Friday, December 13, 2019

Bias Funding

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


back to the usual...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 133 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
  • yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
  • yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
  • yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
  • sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks 
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
  • yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
  • sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
  • yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
-----o0o-----


December 9, 2019...

yung bad news muna...

sa Bacolod..
yung sundalo na nangmolestiya daw ng isang dalagita..
special child pa daw yung babae...

parang nakita daw na kasama na nung sundalo yung dalagita sa loob ng isang sasakyan..
tapos parang pinagtulung-tulungan na ng mga tao yung suspek...

is feeling , titingnan pa ang resulta ng imbestigasyon...


>
bale naka-AWOL pala na sundalo yung suspek doon sa Bacolod City..
medyo mataas ang katungkulan eh...

pero ang masamang nangyari na kaugnay nun..?
eh nagawang pagsasaksakin ng isang kaanak nung biktima yung suspek habang naaresto na ito..
gunting daw ang ginamit eh..
pero nakakulong na rin nga yung kaanak nung biktima...

is feeling , mahina ang pagbabantay...

---o0o---


December 11, 2019...

sa Iloilo City..
yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation...

babae ang inagawan daw..
nasa Php 20,000 yung halaga nung pera..
pambayad daw sana iyon sa ospital..
at may pruweba yung babae na galing sa remittance center yung pera na hawak niya...

bukod dun ay hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima...

is feeling , ano na naman yun..? sideline...??


>
yung plano ng gamitin ang sports para lalong magpakilos ng gatas... :(

kapapatayo lang..
pero gusto na namang magpatayo ng iba pa..?
tapos ano..?
sila na naman ang unang maglalabas ng gatas para sa mga contractors..
pero kapag na-construct na eh saka ipapa-privatize ulit...??

kung ganun rin lang ang kalokohan nila, edi manghimok na lang sila ng mga private sector na willing mag-invest mula umpisa..
hindi yung gatas na naman ang isusugal nila...

kung talagang tiwala sila sa kakayahan ng mga atleta..?
edi pondo para mapagbiyahe sila sa panahon ng laban ang dapat pag-ipunan..
isama na ang equipment at allowance...

hindi yung sasabayan na naman ng madaming construction na eventually eh magiging private property lang naman... :(

is feeling , mga put*ng ina ninyo.. yun ngang mga magsasaka eh hindi ninyo mabigyan ng libreng mga makinarya para hindi sila ginagago ng mga traders...


>
kagaya nun..
ang dami nilang gustong gastusan puwerket naha-hype sila ngayon..
samantalang hindi pa tapos ang mga gastusin ng bayan para sa mga atleta...

eh sa 140 pa lang na gold medal na worth Php 300,000 each eh nasa Php 42,000,000 na gatas na yun ayon sa batas..
at bukod pa nga dun yung iba pang medals..
pero ang dami pa nilang gustong idagdag, kahit na may private organization naman na magbibigay rin ng incentives...

parang mali-mali lang yung priorities nila...

ganun din yung private na sports organization, na halos kaparehas din ang ilalabas na pera..
willing silang mamigay ng bonus sa mga nanalo..
edi sana ganun rin yung willingness nila na ipagpatayo ng mga facilities at pagbiyahehin abroad yung mga atleta..
may pera naman pala sila eh...

is feeling , hindi ba pwedeng sa iba na lang na nangangailangan rin ng suporta yung mga gusto pang idagdag...??

---o0o---


December 12, 2019...

yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos..
patunay lang yun na maging sila eh naniniwala na hindi naman talaga dapat ipasa sa mga consumer lahat ng mga gastusin ng kompanya..
napakatanga naman talaga na kumikita ka na nga ng pera, pero consumer pa rin ang magbabayad ng buwis para sa kinikita mo...

grabe naman pala talaga yung singil nila..
nasa Php 50 plus per cubic meter..
dahil ano..?
dahil sa law of supply and demand sa sakop nilang area..?
pero sa kabila naman ng pumapalpak na serbisyo..
samantalang dito sa [Name of City] eh nasa Php 10 plus lang per cubic meter...

kaya naman hindi talaga dapat pumayag sa lugar na ito na i-privatize yung sistema ng patubig..
dahil madalas na gahaman kapag private na ang may-ari...

is feeling , tumiklop...


>
tama naman yung punto eh..
iba yung mismong sports kumpara sa pagpapakilos ng pondo sa likod nito..
hindi apektado ng luho ang kakayahan ng mga atleta...

hindi puwerket maraming nakuhang panalo, eh ibig sabihin na malinis ang naging preparation...

is feeling , umpisahan na...

---o0o---


December 13, 2019...

sa Manila..
yung nakunan ng video ng ibang tao..
yung Enforcer ng MTPB na kitang nangongotong sa driver ng isang SUV...

is feeling , may paparating kasi na okasyon...


>
yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong..
pang-beef na ang presyuhan... :(

is feeling , mismanaged resources + Imperialism...


>
yung pampasaherong jeep na pinagbabato ng mga kabataan..
at ginulpi pa daw yung konduktor...

dapat sa mga pulis at sa justice system..
kahit hindi mag-file ng kaso ang biktima dahil wala siyang pera at/o panahon..
kung may video footage naman ng insidente o krimen..
o kung nakaresponde naman mismo ang mga pulis..
sana automatic para sa kanila ang manghuli at mangkulong, para sa security ng mga inosenteng mamamayan, unless may nangyaring areglo...

is feeling , hindi yung ganito na malalaya ang mga utak-kriminal kasi tinatamad na mag-file ng kaso ang mga biktima, at dahil alam naman nila na makakalaya din kaagad yung mga basura ng lipunan...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of December 2019 (Killer Revelation)

Loveless Story


December 11, 2019...

hindi ko napansin kaagad..
siguro dahil napatalsik nga nila ako noon..
pero may 65th (63rd) retirement na pala..
around last November 15 siguro iyon nangyari..
isang baguhan...

is feeling , natakot siguro sa kalokohan nung grupo...

