Pampanga..
yung Barangay Chairman na nahuli dahil sa pagkakaroon ng hindi lisensyadong mga baril...

is feeling , forever war...


>
yung pagtatanggol na may sapat daw na kaalaman ang mga Imperyalista...

at totoo nga naman:
- sapat ang kaalaman nila para maka-develop ng bioweapon na kayang makahawa sa maraming uri ng mga nilalang
- marunong sila, kaya nga binusalan nila yung mamamayan nila na doktor na sinubukang balaan ang mundo tungkol dun sa bioweapon
- maaalam sila, kaya nga patuloy sila sa pagbubuo ng mga base at ng mga armas kahit sa gitna ng pandemya
- maaalam sila, kaya nga patuloy sila sa pagtutulak o pag-e-expand sa kanilang mga borders kahit sa gitna ng pandemya
- marurunong sila, kaya nga nagpapakalat na sila ng mga drone sa ibang mga teritoryo

is ⚠ feeling , magtiwala tayo sa Imperyalismo...


>
kailangang magtiwala sa brand na hindi masyadong effective..
para kapag pumalpak..
eh maibabaon ulit ang bayan sa mas malaking utang... πŸ™

is feeling , bawal ang maselan.. dapat baon sa utang...

---o0o---


January 15, 2021...

yung hinahanap pa ulit yung mga possible contact nung kauna-unahan daw na COVID-19 UK variant carrier... πŸ™

kagagaling talagang magbantay ng bayan.. πŸ™
akala ko ba na ikina-quarantine muna yung mga pumapasok sa bayan..?
at paanong nakalulusot sa kanila ang mga inactive na contact number...??

is ⚠ feeling , back to zero.. mga promotor ng delubyo...


>
sa Zambales..
yung 4 na pulis at 1 sibilyan na nahuli sa buy-bust operation sa isang shabu laboratory...

bahagi din ng drug enforcement unit yung mga naarestong pulis... πŸ™

is feeling , among them...


>
sa Davao City ulit..
yung 4 na kawani ng LGU na nahuling nag-iinuman sa loob ng isang paaralan, sa kabila ng ipinatutupad na liquor ban doon...

kabilang pa daw yung 4 sa Rapid Action Team laban sa COVID-19...

is feeling , noong kamakailan lang eh nasa 14 yung nahuli...

---o0o---


January 16, 2021...

sa CALABARZON..
yung 2 pulis na pinasisibak sa katungkulan matapos na mahuling nagpositibo sa illegal drugs...

ang isa ay galing sa Calamba City Police Station..
at ang isa naman ay mula sa Candelaria Municipal Police Station...

is feeling , ayos...


>
yung pangmamaliit sa mga kababaihan..
hindi daw pwede sa mga babae ang magtrabaho sa tuktok...

pero halatang nangangapa ulit sila ngayon..
katulad rin lang ng kasinungalingan niya noon na kesyo hindi siya sasali sa selection process..
tinitimbang nila kung mamamanipula na ba ng mga study kuno ang pag-iisip ng mga mamamayan..
pinapakiramdaman nila kung pwede na bang ibalik ang trono sa Dictator Clan nang ganitong kaaga... πŸ™

is ⚠ feeling , huwag kayong maniniwala sa less than 3,000 lamang...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of January 2021 (Catch Up Days)

Loveless Story


January 11, 2021...

catch up day #1..
hindi talaga kasya ang isang linggo sa isang araw lang... πŸ™

ang dami kong nasayang na mga araw..
dahil lang sa bobong pagre-repair ng mga inaarkilang tao ng Globe... πŸ™

is feeling , repair..? pero pinutol yung cable ko na kapapalit lang late last year...

---o0o---


January 12, 2021...

[Medical Condition]

8th try..
majority ay light yung kulay..
at sa bandang dulo na lang yung foreign mass...

ganun pa rin..
37 days na..
pero wala pa rin akong nararamdaman na physical symptoms, maliban dun sa visible na palatandaan...

ang tanong ay..?
kaya ko pa bang maghintay..?
ano bang dapat kong gawin..?
mas lalala ba yung kondisyon ko kung babalewalain ko muna yung sitwasyon..?
hindi ko pwedeng ipahamak si Miss Hn nang dahil sa sakit ko..
ako lang yung mamamatay, kaya hindi siya pwedeng madamay sa madilim kong kapalaran...

is πŸ’” feeling , gusto ng FATE na wasakin yung Dream Date ko...


