Loveless Story
October 12, 2019...
nabasag nang husto ang schedule ng October ko dahil sa sakit ko...
nawasak yung date..
5 araw na natigil ang pagre-retail ko..
tumigil din muna ako sa 3D na trabaho ko..
atrasado ang general cleaning..
at pati yung UMID card ko, hindi ko kaagad makuha...
is feeling , maghahabol na naman...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 3 - Open Conference
October 5, 2019...
PVL on Tour sa Iloilo..
hindi ako nakapanood dahil sa sakit ko...
Angels versus Army Troopers
ang 12th 5-setter match ng conference..
2nd pa lang para sa Angels..
4th na para sa Army...
Set 1, 25-15, Baloaloa starts..
Set 2, 20-25, Bautista starts..
Set 3, 14-25..
Set 4, 25-13..
Set 5, 15-7...
3-2, panalo ang Angels..
2-0 na ang record nila laban sa Army Troopers...
Prado scored 14 points from 12 attacks and 2 service aces..
may plus 11 digs and 9 excellent receptions din siya..
Nunag with 13 points..
Baloaloa with 12 points na may 3 kill blocks and 3 service aces..
Sabete with 11 points..
Panaga with 10 points na may 3 kill blocks..
para naman sa Army Troopers..
Tubino scored 21 points from 20 attacks and 1 service ace..
Gonzaga with 8 points, plus 14 digs..
Bautista also with 8 points na may 3 kill blocks..
pero bukod sa kinulang na opensa, ay nagpakawala rin ang Army ng 32 errors laban sa 25 lamang ng Angels...
Creamline versus ChocoMucho
Set 1, 25-15, Domingo starts..
Set 2, 25-15..
Set 3, 25-16...
3-0, panalo ang Creamline..
2-0 na ang record nila laban sa ChocoMucho...
Galanza scored 16 points na may 12 attacks and 2 kill blocks..
Gumabao with 12 points na may 4 service aces..
Valdez with 9 points, plus 9 digs and 8 excellent receptions..
Domingo also with 9 points na may 3 kill blocks..
Atienza with 16 digs and 5 excellent receptions..
wala namang umabot sa double figures para sa ChocoMucho..
Palec scored 9 points..
Tolentino limited to only 8 points...
is feeling , nahihilig na rin ang Army sa mga 5-setter.. thank you naman kina Morado at Galanza para sa muling pagdadagdag ng panalo para sa Creamline...
---o0o---
October 6, 2019...
Air Force versus BaliPure
ang 13th 5-setter match ng conference..
4th na para sa BaliPure..
3rd naman para sa Air Force..
at 2nd time na nilang magharap sa isang 5-setter match...
Set 1, 25-23..
Set 2, 12-25..
Set 3, 27-29..
Set 4, 25-23..
Set 5, 15-11, gumawa ng late chase ang Air Force pero kinapos din sila...
3-2, panalo ang BaliPure..
hindi nagawang makabawi laban sa kanila ng Dark Horse Air Force...
Bombita scored 26 points, plus 17 digs..
Tubiera with 19 points..
Espiritu with 12 points..
para naman sa Air Force..
Pantino scored 16 points..
Palomata with 10 points...
BanKo versus Chef's Classics
Set 1, 25-7, in-overkill ng BanKo ang Chef..
Set 2, 25-16..
Set 3, 25-17...
3-0, panalo ang BanKo..
nagtapos sa 2-0 ang record nila laban sa Chef's Classics...
Gervacio scored 10 points..
de Jesus also with 10 pure attack points..
Bersola and Roces with 9 points each..
para naman sa Chef's Classics..
J. Viray with 7 points..
N. Viray with only 5 points...
hindi na lumabas ang stats dahil sa ASEAN Grand Prix... :(
is feeling , good for BaliPure, bad for Air Force.. sa papahina naman ang performance ng Chef's Classics...
---o0o---
October 9, 2019...
Angels versus Motolite
average ang live audience..
ang 14th 5-setter match ng conference..
3rd na para sa Angels..
4th naman para sa Motolite...
Set 1, 25-22, Mercado and Saet starts, Emnas, Ramos, and Gannaban starts, dikitan ang laban, palitan ng kalamangan after ng 1st technical time-out, Flora serves for Molde, double substitution ng Angels, Layug serves, nanaig ang Angels dahil sa kanilang 12 attacks and 4 service aces kontra sa sarili nilang 12 huge errors..
Set 2, 13-25, unang nakaagwat ang Motolite, Cheng in, sinubukang maghabol ng Angels pero hindi na sila nakalapit, inilamang ng Motolite ang kanilang 12 attacks and 6 blocks..
