Friday, September 13, 2019

Freedom for Evil (Part II)

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


bistado na..
pero nagtuturo pa..
at nililinis pa rin ang pangalan ng mga kaalyansa... :(

nakakatakot lang kung paanong ginagapang nila ang paraan para mapalaya ang kanilang mga kakampi..
pero anong dahilan..?
para wala nang magsiwalat ng iba pang mga pangalan...??

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 26 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • .....

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
-----o0o-----


September 9, 2019...

yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO..
maging yung pinagdudahan na laro...

is feeling , wala.. ginawa nga lang pampasikat move para tabunan ang ibang issue noon...


>
yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa...

paano kaya nakalusot yung pasaway...?

is ⚠ feeling , hindi rin nga umubra yung ginawa nilang paghihigpit...


>
yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan..
ang access ng mga kontrabando papasok..
at maging mga medical documents daw...

tapos ang gusto nila eh nasa Php 300 Million worth ng signal jammer..?
katumbas na yun ng nasa 30,000 na medyo advance na signal jamming device eh...

is feeling , pero inosente pa rin daw ayon sa Hokage na Mahilig...

---o0o---


September 10, 2019...

sa Manila..
yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis..
lasing daw iyong pulis at sobrang bilis pang magpatakbo ng motor...

is feeling , paspas sa kalokohan...


>
[Natural Calamities]

dobleng rasyon para sa araw na 'to..
2 Oriental ang tinamaan...

yung una..
nasa Magnitude 4.7 to 4.9 na nag-originate sa area ng Oriental Mindoro..
tapos..
nasa Magnitude 5.6 to 5.8 naman na nag-originate sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , regular na supply ng mga significant...


>
totoong maraming butas yung sistema simula noong maisulat iyon..
pero maganda yung punto nung isang idinadawit sa kapalpakan ng kasalukuyang pamunuan...

Good Conduct Time Allowance..
naroon na mismo sa term yung dapat maging basehan ng time allowance..
kaya ang tanong ay nagpakita nga ba ng good conduct ang lahat ng pinalaya nila...?

o qualified ba na good conduct ang pagiging mabuting kaalyado..?
o good conduct ba na maituturing ang pagbibigay ng pera kapalit nung pabor na iyon...??

is feeling , sila pa ngayon ang mga inosente...


>
yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal...

is feeling , mga malalaki ang kita na uhaw na uhaw pa rin sa pera...


>
sa Bacoor City, Cavite..
yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid...

is feeling , protektor...

---o0o---


September 11, 2019...

yung qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA)..
at rape ang kaso niya ayon sa record... :(

una..
nakakalungkot makita na para sa pamunuan na 'to eh qualified talaga ang mga may kaso ng rape sa paggamit ng GCTA, at least base sa listahan na ipinakita...

pero ang mas nakakabahala ay ang plano ng alyansa na palayain rin ang NGO Queen..
matapos si The True One..
matapos si Kap..
iyon pala ay isusunod rin nila ang mismong NGO Queen..
kapalit ng ano..?
ng pananahimik at hindi na pagtuturo...??

is feeling , alyansa ng kasamaan...

---o0o---


September 13, 2019...

[Natural Calamities]

meron na ulit kaagad for this week..
nasa Magnitude 5.5 na nag-originate sa may Quezon...

is feeling , kaagad...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of September 2019 (Rice)

Loveless Story


September 13, 2019...

1 panibagong nahanap..
sa ngayon meron na akong 41 with names..
1 na anonymous ang alias..
1 na may unknown connection..
2 verified background personnel..
at 1 highly suspected...

na-realize ko tuloy na matagal ko nang nakita o nadaanan yung mga nahahanap ko lately...

medyo goal yung bago kong nahanap..
hindi pala siya Jaycee Parker..
pero more on Jackie Rice..
ewan ko lang kung may mole pa rin siya ngayon o wala na...

is feeling , magiging tama ba na magbakasyon...??

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Open Conference


September 7, 2019...

paano nila aasahan na sabay-sabay na magiging active ang mga viewers para sa kanila sa social media kung ganitong ipinapatapon nila kami sa iba't ibang platform at iba't ibang time slot..?? :(
tapos may mga time pa na down ng ilang minutes ang streaming para sa internet users...


Army Troopers versus Chef's Classic

konti lang ang live audience...

Set 1, 25-18, nakalayo kaagad ang Army, Bicar at Cruz for Gonzaga sa double substitution, bagong player daw ng Chef yung Oliveros, nakadikit ang Chef after ng 1st technical time-out, pero muling nakaagwat ang Army after ng 2nd technical time-out, nanaig sila dahil sa kanilang 13 attacks and 3 service aces..
Set 2, 25-18, Bunag for Gutierrez, unang nakalamang ang Chef, pero nabaligtad ng Army ang sitwasyon after ng 2nd technical time-out, muli silang nanaig dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 3, 25-13, una na ulit nakalayo ang Army, Delos Reyes for Balse, Gutierrez for Tubino, inilabas na si N. Viray, J. Viray in with Setter Gabriana, pero kinapos na nga ang Chef...

3-0, panalo ang Army Troopers...

Player of the Game si Tubino with 12 points from 11 attacks and 1 service ace..
Gonzaga with 10 points from 7 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Balse with 9 points na may 3 kill blocks..
Malaluan with 8 points..
Bicar with 5 points na may 3 service aces bilang double substitution Setter..
wala namang umabot sa double figures para sa Chef's Classic..
Tiu with 7 points..
nalimitahan naman si N. Viray sa 6 points lamang..
Juanillo with 5 points na may 4 kill blocks..
Angeles with 11 digs and 8 excellent receptions...

gumamit ng bench ang Army Troopers..
hindi ginamit sina Bautista at Teope na usual na pang-sub sa key players nila...


Creamline versus BaliPure

average crowd para sa Creamline..
si Bravo muna ang inalis sa working lineup...