>
ano..?
papasok pa ba ako sa stocks exchange...??

hindi naman kaya dahil sa sobrang kamalasan na nakabuntot sa akin..
eh ultimo yung kompanya na bibilhan ko ng stocks eh mauwi na lang sa bankruptcy in an instant...??

is feeling , limpak-limpak na kamalasan...


>
catch up day #2..
hindi rin kinaya..
madami pa ring naiwan na mga gawain from last week... πŸ™

is feeling , sayang na mga araw...

---o0o---


January 13, 2021...

ang daming kailangan para makasali sa stocks exchange...

tax identification number..
tsaka bank account...

yung tax identification number, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba yung pwede sa akin..
kasi naman, pang-exempted lang yung kakayahan ko.. πŸ™
bukod pa yung requirements para makakuha ng tax identification number...

sa bank account naman..
magba-back to zero ako..
hindi kasi pwede yung bank account ko, although yung kapamilya niya eh pwede sa pagpopondo ng investment account..
at may kanya ring requirements bago makapag-open ng bank account...

sayang talaga yung 7 days na hindi ko napag-aralan ang mga bagay na 'to... πŸ™

is feeling , requirements para makabuo ng panibagong requirements...


>
kailangan ko ng mabilisang pera para maisakatuparan yung Dream Date..
sana this 2021..
para sana madali ko ring maipagamot ang nabubulok kong katawan, yun ay kung gagaling pa nga siya..
takot din kasi akong madiskubre kung may cancer na ba ako o ano..
baka patayin ako ng depression bago ko pa matapos ang One Piece kung mapepeste ako ng mga toxins...

at kung makakaya ko pang maka-recover..
kakailanganin ko pa rin ng additional na pondo para masigurado na magiging ligtas mula sa akin si Miss Hn..
kailangan kong ipa-evaluate nang husto ang nabubulok kong katawan...

tapos pondo para sa matinong COVID-19 vaccine...

at yung mismong pondo para sa Dream Date...

is πŸ’€ feeling , walang sense ang buhay ko.. nilikha lang ako para magdusa at mamatay...


>
catch up day #3..
nakatapos na din sa wakas...

nag-review ng mga requirements para sa stocks exchange...

magiging sulit ba na isakripisyo ang buong January sa pag-aayos ng mga documents...??

is feeling , sabay-sabay ang mga problema ko.. pero pera lang ang solusyon para sa kanilang lahat...

---o0o---


January 14, 2021

araw-araw na lang ang usapan tungkol sa mga vaccine..
pero hindi naman nakaka-excite...

kasi para sa mga wala naman sa listahan ng mga piling mamamayan..
eh commercialization pa ng mga vaccine ang totoong hinihintay... πŸ™

tapos kailangan ko pa ng certification..
patunay na nabakunahan na...

is feeling , ibenta na lang sana yung pa-Pfizer para sa mga piling mamamayan na takot naman sa bakuna...

-----o0o-----


January 11, 2021...

put*ng inang kabobohan yan..
7th day..
tapos sasabihin na putol yung cable namin sa box...??

mga demonyo..
yan na nga ba ang sinasabi ko eh..
nagpa-repair sila nang maramihan..
nasira yung linya namin, kahit na nandun pa naman sila..
pero pinabayaan ng maraming araw..
tapos sa 7th day eh saka pa sila nagpadala ng mga tao na naka-uniform talaga nang pang-Globe...

is feeling , mga put*ng inang sugo ng kamalasan ni FATE laban sa akin...


>
so alam ko na kung ano yung bagong sinisingil ng SSS..
employees' compensation para sa Medicare...

pero bakit kailangan ko pa ng Medicare..?
eh naghuhulog na ako sa PhilHealth...??

is feeling , ang gulu-gulo na ng bayan na 'to...

---o0o---


January 12, 2021...

[Gadget-Related]

1st major hang ng pangalawa kong unit..
at magpo-4 years pa lang siya sa March..
nakapagtataka lang dahil ngayon lang siya nagbagal nang ganun..
sobrang bagal, at sa sobrang tagal na duration..
considering na matagal na niyang ginagawa yung mga operations na ginagawa ko kanina...

huwag naman..
hindi ko kakayanin kapag sumabay ka pa sa magiging gastos ng nabubulok kong katawan... πŸ™

is ⚠ feeling , talaga bang ganito kayo kaseryoso na hadlangan ang Dream Date ko...??