Set 3, 16-25, dikitan ang laban, nakaagwat ang Angels after ng 1st technical time-out, Flora for Pablo, nakaagwat naman ang Motolite before ng 2nd technical time-out, double substitution ng Angels, lumamang ang Motolite dahil sa kanilang 11 attacks and 3 service aces plus 9 big opponent errors..
Set 4, 25-16, Flora starts, Cheng and Baloaloa starts, unang nakaagwat ang Angels, Tolenada in, layo nang layo ang Angels, at inilamang nila ang kanilang 6 blocks and 3 service aces..
Set 5, 11-15, Emnas back, dikitan ang simula, lumamang ang Motolite after ng 1st technical time-out, Layug serves for Nunag, at naitawid naman ng Motolite iyong set...
3-2, panalo ang Motolite..
1-1 na ang record nila ng Angels..
at 4-0 pa sila sa mga 5-setter matches nila...
Player of the Game si Emnas with 24 excellent sets, plus 3 points..
Caloy with 20 points from 17 attacks and 3 kill blocks, plus 21 digs and 15 excellent receptions..
Molde with 12 points..
Gannaban with 10 points na may 6 kill blocks..
Flora with 9 points off the bench..
Ponce with 22 digs and 8 excellent receptions..
para naman sa Angels..
Sabete scored 14 points, plus 19 digs and 16 excellent receptions..
Baloaloa with 11 points off the bench..
Panaga with 10 points na may 2 kill blocks and 4 service aces..
Prado with 7 points, plus 13 digs and 15 excellent receptions..
kaso ay nagpakawala sila ng 37 errors kontra lamang sa 28 na nagawa ng Motolite...
BanKo versus ChocoMucho
Set 1, 25-20, Berte starts, dikitan ang laban pero madalas na lamang ang BanKo, Cailing in, Ferrer back, Tan serves, at nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 2, 25-19, dikitan ulit ang laban, nakaagwat ang BanKo after ng 2nd technical time-out, Tan serves, Imbo in, pero inilamang ng BanKo ang kanilang 13 attacks and 2 service aces..
Set 3, 27-25, nakaagwat ang ChocoMucho after ng 1st technical time-out, Cailing in, Ferrer back, Ticar and Sandoval in, extended set, at nagawa pa nga iyong maagaw ng BanKo...
3-0, panalo ang BanKo..
2-0 na ang record nila laban sa ChocoMucho...
Player of the Game si Ferrer with 27 excellent sets, plus 14 digs..
Bersola with 13 points na may 5 kill blocks and 3 service aces..
Tiamzon with 11 pure attack points..
Gervacio with 11 points from 10 attacks and 1 service ace..
Roces also with 11 points..
Balang with 23 digs..
para naman sa ChocoMucho..
si Tolentino lang ang umabot sa double figures with 19 pure attack points..
Madayag with 8 points from 6 attacks and 2 kill blocks..
Gequillana with 6 points, plus 14 digs and 14 excellent receptions..
Pineda with 26 digs and 13 excellent receptions..
bukod sa kulang na opensa eh nagpakawala rin sila ng 24 errors kontra sa 18 lang ng BanKo...
is feeling , ayos, nagawa ring talunin ng Motolite ang Angels.. clean game naman para sa BanKo...
-----o0o-----
October 8, 2019...
si Mr. Tony Mabesa..
yun pala ang pangalan nung aktor na 'yon..
matagal na siyang artista, pero hindi ganung kapopular ang kanyang pangalan...
first time ko siyang na-meet sa personal sa UP Diliman, noong time na hindi na iyon ang campus ko..
naroon kami para sa isang seminar, kasama yung mga orgmates ko noong college...
naglalakad siya noon malapit sa may Alumni, kasama ang alaga niyang aso..
napansin niya ang grupo namin at nilapitan at kinausap niya kami..
pero for some reason, ako lang ang nakakakilala sa kanya bilang isang artista..
ang nakakahiya pa dun..?
ang sasalbahe nung mga kaklase kong lalaki..
pinag-isipan kaagad nila ng masama yung matanda..
kesyo bading daw yata 'yon kaya lumapit sa amin...
pero regardless of gender..
eh wala namang ginawang masama yung matanda..
hindi naman siya yung tipo na nanghahawak o nang-aakbay..
nagtanong lang siya kung mga taga-saan kami at anong pakay namin sa UP that day...
matapos niyang makaalis, saka ko sinaway yung mga kaklase ko..
artista kako iyon...
at ngayong wala na yung tao..
saka ko na-realize na bahagi pala siya ng UP theater..
siguro yun yung rason kung bakit interesado siya sa mga kaganapan sa loob ng UP...
is feeling , mga pasaway...
