Friday, October 11, 2019

Dam It!

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


puros kapalpakan... :(

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 63 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • .....

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
-----o0o-----


October 6, 2019...

yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga..
tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala...

is feeling , sulit na sulit ang non-intelligence fund...

---o0o---


October 8, 2019...

yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers...

is feeling , wala naman palang subok na paraan, pero minadali ng mga taga-utos...


>
yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor...

is feeling , buking na eh nangangatwiran pa...


>
sa Marawi City..
yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan..
bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya...

is feeling , mali na, eh mali pa ulit...

---o0o---


October 9, 2019...

yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura...

is feeling , ibinuro muna para maibasura...


>
yung pagwawaldas ng gatas para sa pagbili ng 2 mamahaling jet...

nasaan na yung ibinigay daw dati nung religious friend...??

is feeling , sisirok din yan habang sakay yung masasama...

---o0o---


October 10, 2019...

yung paggigiba ng mga kubol sa Bilibid...

namahagi sila ng GCTA sa kabila ng existence ng mga yun..
nadaanan rin ng mga yun ang panahon nung isang Jonin..
pero bakit ngayon lang nila ginawa...??

is feeling , saka ginawa noong nagkabistuhan na...


>
noong nagrereklamo noon ang basurang Hokage na Mahilig tungkol sa kawalan ng reliable na internet connection..
noong sinabi niya na pabababain ng kompetisyon ang presyo ng internet service..
hindi ko naisip na impiyerno ang tinutukoy niyang pagbabago... :(

yung pag-mura pala na tinutukoy nila eh per Mbps..
wala silang pakialam kung lolobo yung monthly bill..
basta para sa kanila, dapat malaki lang ang bandwidth - regardless kung totoong nagagamit ito ng mga consumer o ano...

halimbawa sa bill namin noon na Php 999 per month, na ang bandwidth ay nasa 1 Mbps lamang..
lumalabas na Php 999 ang halaga nung 1 na iyon..
kumpara sa halimbawa ay Php 1,500 per month, na may 25 Mbps na bandwidth..
na lumalabas nga naman na nasa Php 60 lang per bandwidth...

pero ang totoong tanong ay nama-maximize ba yung ganung kalaking speed sa lahat ng pagkakataon...??

is feeling , internet trap...

---o0o---


October 11, 2019...

yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam...

edi probinsya na nga nila ang bayan...?? :(

is feeling , para dito yung project, pero sila ang boss...


>
yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013...

is feeling , so 2 magkasunod na pinuno na iyon na parehas na may bahid...


>
yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2...

teka..?
nakawan ba ng gatas o mga kasong kriminal ba ang topic...??

kalahati ng 2016..
2017..
2018..
at 2019 na ngayon..
so sakop pa rin pala iyon ng nakaraang administrasyon...??

lagpas 3 taon na sila sa kapangyarihan..
hindi pa ba sila liable para sa mga kapalpakan...??

is feeling , demolition job pa rin...?

---o0o---


October 12, 2019...

[Natural Calamities]

una..
iyong sunud-sunod na volcanic earthquakes sa Taal...

tapos yung balita kahapon..
nasa Magnitude 4.9 na lindol sa may Cotabato...

is feeling , restless Earth...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of October 2019 (October Ruined)

Loveless Story


October 12, 2019...

nabasag nang husto ang schedule ng October ko dahil sa sakit ko...

nawasak yung date..
5 araw na natigil ang pagre-retail ko..
tumigil din muna ako sa 3D na trabaho ko..
atrasado ang general cleaning..
at pati yung UMID card ko, hindi ko kaagad makuha...

is feeling , maghahabol na naman...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Open Conference


October 5, 2019...

PVL on Tour sa Iloilo..
hindi ako nakapanood dahil sa sakit ko...


Angels versus Army Troopers

ang 12th 5-setter match ng conference..
2nd pa lang para sa Angels..
4th na para sa Army...

Set 1, 25-15, Baloaloa starts..
Set 2, 20-25, Bautista starts..
Set 3, 14-25..
Set 4, 25-13..
Set 5, 15-7...

3-2, panalo ang Angels..
2-0 na ang record nila laban sa Army Troopers...

Prado scored 14 points from 12 attacks and 2 service aces..
may plus 11 digs and 9 excellent receptions din siya..
Nunag with 13 points..
Baloaloa with 12 points na may 3 kill blocks and 3 service aces..
Sabete with 11 points..
Panaga with 10 points na may 3 kill blocks..
para naman sa Army Troopers..
Tubino scored 21 points from 20 attacks and 1 service ace..
Gonzaga with 8 points, plus 14 digs..
Bautista also with 8 points na may 3 kill blocks..
pero bukod sa kinulang na opensa, ay nagpakawala rin ang Army ng 32 errors laban sa 25 lamang ng Angels...


Creamline versus ChocoMucho

Set 1, 25-15, Domingo starts..
Set 2, 25-15..
Set 3, 25-16...

3-0, panalo ang Creamline..
2-0 na ang record nila laban sa ChocoMucho...

Galanza scored 16 points na may 12 attacks and 2 kill blocks..
Gumabao with 12 points na may 4 service aces..
Valdez with 9 points, plus 9 digs and 8 excellent receptions..
Domingo also with 9 points na may 3 kill blocks..
Atienza with 16 digs and 5 excellent receptions..
wala namang umabot sa double figures para sa ChocoMucho..
Palec scored 9 points..
Tolentino limited to only 8 points...

is feeling , nahihilig na rin ang Army sa mga 5-setter.. thank you naman kina Morado at Galanza para sa muling pagdadagdag ng panalo para sa Creamline...