Set 1, 25-8, Morado back, Soriano starts, unang nakaagwat ang Creamline, pinaglalaro na ulit si Gohing, at in-overkill ng Creamline ang BaliPure..
Set 2, 25-19, una ulit nakalamang ang Creamline, Pronuevo for Mendoza, Racelis for Bombita sa likod, Negrito in, Vargas and Guino-o in, nakagawa ng late chase sina Tubiera laban sa bench ng Creamline, Mendoza sa double substitution, inilamang ng Creamline ang kanilang 17 attacks..
Set 3, 25-14, Bombita back, Guino-o starts for Gumabao, Domingo for Soriano, nauna pa ring nakaagwat ang Creamline hanggang sa nakalayo, Racelis for Bombita sa likod, Vargas, Mandapat, and Cayetano in, at kinapos na nga ang BaliPure...

3-0, panalo ang Creamline..
8 Wins - 0 Loss ang record nila para sa Round 1...

Player of the Game si Morado with 14 excellent sets, plus 1 point..
Baldo with 18 points from 14 attacks and 4 service aces..
Galanza with 8 points..
Guino-o with 6 points na may 2 kill blocks..
para naman sa BaliPure..
Tubiera scored 10 pure attack points..
nalimitahan naman si Bombita sa 9 points lang..
Espiritu with 6 points na may 3 kill blocks..
pero mas nalimitahan si Salamagos sa 2 points lamang..
nagpakawala sila ng 22 errors in 3 sets kontra sa 11 lang ng Creamline...

practice ng bench para sa Creamline..
preparation pala para sa pagkawala nina Baldo at Morado...

is feeling , bench day.. may panalo na ulit ang Army.. welcome back victory naman para kay Morado, may panalo na ulit sila ni Galanza...

---o0o---


September 8, 2019...

Air Force versus Chef's Classic

konti ang live audience..
back-to-back weekend games pa rin para sa Chef..
at labanan ng mga wala pang panalo...

Set 1, 26-24, Oliveros starts, maagang nakaagwat ang Air Force, Maquinto in sa likod, Sabas for Pantino, gumawa ng late chase ang Chef, pero nanaig ang Air Force dahil sa kanilang 14 attacks and 3 service aces..
Set 2, 25-15, una ulit nakaagwat ang Air Force at naiwan nila ang Chef, Gabriana for Cuevas, J. Viray in, Cabalsa sa double substitution ng Air Force, lumamang sila dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 3, 25-22, una namang nakaagwat ang Chef, Cabalsa for Caballejo, Nuval for Pantino at naidikit niya ang Air Force sa Chef, J. Viray in, palitan ng kalamangan, Gabriana for Cuevas, pero naagaw nga ng Air Force ang set...

3-0, at nakakuha na nga ng panalo ang Air Force...

Player of the Game si Palomata with 16 points from 12 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Caballejo with 12 pure attack points..
Cases with 10 points, plus 14 digs and 6 excellent receptions..
Nuval with 4 points off the bench para sa set kung saan naghahabol sila..
para naman sa Chef's Classic..
Tiu scored 9 points, plus 13 digs..
N. Viray also with 9 points, plus 10 excellent receptions..
Bangad with 8 points..
Oliveros with 7 points na may 3 kill blocks..
Juanillo with 6 points na may 2 kill blocks and 2 service aces..
Angeles with 21 digs and 12 excellent receptions...

na-maximize ng Air Force si Palomata, plus support..
ang kapansin-pansin dito ay mataas ang naging scoring ngayon nina Caballejo at Cases..
gumaganda naman ang performance ng Chef in terms of blocking..
as usual, matatag pa rin ang kanilang Libero..
okay rin yung laban nila sa Set 1 at 3..
siguro eh naapektuhan rin lang talaga sila ng fatigue...


Motolite versus Angels

average Motolite crowd...

Set 1, 21-25, dikitan ang simula ng laban, palitan ng kalamangan, nakaagwat ang Angels after ng 2nd technical time-out, nanaig ang Angels sa tulong ng 9 big errors ng Motolite..
Set 2, 16-25, unang nakalamang ang Angels, Pablo down dahil sa foot injury, Flora for Pablo, nakaagwat ang Angels after the injury, inilamang ng Angels ang kanilang 12 attacks plus 10 big errors pa rin ng kalaban..
Set 3, 26-28, unang nakaagwat ang Motolite, Baloaloa for Mercado, Ramos for Gannaban, Tempiatura sa service and back row defense, Layug at Saet sa double substitution, balik sina Sabete, Mercado, at Cheng, extended set, pero kinapos pa rin nga ang Motolite...

3-0, panalo ang Angels...

Player of the Game si Sabete with 14 points from 12 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Panaga with 13 points na may 3 kill blocks..
Nunag with 10 pure attack points..
Prado with 7 points, plus 17 digs and 8 excellent receptions..
Cruz with 20 digs and 16 excellent receptions, plus 1 point..
para naman sa Motolite..
Pablo scored 10 points bago siya na-injure sa early stage ng Set 2..
Caloy with 10 points from 8 attacks and 2 kill blocks..
Molde with 7 points, plus 14 digs and 11 excellent receptions..
Flora also with 7 points off the bench na may 4 service aces..
kaso ay nagpakawala sila ng 23 errors in 3 sets...

hindi pa rin sapat ang body strengthening ni Pablo..
balik sa UP core ang Motolite..
errors na naman nga ang kinalaban nila, bukod sa namatay rin ang kanilang scoring...

is feeling , may panalo na ang Air Force.. panalo na ulit ang Angels.. sadly, Pablo down na ulit...

---o0o---


September 11, 2019...

kung kailan triple-match Wednesday, eh saka na naman may matagalang labanan.. XD
panay sira na naman ang mga stream... :(


ChocoMucho versus Air Force

konti lang ang live audience..
ang 6th 5-setter match ng conference..
2nd na para sa Air Force..
3rd naman na para sa ChocoMucho...