-----o0o-----


[V-League]


SEA Games 2019 Women's Volleyball


December 7, 2019...

walang masyadong bearing, pero more on scouting for Indonesia and the National Team..
preview ng Battle for Bronze...
attack distribution ang magiging susi, ang hindi pag-asa sa Ace Player lamang...

naka-check si Baldo, at may nararamdaman rin daw..
upset loss para sa National Team ang Set 2 na may lead na 20-15, inilabas si Baldo sa majority nung set kahit na delikado na yung bandang dulo..
late rin naagaw ng Indonesia ang Set 3 mula sa 20-17 na deficit nila..
at tila nawalan na ng loob ang National Team sa Set 4 na natapos sa 25-14 na lamang..
dahil dun, wala silang naipanalong laban sa Preliminary Round...

base sa naging laro kagabi, more on opponent errors ang nakatulong sa National Team para makadikit sa Indonesia for most of the sets..
pero sobrang lamang naman ang Indonesia sa kanilang 11 team service aces..
nalimitahan si Baldo sa 2 points lamang..
though maganda pa rin naman ang distribution ng points sa iba pang mga attackers..
Paat with 14 points from 11 attacks and 3 kill blocks, na nasa 34% ang attack rate..
Molina with 13 points na nasa halos 32% ang attack rate..
Baron with 12 points na may 3 service aces..
bukod dun ay bumaba din ang defensive stats ng National team sa floor, na kailangan nilang maibalik upang matapatan sina Megawati at Ratri...

kung gugustuhin nilang manalo, kailangan na lumamang sila sa mismong scoring factor at hindi umasa sa errors ng Indonesia..
kailangan na ma-maintain yung magandang laro ng ibang players for point distribution, at maibalik yung 100% na laro ni Baldo..
at dapat na malimitahan ang mga errors, as in 0 service error sana...

is feeling , ang pangit pala sa Challenge System, minsan kahit rejected ang challenge para sa fault na nangyari sa kalagitnaan ng laro, eh posibleng ipaulit lang yung play kahit na may nai-declare na sana na puntos...

---o0o---


December 9, 2019...


SEA Games 2019 Women's Volleyball
(Battle for Bronze)


yun pala ang nawala sa Indonesia..
yung totoong Ace Player nila na mukha at kasing-lakas ng mga lalaki, yung si Manganang...

anyway..
upset loss para sa National Team..
isa na namang 5-setter match sa kanilang career bilang representative sa international stage..
hindi ko masabi na sobrang naging mahigpit yung laban, since may nawala nga sa Indonesia..
though bahagi din talaga ng ganung sports ang injury...

naglaro si Baldo ng ilang sets..
bumalik sa dating headband style niya si Morado..
ang problema kay Madayag ay hindi niya ma-utilize yung running attack na madalas niyang gawin sa collegiate level, hindi siguro tugma sa kanya ang mga sets..
kaso na-injure ang isang key Middle Blocker ng Indonesia sa Set 3..
medyo dumali ang laban para sa National Team simula Set 4..
tila nakatulong ang pagpasok noon nina Laure at Reyes..
unang silang nakalapit sa match point sa Set 5, pero nabawi pa nga ng Indonesia ang panalo...

Baldo with 14 points in just 3 sets, na may 33% attack rate..
maganda rin naman ang performance ngayon ni Molina, with her variations..
may 17 points siya pero in 5 sets yun, 33% attack rate din, plus 12 digs..
Baron with 11 points..
Laure with 7 points in just 2 sets..
Reyes with 4 points in just 2 sets..
Madayag with 3 pure kill block points, kaso patay nga ang opensa niya with the National Team..

short sa lahat ng scoring stats ang National Team..
wala rin silang naipangtapat kay Megawati na may massive 35 points, with 47% attack rate...

sa tingin ko nagkamali ang National Team sa hindi pagbabalik kay Baldo sa laro..
considering na may nakuha naman silang set with her habang humaharap sa main lineup ng kalaban..
naiwan sila sa Set 3 bago pa man na-injure yung isang player ng Indonesia..
hindi na siya ibinalik sa laro dahil mukhang maganda ang performance ng iba pang mga ipinasok na players..
pero hindi nakita kung ano nga ba ang magagawa niya laban sa medyo bumabang depensa ng Indonesia..
siguro mas nakabuti kung sumugal na lang sila na ilabas ang Opposite Hitter, tutal eh mas mababa ang output ng mga ito this time...

dahil dun ay nagtapos sa 0 Win ang record ng National Team sa SEA Games na ito...

is feeling , bangungot...

---o0o---


December 12, 2019...

Women's National Volleyball Team (2020 to 2021):

OH - Baldo
OH - Rondina (pampeke ang height)
OP - Tolentino
MB - Baron
MB - Palomata
S - Morado
L - Macandili

OH - Jaja
OH - Galang
OP - Paat
MB - Madayag (kailangang matutunan ng Setter yung tamang bigay para sa running attack niya)
MB - Maraño
S - Fajardo
L - Arado

is feeling , suggestion...

---o0o---


SEA Games 2019 Men's Volleyball
(Generation of Beasts)


December 8, 2019...

ang tindi..
ang lakas ng NU..
4-peat SEA Games Champion lang naman ang pinataob ng Men's National Team..
upset loss para sa Thailand dahil National Team ang naghahabol sa last 2 sets...

ibig lang sabihin na pang-Asian international na ang kalibre ng ibang members ng Men's National Team..
sobrang pang-Ace Player ang laro ni Bagunas with 27 points na may 23 attacks, na nasa 46% ang attack rate..
isama na rin si Espejo with 20 points na may 19 attacks, na nasa 42% ang attack rate..
at si Malabunga with 14 points na may 6 international kill blocks, na nasa 33% ang block rate..
bukod pa sa 16 team kill blocks na nagawa nila laban sa dating Champion...

dahil dun, sigurado na sila sa at least Silver Medal finish this year..
at nagkaroon din sila ng pagkakataon na muling subukang talunin ang Indonesia, na hindi nila nagawang matalo sa group nila...

is  feeling , may ilalakas pa sila.. 1 pang key na Wing Spiker at 1 pang key na Middle Blocker...

---o0o---


December 10, 2019...