Tuesday, January 12, 2021

Praise to Smuggling

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily black prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 182...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 136 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung madali lang para sa kanya na isapubliko ang pangalan ng ibang mga tao, pero hindi yung sa iba pa
  • yung may mga Representative na kayang pangalanan kaagad at meron ding mga pinipiling hindi pangalanan
  • yung palusot na kesyo may sakit daw sa utak yung pulis na innocent-killer sa Tarlac
  • yung kailangan DAW ng modernization para sa mga armadong empleyado dahil sa pandemic at natural calamities, pero sino bang nagpapatulog nung pera sa PITC
  • yung gustong gawin nang libre ang swab test, pero ni hindi nga mabayaran ang lahat ng utang sa Philippine Red Cross
  • yung ayaw na ng kapayapaan kasama ng mga rebelde, pero willing na magbigay ng COVID-19 vaccine para sa mga rebelde
  • yung kagustuhan na i-exempt ang mga lokal na mamamayan na nasa UK mula sa travel ban na laban sana sa pagkalat ng UK COVID-19 variant
  • yung ilang araw ng topic yung tungkol sa bagong COVID-19 virus strain mula sa UK, pero late nang kikilos
  • yung ginagawang hostage ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapalit ng pagkakaroon ng vaccine mula sa USA
  • yung pagbibigay papuri sa paggamit ng smuggled na vaccines
  • yung pagpoprotekta sa mga gumagamit ng smuggled, at maging sa mismong smuggler na rin
  • yung kagustuhan na madaliin ang approval ng Imperial vaccine, sa kabila ng mababang efficacy rate nito at ng pagiging mas mahal kumpara sa iba pang vaccines

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Angeles City, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Davao City, yung empleyado ng Davao City Treasurer's Office na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng gusali ng Sangguniang Panlungsod
  • sa Isabela, yung pulis na nahuli dahil sa robbery extortion laban sa isang babae na may kinakaharap na maraming kaso
  • sa Navotas City, yung naka-AWOL na pulis na naaresto dahil sa pangongotong
  • sa Ermita sa Manila, yung 2 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • yung empleyado ng DOJ, na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil ng tinatawag daw na pasalubong mula sa isang customs broker
  • sa Camp CastaΓ±eda sa Silang, Cavite, yung kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na binugbog ng mga kapwa niya kadete nitong bagong taon, na nag-ugat daw sa pagsita ng biktima sa 3 suspek dahil sa pag-iinuman sa school premises
  • sa Pampanga, yung construction worker na napatay ng pulis matapos na mapagkamalang holdaper
  • sa Mabalacat, Pampanga, yung dating pulis, na nag-AWOL, na hinuli dahil sa kasong murder
  • sa Paniqui, Tarlac, yung pulis na innocent-killer na pumatay ng walang kalaban-laban na mag-ina nang dahil lang sa away sa boga at righ of way
  • sa Zamboanga City, yung sundalo na nakapatay ng kapwa niya sundalo, kasi nagkaroon daw ng pagtatalo dahil lasing yung isa

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pulis na isa sa mga suspek sa nangyaring pananambang at pagtumba sa isang lawyer sa Palawan
  • sa Baguio City, yung lalaking dinukot at pinatay, pinugutan pa yata ng ulo, kung saan 2 pulis ang mga suspek na miyembro raw ng drug enforcement unit ng Police Regional Office - Cordillera
  • sa Tarlac, yung natagpuang bangkay ng isang dating Court of Appeals justice, na pinutulan daw ng kamay at ng mga daliri
  • yung Mayor ng Los BaΓ±os, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall
  • yung pagkamatay ng Counter Terrorism Division Chief ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng kanyang opisina
  • yung mag-asawang former peace consultants na napatay daw sa police operation na isinagawa nang madaling araw
  • sa Iloilo City, yung sinasabing Tumandok Massacre raw na laban na naman sa mga indigenous people
  • sa Negros Oriental, yung nire-red tag na babaeng doktor at ang kanyang asawa na biktima ng tumbahan
  • yung maraming mga hinuhuli sa panahon ngayon dahil kesyo sa pagtatago ng mga armas
  • yung sinasabing Search Warrant Queen