Set 1, 24-26, Sandoval starts para sa ChocoMucho, balik Libero si Pineda, unang nakaagwat ang Air Force, palitan ng kalamangan after ng 2nd technical time-out, Gequillana balik attacker for Berte, Santos in para sa service, double substitution para sa ChocoMucho, nanaig ang Air Force dahil sa kanilang 4 service aces..
Set 2, 25-14, nakakuha ng early lead at nakalayo ang ChocoMucho, Nuval for Pantino, Cabalsa sa double substitution, Sabas for Cases, Santos and Alkuino in, inilamang ng ChocoMucho ang kanilang 13 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-21, dikitan ang laban, Sabas for Pantino, Alkuino for Angustia, Nuval and Maquinto sa likod, nakaagwat ang ChocoMucho after ng 20th point, nanaig sila dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 4, 22-25, Nuval for Sabas, unang nakalamang ang Air Force, nabaliktad ng ChocoMucho ang sitwasyon after ng 1st technical time-out, Alkuino for Angustia, Cabalsa for Caballejo, double substitution para sa ChocoMucho, Papa for Palomata sa service, na-activate si Nuval, Imbo for Sandoval, pero naagaw ng Air Force ang set dahil sa kanilang 4 blocks..
Set 5, 7-15, si Cabalsa naman ang activated, unang nakalamang ang Air Force, Angustia for Alkuino, Papa sa service, at naiwan nga ng Air Force ang ChocoMucho...

3-2, panalo ang Air Force..
upset loss para sa ChocoMucho, wala pa rin silang nakukuhang panalo sa 5-set matches nila..
samantalang nakakuha na ng 1 ang Air Force...

Player of the Game si Nuval with 9 points from 7 attacks and 2 service aces off the bench..
Palomata with 18 points from 14 attacks and 4 kill blocks..
Antipuesto with 16 points na may 9 attacks and 5 service aces..
Cabalsa with 11 points na may 2 kill blocks off the bench and in only 3 sets..
Cases with 5 points, plus 11 digs and 16 excellent receptions..
para naman sa ChocoMucho..
Tolentino scored 30 points from 26 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Angustia with 13 points..
Madayag with 12 points..
Pineda with 41 digs and 8 excellent receptions...

ipinakita sa laban na 'to na mahirap manalo laban sa ChocoMucho kung aasa lang sa attacks, dapat pati sa ibang scoring department ay meron..
mukhang hindi nakabuti sa kanila na nag-rely sila kay Alkuino over Angustia sa crucial parts nung match..
ganun din ang hindi na nila paggamit kay Berte after Set 1..
sinuwerte naman ang Air Force kina Nuval at Cabalsa para makasuporta kina Palomata at Antipuesto...


Army Troopers versus BaliPure

Set 1, 25-17, maagang nabaliktad ng Army ang sitwasyon, dikitan ang laban, nadali ng errors ang BaliPure sa bandang dulo, nanaig ang Army dahil sa kanilang 13 attacks and 4 service aces..
Set 2, 25-16, maagang nakalayo ang Army, Pronuevo for Mendoza, Cruz sa double substitution ng Army, pero na-late na nang paghabol ang BaliPure..
Set 3, 27-25, nakaagwat pa rin ang Army, Bautista for Tubino, naging dikitan ang laban after ng 2nd technical time-out, Tubino back, Racelis for Tubiera, kaso ay kinapos pa rin ang BaliPure...

3-0, panalo ang Army Troopers...

Player of the Game si Malaluan with 10 points from 6 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Tubino with 13 points..
Gutierrez with 9 points..
Gonzales with 12 excellent sets, plus 5 points na may 4 service aces..
Nunag with 12 digs and 12 excellent receptions..
para naman sa BaliPure..
Bombita scored 13 points..
Espiritu with 7 points..
Racelis with 2 points off the bench sa Set 3..
Medina with 11 digs and 17 excellent receptions...

kinulang na ulit sa suporta si Bombita..
down na ulit ang laro ni Mendoza..
samantalang na-deactivate naman sina Tubiera at Salamagos..
baka pwede rin nga nilang i-develop si Racelis..
2 panalo lang ang nakuha ng BaliPure para sa round 1...


BanKo versus Motolite

nakabalik na si Tiamzon..
wala nga si birthday girl Pablo, mga 1 to 2 weeks daw ang recovery..
UP versus UP...

ang 7th 5-setter match ng conference..
2nd para sa parehong team...

Set 1, 16-25, Flora starts for Motolite, una silang nakaagwat, pasok ang mga bench para sa BanKo maliban kay Roces, pero nahuli na ang paghahabol nila, nakuha ng Motolite lahat ng stats..
Set 2, 21-25, balik ang starters ng BanKo, Doromal for de Jesus, sila naman ang unang nakaagwat, pero nabaliktad ng Motolite ang sitwasyon pagpasok ng 2nd technical time-out, dikitan at palitan ng kalamangan, na-activate si Flora, Tempiatura sa service at back row defense, at naagaw nga ng Motolite ang set dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 3, 25-19, dikitan ang laban, Gopico for Doromal, Tempiatura sa service at back row defense, nakaagwat ang BanKo after ng 2nd technical time-out, at naitawid nga nila ang set na iyon sa tulong ng 8 big errors ng Motolite..
Set 4, 31-29, unang nakaagwat ang Motolite, BanKo naman ang nakaagwat before ng 2nd technical time-out, Tempiatura sa service at back row defense, naging dikitan at palitan ng kalamangan after ng 20th point, extended set, at muli ngang naitawid ng BanKo iyong set..
Set 5, 17-19, dikitan ang laban, unang nakalamang ang BanKo, de Jesus for Doromal, Molde-mode ang opensa ng Motolite, Cailing in, palitan ng kalamangan sa bandang dulo, Ferrer back, pero Motolite ang nanaig sa huli...

3-2, panalo ang Motolite..
upset loss para sa naghabol na BanKo dahil hindi nila na-maximize ang pagkawala ni Pablo..
5 ang nakuhang panalo ng BanKo mula sa round 1...

Player of the Game si Caloy with 29 points from 26 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Molde with 24 points, plus 18 digs..
Flora with 17 points na may 4 service aces, plus 18 digs and 17 excellent receptions..
Tolenada with 34 excellent sets, plus 3 points..
para naman sa BanKo..
Tiamzon with 24 points na may 20 attacks and 3 kill blocks..
Gervacio with 21 points, plus 15 digs and 16 excellent receptions..
Roces with 10 points..
Balang with 14 digs and 18 excellent receptions..
pero kahit na tabla sa 31 ang napakawalang errors ng parehong team, eh ang crucial 8 errors ay na-commit ng BanKo sa 5th set lamang...

makikita sa laban na 'to na halos wala namang nagbago sa performance ng BanKo, siguro eh dumami lang ng konti ang errors nila..
nandun pa rin kasi ang volume scoring nina Tiamzon at Gervacio, with support..
pero nanaig ang Motolite dahil sabay-sabay na sumabog ang performance ng 3 nilang Outside Hitters, na rare pa na mangyari for them...

is feeling , great game para sa Air Force.. bad game for BaliPure.. may magandang pa-birthday naman kay Pablo ang Motolite...