SEA Games 2019 Men's Volleyball
(Battle for Gold)


malakas nga ang Indonesia this year..
consistent at balanse ang bawat miyembro ng team nila..
kung sakaling sila ang nagharap ng Thailand, eh malamang na natalo pa rin ang dating Champion...

may sapat na cushion ang Indonesia sa Set 1..
maayos naman ang laban ng National Team sa Set 2, pero nanaig pa rin ang Indonesia..
samantalang sa Set 3 ay mas lumakas pa ang kanilang depensa, at naiwan na ang National Team..
bukod dun ay nagawa na nilang asarin ang host team sa pamamagitan ng pagsasayaw, so may konting psychological attack na rin...

ayun nga..
kinulang sa activated na players ang Men's National Team..
hindi nakadiskarte si Malabunga ng blocking kontra sa mga Indonesian attackers, at nalimitahan lang siya sa 4 points..
si Retamar pa ang mas nakagawa ng blocking, with 4 pure kill block points, out of their 6 team kill blocks..
naka-check si Bagunas, at nalimitahan siya sa 11 pure attack points, na nasa 38% ang attack rate..
Espejo with 15 points, na nasa 42% ang attack rate..
pero nakakuha rin naman sila ng suporta mula kay Intal, with 9 points...

samantalang 3 ang reliable na spikers ng Indonesia..
Doni with 20 pure attack points, na nasa 69% ang attack rate..
Rivan with 17 points na may 15 attacks, na nasa 42% ang attack rate..
at si Sigit na may 11 points..
so sa attack rate pa lang eh kita na kung sino ang mas malaki ang tsansa na manalo...

pero hindi na masama ang Silver Medal..
lalo na at nagawa ng National Team na talunin ang dating champion...

is  feeling , kailangang maka-discover ang National Team ng isa pang Outside/Opposite Hitter na kasing lakas nina Bagunas at Espejo para sa mga susunod na taon...

-----o0o-----


December 9, 2019...

[Piracy]

another life-breaking incident... :(

may sumubok na humingi ng permiso ko..
gusto daw sana niyang i-translate yung gawa ko in French...

unfortunately..
sinabi niya na galing sa isang piracy website yung sources nila..
nila, kasi lumalabas na grupo pala sila..
fans daw sila ng mga gawa ko..
at isini-share daw nila iyon sa iba pang mga fans ko din - nang libre...

put*ng ina..
uminit lang yung ulo ko..
ilang weeks pa lang naka-release yung latest project ko..
tapos hihingi sila sa akin ng permiso para ipamahagi ng libre yung mga gawa ko, in French..??
mga hayop..
baka kayanin ko pa yung pressure kung patatagalin man lang sana nila sa market yung mga bagong gawa for at least 1 year eh..
pero yung 17 days lang eh mala-demonyo...

fans pero hindi man lang bumibili ng official copy..?
at namimirata pa..
put*ng ina..
mamatay na sana silang lahat...

bakit ako...??

is 💀 feeling , dapat pala paggawa muna ng mga virus ang pinag-aralan ko para pabagsakin lahat ng mga piratang makakalaban ko...

---o0o---


December 10, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

yung planted na maid naman sa mga Dela Torre ang 4th victim mula sa grupo nina Camila..
at mas malupit pa ang ginawa sa kanya nung Hat Man, dahil idinaan siya nito sa iba't ibang klase ng torture..
nagawa siyang matunton ng kalaban kahit na pinagtago na siya ni Camila...

hindi ipinakita kung sino ang mga umatake kina Fabio at dun sa planted na guard sa mga Dela Torre..
kamay lang na may hawak na baril ang ipinakita para kay Fabio..
samantalang ipinakita naman yung paa nung pumatay doon sa planted na guard, na nagsa-suggest na lalaki ang killer nito..
nagpakita lang naman ang Hat Man simula noong patayin si Ornusa..
nagpapalipad ang Hat Man ng lantern tuwing may pinapatay siya, lantern na katulad ng mga ginamit sa panahon nung bombing incident..
at kasabay ng pagpatay sa planted na maid ay nag-iwan na siya ng mensahe para kay Camila..
bukod dun ay nasa kanya ang katawan ni Luciano, na parang ginagawa niya itong buhay..
duda ako na buhay pa si Luciano dahil medyo naaagnas na yung katawan niya noong kuhanin siya...

bale, nabuking na lahat ng mga tauhan ni Camila na itinanim sa poder ng mga Dela Torre..
boses babae pa rin yung Hat Man..
pero nagdududa na ako ngayon kung pambabae nga ba iyon o pang-bakla..
kung ganun kasi ay posibleng maging si Juan Felipe ang brutal na killer..
though hindi ko makita kung bakit sa kanya ipapasa yung katungkulan ni Luciano, since nagtraydor ito sa kanya noon...

si Luna naman ay ayaw pumayag sa DNA test..
hindi niya kasi gusto na ma-confirm ni Camila na anak nga siya nito, para sa kapakanan ng kinilala niyang ina...

is feeling , nagiging mala-Saw na 'to.. pero yung walang tsansa para mag-survive...

---o0o---


December 11, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

heto naman ang observation ko base sa pause method sa iWant..
bale damit pamburol pala yung costume ni Hat Man na parang katulad ng kay Jose Rizal..
pambabae ang mga kamay at kuko niya..
at nakasuot rin siya ng may heels na sapatos, di tulad nung pumatay sa planted guard..
si Luciano naman ay mukhang patay na talaga, at ipinag-pose na lang ni Hat Man..
so lumalabas na babae talaga si Hat Man..
kaya ang assumption ko matapos yung observation, eh na siya yung sadista na madalas na kausap noon ni Luciano..
base rin kasi sa preview, eh posibleng wala sa mga pinaghihinalaan noon ni Camila ang isa pa nilang kalaban...

parang bahagi ng motibo na magpanggap bilang si Luciano, na kesyo bumangon ito mula sa hukay (since makaluma ngang mag-isip ang mga taga-Las Espadas)..
medyo nahuli naman ni Camila si Agnes na nagsisinungaling tungkol sa pagiging naroon niya sa isang crime scene..
at nahuli rin niya si Agnes na kausap ang adoptive mother ni Emma, habang sinasabi nung isa na sumusunod siya sa kasunduan...