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung opisyales na sakitin na noong may mga kaso siya, pero ngayon ay may panibago na namang hawak na katungkulan
  • yung pagbibigay ng executive branch ng mga kondisyon para ma-certify na urget yung anti-money laundering law amendments bill
  • sa Cebu, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang opisyales, na dinumog ng mga tao
  • sa Batangas, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Senator, na dinumog ng mga tao
  • yung bad example na senador na nagsasabi na magmalasakit daw at mahalin ang mga pulis, kahit na may mga kriminal sa hanay ng mga ito
  • yung update ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac na hindi tumugma sa record ng Tarlac government, 211 kumpara sa 19 lang
  • yung mabilis at nasa Php 1,900 lang pala yung swab test sa UP-PGH pero hindi naman kayang ipatupad sa buong bansa
  • yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang
  • yung lokal na mamamayan na naka-travel palabas ng bayan, tapos saka napag-alaman sa Hong Kong na carrier na pala siya ng UK variant ng COVID-19
  • yung problema sa usapin sa face shield, dahil biglaan na naman ang pagpapatupad nang hindi naman pinag-aaralan lahat ng klase ng sitwasyon
  • yung pagpabor sa Imperial vaccine kahit na mahal pala iyon at wala pang Phase III trial
  • yung nasa 50% pa lang daw ang efficacy nung Imperial vaccine kahit na mas mahal iyon
  • yung pagpapakawala RAW sa Pfizer vaccine deal
  • yung opisyales na nagsasabi na kesyo kailangan daw muna na magkaroon ng community transmission ng UK COVID-19 variant mula sa kung saang bansa bago mag-issue ng travel ban para sa bansang iyon
  • yung hindi convincing na mataas na rating sa DOH para sa pagtugon laban sa COVID-19
  • yung mga health workers na nasaktan ang damdamin dahil hindi sila ang totoong priority para sa COVID-19 vaccination
  • yung mga PSG na nabakunahan na RAW ng Imperial vaccine
  • yung umamin na smuggled pala yung mga Imperial vaccines na ginamit para sa Presidential Security Group (PSG)
  • yung ayaw sabihin kung sino yung nag-donate at nag-smuggle nung mga Imperial vaccine papasok sa bayan
  • yung may nauna na rin DAW sa cabinet sa COVID-19 vaccination
  • sa Olongapo City, yung pulis na nag-organize raw ng pagtitipon kung saan nalabag ang mga health protocols
  • yung mga pabayang barangay kung saan pinapabayaan lang ang mga nagpa-party at videoke sa panahon ng COVID-19
  • sa Davao City Hall, yung 14 daw na empleyado na nahuling nagpa-party, nag-iinuman pa raw habang naka-duty
  • sa Laoag, Ilocos Norte, yung holiday party ng local government unit na lumabag daw sa mga health protocols
  • yung napasok na rin ng COVID-19 ang Philippine Military Academy (PMA)
  • yung pagsabog ng COVID-19 sa iba't ibang mga kulungan
  • yung may nakapasok sa bayan na COVID-19 carrier na mula sa UK sa panahon ng UK variant
  • yung gusto rin ng sobrang tinong PhilHealth na ituloy yung pagtataas sa rate of contribution for 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
  • yung wala palang silbi yung salita lamang upang mapahinto kaagad ang pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth, dahilan kung bakit patuloy ang paniningil nila ng mas mataas na kontribusyon
  • yung kagustuhan ng SSS na ituloy pa rin yung pagtataas ng kontribusyon ng mga members sa 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
  • yung Workers' Investment and Savings Program (WISP) ng SSS, kung saan obligado raw na maghulog ang mga members na may higit sa Php 20,000 na monthly income, bukod pa sa tuloy nga yung increase sa basic na contribution sa 2021
  • sa website ng SSS, yung mali ang lumalabas na final total para sa babayarang contribution kahit na tama naman yung initial na computation