-----o0o-----


September 8, 2019...

hindi ba nakakatawa yung mga taong naninita ng pagiging omnivore..?
kahit papaano eh natural naman kasi nang di hamak yung pagiging omnivore para sa ibang mga nilalang..
kesyo mag-herbivore na lang daw ang lahat...??

kesyo may pagpapahalaga DAW sila sa buhay..?
pero kung totoo yun, edi sana maging mga halaman eh hindi nila kinakain..
eh may mga buhay rin ang mga yun eh...

wala ring karapatan na maging pro-life kuno yung mga taong peste ang tingin sa mga maliliit na nilalang..
ang emosyon at yung mga reaksyon na kagaya lang naman nun ang basehan ng pagiging pro-life kuno nila...

nakakatawa yung mga tao na ginagamit ang science and technology bilang excuse para igiit na kaya nung baguhin yung mga bagay na natural..
samantalang tutol at kinukuwestiyon nila ang ilang bagay na natural na...

mag-isip-isip din sana sila..
sa tingin ba nila na makabubuti talaga para sa mundo ang sobrang healthy na lifestyle ng sangkatauhan combined with population explosion...??

is feeling , mind bias...

---o0o---


September 9, 2019...

[TV Series]

Pamilya Ko

nakakatuwang makita na magkasama ulit sina Teresita at Abby ng Be Careful With My Heart..
at sina Mommy Glo at Y ng The Greatest Love..
mag-iina na sila ngayon...

maganda yung bagong TV Series..
tungkol sa hindi pagiging perpekto ng pamilya at ng bawat miyembro nito...

is  feeling , na-miss kong mapanood si Kira Balinger...


>
took me 9 days bago matapos yung editing ng project #13..
bumagal compared sa project #12...

71 days sa 3D..
16 days sa photoshop..
87 days lahat-lahat..
bale inabot ng halos 3 months...

is feeling , not bad para sa 2 project...

---o0o---


September 10, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

kay Tatiana naka-focus ngayon ang imbestigasyon..
may assumption na posibleng kay Javier ang batang ipinagbuntis niya noong 17 y/o pa lang siya..
so kapag nagkataon, ay sila talaga yung mga unang Dela Cuesta at Dela Torre na nagkaroon ng relasyon (o parang kagaya nun) after nung original crime..
bukod dun, ay pinaghihinalaan rin siya dahil sa pagkakaroon niya ng relasyon sa miyembro ng sindikato..
at dahil sa kaugnayan niya dun sa tattoo clue...

pero alisin muna ulit natin yung paranormal aspect..
dahil naka-damit pangkasal iyong multo daw na nakita nung matandang inatake sa puso..
at dahil Killer Bride rin ang dating nung umatake naman dun sa pekeng albularyo, na ginamitan pa siya ng natural o herbal drugs..
eh lumalabas yung posibilidad na kagaya sa Altagracia, eh maaaring may gumagamit sa katauhan ng Killer Bride para sa pansarili nilang kapakinabangan..
kagaya kung paanong maraming characters sa Altagracia ang nagpanggap bilang Ang Babae ni Hudas para pumatay ng kani-kanilang target...

theory #8 - na may ibang tao o grupo, bukod kina Camila, na ginagamit yung istorya at katauhan ng Killer Bride para gumawa ng sarili nilang mga krimen...

is feeling , tapos may matandang puno pa bilang clue...


>
[TV Series]

Pamilya Ko

may element nga pala siyang kinuha mula sa The Greatest Love..
yung pagkikimkim ng galit o sama ng loob sa kapamilya...

sa kaso ni Lizelle sa The Greatest Love, sinisisi siya ng kanyang half-sister at ng isa niyang half-brother dahil sa aksidente na ikinamatay ng kanilang rapist na biological father, na adopted father lang ni Lizelle..
sa kaso naman ni Chico ng Pamilya Ko, eh sinisisi siya ng iba niyang kapamilya dahil sa aksidente na ikinamatay ng isa sa mga kapatid niyang lalaki...

is feeling , natawa ako dun sa killer ants...


>
[TV Series / Cuties]

Maskman

naalala ko lang yung favorite ko na Sentai TV series from the 90's..
nasurpresa nga ako noong nag-research ako about it, at nalaman ko na noong late 80's pa pala talaga siya nagawa...


costume ng Maskman ang pinaka-favorite ko sa lahat ng Sentai..
sunod lang sa kanya yung Power Rangers Ninja Storm, na may concealable frontal mask..
astig kasi yung design at yung mga helmet nila..
sila yung kauna-unahan na napanood ko na may hikaw yung helmet nung mga babae...


nagustuhan ko yung series dahil dun sa main plot; na may love story, politics, at betrayal..
bukod dun, eh dahil hindi siya mukhang masyadong retro, di tulad ng mga kasabayan niyang Sentai series noon..
especially pagdating sa mga buhok..
kaya naman kahit na luma, eh na-crush-an ko pa din yung mga bida na sina Mary Rose (Pink Mask, yung may long hair) at Eloisa (Yellow Mask, yung may short hair)..
yung pangalan na lang nila sa Filipino version ang gamit ko...


ito naman ang pambato ng mga kalaban pagdating sa kagandahan..
si Prinsesa Igamu, na nabuhay bilang isang lalaki o prinsipe...


at ang kakambal ni Prinsesa Igamu na si Rio sa mundo ng mga tao, o Prinsesa Iyaru (na baduy ang costume, LOL)..
recently ko rin lang nalaman na iisang aktres lang pala ang gumanap sa parehong role..
kaya pala parehas din yung taling nila..
so habang inaakala ko noon na hindi nagtatrabaho yung aktres ni Rio dahil frozen yung prinsesa, iyon pala eh busy siya sa pagganap bilang si Prinsesa Igamu...

is feeling , classic...