madalas na ipakita ngayon na kokonti na lang ang grupo ng kalaban..
ni minsan ay hindi pa ipinakita na magkasama sina Agnes at ang sadistang partner ni Luciano..
hindi pa ipinakita noon na may pinatay si Agnes bilang ang Killer Bride..
samantalang isang brutal na killer ang Hat Man, na mukhang babansagan na nilang Killer Groom..
babae nga ang Killer Groom base sa mga physical clues, at medyo short din siya, katulad ni Agnes..
kagabi ko rin lang napansin na parang kaboses ni Agnes ang Killer Groom...

pero misteryo pa kung bakit matagal nang ini-reveal na si Agnes ang Killer Bride, at parang utusan lang siya ni Luciano noon..
samantalang ni minsan ay hindi pa ipinakita kung sino yung sadistang parter ni Luciano..
kumbaga medyo surprising kung lalabas man na si Agnes rin nga ang Killer Groom...

is feeling , ang weird lang nung approach kung ganun nga...

---o0o---


December 12, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

2 naman yung latest na pinatay..
mga espiya ni Camila noong panahon na tinutugis na si Luciano..
mukhang dumaan rin muna sila sa torture, bago sila ibinigti..
at umaga na noong nagpalipad ang mga kalaban ng 2 rin na lantern..
malapit iyon sa lugar kung saan iniwan nina Emma si Agnes...

parang sinusubukan naman nung palabas na gawing suspek si Elias..
pero para sa mga mapagmasid, eh malalaman na nila na babae talaga ang killer...

at ayun nga..
binansagan na na Killer Groom yung Hat Man, at kini-claim na si Luciano daw ito..
na logically eh mali..
una, dahil hindi naman na groom si Luciano..
ikalawa, since si Camila yung binansagan na Killer Bride, eh bakit naman nila ginawang groom ang tiyuhin nito..?
though posibleng idea yun ng writer, bilang reference sa relasyon ni Luciano doon sa babaeng killer...

inumpisahan na nga nina Camila na i-check ang adoptive mother ni Emma..
pero kaagad na pumalpak ang kanilang plano..
dahil na rin nag-decide sila na sila mismo ang bubuntot dito, sa halip na magpadala sila ng hindi kilalang tao..
pero may purpose naman yung pagpalpak nila na iyon para sa script...

dahil labas na sa pangkat na itinanim sa poder ng mga Dela Torre ang ibang biktima..
eh lumalaki ang posibilidad na yung tauhan nga nila na Ponce ang traydor..
pero malaki pa ring puzzle yung mga bagay na kanyang ginawa at hindi ginawa...

theory #13 - na may kaugnayan yung Ponce na tauhan nina Camila sa kalabang grupo

is feeling , mala-Saw na talaga.. may brutal na killer cut na sa iWant...

---o0o---


December 14, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride (Revelation)

patuloy ang pagpasok ng mga clues para kay Iking..
pero hindi pa masabi kung totoong mga pangitain ba ang mga iyon, o kung feed mula sa mga kalaban...?

lumalabas naman na posibleng buhay ang tatay ni Elias..
dahil may natanggap siyang recent picture, noon yatang panahon iyon ng bombing incident..
malaking surpresa iyon para kay Elias dahil may inilibing silang bangkay noon..
at gaya ng sabi ko noon, mukhang may purpose sa script ang pag-ubos sa pamilya ni Elias..
nagtataka ang binata kung bakit parang nagtatago ang kanyang ama..
at kung paanong may bangkay sila na inilibing noon in his place..
assumption tuloy ni Elias na posibleng may masamang ginawa ang kanyang ama kaya ganun ang nangyari..
napaisip rin siya kung bakit walang nakakakilala dito sa Las Espadas, kung ano ba ang origin ng kanyang tatay..?
pero nagtaka ako dahil buong akala ko noon na family friend sila ni Vito, kaya niya kinuha ang naulilang si Elias...

at inatake na ng Killer Groom si Manay Ichu..
pero nagawa naman siyang hadlangan ni Camila..
naglaban ang 2, at nagawa pa nga ni Camila na gripuhan sa kanang tagiliran ang kalaban..
dahil sa close encounter, napansin nina Camila at Manay Ichu na parang babae naman ang Killer Groom...

at surprise!
na-reveal na kung sino ang kasabwat at partner ni Luciano..
at magaling ang naging pagtatago sa kanya ng script..
ang biktima ng kanyang sadista na baklang asawa..
ang mapagmahal na ina..
ang madalas na kontra sa pag-uugali ni Luciano..
ang madalas na dumidisiplina kay Tatiana..
ang pinakamalapit kay Camila sa kanilang pamilya..
at ang nanatiling naroon para sa kanya sa panahon ng kanyang mga trial sa korte..
si Alice..
lumalabas tuloy na panay malalapit kay Camila ang mga naging kasabwat ni Luciano para pabagsakin siya..
napatunayan na rin na tauhan nga lang si Agnes, na sinubukan lang siyang gawing decoy ng script para siya ang paghinalaan bilang Killer Groom..
binago rin ang kanyang boses, malayong-malayo kapag nagsasalita siya bilang ang Killer Groom...

pero bakit siya..?
hindi ko alam kung anong galit niya kay Camila from the beginning..
at hindi ko rin alam kung anong koneksyon niya sa Primo Diablo..
pero siguro naging kakampi niya si Luciano dahil nagkaroon sila ng relasyon..
dahil sinasaktan siya ng kanyang asawa, na hindi rin magawang gampanan ang responsibilidad nito sa kanya dahil bakla pala ito, eh mukhang nabaling sa kanyang bayaw ang kanyang pagtingin..
sa halip na maging masokista, eh mukhang nakuha niya rin kay Juan Felipe ang pagiging sadista..
at nakita niya naman kay Luciano ang pagiging submissive sa kanyang desire...

is feeling , ngayon ko lang mapapanood si Lara Quigaman bilang isang kalaban sa TV series.. at hindi lang basta kalaban, dahil isa siyang brutal na sadista...