---o0o---
October 10, 2019...
bad news..
bumabalik na naman sa pagnanakaw yung demonyong matanda..
nagkakalkal ng makukuhanan niya ng pera...
kagabi, yung Wilkins na alkansya ng kanyang kaawa-awang asawa ang dinali...
nag-ugat iyon sa pagsagot niya sa anak niya na nagbibigay sa kanya ng allowance..
ang gusto niya kasi eh monthly ang pagtanggap niya ng pera, as in isang bigayan..
at ang kapal pa ng mukha niya na sabihin na "akala mo eh kalaki ng ibinibigay ninyo sa akin"..
really..?
mula sa isang inutil..??
pero dahil sa maluho niyang pamumuhay..
bisyo..
sin tax..
maramihang pares ng mga sapatos..
ang gusto pa eh lagi siyang naka-junk food tuwing nanonood sa gabi after ng dinner..
basta ang nangyayari ay mabilis niyang nauubos yung pera..
mangungutang siya sa iba pang mga tao..
kaya sa susunod na schedule ng allowance niya, eh ipangbabayad na lang niya 'yon sa mga utang na niya..
at muling ipapangutang yung mga araw-araw niyang luho...
ang hirap sa taong iyon..
palamunin na nga siya ng asawa niya..
pero ang gusto pa niya eh pa-allowance siya ng lahat ng mga anak niya na para bang nag-retire siya mula sa isang professional na trabaho...
is feeling , kaya hindi nawawala ang trauma ko...
>
panibagong threat mula sa Globe...
so tumawag sila kahapon, at sinabi na upgraded na DAW yung serbisyo nila..
dahil daw dun ay wala ng data cap..
pero bilang kapalit ay yung Plan 1,299 ay kailangan nang iakyat sa mala-demonyong Plan 1,699...
hindi ako sigurado tungkol dun sa statement nung basurang call center agent nila..
pero basta sinabi niya na wala daw kaming option para manatili sa Plan 1,299...
putang ina..
Php 999 lang ang original plan namin more than a decade ago, dahil 'iyon lang yung pasok sa Php 1,000..
sinubukan naming kumalas sa kanila, pero napilitan ring bumalik na ang plan na ay 1,099..
hindi pa man tapos yung lock-in period, eh naloko ng basurang call center agent yung nagbabayad sa account, at puwersahan kaming iniakyat sa Plan 1,299 na may Php 99 pa nga na Unli BB scam...
tapos ngayon, gusto nila kaming gatasan ng Php 1,699 dahil kesyo unlimited na yung putang inang service..?
eh yung 5 Mbps nga eh hindi ko naman nama-maximize..
hindi naman ako online gamer..
hindi ako video uploader..
at hindi rin ako masyadong nag-i-stream..
ni hindi kami umaabot sa 200 GB ng 300+100 GB na data cap namin...
tapos sasabihin nila na sulit na sulit yung Php 1,699 na increase..??
ano yun, Php 400 kapalit ng wala..??
at posibleng may Unli BB scam pa rin 'yon, para sa mga hindi kabisado yung sistema...
is feeling , may 5 years pa ang One Piece.. kailangan ko ng makatao naman na internet service...
>
hindi yung speedtest service ang totoong basehan ng performance ng internet connection...
sa computer..
yung Task Manager ang makapagsasabi kung anong speed lang talaga yung nagagamit mo habang may ginagawa kang online task...
is feeling , ilusyon lang yung speedtest kung hindi ka naman hardcore na user...
---o0o---
October 11, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
Clues (tungkol sa grupo nung non-Camila na Killer Bride):
1) ginagamit nga nila yung katauhan ng Killer Bride
2) may naalala si Emma mula doon sa insidente sa kuweba na anino ng malaking lalaki, bukod pa dun sa Killer Bride
3) Belladonna yung salita na paulit-ulit na sinasabi, nung lalaki yata, na kapangalan nung halamang gamot na ginagamit nung grupo nila
4) iyong San Lucas de Oro pala ay nasunog na base noon ng mga rebelde, kung saan namatay ang ina ni Camila
theory #10 - na may mga rebelde na may kinalaman sa nangyari noon kina Javier at Camila, at maging sa grupo na nagpapanggap bilang Killer Bride ngayon...
is feeling , San Lucas de Oro...
No comments:
Post a Comment