---o0o---


October 6, 2019...

Air Force versus BaliPure

ang 13th 5-setter match ng conference..
4th na para sa BaliPure..
3rd naman para sa Air Force..
at 2nd time na nilang magharap sa isang 5-setter match...

Set 1, 25-23..
Set 2, 12-25..
Set 3, 27-29..
Set 4, 25-23..
Set 5, 15-11, gumawa ng late chase ang Air Force pero kinapos din sila...

3-2, panalo ang BaliPure..
hindi nagawang makabawi laban sa kanila ng Dark Horse Air Force...

Bombita scored 26 points, plus 17 digs..
Tubiera with 19 points..
Espiritu with 12 points..
para naman sa Air Force..
Pantino scored 16 points..
Palomata with 10 points...


BanKo versus Chef's Classics

Set 1, 25-7, in-overkill ng BanKo ang Chef..
Set 2, 25-16..
Set 3, 25-17...

3-0, panalo ang BanKo..
nagtapos sa 2-0 ang record nila laban sa Chef's Classics...

Gervacio scored 10 points..
de Jesus also with 10 pure attack points..
Bersola and Roces with 9 points each..
para naman sa Chef's Classics..
J. Viray with 7 points..
N. Viray with only 5 points...

hindi na lumabas ang stats dahil sa ASEAN Grand Prix... :(

is feeling , good for BaliPure, bad for Air Force.. sa papahina naman ang performance ng Chef's Classics...

---o0o---


October 9, 2019...

Angels versus Motolite

average ang live audience..
ang 14th 5-setter match ng conference..
3rd na para sa Angels..
4th naman para sa Motolite...

Set 1, 25-22, Mercado and Saet starts, Emnas, Ramos, and Gannaban starts, dikitan ang laban, palitan ng kalamangan after ng 1st technical time-out, Flora serves for Molde, double substitution ng Angels, Layug serves, nanaig ang Angels dahil sa kanilang 12 attacks and 4 service aces kontra sa sarili nilang 12 huge errors..
Set 2, 13-25, unang nakaagwat ang Motolite, Cheng in, sinubukang maghabol ng Angels pero hindi na sila nakalapit, inilamang ng Motolite ang kanilang 12 attacks and 6 blocks..
Set 3, 16-25, dikitan ang laban, nakaagwat ang Angels after ng 1st technical time-out, Flora for Pablo, nakaagwat naman ang Motolite before ng 2nd technical time-out, double substitution ng Angels, lumamang ang Motolite dahil sa kanilang 11 attacks and 3 service aces plus 9 big opponent errors..
Set 4, 25-16, Flora starts, Cheng and Baloaloa starts, unang nakaagwat ang Angels, Tolenada in, layo nang layo ang Angels, at inilamang nila ang kanilang 6 blocks and 3 service aces..
Set 5, 11-15, Emnas back, dikitan ang simula, lumamang ang Motolite after ng 1st technical time-out, Layug serves for Nunag, at naitawid naman ng Motolite iyong set...

3-2, panalo ang Motolite..
1-1 na ang record nila ng Angels..
at 4-0 pa sila sa mga 5-setter matches nila...

Player of the Game si Emnas with 24 excellent sets, plus 3 points..
Caloy with 20 points from 17 attacks and 3 kill blocks, plus 21 digs and 15 excellent receptions..
Molde with 12 points..
Gannaban with 10 points na may 6 kill blocks..
Flora with 9 points off the bench..
Ponce with 22 digs and 8 excellent receptions..
para naman sa Angels..
Sabete scored 14 points, plus 19 digs and 16 excellent receptions..
Baloaloa with 11 points off the bench..
Panaga with 10 points na may 2 kill blocks and 4 service aces..
Prado with 7 points, plus 13 digs and 15 excellent receptions..
kaso ay nagpakawala sila ng 37 errors kontra lamang sa 28 na nagawa ng Motolite...


BanKo versus ChocoMucho

Set 1, 25-20, Berte starts, dikitan ang laban pero madalas na lamang ang BanKo, Cailing in, Ferrer back, Tan serves, at nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 2, 25-19, dikitan ulit ang laban, nakaagwat ang BanKo after ng 2nd technical time-out, Tan serves, Imbo in, pero inilamang ng BanKo ang kanilang 13 attacks and 2 service aces..
Set 3, 27-25, nakaagwat ang ChocoMucho after ng 1st technical time-out, Cailing in, Ferrer back, Ticar and Sandoval in, extended set, at nagawa pa nga iyong maagaw ng BanKo...

3-0, panalo ang BanKo..
2-0 na ang record nila laban sa ChocoMucho...

Player of the Game si Ferrer with 27 excellent sets, plus 14 digs..
Bersola with 13 points na may 5 kill blocks and 3 service aces..
Tiamzon with 11 pure attack points..
Gervacio with 11 points from 10 attacks and 1 service ace..
Roces also with 11 points..
Balang with 23 digs..
para naman sa ChocoMucho..
si Tolentino lang ang umabot sa double figures with 19 pure attack points..
Madayag with 8 points from 6 attacks and 2 kill blocks..
Gequillana with 6 points, plus 14 digs and 14 excellent receptions..
Pineda with 26 digs and 13 excellent receptions..
bukod sa kulang na opensa eh nagpakawala rin sila ng 24 errors kontra sa 18 lang ng BanKo...

is feeling , ayos, nagawa ring talunin ng Motolite ang Angels.. clean game naman para sa BanKo...