Friday, December 6, 2019

Capability Users

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


sawsaw na nga sa pamilya ng may pamilya..
media threat pa... :(

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 124 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
  • yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
  • yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks 
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
  • yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
  • sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
-----o0o-----


November 30, 2019...

yung nag-volunteer..
pero nagrereklamo at saka umatras...??

mali din yata yung gamit nun na dictionary...

is feeling , akala siguro eh dadaanan ang lahat ng pera...


>
sa Bocaue area..
yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente..
may mga nasaktan daw, pero wala namang namatay...

is feeling , hanggang sa biyahe ba naman..? sumisimple ba ng injury...??

---o0o---


December 1, 2019...

yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba...

ganun ba naman yung may tamang plano..?
nag-produce muna ng posibleng ikalito ng ibang tao..
tapos saka ulit magdi-disenyo ng panibago...??

samantalang madalas pa naman nilang ipaalala na kesyo mas malaki ang cost of production kumpara sa actual worth ng nagagawang pera... :(

is feeling , para-paraan para dumaloy ang gatas...

---o0o---


December 2, 2019...

sa tingin ko, eh hindi rin naman namatay si Lapu-Lapu para sa buong bayan..
duda nga ako na aware na siya noon tungkol sa buong teritoryo na tinatawag ngayon na Pilipinas eh..
duda rin ako na nalibot na niya iyon noon...

base sa mga nabasa ko, eh mukhang hindi rin naman siya namatay sa mismong pakikipaglaban sa mga banyagang mananakop..
basta lumaban lang sila para sa kanilang teritoryo at mga paniniwala, at dahil nilusob nga daw sila...

pero may punto rin naman kahit papaano ang matabang prinsesa..
eh ang weird nga na ganun yung kanta pero ni wala nga sila sa lugar na iyon noon eh...

kaso ang mahirap sa demand nila..?
kung parating kukuwestiyunin ang lugar at ang dialect, eh wala talagang magiging suitable na mag-represent para sa buong bayan..
kasi natural na yung pagkakaiba-iba ng bawat lugar o probinsiya eh..
kung ipipilit nila na kailangan ng common language man lang para sa lahat, edi mas malamang na English pa ang mapili...

is feeling , tsaka hindi na tugma yung kanta para sa kasalukuyang kondisyon nung Capital...

---o0o---


December 4, 2019...

ang nag-e-explain, yung per item at per quantity..
dahil overwhelming pa rin kapag summarized...

basta ako..
nakakita na ako ng bahay na worth Php 2,000,000..
at nakakita na ako ng bahay na worth Php 4,000,000 na may kasamang mamahaling kitchen...

is feeling , hindi na nakakapagtaka kung bakit kultura na ang pagnanakaw ng gatas...


>
waterproof ba ang apoy kapag milyones ang worth ng LPG...??

is feeling , more than 8,000 na 11 KG tanks...


>
ang isang katangahan ng mga mamamayan sa tuwing nagko-compare sila ng paggastos sa ibang bansa...??

akala nila na ang formula ay amount in foreign currency x exchange rate to local currency..
wala sa consideration ang rate ng pagkita ng pera, na may kinalaman sa economic level..
at lalong wala sa consideration ang purchasing power ng ibang bansa...

is feeling , hindi lahat nasusukat sa total lang...


>
yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa...

aw..
sa ganun pala ginagastos yung ibang bahagi ng budget... :(

is feeling , sulit na sulit sa mamahaling non-intelligence fund...


>
sa Women's Correctional..
yung mga nasamsam na mini-phone..
at ang mga ilegal na nakatira sa loob nung compound...

is feeling , kultura naman ng mga bilangguan...


>
yung lumang agreement sa mga magtutubig..
1997 pa..
kapalit ng kakayahan at sistema ng mga private companies...

is feeling , yun pala ang dahilan kung bakit international ang pag-handle ng mga kaso ng mga magtutubig nila...


>
[Natural Calamities]

ganun na yata talaga..
comfort, temperature, speed, at iba pang pampadali ng buhay para sa sangkatauhan..
polusyon kapalit ng mga delubyo...

is feeling , climate change...

---o0o---


December 6, 2019...

[Natural Calamities]

nasa Magnitude 5.6 na lindol..
Mindanao pa rin, sa may area ng Davao Occidental...

is feeling , baka kailangan muna ng mga alay bago niya ulit patigilin...??


>
sana ang pagsuporta ng mga mamamayan ay yung totoo..
hindi yung dahil lang sa uso yung event..
hindi yung pang-social media lang..
hindi yung kapag may medal eh proud kababayan kuno..
pero kapag walang medalya eh never mind at hindi kilala...

simpleng LIKE nga lang doon sa page nung sport eh hindi pa maibigay bilang suporta eh...

is feeling , mga nakikisakay lang...

---o0o---


December 7, 2019...

yung patuloy pa rin ang pagbabanta ng Hokage na Mahilig laban sa franchise ng isang TV network..
ito ay sa kabila ng panggagamit ngayon ng kanyang mga kaalyado sa kakayahan nung network para sa SEA Games, upang hindi naman sila mapahiya...
partners kuno, pero habang nakatingin lang ang international community... :(

dahil kini-claim ng isang branch na kesyo independent sila..
lumalabas na patuloy lang ang ginagawang pangpo-provoke ng Hokage na Mahilig..
naghihintay na may lumaban sa kasamaan niya, at saka siya magsusumbong sa kanyang mga Panatikong Zombies na kesyo may destabilization laban sa kanilang alyansa..
as proof, eh ilang beses na rin nilang idinawit yung kompanya sa kung anu-anong plot kuno..
at dahil kulto sila, eh parati lang maniniwala ang kanyang mga Zombies sa lahat ng kanyang sasabihin...

is ⚠ feeling , hindi sila dapat magsalita hangga't wala pang final na decision.. gagamitin lang laban sa kanila ang anumang sasabihin nila in advance.. mas makabubuti kung saka na lang sila magre-react kapag lumabas na ang resulta...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of December 2019 (The Exclusive Realm)

Loveless Story


December 2, 2019...