  • yung plano ng Bangko Sentral na gumamit ng bago at pangit na logo na malamang magdulot na naman ng pagpapalit ng disenyo ng mga kasalukuyang pera
  • yung bilyon-bilyung nakatengga na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC)
  • yung may 1% pala na komisyon ang PITC para sa mga pamimili na idinadaan sa kanila
  • yung pati construction ng mga fire station ng Bureau of Fire Protection (BFP) eh idinaan din sa PITC
  • sa SLEX, yung kalituhan na idinulot tungkol sa kung may limit nga ba o wala ang sistema ngayon sa pagpapakabit ng RFID
  • sa NLEX, yung cashless na dapat ang sistema ayon sa kanila pero napilitang tumanggap pa rin ng cash
  • yung hindi raw pulido na RFID sensors sa NLEX
  • yung mga kuwestiyonableng kaltasan sa RFID load, para sa NLEX lang yata 'to
  • yung hindi raw tamang pagganap ng Toll Regulatory Board (TRB) sa kanilang tungkulin, dahilan kung bakit may mga palpak na sistema hanggang sa ngayon
  • sa Muntinlupa City, yung bumagsak na steel girder mula sa ginagawang Skyway Project, kung saan 1 ang namatay at 4 naman ang sugatan
  • yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway, dahil sa mga pasaway at sa kawalan ng mga nagre-regulate
  • yung pag-iinitan na naman ang mga truck dahil sa problema sa traffic, samantalang sila nga ang nagde-deliver ng mga goods
  • yung logging at quarrying ang itinuturong dahilan sa naging matinding pagbaha sa Cagayan
  • yung may reclamation pala na ginagawa sa isang bahagi ng Marikina River
  • yung suliranin sa supply ng karne ng baboy, dahil yung ASF (African Swine Fever) eh nakapasok na rin nang husto sa loob ng bayan dahil sa palpak na pagbabantay laban dun
  • yung nagsasabi na nakamit na raw yung hustisya sa nangyaring massacre samantalang imposible naman na iilang tao lang ang may kagagawan sa ganung kalaking krimen
  • yung pagtatanggol ng mga opisyal sa mga investor ng tollway sa kabila ng mga obvious na pagkukulang
  • yung kapag nasisita eh hindi member, pero kapag tungkol sa utang o limos ang usapan eh automatic na member
  • yung opisyales na kumanta sa isang restaurant sa panahon ng COVID-19, pero palalagpasin na lang siya ng DILG
  • yung hindi patas na pagpapatupad ng DILG ng mga patakaran laban sa mga lumalabag sa mga health protocol
  • yung panibagong impeachment complaint, laban pa rin sa tao na hindi ang hanay nila ang nag-assign sa katungkulan
  • yung overgeneralization na automatic DAW na supporters ng mga rebelde ang mga kamag-anak nila
  • yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Representative na automatic na pinagbibintangang supporters ng mga rebelde
  • yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army
  • yung opisyales nag-uutos na bawal daw ang mga party, pero sila mismo eh masamang ehemplo
  • yung nasira kaagad yung bangkay nung namatay na babaeng flight attendant bago pa man na-autopsy, kasi inembalsamo kaagad kesyo protocol daw dahil sa COVID-19
  • sa Davao City, yung pulis na nahuling gumamit ng peke na swab test result
  • yung kailangan pa RAW ng anger management ng mga pulis
  • yung surprise inspection para sa Malate Police, na naging dahilan kung bakit sila inalisan ng Christmas at New Year break, at sinibak din ang kanilang hepe, kasi sobrang kulang yung bilang ng mga dinatnan na naka-duty kumpara sa dapat na bilang
  • yung babaeng pulis na nagpaputok ng baril nito raw bagong taon, na nag-ugat daw sa selos
  • yung sinibak na hepe ng mga pulis sa Bato, Catanduanes, na pabor sa pagpatay sa mga inosenteng tao kapag naubusan na ng pasensya ang mga pulis
  • yung may dati na palang mga kaso yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, 6 na nasa record na may kasamang Homicide
  • yung biglang isiningit na panukala, yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment
  • yung may mga Imperial employees ng mga offshore companies ang naturukan na RAW ng COVID-19 vaccine 