-----o0o-----


October 8, 2019...

si Mr. Tony Mabesa..
yun pala ang pangalan nung aktor na 'yon..
matagal na siyang artista, pero hindi ganung kapopular ang kanyang pangalan...

first time ko siyang na-meet sa personal sa UP Diliman, noong time na hindi na iyon ang campus ko..
naroon kami para sa isang seminar, kasama yung mga orgmates ko noong college...

naglalakad siya noon malapit sa may Alumni, kasama ang alaga niyang aso..
napansin niya ang grupo namin at nilapitan at kinausap niya kami..
pero for some reason, ako lang ang nakakakilala sa kanya bilang isang artista..
ang nakakahiya pa dun..?
ang sasalbahe nung mga kaklase kong lalaki..
pinag-isipan kaagad nila ng masama yung matanda..
kesyo bading daw yata 'yon kaya lumapit sa amin...

pero regardless of gender..
eh wala namang ginawang masama yung matanda..
hindi naman siya yung tipo na nanghahawak o nang-aakbay..
nagtanong lang siya kung mga taga-saan kami at anong pakay namin sa UP that day...

matapos niyang makaalis, saka ko sinaway yung mga kaklase ko..
artista kako iyon...

at ngayong wala na yung tao..
saka ko na-realize na bahagi pala siya ng UP theater..
siguro yun yung rason kung bakit interesado siya sa mga kaganapan sa loob ng UP...

is feeling , mga pasaway...

---o0o---


October 10, 2019...

bad news..
bumabalik na naman sa pagnanakaw yung demonyong matanda..
nagkakalkal ng makukuhanan niya ng pera...

kagabi, yung Wilkins na alkansya ng kanyang kaawa-awang asawa ang dinali...

nag-ugat iyon sa pagsagot niya sa anak niya na nagbibigay sa kanya ng allowance..
ang gusto niya kasi eh monthly ang pagtanggap niya ng pera, as in isang bigayan..
at ang kapal pa ng mukha niya na sabihin na "akala mo eh kalaki ng ibinibigay ninyo sa akin"..
really..?
mula sa isang inutil..??
pero dahil sa maluho niyang pamumuhay..
bisyo..
sin tax..
maramihang pares ng mga sapatos..
ang gusto pa eh lagi siyang naka-junk food tuwing nanonood sa gabi after ng dinner..
basta ang nangyayari ay mabilis niyang nauubos yung pera..
mangungutang siya sa iba pang mga tao..
kaya sa susunod na schedule ng allowance niya, eh ipangbabayad na lang niya 'yon sa mga utang na niya..
at muling ipapangutang yung mga araw-araw niyang luho...

ang hirap sa taong iyon..
palamunin na nga siya ng asawa niya..
pero ang gusto pa niya eh pa-allowance siya ng lahat ng mga anak niya na para bang nag-retire siya mula sa isang professional na trabaho...

is feeling , kaya hindi nawawala ang trauma ko...


>
panibagong threat mula sa Globe...

so tumawag sila kahapon, at sinabi na upgraded na DAW yung serbisyo nila..
dahil daw dun ay wala ng data cap..
pero bilang kapalit ay yung Plan 1,299 ay kailangan nang iakyat sa mala-demonyong Plan 1,699...

hindi ako sigurado tungkol dun sa statement nung basurang call center agent nila..
pero basta sinabi niya na wala daw kaming option para manatili sa Plan 1,299...

putang ina..
Php 999 lang ang original plan namin more than a decade ago, dahil 'iyon lang yung pasok sa Php 1,000..
sinubukan naming kumalas sa kanila, pero napilitan ring bumalik na ang plan na ay 1,099..
hindi pa man tapos yung lock-in period, eh naloko ng basurang call center agent yung nagbabayad sa account, at puwersahan kaming iniakyat sa Plan 1,299 na may Php 99 pa nga na Unli BB scam...

tapos ngayon, gusto nila kaming gatasan ng Php 1,699 dahil kesyo unlimited na yung putang inang service..?
eh yung 5 Mbps nga eh hindi ko naman nama-maximize..
hindi naman ako online gamer..
hindi ako video uploader..
at hindi rin ako masyadong nag-i-stream..
ni hindi kami umaabot sa 200 GB ng 300+100 GB na data cap namin...

tapos sasabihin nila na sulit na sulit yung Php 1,699 na increase..??
ano yun, Php 400 kapalit ng wala..??
at posibleng may Unli BB scam pa rin 'yon, para sa mga hindi kabisado yung sistema...

is feeling , may 5 years pa ang One Piece.. kailangan ko ng makatao naman na internet service...


>
hindi yung speedtest service ang totoong basehan ng performance ng internet connection...

sa computer..
yung Task Manager ang makapagsasabi kung anong speed lang talaga yung nagagamit mo habang may ginagawa kang online task...

is feeling , ilusyon lang yung speedtest kung hindi ka naman hardcore na user...

---o0o---


October 11, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

Clues (tungkol sa grupo nung non-Camila na Killer Bride):
1) ginagamit nga nila yung katauhan ng Killer Bride
2) may naalala si Emma mula doon sa insidente sa kuweba na anino ng malaking lalaki, bukod pa dun sa Killer Bride
3) Belladonna yung salita na paulit-ulit na sinasabi, nung lalaki yata, na kapangalan nung halamang gamot na ginagamit nung grupo nila
4) iyong San Lucas de Oro pala ay nasunog na base noon ng mga rebelde, kung saan namatay ang ina ni Camila

theory #10 - na may mga rebelde na may kinalaman sa nangyari noon kina Javier at Camila, at maging sa grupo na nagpapanggap bilang Killer Bride ngayon...

is feeling , San Lucas de Oro...