4 years na simula noong nagsinungaling sa akin si Miss Co..
at hanggang ngayon, nakakapanghinayang pa rin ang mga nawala sa akin..
pinagsisisihan ko pa rin yung mga bagay na hindi ko nakuha...

siguro ganun lang talaga..
wala kang halaga, kaya sinusubukan mong hanapin yung bagay na ikaka-proud mo mula sa ibang bagay o tao..
at sa kaso ko..
na-realize ko na sobrang fulfilling na makipagtrabaho sa mga elite o elite-like na babae..
yung tipong hindi mo basta-basta makakasalamuha sa buhay mo..
yung tipo na nasa 1 lang ang level mo, tapos sila eh nasa 10..
yung bagay na kayang magparamdam sa'yo na desirable ka kahit na konting sandali lang...

anyway..
2 hanggang 3 na yung napapagsumbungan ko..
pero for some reason eh hindi ko sila magawang ipatanggal sa mga raket nila..
siguro may mga ganun talaga na mga lalaki..
walang pakialam sa trabaho ng mga kinakasama nila..
walang pakialam kung marami silang ka-share..
at walang ibang mahalaga kundi yung easy money...

is feeling , saan na ako maghahanap ngayon ng legit...??

---o0o---


December 5, 2019...

[Strange Dream]

sa isang parang school ground ang setting..
tapos may malalaking pictures nung mga miyembro nung grupo sa bandang harapan..
mga schoolmate ko noong elementary mostly yung nasa may ground..
ako naman eh nakaupo sa medyo elevated na concrete structure sa left side...

nang biglang dumating yung mga miyembro nung grupo..
parang nasurpresa nga sila doon sa mga pictures nila na naka-display sa harapan..
pakiramdam ko naman that time na ako ang responsable sa mga yun..
so nagsimulang magtanong si Miss A sa mga tao kung sinong may gawa nun..
nag-aatrasan naman ang kanyang mga nilalapitan, na parang natatakot sa inaakto niya..
hanggang sa na-clear yung mga tao sa paligid ko, at ako na lang mag-isa ang naiwan sa space na kinaroroonan ko..
nakita at namukhaan ako ni Miss A, at kaagad niyang in-assume na ako ang may pakana nun...

parang magsisimula na sana silang sirain yung mga pictures..
kaya mabilis akong tumayo at lumipad daw papunta sa gitna nung ground..
wala nang imikan..
basta ko na lang sinugod lahat ng mga tao sa paligid ko..
inatake ko daw sila sa pamamagitan ng chop..
matalas daw ang mga braso at kamay ko, at kaya ko ring magpalipad ng long range na chop..
patay naman daw ang bawat atakehin ko, inosente man o hindi..
at mas matindi daw ang nararamdaman ko sa tuwing miyembro ng grupo ang hinahataw ko..
sa isang punto, eh 3 ang na-spot-an ko na magkakasama, kabilang sa kanila si Miss Y na ch-in-op ko talaga ang gitna ng ulo...

naubos ko na yung kalahati ng populasyon na nasa ground nang matigil yung panaginip ko...

is 💀 feeling , mukhang naubos na yung endorphins sa katawan ko.. poot na poot eh...

---o0o---


December 6, 2019...

gamit ang god's Eye, nasilip ko na ang teritoryo ng mga bathala..
nasilip ko ang menu ng mga mayayaman...

2 levels bago ang tuktok..
naka-declare pa ang mga rate na Php 15,000 to 50,000..
pero after that, eh sikreto na ang mga numero..
though hindi rin talaga naka-base sa numbers ang distribution ng mga tao...

surprising na marami ngang models at celebrities..
yung iba dun eh napapanood ko pa sa mga music videos..
kaso mostly eh artificial..
at most probably eh naglalaro na sa 6 to 7 digits ang rates doon...

disappointing..
kasi wala namang espesyal..
marami ang mahal lang dahil nakagawa na ng konting pangalan..
hindi ko rin nakita doon si YAM... :(

is feeling , walang mga diyosa...

---o0o---


December 7, 2019...

[Strange Dream 18+]

ang setting ay sa isang restaurant..
nasa isang table daw kami, yung may pahabang mga upuan sa parallel sides...

i was with Miss LF daw, nasa may left side ko siya (walang katapat na portion nung table)..
si Miss LF ay bahagi ng totoong mundo, hindi ng fantasy world..
kabilang lang siya sa beauty preference ko..
i mean, pakiramdam ko na siya yung kasama ko base sa tema nung panaginip ko, pero hindi pa talaga kami nag-i-interact noong simula..
ni hindi ko pa nga siya natitingnan man lang...

may mga kahati pa daw kaming tao dun sa table..
pero bakante yung nasa tapat ko..
hanggang sa may dumating daw na 2 bata..
isang babae at isang lalaki..
at naupo na sila sa tapat ko..
so kinausap ko sila na para bang kakilala ko na sila..
maganda at magalang rin naman ang pakikitungo nila sa akin..
then napunta kay Miss LF yung point of view ko, na para bang nawala lahat ng mga tao sa paligid namin...

sinabi niya sa akin na kesyo parang wala naman daw masama dahil mga anak ko naman daw sila (yung 2 bata)..
i'm not sure kung biological ba o pagiging stepfather yung tinutukoy niya..
pero mas nasurpresa ako noong sinabi niya sa akin na kesyo may mutual understanding naman daw kami..
it was Miss LF..
pero this time, na-realize ko na parang may butlig-butlig siyang pantal sa kanyang katawan..
bale, mga pantal sila na pabilog ang hugis, at hindi lang basta paga ang itsura..
nasa magkabilang side ng mukha niya (yung area na tinutubuan ng buhok para sa mga lalaki), then paikot sa kanyang baba..
at meron nga ring nakakalat sa kanyang katawan...

tapos bigla na lang nangyari yung pang-18+ lang..
parang naka-black tank top daw siya noon..
na inililis niya in public..
na-reveal daw yung breasts niya, na napantalan na rin sa bandang ilalim..
kinuha niya yung kanang kamay ko at ipinahawak yung kaliwa niyang dibdib..
kaso naramdaman ko na matigas na nga iyon, siguro dahil sa pantal..
yung sensation ay katulad nung sa pumaga kong balat sa hita noong inaatake na ako ng Sepsis dati..
at doon na nagtapos yung panaginip ko...

is feeling , wala namang ganunan.. tatanggapin ko ang kahit na sinong Category A o S na babae na papasok sa buhay ko.. kaso KKB sa buhay...