---o0o---


September 13, 2019...

[Movie]

Avengers: Endgame

yung pakiramdam na 8 hours akong nanonood at nagre-review ng halos 3 hours (minus credits) na Endgame..
pero dahil sa sobrang puyat ko..
eh na-overwrite ko yung isinulat ko dahil sa baliktad na pagba-backup ng file...

anyway, gagawa na lang ulit ako ng mas maikling version...

kasalanan talaga ni Thanos kung bakit nagkaroon ng butas yung grand plan niya..
nagmadali siyang sirain ang Infinity Stones para makaiwas sa temptation..
kaya hindi niya naprotektahan ang ultimate goal niya para sa universe...

dahil sa theory ni Ant-Man na base sa experience, nagkaroon ng Quantum Travel na technology ang Avengers..
at posibleng may mga nagulo sila sa time space continuum..
lalo na dahil nagkaroon sila ng direct interaction sa mga nanggaling sa ibang panahon...

ang technology naman ni Nebula ang naging butas para mangyari iyong second war..
pero siyempre, kasama na talaga iyon sa future na nakita noon ni Dr. Strange...

ang importante..?
eh nakabalik na sina Maximoff at Wasp..
naging okay rin nga yung form ni Captain Marvel, pero noong 5 years earlier lang, yung long hair version na naka-civilian..
mas okay naman yung actress ni Nebula kesa dun sa mismong character...

ang astig nung all-female squad..
though hindi na talaga sila nakumpleto dahil sa pagkamatay ni Romanoff... :(

pinatunayan nung Endgame na malakas talaga si Thanos kahit na wala siyang Infinity Stones..
kaya niyang makipagsabayan laban kina Captain America, Iron Man, at maging sa god na si Thor..
though posibleng naging weakness ni Thor yung chubby form niya during Endgame..
walang naging rematch ni Thanos at Hulk, dahil una nang naisakripisyo ni Hulk ang isa niyang braso para maibalik ang lahat ng mga naunang naglaho..
pero no match si Thanos sa 2 Avengers kung wala siyang hawak na Infinity Stone..
una ay laban sa psychic ability ni Maximoff..
at ikalawa ay laban kay Captain Marvel..
inilamang lang ni Captain Marvel kay Maximoff yung kakayahan niya na mabuhay at mag-travel sa outer space...

para sa death list ng mga mandirigma:
  • namatay sina Heimdal at Loki mula sa hanay ng mga Asgardians
  • si Gamora para sa hanay ng Guardians of the Galaxy (though naiwan yung Past Gamora sa timeline ng Endgame)
  • Vision (kawalan siya dahil Infinity Stone-based ang buhay at kapangyarihan niya)
  • Romanoff (hindi malakas, pero kawalan siya sa all-female squad)
  • Iron Man (kawalan siya dahil sa lakas ang Iron Man suit, at dahil sa continuously improving technology niya)
  • Captain America (not necessarily namatay, pero matanda na para makalaban pang muli)

para naman sa timeline flaw..
nakagawa nga sila ng interactions sa mga characters na mula sa ibang panahon, kaya posibleng may maging epekto iyon sa ibang timeline..
naging future ng nag-time travel na Black Order ang events sa Endgame, so posibleng may epekto iyon sa timeline kung saan sila nawala..
proof si Past Gamora na hindi basta-basta na-cancel yung existence ng Black Order sa timeline ng Endgame..
ganun din sa case ni Rogers..
pinili niyang mamuhay sa nakaraan, so basically nagkaroon ng 2 Rogers sa panahon na iyon kung kailan frozen pa yung isa niyang katauhan..
ang biglang existence ng matandang Rogers ay proof din na may nabago sa timeline nila...

is feeling , great ending para sa isang era...


>
tapos na sa promotional items kahapon..
mag-o-organize na ulit ng mga files..
tapos backup..
bago mag-proceed sa panibagong project...

is feeling , pwede ba akong magbakasyon...??


>
[Manga Theory]

so tama na yung theory #2 ko..
pinakawalan nga ni Zoro ang Shusui..
at paulit-ulit din na nababanggit yung tungkol sa pagko-convert ng mga espada into a black blade...

pero hindi Nidai Kitetsu ang natanggap niya..
malakas yung Enma, pero parang daya yung nangyayari..
auto-Haki kasi yung ability nung katana..
so hindi pa rin siya kagaya kung iyong user lang mismo ang maglalagay ng Haki dun sa blade...

pero nakakatuwa na iisang Shimotsuki na swordsmith lang ang nagpanday sa Wado Ichimonji at sa Enma...

is feeling , anong magiging silbi ng Nidai Kitetsu...??


Friday, September 6, 2019

Letters for Clemency

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


second chance at ang mga naunang ginawang pagtatanggol sa harap ng media..
yung mga sulat at ang mga ginawang paglapit at paghingi ng tulong sa mga taong may impluwensiya..
ang mga pagsisinungaling..
isali na rin yung pagbibigay ng kapangyarihan sa taong may dati ng issue na kinasangkutan...

tapos eh wala pa rin silang kasalanan...??

pagbabago ang pangako nila..
pero sa halip ay ginamit pa nila ang isang may kahinaan na sistema..
ganun ba ang mga taong may mabuting hangarin para sa bayan...??

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 19 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • .....

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
-----o0o-----


September 2, 2019...

yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay... :(

is feeling , tricked...??

---o0o---


September 3, 2019...

eh yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal...? :(

ano na bang nangyayari sa bansa ngayon..?
yun na nga lang yung magandang bawi sa pagkakaroon ng ibang klase ng basura eh..
tapos biglang mawawalan na rin ng pakinabang..??
bukod 'yon sa kawalan ng regular na naghahakot ng mga basura...

samantalang reusable at recyclable naman ang mga karton eh..
ginagamit yun sa mga supermarket bilang lalagyan ng marami at mabibigat na mga grocery items..
at papel yun, kaya pwedeng i-recycle ulit bilang papel...

is feeling , paano na ang kalikasan...??