Friday, October 4, 2019

Questionable Personalities

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


pumupuwesto na ulit ang alyansa ng kadiliman... :(

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 52 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • .....

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
-----o0o-----


September 28, 2019...

dapat dun sa SLEX meron munang traffic discount habang may ginagawa silang pampa-traffic..
bilang kapalit ng hindi pagiging makatotohanan nung 'expressway' dun sa pangalan...

is feeling , dapat tiis din muna ang tagatanggap ng bayad...

---o0o---


September 29, 2019...

yung hazing, kapag ginawa nang walang pag-iingat..
kapag ginawa na ang intensyon talaga ay makapanakit lang..
eh wala na yung pinagkaiba sa bullying...

is feeling , excuse para makapanakit nang hindi nagagantihan...


>
yung report from Laguna..
yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga...

is feeling , lahat may bahid...

---o0o---


September 30, 2019...

yung balik pamunuan na si Kape.. :(
mukhang wala nga siyang nakuhang Chunin seat...

hindi recycling ang tawag dun..
ang tawag dun eh - alliance...

is feeling , kapakanan ng alyansa ang pinakamahalaga sa lahat...


>
malapit na ang partial na solusyon sa traffic..
mawawala na ang mga tradisyunal na jeep..
mga milyonaryo na lang ang pwedeng magnegosyo ng ganun...

TNVS na lang ang pwede sa medyo malapitang biyahe..
at yung mga mala-TNVS na rin na mga tricycle...

is feeling , mabuhay ang deal sa mga vehicle companies...


>
yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist...

is feeling , Recto-mode...

---o0o---


October 1, 2019...

sa Bulacan..
yung paggamit sa isyu ng African Swine Fever sa pamumulitika..
kesyo piling negosyante lang daw ang pinatayan ng mga alagang baboy..
eventually, lumabas daw na negative sa ASF yung mga baboy..
pero ayaw maglabas ng munisipyo ng documents tungkol sa sarili nilang findings...

bukod dun ay ilegal din daw ang ginawang pamamaraan ng culling...

posibleng ganti daw 'yon dahil sa pagsuporta nung negosyante sa kalaban sa pulitika...

is feeling , anak ng.. sabotahe sa negosyo...

---o0o---


October 3, 2019...

yung mga panatikong artista na dumayo sa Russia..
totoo kayang sarili nilang gastos yung pagbiyahe nila..?
o funded...??

wala pa namang nakakaalam kung saan nga ba nagagastos ang non-intelligence fund... :(

is feeling , , para kasing imposible...?


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of October 2019 (Got Sick)

Loveless Story


September 30, 2019...

may 63rd (61st) retirement na..
mula sa isang hindi kaaya-ayang pangyayari eh..
wala man lamang explanation...

bad for them..
bata pa naman, palaban, at sobrang daring..
2nd retirement na niya...

umakyat pa sa 43 ang nahahanap ko..
the same story; nakita ko na dati, hindi ko naman pinagdudahan, tapos kanina ko lang na-realize na bahagi din pala siya ng grupo..
tapos 1 hindi ko alam ang alias..
1 hindi ko pa nabe-verify ang role..
2 background personnel..
at 1 suspected member...

is feeling , wala pa rin...

---o0o---


October 1, 2019...

confirmed..
buntis na nga si Miss H..
nadali ng sabik na seaman...

so 3 na silang nanay..
mas humihirap pa lalo na makalapit sa kanila...

is feeling , kung mayaman lang sana ako.. matagal nang tapos yung 'sorry' na 'yon...

---o0o---


October 3, 2019...

nagbigay na ng mga possible date si Nina North..
pati ng possible time...

yun nga lang..
talagang wala akong makuhang kahit na anong klase ng response mula kay Jackie Rice...

is feeling , baka naman...

---o0o---


October 4, 2019...

distracted..
ganito naman parati ang sitwasyon kapag hindi ako sigurado kung may inaasahan ba ako o wala...

sumagot na si Jackie Rice..
very poor communication..
SMS..
messaging app..
forum..
tinawagan na..
ilang iba't ibang araw din yun..
pero tipid na tipid sa sagot..
hindi pa daw siya nakakabalik sa NCR..
kung hindi pa ako nagmakaawa eh hinding-hindi magre-reply eh...

sinubukan ko na rin kanina makipag-usap kay Miss Pal..
walang sagot sa mga messages..
pero sumasagot naman sa tawag..
yun lang, hindi ako masyadong makatawag nang makatawag dito sa bahay dahil umaasa na lang nga ako sa loudspeaker...

is feeling , may pag-asa pa ba...??


>
may 64th (62nd) retirement na rin kaagad..
yung highly artificial...

is feeling , hindi importante... 

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Open Conference


September 28, 2019...

Motolite versus BanKo

average ang crowd ng Motolite..
may UP versus UP...

Set 1, 21-25, Pablo, Layug, and Ramos starts, Libero na si Sindayen, palitan kaagad ng kalamangan, Tempiatura serves, double substitution ng BanKo, Tan serves and for back row defense, Flora for Pablo, nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 2, 19-25, Gannaban for Layug at activated kaagad siya sa simula, nakakuha ng early lead ang Motolite, Cailing in, Ferrer back, nabigyan ng yellow card si Tolenada, nakuha ng BanKo ang kalamangan before ng 2nd technical time-out, activated si Pablo, Tan serves, Flora for Pablo, pero nakuha ng BanKo lahat ng stats..
Set 3, 21-25, Layug starts for Ramos, dikitan ang simula, lumamang ang BanKo before ng 1st technical time-out, Flora for Pablo, Cailing in, Tempiatura serves, Ferrer back, Tan serves, Gannaban back, at naitawid naman ng BanKo iyong set...