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung wala na ring UAAP Season 83 dahil sa hinayupak na pa-COVID-19 na yan ng mga Imperyalista
  • yung mga mamamayan na masyadong pinahahalagahan ang mga handa at materyal na bagay para sa holiday season
  • yung mga pabayang magulang na nagpakalat ng mga anak nila sa araw ng pamamalimos, na mga hindi naman nagsusuot ng face mask at face shield
  • yung hotel kung saan may namatay o napatay na flight attendant matapos na mag-party doon noong New Year, na napag-alamang lumabag pala sa COVID-19 protocol para sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facility
  • yung pagsabog daw ng COVID-19 sa mga lock-in movie shoots
  • yung binalewala na ng mga tao ang safety protocols sa isang murang pamilihan dahil lang sa pamimili nila para sa nalalapit na holiday season
  • yung mga deboto ng isang religious na rebulto, na hindi nagpaawat dahil sa okasyon kahit na may banta pa ng COVID-19, kaya naman nalabag na ang mga health protocol
  • sa ParaΓ±aque City, yung religious group na nagdaos ng event sa panahon ng COVID-19 kung saan marami ang dumalo at nalabag na raw ang mga health protocols
  • sa Zamboanga City, yung nagbukas na mall sa panahon ng COVID-19 na dinagsa ng sangkatutak na mga pasaway na tao
  • sa Zambales, yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party sa 2 super-spreader na event
  • yung Halloween party sa Boracay sa panahon ng COVID-19, kung saan nilabag nang husto ang mga health protocol
  • sa San Juan, Batangas, yung nakunan ng video na medyo malaking beach party sa panahon ng COVID-19, kung saan binalewala na ang mga health protocol
  • sa Manila North Cemetery, yung pasaway na party kung saan may inuman at videoke, at balewala na ang health protocol
  • sa Quezon City, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang compound dahil sa pagdadaos ng birthday party, kung saan isang government employee daw na may symptoms ng COVID-19 yung dumalo doon sa party
  • yung mga OFW na nagrereklamo dahil sa panibagong paghihigpit sa pagta-travel dulot ng UK COVID-19 variant, kahit na wala pa naman talagang nagagawang totoong lunas simula pa noong December 2019 
  • sa Manila, yung rambulan ng nasa 100 daw na kabataan na nakunan ng CCTV camera
  • sa Ilocos Norte yata 'yon, yung mga nahuli na nameke ng antigen test result
  • yung mga nahuli na turista na ginustong makapasok sa Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
  • yung mga turista na pilit pumapasok sa isla ng Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
  • yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth
  • sa Cavite, yung mga gamit na face mask na ginawang palaman sa ibinibentang unan
  • yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, na ang kapal ng mukha na maghain ng not guilty plea kahit na huling-huli sa video yung kasamaan niya
  • yung mga online users na nagsasabi na tama lang yung ginawang pagpatay nung pulis na innocent-killer sa Tarlac kahit na wala namang armas yung mga naging biktima
  • yung mga pasaway na nagbibisikleta sa EDSA na humahawi sa daan para makapag-shortcut, ganun din yung ang gamit ay iba pang klase ng mga sasakyan
  • yung mga pro- sa shutdown nung TV network na naglaro sa bahay ng mga celebrities
  • yung latest na survey tungkol sa 2022, kung saan mataas ang popularity ng mga magnanakaw
  • sa Pampanga, yung mga kaawa-awang migratory birds na pinagbabaril ng mga tao
  • sa ParaΓ±aque City, yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo
  • sa Bamban, Tarlac yata iyon, yung mahigit sa 300 foreigners na nahuli na ilegal na nagtatrabaho dito sa bayan, kung saan karamihan eh mga Imperial citizens
  • sa Imus, Cavite, yung 2 Imperial citizen na nahuli dahil sa pag-kidnap at pagto-torture sa 1 Taiwanese kapalit ng ransom
  • yung kagustuhan ng National Grid Corporation of the Philippines na ma-exempt ang mga ka-deal nila sa travel ban na dulot ng UK COVID-19 variant
  • yung pagpapabaya ng WHO laban sa bagong strain ng COVID-19 virus na mula sa UK
  • yung kaso ng Zombie Minks sa Denmark
  • sa Ilocos Norte, yung Imperial citizen at ang driver niya na nag-present ng pekeng antigen test result
  • yung may ilegal na RAW na pagbabakuna sa loob ng bayan gamit ang Imperial vaccine
  • yung may nag-positive RAW sa COVID-19 sa hanay ng mga Imperial citizens sa bayan na naturukan na ng kung anong vaccine
  • yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus, inililipat na nila ang origin sa ibang bansa
-----o0o-----