>
yung nahuli ng PNP-IMEG (Integrity Monitoring and Enforcement Group)..
yung pulis na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga..
eh nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher...

nag-AWOL na daw at naalis yung pulis sa serbisyo noong 2014, dahil rin sa involvement sa masamang bisyo..
pero nakabalik pa noong 2017... :(

is feeling , bukod sa lugi.. eh may problema talaga ang sistema...


>
nalilito na ako...

hindi pa ba uso ang DNA test sa bansa noong 1993..?
o hindi ba gumawa ng paraan ang sistema para maipa-check yung mga DNA sample sa ibang bansa na kaya na noong magsagawa ng DNA test..?
o dahil gangbang yung nangyari kaya hindi posible noon na mapag-aralan yung mga DNA...?

nagtataka lang ako kung paano pa nila naigigiit yung pagiging inosente nila..?
kahit na bukod sa mga testimonya, eh may mga ebidensya naman na nagtuturo sa grupo at teritoryo nila...

is feeling , biktima ng pagiging low-tech ng nakaraan...??


>
yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer...

tingnan nyo yung listahan nung mga pangalan..
maging dun eh makikita yung anyo ng alyansa nila.. :(
that explains the reason kung bakit pabor para dun sa convicted yung mga unang pahayag ng magkakaalyansa..
kesyo deserving..
kesyo second chance...

bumabalimbing lang sila ngayon dahil nagre-react ang mga mamamayan...

ang punto..?
walang rason para magkaroon ng mga sulat at pirma kung talagang naniniwala sila sa mga latest nilang pagkontra...

is feeling , bistado...

---o0o---


September 4, 2019...

yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer..
yung kesyo may nag-contact daw sa kanila na hindi nila kakilala..
pero noong hinahanap na yung mobile phone at number..
eh kesyo nawala na daw...

kalokohan..
alam nilang ebidensya yun, pero nawala daw..
samantalang pwede namang patayin ang GPS, pwedeng patayin yung phone, at pwedeng alisin lang yung SIM card...

is feeling , kuwestiyonableng alyansa...

---o0o---


September 5, 2019...

kung ako man yung pinalaya, eh mabubuwisit rin ako..
dahil naging paasa yung palpak na sistema...

noong hindi pa alam ng marami yung nangyayari..
eh pabor na pabor pa ang alyansa dun sa butas na patakaran..
at saka lang sila nag-clean-up operation noong nagkabistuhan na...

is feeling , cosplay...


>
yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema...

teka..
plano ba nilang itumba sa labas yung ibang pinalabas nila...??

is feeling , magkakaalaman...


>
sa El Nido, Palawan..
yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers..
may dala rin daw baril yung mga kriminal...

is feeling , dapat bitay na ang parusa sa paglapastangan sa kalikasan...

---o0o---


September 6, 2019...

yung ang ibang pamunuan ang sinisisi sa kalokohan nila..
samantalang hindi naman nakawan ng gatas ang pinag-uusapan..
hindi rin naman bayolenteng pag-abuso sa kapangyarihan..
at nasa kanila naman ang kakayahang magdesisyon sa kasalukuyan...

totoong may sense naman yung patakaran..
pero totoo rin na weakness nun yung pagiging dependent sa desisyon ng kung sino ang may awtoridad..
besides, ilang beses na ring pinagtalunan yung scope nung patakaran sa nakaraan..
ngayon, kung meron mang mga sinadyang pinalaya yung dating pamunuan, eh yun lang ang kanilang responsibilidad...

pero ang problema sa kasalukuyan ay kagagawan na nila..
para sa panahon na may pangakong pagbabago..
tao nila ang nasa itaas nung sistema, at tao na may previous issues na..
tao nila ang nagko-compute at napirma..
mga kabilang sa alyansa ang nilalapitan ng mga convict na gustong makinabang dun sa patakaran..
mga kabilang sa alyansa ang nagsusulong ng second chance para sa mga convicted for heinous crimes..
tapos ngayon eh iba pa rin ang may kasalanan...??

halimbawa..
sabihin na wala ngang sapat na ebidensya para masabi na dun sa convict yung natagpuang illegal na droga..
pero masasabi ba nila na maging yung maluhong lifestyle sa loob ng kulungan nito ay planted pa rin..?
ang ganun ba eh qualified sa sistema ng bawasan...??

ang punto ay..?
naroon na yung problema, yung weakness nung patakaran..
at nasa 3 taon na sila sa pamunuan..
pero bakit nila ginamit din yung ganung sistema sa napakaluwag na pamamaraan..??
imposibleng hindi nila alam ang tungkol dun dahil may mga convict nga na lumalapit sa kanila..
kaya bakit hindi na lang nila pinigilan muna at itinama...??

is feeling , huli na ang lahat.. dahil nakapagsalita na yung ibang kaalyado ng tungkol sa pagbabago at second chance...


>
yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa...

is feeling , inilipat pa, eh magbabasa din lang naman ng script...


>
kung gusto talaga nilang masolusyunan ang problema sa traffic nang hindi masyadong gumagastos:

  1. kailangan nilang gawing deterrent ang taas ng gatasan para sa mga pribadong sasakyan, bilang kapalit ng pakikipag-agawan sa supply ng petrolyo at sa damage laban sa kalikasan
  2. kailangan nilang ipatanggal na lahat ng mga totoong bulok na sasakyan
  3. kailangan nilang pagbawalan na magmay-ari ng sasakyan yung mga taong ang regular na parking lot eh kalsada
  4. kailangan nilang pag-aralan kung gaano lang talaga kadaming PUV ang kailangan ng bawat ruta o area at ipatupad yung limitasyon
  5. permanent ban sa pagkuha ng lisensya at pagmamay-ari ng sasakyan para sa lahat ng may mapaminsala ng driving offense o may higit 2 o 3 violations na...
is feeling , pangil...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of September 2019 (6-Digit)

Loveless Story


September 2, 2019...

simula ng September..
tadtad kaagad ng mga gawain..
nagkasabay-sabay yung mga pang-katapusan at pang-simula ng mga buwan...

is feeling , bugbog pa rin ang mga mata ko...