3-0, panalo ang BanKo..
naging 1-1 naman ang record nila ng Motolite...

Player of the Game si Roces with 13 points from 9 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Gervacio with 20 points from 19 attacks and 1 service ace..
Tiamzon with 12 points from 10 attacks and 2 kill blocks, plus 12 digs..
Ferrer with 30 excellent sets, plus 1 service ace point..
Balang with 13 digs and 15 excellent receptions..
para naman sa Motolite..
Caloy scored 14 points from 11 attacks and 3 kill blocks..
Pablo with 10 points..
Molde also with 10 points, plus 10 digs and 6 excellent receptions...

nagpalakas ng floor defense ang BanKo..
as much as triple Libero na may double Setter...


BaliPure versus Chef's Classics

NCAA versus NCAA..
masusubukan na ang naging improvement ng Chef...

ang 10th 5-setter match ng conference..
2nd para sa Chef..
3rd para sa BaliPure...

Set 1, 25-21, Mendoza and Delos Santos starts, Lapid starts for Chef, nakakuha ng early lead ang BaliPure, Tiu for Lapid, Bangad for J. Viray sa harap, Pielago serves for Oliveros kaso error, Peña serves, late nagamit ng Chef ang strongest lineup nila, nanaig ang BaliPure sa tulong ng 11 huge errors ng Chef..
Set 2, 23-25, Tiu and J. Viray starts, maagang nakahabol ang BaliPure, palitan ng kalamangan, nakaagwat ang Chef after ng 2nd technical time-out, Peña serves, pero naputol ng error ang paghahabol ng BaliPure, nanaig ang Chef dahil sa kanilang 14 attacks plus 8 opponent errors..
Set 3, 25-23, maaga ulit nakahabol ang BaliPure, madalas na lamang ang Chef, dikit nang dikit ang BaliPure, activated si Espiritu, nakalamang ang BaliPure after ng 21st point, Peña serves, naagaw ng BaliPure ang set dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 4, 17-25, unang nakaagwat at nakalayo ang Chef, Racelis for Tubiera, balik kaagad si Tubiera, Pielago serves for Oliveros, Guillema down dahil sa cramps, Gual in, lumamang ang Chef sa tulong ng 11 huge errors ng BaliPure..
Set 5, 17-15, Pielago serves for Oliveros, unang nakaagwat ang Chef, Guillema back, nakadikit ang BaliPure, Peña serves, extended set, N. Viray down dahil naman sa sprain, Bangad in, at naagaw nga ng BaliPure yung set...

3-2, panalo ang BaliPure..
upset loss para sa Chef's Classics..
nagtapos sa 2-0 ang record ng BaliPure laban sa kanila..
wala pang naipapanalo ang Chef sa mga 5-setter match nila...

Player of the Game si Bombita with 27 pure attack points..
Tubiera with 15 points, plus 17 digs and 14 excellent receptions..
Espiritu also with 15 points..
Guillema with 36 excellent sets, plus 2 points..
Medina with 17 digs and 14 excellent receptions..
para naman sa Chef's Classics..
Tiu scored 23 pure attack points..
N. Viray with 19 pure attack points, plus 20 digs..
J. Viray with 13 points..
Angeles with 29 digs and 17 excellent receptions...

hindi na kinailangan ng BaliPure si Salamagos..
unfortunately, kinapos pa rin ang Chef's Classics..
okay na yung lineup nila ngayon, pero may ilalakas pa..
Bangad for J. Viray sa harap...

is feeling , nice small adjustment para sa BanKo.. great effort naman para sa parehong BaliPure at Chef's Classics...

---o0o---


September 29, 2019...

Army Troopers versus ChocoMucho

good crowd..
nakabalik na pansamantala ang mga galing sa National Team...

ang 11th 5-setter match ng conference..
3rd na para sa Army..
6th naman para sa ChocoMucho..
at 2nd time na nilang magharap sa isang 5-setter match...

Set 1, 20-25, Gonzaga starts, Santos and Palec starts for ChocoMucho, unang nakaagwat ang Army, Berte for Santos, nakalamang ang ChocoMucho after ng 2nd technical time-out, double substitution ng Army pero ibinalik rin kaagad, naagaw ng ChocoMucho ang set dahil sa kanilang 5 service aces plus 8 opponent errors..
Set 2, 25-17, Berte starts, Bicar starts for Army, maaga silang nakahabol sa ChocoMucho at nakaagwat, Imbo in, Bautista serves for Tubino, Sandoval and Ticar in, pero nakuha ng Army ang lahat ng stats..
Set 3, 25-21, unang nakaagwat ang ChocoMucho, Imbo for Berte, nakalamang ang Army after ng 1st technical time-out, double substitution nila, Ticar serves, dikitan sa bandang dulo, BDL in sa tabi ni Madayag sa harap, Bautista serves, nanaig ang Army dahil sa kanilang 15 attacks and 2 service aces kontra sa sarili nilang 13 huge errors..
Set 4, 11-25, maagang nakalayo ang ChocoMucho, Teope for Malaluan sa harap pero ibinalik rin kaagad, double substitution ng Army, halos na-overkill ng ChocoMucho ang Army dahil sa kanilang 13 attacks and 4 kill blocks plus 8 big opponent errors..
Set 5, 8-15, unang nakaagwat ang ChocoMucho, double substitution nila, at nahirapan nang makadikit ang Army...