-----o0o-----


[V-League]


SEA Games 2019 Women's Volleyball


December 4, 2019...

anak ng..
ang hilig talaga ng National Team sa 5-setter sa international league..
yun lang, madalas na sila ang kinakapos sa huli...

pero lagot na..
natalo ang National Team sa pagbabalik ng Ace Player ng Vietnam..
Vietnam pa naman yung nagawa lang nilang talunin sa nakaraang 2 international na paliga...

is feeling , kapag na-sweep sila, Battle for Third na lang ang pag-asa nila nun...

---o0o---


December 6, 2019...

talo, pero maganda ang ginawang paglaban ng National Team sa Thailand, ang Southeast Asia's best..
nakakatuwa lang panoorin kung paano nila sinusubukang tapatan ang isang world ranker..
pero considering na rin 'to na hindi nag-i-stick sa kanilang best lineup ang Thailand..
nakaka-proud na makita sila na nilalabanan sina Moksri at Kongyot..
yung nasubaybayan mo kung paano nahasa ang paglalaro nila simula college, papuntang commercial league, hanggang madala nila sa international stage...

kitang-kita ang lamang ng Champion sa Set 1..
pero naging maganda ang bunot ng National Team sa Set 2, dikitan ang laban, at nakakalas lang ang Thailand sa bandang dulo..
iwan ang team sa Set 3, pero gumawa sila ng napakahusay na late chase sa tulong na rin ng consistent services ni Madayag..
dahil dun napuwersa ng National Team ang bakbakan hanggang sa score na 34-32 mula sa 24-19 na advantage ng Thailand...

yung 6 team kill blocks laban sa Thailand..
Baldo with 14 points from 12 attacks and 2 service aces, plus 12 digs..
nasa 31% attack rate siya kumpara sa Ace Player na si Kokram na nasa 45% at si Apinyapong na nasa 38%..
Paat with 11 points na may 8 attacks and 2 kill blocks...

isa pang malakas na Outside Hitter ang kulang sa kanila..
tipong all-around player din katulad nina Baldo at Kaewpin..
Rondina sana habang malakas pa siya, kaso ayaw naman eh...

is feeling , lalo na siguro kung pulidong mga key players ang ilalagay sa lineup ng National Team...

-----o0o-----


December 2, 2019...

sana mali ulit ang forecast ng PAGASA..
katulad nung madalas na mangyari..
yung magde-declare na tipong pang-walang pasok ang level ng bagyo, tapos more on maaraw naman sa maghapon...

naka-charge na ang mga device..
nakapag-ipon na rin ng maraming tubig..
wala nga lang mga easy food...

basta dapat hindi katulad nung bagyo noon na sumalanta dito sa subdivision..
nakalimutan ko na kung anong pangalan niya, basta hindi siya sumikat sa balita..
pero yung maraming sinira dito sa amin..
at yung untikan nang magpaabot ng baha hanggang sa kuwarto ko...

kailangan naming makaligtas ng computer at ng mga koleksyon ko kahit hanggang 5 years pa...

is feeling , malusaw ka na, Tisoy...

---o0o---


December 4, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

nagsimula na ang infiltration ni Agnes sa na-reveal na grupo nina Camila..
at kaagad rin siyang nakakuha ng impormasyon tungkol sa ginagawa ng grupo...

nakita ni Iking si Belinda Dela Torre sa bahay nila..
pero posibleng epekto lang iyon ng ginawa sa kanya ng tiyuhin niya na pekeng albularyo..
baka may kinalaman rin sa herbal drugs...

umamin naman pala si Ornusa sa Lola ni Camila kaya siya nabisto..
matapos sina Fabio at yung security yata iyon ng mga Dela Torre, eh si Ornusa na nga yung naging target..
at nadamay pa yung kanyang contact sa proseso ng pagbitag sa kanya..
lalaki ang korte ng killer, pero babae ang narrator habang tino-torture ang kakampi ni Camila..
at medyo brutal, dahil tinahi pa ang kanyang bibig bago siya tinapos..
ngayon lang ako nandiri sa panonood ng isang TV series...

ang lesson tungkol sa self-defense..?
kapag nahataw mo na ang attacker, eh ituluy-tuloy pa dapat ang pag-atake..
mas masisigurado ang seguridad kapag patay na ang attacker...

is feeling , totoo ang ginagamit na intelligence ng mga kalaban...


>
put*ng ina..
gusto ko sanang magbawi sa trabaho dahil sa nangyaring brownout..
kaso naisipan naman nung hindi Autistic na bata na atakehin yung saksakan ng router at yung splitter..
minsan kasi, natutuwa yun kapag nalalaman niya na nagagalit ang tao sa ginagawa niya..
at bilang resulta, inuulit-ulit niya naman yung kasamaan niya...

pero hindi naman yung bata ang totoong problema...

nandun yung magaling na bantay na lolo..
pero sa halip na awatin, eh pinapabayaan lang niya..
nanonood lang ng TV kahit na katabi lang niya yung area nung router..
saka lang siya kikilos kapag lahat nung laruan eh bumagsak na doon sa saksakan..
tapos ang ginawa pa niya kanina..?
pinagpapalo yung mga laruan para lumabas, ni hindi nagamit yung common sense kahit na may mga cable doon sa likod..
sa sobrang lakas ng mga palo niya eh natanggal yung cover nung saksakan at na-expose yung mga laman sa loob..
pero kahit papaano eh nagana pa naman yung device...

kaso..
3 beses pa ngang ginawa nung bata..
sa sobrang galit ko eh pinagtatapon ko sa labas ng bahay lahat ng mga laruan niya..
parating ipinagmamalaki ang milyones nilang bahay, pero hindi naman mabigyan ng matinong bantay ang mga bata...

sobrang halaga pa naman sa akin ng internet..
yun ang requirement para makapag-submit ako ng mga tapos na project..
at yun din ang ginagamit ko sa paglilipat-lipat ng pera..
bukod pa yung baka lumobo from Php 1,299 to 1,699 yung bill kapag nag-request ng repair mula sa Internet Service Provider...

tapos ang inaalala lang nung matandang lalaki eh yung kapakanan nung telepono na ginagamit niya sa mga panghihingi niya ng pera..
eh put*ng ina, iisa lang ang saksakan ng internet at telepono...

is feeling , wala ba talagang kamatayan ang cosplayer na bantay na 'to...??