---o0o---


September 4, 2019...

[Gadget-Related]

ilang araw na ng torture para sa computer ko..
nasa 8 days na yung naitatala kong continuous switching nung UPS ko... :(

ang masama nito ay magtatagal pa yung kalbaryo ng mga ipinangutang ko lang na device..
bukod kasi sa itinatayong grocery store daw..
eh magpapatayo din ulit ng apartment yung may-ari nung lupa...

tapos eh pasira na rin yung paupahang bahay ng kapitbahay namin..
kaya baka makisali na rin yun sa renovation eventually...

is feeling , agawan sa kuryente...


>
bad news pa rin...

bumaba na yung interest rate sa banko ko..
kapantay na lang ng sa ibang mga banko..
nangalahati eh..
so mas babagal pa yung pagkita ng savings ko..
at may less than 3 years pa ako para magbayad ng mga utang...

unfortunately..
hindi ako qualified para gumamit ng time deposit..
Tax Identification Number kasi ang isa sa mga requirements..
at aabalahin ko lang ang sarili ko kung mag-a-apply pa ako ng ganun, samantalang nasa below Php 250,000 per annum pa ako...

hindi rin ako pwede sa stock market dahil sa kaparehong rason...

is feeling , wala ba talagang paraan para mag-progress...??

---o0o---


September 5, 2019...

sa wakas..
naranasan ko rin yung 6-digit kahit papaano..
kahit panandalian lang...

yun nga lang..
kahit maka-3 months sa banko eh hindi na yun makagagawa ng Php 100 na interes... :(

ang next goal..?
yung parang imposible para sa akin na maging qualified para sa Tax Identification Number..
ang hindi maging exempted... XD

is feeling , ma-experience man lang...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 3 - Open Conference


August 31, 2019...

BaliPure versus Chef's Classic

NCAA versus NCAA..
medyo madami na rin ang live audience sa mga tabi...

Set 1, 25-22, iba ang Setter ng Chef, maagang nakaagwat ang BaliPure, Cuevas in para sa Chef, late nang dumikit ang Chef, pero naitawid naman ng BaliPure ang set dahil sa kanilang 9 attacks plus 13 huge opponent errors kontra sa sarili nilang 14 huge errors..
Set 2, 20-25, dikitan ang laban, una namang nakalamang ang Chef, nakadikit pa ang BaliPure sa later part, pero muling kumalas ang Chef sa tulong ng 14 huge errors ulit ng BaliPure..
Set 3, 27-25, dikitan na naman ang simula, nakaagwat ang BaliPure after ng 2nd technical time-out, muling naghabol ang Chef, Racelis in para sa service, J. Viray in, nabawi naman ng BaliPure ang set dahil sa kanilang 4 blocks kontra sa sarili nilang 10 big errors..
Set 4, 25-22, Delos Santos for Espiritu, dikitan pa rin ang simula, palitan ng kalamangan ang 2 team, J. Viray in para sa service, pero BaliPure ang nanaig sa huli...

3-1, panalo na ulit ang BaliPure...

Player of the Game si Tubiera with 18 points from 16 attacks and 2 kill blocks..
may plus 19 digs din siya..
Bombita with 13 points na may 12 attacks, plus 16 digs..
Salamagos with 12 points na may 4 kill blocks and 2 service aces..
Mendoza with 9 points..
para naman sa Chef's Classic..
Viray scored 24 points from 22 attacks and 2 kill blocks..
may plus 19 digs din siya..
Tiu with 12 points..
Angeles with the massive 35 digs and 16 excellent receptions..
43 versus 37 errors naman ang naging labanan ng 2 in 4 sets...

malakas rin talagang maglaro si N. Viray..
errors pa rin naman ang kinalaban ng BaliPure this time..
medyo lamang sila sa dami ng attackers, pero kailangan pa nila ng mas malinis na laro sa mga susunod nilang laban...


Creamline versus ChocoMucho

ang dami na ng live audience..
wala pa rin si BDL..
labanan naman ng sister team..
Ateneo champions versus Ateneo champions..
Lady Falcons versus Lady Falcon..
may DLSU champions versus DLSU champion din...

Set 1, 25-12, beautiful lineup ang Creamline, Domingo starts, Santos starts for ChocoMucho sa halip na Imbo o Berte, unang nakaagwat ang Creamline, Imbo for Pineda, Berte for Santos, Cayetano for Gumabao sa service, inilamang ng Creamline ang kanilang 10 attacks and 3 service aces plus 10 big opponent errors..
Set 2, 25-22, Berte for Santos, medyo dikitan na ang laban, nakalayo ang Creamline after ng 1st technical time-out, Bravo for Domingo sa service, Cayetano for Gumabao sa likod, Soriano for Sato sa service, balik si Domingo sa harap, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 4 service aces plus 10 big opponent errors pero nagpakawala rin sila ng 11 big errors..
Set 3, 19-25, dikitan sa simula, madalas na lamang ang ChocoMucho, Cayetano for Gumabao, Soriano for Domingo sa harap, Gumabao balik sa harap, activated na sina Tolentino at Madayag, at nanaig nga ang ChocoMucho dahil sa kanilang 13 attacks, 3 blocks, and 3 service aces..
Set 4, 25-18, Domingo starts ulit, maagang nakaagwat hanggang nakalayo ang Creamline, Cayetano for Gumabao, at nanaig nga ang Creamline...

3-1, panalo ang Creamline...

Player of the Game si Baldo with 25 points from 21 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 12 digs and 11 excellent receptions pa siya..
Galanza with 11 points..
Domingo with 11 points..
Morado with 28 excellent sets, plus 4 pure service ace points..
Atienza with 13 digs and 12 excellent receptions..
para naman sa ChocoMucho..
Tolentino scored 20 points from 14 attacks, 5 kill blocks, and 1 service ace..
Madayag with 13 points from 11 attacks and 2 kill blocks..
kaso ay nagpakawala sila ng 31 errors in 4 sets...

si Santos ang naging weakness ng ChocoMucho sa Set 1..
ganun ulit ang naging problema ng Creamline..
nasisira ang laro nila kapag bigla silang nalalamangan ng kalaban...

is feeling , kailangan pang maglinis ng laro ng BaliPure at Chef's Classic.. thank you ulit kina Domingo at sa Creamline team para sa muling pagtulong kina Morado at Galanza...