3-2, panalo ang ChocoMucho..
nakakadalawa na silang panalo sa 5-setter matches nila..
1-1 na ang record nila laban sa Army...

Player of the Game si Tolentino with 24 points from 22 attacks and 2 kill blocks..
Madayag with 14 points from 10 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Pineda with 22 digs and 13 excellent receptions..
para naman sa Army Troopers..
Tubino scored 16 points, plus 11 excellent receptions..
Gonzaga with 15 points, plus 17 digs..
Gutierrez with 11 points..
Balse with 8 points na may 3 kill blocks..
Malaluan also with 8 points na may 2 kill blocks..
kaso nagpakawala sila ng 42 huge errors kontra sa 24 lamang ng ChocoMucho...

upset loss para sa Army..
maganda ang distribution ng points nila..
kaso nadali ang Army ng sarili nilang errors..
magiging bangungot 'to para sa kanila kung sakaling kapusin sila para sa Semifinals...


Creamline versus Air Force

nakapahinga si Morado..
masusukat ang improvement ng Air Force laban sa Negrito-led Creamline...

Set 1, 25-15, Negrito and Cayetano starts, Cabalsa starts for Caballejo, unang nakaagwat ang Air Force, lumamang ang Creamline after ng 1st technical time-out, Nuval for Pantino, Papa in, Semana back, Baldo for Cayetano, inilamang ng Creamline ang kanilang 17 attacks plus 7 opponent errors..
Set 2, 25-16, Nuval for Cabalsa, nakakuha ng early lead ang Creamline, Sabas for Pantino, nakadikit pa ang Air Force, pero muling umagwat ang Creamline before ng 2nd technical time-out, Papa and Cabalsa in, Domingo in, inilamang ng Creamline ang kanilang 15 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-18, Cases starts na ulit, una pa ring nakaagwat ang Creamline, Baldo for Cayetano, Domingo for Soriano sa harap, at kinapos pa rin nga ang Air Force...

3-0, panalo ang Creamline..
2-0 na ang record nila laban sa Air Force...

Player of the Game si Negrito with 24 excellent sets, plus 5 points..
Galanza with 21 points from 18 attacks and 3 service aces, plus 18 digs and 10 excellent receptions..
Gumabao with 15 points from 13 attacks and 2 service aces..
Atienza with 22 digs..
para naman sa Air Force..
si Cabalsa lang ang umabot sa double figures with 10 pure attack points..
Palomata limited to only 9 points from 8 attacks and 1 kill block..
bukod sa nalimitahang attacks, ay nagpakawala din sila ng 20 errors in 3 sets...

ipinakita ng Creamline ang agwat ng secondary setting level nila laban sa Air Force..
kahit na wala si Morado, at hindi maggagawa si Baldo, eh nandun pa rin yung reliable na attack variations nila..
dagdagan pa ng magandang floor defense dahilan kung bakit hindi basta-basta maka-score laban sa kanila ang Air Force...

is feeling , bad game for Army, kinontra sila ng sarili nilang errors.. thank you naman ulit kay Negrito at sa Creamline sa pagdadagdag ng panalo kina Morado at Galanza...

---o0o---


October 2, 2019...

Motolite versus ChocoMucho

average ang crowd...

Set 1, 25-19, Santos starts, Pablo starts, unang nakaagwat ang Motolite, Imbo for Santos, Tempiatura serves, Flora serves for Pablo, lumamang ang Motolite dahil sa kanilang 14 attacks plus 10 big opponent errors..
Set 2, 21-25, Berte in, si Ponce lang ang nagli-Libero para sa Motolite, unang nakaagwat ang ChocoMucho, nakagawa ng late chase ang Motolite, Flora for Pablo sa likod, Emnas serves, pero kinapos ang Motolite sa bandang dulo dahil na rin sa kanilang errors, nanaig ang ChocoMucho dahil sa kanilang 13 attacks plus 9 big opponent errors..
Set 3, 15-25, nakakuha ng early lead ang ChocoMucho, Flora for Molde sa likod, Emnas in, Gannaban for Layug, Molde back sa harap, Tolenada back, pero nakuha ng ChocoMucho lahat ng scoring stats..
Set 4, 26-28, Gannaban starts, una pa ring nakaagwat ang ChocoMucho, Flora for Pablo sa likod, na-activate si Molde, Pablo back sa harap, dikit nang dikit ang Motolite, Tempiatura serves, nagawa pang lumamang ng Motolite late in the set, Ticar serves, Sandoval for Masangkay, extended set na palitan ng kalamangan, pero ChocoMucho pa rin ang nanaig sa huli...

3-1, panalo ang ChocoMucho..
naging 1-1 rin ang record nila laban sa Motolite...

Player of the Game si Tolentino with 27 points from 22 attacks, 4 kill blocks, and 1 service ace..
Madayag with 15 points from 12 attacks and 3 kill blocks..
Palec with 13 points..
Gequillana with 9 points, plus 21 digs..
Pineda with 33 digs and 21 excellent receptions..
para naman sa Motolite..
Pablo scored 14 points..
Molde also with 14 points from 12 attacks and 2 service aces..
Caloy with 12 points, plus 24 digs..
Ponce with 28 digs and 11 excellent receptions...

na-check ng blocking ng ChocoMucho ang opensa ng Motolite, plus yung nandun na talaga na floor defense nila..
si Berte talaga ang best option ng ChocoMucho para sa kanilang 3rd wing attacker...


Angels versus Chef's Classics

nagpakulot si Panaga...