January 2, 2021...

so totoo nga..
may pro- sa shutdown nung TV network na naglalaro ngayon sa bahay ng mga celebrities... πŸ™

magkaiba yung panawagan sa shutdown..
kumpara sa hindi lamang pagbibigay ng franchise...

is feeling , ang kapal ng mukha.. gamitan lang talaga ang laro niya...


>
hindi ko na nakuha yung lugar..
basta yung babaeng pulis na nagpaputok ng baril nito raw bagong taon..
nag-ugat daw sa selos...

is feeling , kung kaya ng mga lalaki, kaya rin ng mga babae.. tukso ng gatilyo...


>
sa Camp CastaΓ±eda sa Silang, Cavite..
yung kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na binugbog ng mga kapwa niya kadete nitong bagong taon..
nag-ugat naman daw ito sa pagsita ng biktima sa 3 suspek dahil sa pag-iinuman sa school premises...

kadete pa lang pero mga tiwali na... πŸ™

is feeling , nakakatakot.. parang training ng mga halimaw.. irespeto natin sila kung ayaw nating masaktan...

---o0o---


January 3, 2021...

sa Pampanga..
yung construction worker na napatay ng pulis matapos na mapagkamalang holdaper...

is feeling , sablay...

---o0o---


January 4, 2021...

yung napasok na rin ng COVID-19 ang Philippine Military Academy (PMA)...

is feeling , sablay... paano kaya..? sa mga nagpapasok kaya ng pagkain...??


>
yung pagbibigay papuri sa paggamit ng smuggled na vaccines... πŸ™

hindi sobrang mahalaga ng isang buhay..
lalo na kung ito ay pahamak lang para sa nakararami...

is feeling , legal na ang smuggling...


>
yung may mga Imperial employees ng mga offshore companies ang naturukan na RAW ng COVID-19 vaccine...

nandito sila sa loob ng bayan..
so smuggled din ang mga ginamit nila... πŸ™

is feeling , mabuhay ang smuggling.. ang pag-asa para sa pagbabakuna...

---o0o---


January 5, 2021...

yung may nag-positive RAW sa COVID-19 sa hanay ng mga Imperial citizens sa bayan na naturukan na ng kung anong vaccine..
na malamang na Imperial vaccine rin...

is ⚠ feeling , palpak na vaccine...


>
yung pagpoprotekta sa mga gumagamit ng smuggled..
at maging sa mismong smuggler na rin...

alam nilang mali yung proseso nung pagpapasok nung produkto sa bayan..
alam nilang wala pa rin ngang permit yung produkto..
kaya bakit protektadong-protektado nila ang smuggler...??

is feeling , kaya huwag na tayong magtaka kung bakit hindi talaga natatapos ang problema ng mundo sa ilegal na droga...

---o0o---


January 5 to 9, 2021...

yung hotel kung saan may namatay o napatay na flight attendant matapos na mag-party doon noong New Year..
na napag-alamang lumabag pala sa COVID-19 protocol para sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facility... :(

parang nag-merge pa raw ng party ang 2 room eh...

is feeling , general rule.. men can be dangerous.. humans can be dangerous...


>
yung nasira kaagad yung bangkay nung namatay na babaeng flight attendant bago pa man na-autopsy..
inembalsamo kaagad kesyo protocol daw dahil sa COVID-19...

is feeling , wasak ang ebidensya...


>
yung lokal na mamamayan na naka-travel palabas ng bayan..
tapos saka napag-alaman sa Hong Kong na carrier na pala siya ng UK variant ng COVID-19... :(

is ⚠ feeling , ibig bang sabihin na pumalpak ang screening sa kanya sa bayan...??


>
sa Zamboanga City..
yung sundalo na nakapatay ng kapwa niya sundalo..
nagkaroon daw kasi ng pagtatalo kasi lasing yung isa...

is feeling , sila-sila na naman...


>
yung mga turista na pilit pumapasok sa isla ng Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results...

may perang panggala..
pero ayaw pang gumastos para sa totoong swab test... :(

is feeling , kagagaling...


>
yung mga deboto ng isang religious na rebulto..
na hindi nagpaawat dahil sa okasyon kahit na may banta pa ng COVID-19..
kaya naman nalabag na ang mga health protocol...

is feeling , baka pinarurusahan ang sangkatauhan dahil bawal ngang sumamba sa mga materyal na bagay...


>
yung suliranin sa supply ng karne ng baboy..
dahil yung hinayupak na ASF (African Swine Fever) eh nakapasok na rin nang husto sa loob ng bayan dahil sa palpak na pagbabantay laban dun... :(

is ⚠ feeling , damay din tuloy ang supply at presyuhan ng iba pang mga naiuulam...


>
yung basurang pulis na innocent-killer sa Tarlac..
na ang kapal ng mukha na maghain ng not guilty plea kahit na huling-huli sa video yung kasamaan niya...

is feeling , kasing-demonyo ka ng lahat ng mga tiwali sa loob ng sistema...