---o0o---


December 5, 2019...

nabiktima na naman ako ng diskriminasyon ng Globe... :(

mula sa dating pagiging KYC-ed..
simula nang nauso ang mga smartphone at ang app ng GCash, una na-demote ang account ko sa pagiging semi-verified na lang..
tapos kahapon naman, ibinulusok na nila ako pababa sa pagiging basic user...

originally, nag-register ako sa GCash para madali kong ma-order yung mga action figure na nakikita ko online..
kung mas mabilis kasi ang pagbabayad, mas madali mo ring mapapa-reserve yung item for shipment or meetup..
at bilang basic user, wala na ngayon yung ganung kakayahan...

nakakarumi lang yung ganung sistema..
personal kang nagpunta sa branch nila, nag-submit ng mga requirements with IDs..
nag-provide ka rin ng detail na ginagamit sa pagse-secure nung account..
pero ngayon eh mas kino-consider na nilang authentic at secure yung pagsa-submit ng selfie...??

hindi nga ako postpaid user..
pero wala bang halaga para sa kompanya nila yung mga buwan noon na parati akong nagpapaikot ng nasa Php 10,000 monthly sa pagbebenta ng load gamit yung account ko..??
dahilan para itrato nila ako ngayon na parang basahan na lang talaga...?

is feeling , put*ng inang tri-cut SIM na yan...


>
[TV Series]

The Killer Bride

obvious na pagpatay ang ginawa kay Ornusa..
at sinadya din na ilagay ang kanyang bangkay sa public place..
ngumiti naman si Agnes nang makita ang patay, so mukhang grupo nga nila ang may kagagawan nun...

samantala..
nahanap na nina Camila yung nurse ng bilangguan noong gabi na nagkasunog..
hindi matiyak nung babae kung namatay nga ba ang baby na si Vida o hindi..
pero ang napansin daw niyang kaduda-duda ay ang pagiging present ng isang babaeng jail guard na hindi naman dapat naka-duty noon...

is feeling , short update...

---o0o---


December 6, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

si Agnes na nga ang weakness ngayon ng grupo nina Camila...

si Iking naman eh nagagawang makita si Belinda Dela Torre kahit na may ibang tao sa paligid niya...

finally, na-reveal na yung mga nangyari sa pagsunog sa bilangguan noon..
hindi kakampi nina Luciano ang adoptive mother ni Emma, sa halip ay totoo nga itong jail guard..
kaso nagamit ni Luciano ang pagiging lulong ng babae sa ilegal na droga para masuhulan ito upang magsimula ng sunog..
matagal-tagal siyang nawala pagpasok niya sa Las Espadas dahil nahuli pala siya ng grupo nina Luciano, pero nagawa pa rin niyang makatakas..
iyon ang dahilan kung bakit nasabi ni Luciano kay Camila na buhay pa si Vida..
at lumalabas nga na si Vida ay walang iba kundi si Emma, na matagal nang magkasama ang mag-ina...

pero wala pa rin namang explanation tungkol sa ginawang pagpapa-rehab ng tauhan ni Camila sa adoptive mother ni Emma...

is feeling , wala munang patayan...


>
[Piracy]

ang sakit lang nung pakiramdam na sa supporter mo pa mismo manggagaling yung pahayag na kesyo susuportahan na lang niya ang piracy..
na kesyo ipagpatuloy ko lang daw yung trabaho ko dahil gustung-gusto niya iyon, at aasa na lang siya sa libreng ipo-post ng mga pirata..
wow..
sobrang nakaka-encourage yun... :(

siya rin yung tao na nagsabi sa akin noon na nadiskubre niya ako through piracy..
at matapos ang minus USD 6.00 na suporta niya sa akin sa loob ng 5 months, eh sinabi nga niya na aasa na lang ulit siya sa kasamaan ng mga pirata...

ganun ba talaga kalaki yung USD 1.00 to 2.00 per month..??
eh samantalang nasa elementary pa lang ako dati eh may mga classmates na ako na kayang magbaon ng nasa Php 50 and above per day..
tapos sasabihin sa akin ng foreigner na 'to na kesyo sobrang laking gastos ng USD 1.00 per month... :(

ang problema kasi..?
habang kumikita ang mga pirata sa mga komisyon na natatanggap nila, eh nagkakaroon ulit sila ng pondo para bilhin yung mga paparating pang mga projects...

is feeling , mga totoong supporters, hanapin nyo naman ako, please...

---o0o---


December 7, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

correction..
hindi pa rin pala iniri-reveal na si Emma nga si Vida...

sa halip..
lumalabas na hindi talaga nakatakas ang adoptive mother ni Emma sa kamay ng grupo ni Luciano..
bagkus ay sinadya siyang pakawalan upang gawin ang kanilang ipinag-uutos, at bilang kapalit ay ang kaligtasan nila ni Emma mula sa malalakas na kalaban...

bale..
lumalabas na ampon si Luna, dahil walang kakayahan ang kanyang kinilalang ina na magkaroon ng anak..
so pinalabas ngayon na si Luna si Vida..
mukhang may lihim rin sa katauhan ni Luna..
theory #12 - na posibleng anak ng miyembro ng kalabang grupo si Luna, dahil may mga babae pa sa hanay nila, siguro ipinamigay yung baby dahil busy sila sa sindikato, o baka siya yung totoong anak ng jail guard

anyway..
dahil dun ay parang nataniman na naman ng panibagong espiya ang grupo nina Camila...

is feeling , mukhang si Fabio pa ang hihintayin para mabuking kung sino ang mga totoong kalaban...