Set 1, 25-21, Tiu and Pielago starts, wala si N. Viray, dikitan ang laban, Gabriana in, nakaagwat ang Angels before ng 2nd technical time-out, Lapid serves for Oliveros, double substitution ng Angels, inilamang ng Angels ang kanilang 13 attacks and 3 service aces kontra sa sarili nilang 12 huge errors..
Set 2, 25-14, nakakuha ng early lead ang Angels, Bangad in, Matias in, nababad sina Baloaloa at Cheng, de Jesus serves for Chef kaso error naman, nakuha ng Angels lahat ng stats..
Set 3, 25-12, Baloaloa and de Leon starts, Lapid and Cuevas starts for Chef, una ulit nakaagwat ang Angels, Tongco for Juanillo, Bangad for J. Viray, pero naiwan pa rin ang Chef...

3-0, panalo ang Angels..
nagtapos sa 2-0 ang record nila laban sa Chef's Classics...

Player of the Game si Nunag with 10 points from 4 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
Sabete with 12 points from 9 attacks and 3 kill blocks, plus 12 digs..
Prado with 10 points from 6 attacks and 4 service aces..
wala namang umabot sa double figures para sa Chef's Classics..
J. Viray scored only 7 pure attack points, plus 9 digs..
Angeles with 17 digs and 8 excellent receptions...

more on errors lang ang kinalaban ng Angels today, 23 errors in 3 sets..
ang weird na pinalitan si Cuevas kung kailan dikitan naman yung laban..
pangit na naman ang balasahan ng Chef, bukod pa sa wala si N. Viray...

is feeling , bad game for Motolite, nahuli yung adjustment nila.. experimental match na naman para sa Chef's Classics...

---o0o---


PVL Season 3 - Collegiate Conference (Semifinals)


October 2, 2019...

parehas na extended sa Game 3 ang labanan sa Semifinals...

is feeling , UST versus AdU dapat...

-----o0o-----


September 29, 2019...

first time kong makatikim ng Soju..
pero flavored..
Jinro Green Grape...

hindi pala 'to maganda sa date kasama ng ke-K-Pop-in na Koreana..
konting shot at may mahinang hilo na kaagad ako... XD

is ⚠ feeling , Korean Beef na lang pala ang sa akin...

---o0o---


October 1, 2019...

yung savings ko na dati eh kayang kumita ng Php 100 in 3 months..
ngayon eh kailangan nang maghintay ng nasa 6 months bago makabuo ng Php 100... :(

is feeling , kailangan ko nang magtayo ng strip bar na business...



>
[Manga]

One Piece

nasa 12 years ang pagitan ng pagiging Pirate King ni Gol D. Roger at nang pagharap nila ni Monkey D. Garp laban kay Rocks D. Xebec..
hindi eksakto yung numero..
una, dahil hindi alam kung kailan nga ba naging Pirate King si Roger..
nasa 24 years ago na ang nakalipas after his death sa simula ng One Piece..
samantalang 38 years ago naman nangyari yung God Valley Incident, na ang narration ay after ng 2-year timeskip pa nangyari...

so far, si Big Mom lang ang masasabing malakas na talaga noon..
dahil kaya na niyang tumalo ng Giant noong bata pa siya..
though hindi alam kung kailan mismo na-activate ang Devil Fruit Ability ni Mother Caramel sa katawan niya...

hindi masasabing sobrang lakas na ni Rocks noon dahil malaking bagay din yung 12 years..
sina Luffy na lang eh malaki ang naging improvement sa loob ng mahigit 2 years..
hindi pa Yonko sina Whitebeard, Kaido, at Big Mom noong napasailalim sila ni Rocks..
at si Roger ay hindi pa din naman Pirate King noon..
parang si Shanks din noong hindi pa siya Yonko, at under pa siya ni Roger..
same goes para kay Garp...

hindi rin naman masusukat ang lakas ni Rocks base sa naging huling bounty ni Roger..
dahil mahigit isang dekada nga ang nakalipas bago pa siya namatay..
dahil binura sa history ang tungkol kay Rocks, na posibleng nakaapekto sa bounty ni Roger..
at dahil kakampi niya noon si Garp laban sa Rocks Pirates, na posibleng nakaapekto rin sa evaluation ng kanyang bounty...

pero sa ngayon..
ang malinaw ay magsasanib muli ang 2 former Rocks Pirate Crew, na parehas nang mga Yonko ngayon..
at parehas nang nasa rurok ng mga lakas nila..
hindi tulad ni Whitebeard na nagkaroon na noon ng medical condition, o ni Garp na tumanda na...

isang panibagong banta sa mundo..
na posibleng hadlangan ng ilang Supernova at ng mga kaalyansa nila..
hindi rin naman naging matunog ang mga pangalan ng iba pang surviving Rocks Pirate Crew, di tulad ng mga naging Yonko..
kaya posibleng kina Kaido at Big Mom na magtapos ang kanilang alamat...

is feeling , ang maliwanag ay wala nang may D. sa kanilang 2...

---o0o---


October 2, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

konting revelations tungkol sa mga Dela Torre..
biktima si Mayor ng pangmamaltrato noon ng kanilang ama, bata pa lang siya eh nakitaan na pala siya ng mga senyales ng pagiging bakla..
ang kanilang ina naman ay walang magawa upang ipagtanggol sila, maging noong panahon na nabuntis si Tatiana..
ilan 'yon sa mga dahilan kung bakit inggit na inggit sila kay Camila, na madali lang napatawad ng kanilang ama sa kabila ng pagkakaroon nito ng relasyon sa kinamumuhian nilang mga Dela Cuesta...

balik sa kasalukuyan..
nag-hire na rin sina Mayor ng video editor para palabasin na edited lang yung lumabas na video scandal niya...

Camila's Killer Bride Mode:
1) yung pagmumulto niya kay Tatiana para alamin kung may kinalaman ito sa naging pagdukot kay Emma
2) ang pananakot niya sa planted na video editor para baliktarin nito ang nauna nitong bayad na claim na kesyo in-edit lang nito yung video scandal nina Mayor

so far eh kaagad-agad din naman na ine-explain ang mga ginagawang pagpapanggap ni Camila bilang ang Killer Bride...

is feeling , 3 versus 2...

---o0o---


October 3, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

okay..
so may duda yung Hepe na Dela Cuesta sa mga suspek na inihaharap nina Mayor Dela Torre...

may nadagdag naman kagabi na clue tungkol sa grupo nung non-Camila na Killer Bride...

Clues:
1) ginagamit nga nila yung katauhan ng Killer Bride
2) may naalala si Emma mula doon sa insidente sa kuweba na anino ng malaking lalaki, bukod pa dun sa Killer Bride
3) Belladonna yung salita na paulit-ulit na sinasabi, nung lalaki yata, na kapangalan nung halamang gamot na ginagamit nung grupo nila

 is feeling , 2 grupo ng Killer Bride...


>
tapos na sa SSS at PhilHealth para sa 2019..
8 years pa bago ako makapag-retire..
samantalang more than 2 years na lang ang natitira sa kontrata ko...

bale 6 years pa yung bubunuin ko nang mag-isa...

is feeling , turnuhan...

---o0o---


October 4, 2019...

[Online Marketing]

ano ba yan..?
meron ngang mga willing sumuporta...

kaso dahil sa maya't mayang paggagawa ng mga patakaran para sa mga taga-EU..
eh nagkakaproblema tuloy sa pagbabayad...

mga anak ng..
as much as 25% tax ang sinisingil nila sa mga mamamayan nila..
pero pinapahirap pa nila yung sistema...

is feeling , 5 years pa.. pwede ko nang takasan 'tong basurang mundo na 'to...

---o0o---


October 5, 2019...

lagot na..
tinamaan ako ng lagnat dahil sa pagme-maintain ng body heat..
na sinamahan pa ng masamang panahon...

is feeling , i'm doomed...


Friday, September 27, 2019

Army of the Dead

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


nagpapalakas ng puwersa...??

eh bakit parang nagbibigay pa ng butas para sa mga espiya..?
bakit pinapatay ang mga magiging kakampi sana...??

isang brutal na kultura ng pagganti..
naranasan nila mula sa mga nakatatanda sa kanila, kaya naman gusto rin nilang gawin laban sa iba..
o posible rin na hindi naman nila naranasan noon, pero gusto lang talaga nilang abusuhin yung pagiging nakatataas nila...

tsaka may nakakapansin ba na nalilihis na ulit ang mga usapin mula sa mga nabistong topics...??

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 45 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • .....

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
-----o0o-----


September 21, 2019...

noong May, sa Malabon..
yung kaso nung beautician na pinagsasaksak sa loob ng inuupahan niyang kuwarto..
2 miyembro ng gang ang involved na sadyang kinuhanan pa ng video yung kasamaan nila...

is feeling , para lang ipagyabang sa iba na kaya nilang pumatay...

---o0o---


September 23, 2019...

sa Las Piñas City..
yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO...

is feeling , habang gising ang mga kriminal...

---o0o---


September 26, 2019...

bad news naman mula sa SSS...

ayon sa form nila..
nasa 2 weeks lang daw yung processing nung UMID card nila within NCR..
so may konting difference kung sa probinsya...

kaso noong tumawag ako kanina..
sinabi sa akin nung nakausap ko na nasa 4 months daw ang processing para sa branch nila..
at sobrang laki ng agwat ng 2 weeks sa 4 months...

pero ang mas malala pa dun..?
kinumusta ko yung mga UMID card na in-apply-an noong July..
at sinabi sa akin na nagka-problema daw yung gumagawa ng mga card, parang related yata sa PHLPost...

is feeling , next year na ang expiration nung may bayad na Postal ID ko.. at 2 ang kailangan na ID sa pag-claim ng UMID...


>
sa Quezon City..
yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay...

though in a way eh parang magandang solusyon rin nga yun para mabawasan ang agawan sa supply ng petrolyo..
lahat ng sasakyan ng mga pasaway eh automatic na sirain, at ibenta na lang bilang scrap...

is feeling , pero sa ngayon eh labag pa yun sa sistema...


>
yung ang daming isinisiwalat na modus ng mga armadong empleyado..
pero wala namang hinuhuli...

anong dahilan at hinintay pa nila ang panahon na 'to para magsalita at magkuwento...??

is feeling , eh kung alisin na lang sa trabaho ang lahat.. total reform...??

---o0o---


September 27, 2019...

okay ang allowance..
okay ang suweldo..
okay ang benefits...

yun nga lang..
posible kang mapatay ng mga sarili mong kakampi...

is feeling , kultura ng pagganti...


>
sa Sampaloc, Manila..
yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation...

kesyo user lang daw siya at hindi naman pusher...

is feeling , among the ranks...


>
sa [Name of City]..
yung Donut Gang na nagnanakaw ng spare tire..
naka-sasakyan din yung mga kriminal...

is feeling , may budget sila...


>
sa [Name of City] pa rin..
yung mga holdaper sa may post office..
yung binugbog pa yung biktima nila...

is feeling , baka yun na yung mga tarantadong bata na sinusubukang mang-bully sa amin noon...