---o0o---


September 1, 2019...

Army Troopers versus Motolite

madami-daming live audience para sa Motolite...
ang 3rd 5-setter match ng conference..
2nd na para sa Army...

Set 1, 16-25, nakakuha ng early lead ang Motolite hanggang sa nakalayo na, Bicar in, Tempiatura for Gannaban sa service, nakuha ng Motolite lahat ng stats maliban sa errors..
Set 2, 25-22, nakagawa ng early chase ang Army, dikitan ang laban, Bautista for Gutierrez, nakaagwat ang Army after ng 2nd technical time-out, inilamang nila ang kanilang 14 attacks plus 9 opponent errors..
Set 3, 18-25, Emnas in, dikitan ang laban, Teope for Malaluan, Ramos for Gannaban, nakaagwat ang Motolite before ng 2nd technical time-out, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 15 attacks and 3 service aces..
Set 4, 25-23, unang nakaagwat ang Motolite, Gonzales at Gutierrez for Gonzaga sa double substitution, palitan naman sina Malaluan at Teope, habol nang habol ang Army, Tolenada in, pero naagaw pa ng Army ang set dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 5, 10-15, muling nakakuha ng early lead ang Motolite, Gannaban in, nabigyan pa ng 2 yellow card ang panig ng Motolite, pero sila pa rin naman ang nanaig sa bandang huli...

3-2, panalo ang Motolite...

Player of the Game si Pablo with 24 points from 23 attacks and 1 service ace..
Molde with 19 points..
Caloy with 14 points na may 3 kill blocks, plus 17 digs and 10 excellent receptions..
Ramos with 8 points in 2 sets..
para naman sa Army Troopers..
Gonzaga scored 19 points from 17 attacks and 2 kill blocks, plus 20 digs..
Tubino with 16 points..
Nunag with 17 digs and 20 excellent receptions...

nagkatalo sa dami ng volume scorer...


Angels versus Air Force

Panaga versus Air Force...

Set 1, 25-16, nakakuha ng early lead ang Angels, Cabalsa sa double substitution, nakuha ng Angels lahat ng stats maliban sa errors..
Set 2, 25-20, unang nakaagwat ang Angels, habol nang habol ang Air Force, Layug for Nunag sa service, inilamang ng Angels ang kanilang 12 attacks plus 10 big opponent errors..
Set 3, 25-23, Papa, Cabalsa, Sabas, Nuval starts para sa Air Force, sila ang unang nakalamang, pero nabaliktad ng Angels ang sitwasyon after ng 1st technical time-out, De Leon in para sa service, nag-experiment na ng bench ang Air Force, Layug in, nakahabol pa ang Air Force sa dulo pero kinapos din...

3-0, panalo ang Angels...

Player of the Game si Nunag with 10 pure attack points...
Prado with 10 points from 8 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Mercado and Panaga with 8 points each..
para naman sa Air Force..
si Palomata lang ang umabot sa double figures with 12 points from 10 attacks and 2 kill blocks..
Sabas with 4 points in just 1 set..
Nuval with 3 points also in just 1 set...

si Sabas at Nuval pala ang dapat na dini-develop ng Air Force...

is feeling , bad game pa rin para sa Army.. as expected naman sa Angels...

---o0o---


September 4, 2019...

wala na..
pati UAAP eh nakigulo na sa schedule... :(


Angels versus ChocoMucho

2:30 PM na nakapag-start yung pag-ere nung game..
average live audience..
wala pa rin si BDL...

ang 4th 5-setter match ng conference..
2nd na rin para sa ChocoMucho...

Set 1, 25-22, Berte starts, nakakuha ng early lead ang ChocoMucho, palitan ng kalamangan after ng 2nd technical time-out, Santos in sa likod, at naagaw ng Angels ang set dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 2, 25-15, unang nakaagwat hanggang sa nakalayo ang Angels, Sandoval for Pineda, Imbo for Berte, Ticar at Palec sa double substitution, inilamang ng Angels ang kanilang 12 attacks and 5 blocks plus 7 opponent errors..
Set 3, 19-25, Alkuino for Angustia, unang nakaagwat ang ChocoMucho, naging dikitan ang laban, Santos in kasabay ng double substitution, inilamang ng ChocoMucho ang kanilang 14 attacks..
Set 4, 20-25, una ulit nakaagwat ang ChocoMucho, pero muling naging dikitan ang laban, at naulit ng ChocoMucho ang nagawa nila sa Set 3 dahil sa kanilang 13 attacks..
Set 5, 15-3, Baloaloa for Mercado, unang nakalamang ang Angels, Santos in sa likod, substitutions para sa ChocoMucho, Mercado sa double substitution, at in-overkill na nila ang ChocoMucho...

3-2, panalo ang Angels..
wasted effort para sa ChocoMucho..
at wala pa silang nakukuhang panalo sa 5-setter matches nila...

Player of the Game si Cruz with 20 digs and 16 excellent receptions..
Sabete with 15 points, plus 14 excellent receptions..
Nunag with 14 points..
Prado with 11 points, plus 14 digs..
Baloaloa also with 11 points na may 3 kill blocks, pero off the bench pa lang 'yon..
Panaga with 10 points na may 6 kill blocks..
para naman sa ChocoMucho..
Tolentino scored 24 points from 21 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
Madayag with 11 points na may 4 kill blocks..
Berte with only 3 points, pero plus 13 digs and 14 excellent receptions...

kulang pa rin talaga sa katulong sa scoring sina Tolentino at Madayag..
at tsaka wala pa kasi yung maangas na paninigaw ni BDL...


Creamline versus Army Troopers

Balse, Gutierrez, Nunag versus Creamline..
masama daw ang pakiramdam ni Morado, Gastroenteritis...

Set 1, 25-23, Negrito and Domingo starts, Bicar for Gonzales, Soriano kaagad for Domingo, maagang nakalayo ang Army, nakadikit ang Creamline before ng 2nd technical time-out, at nabaliktad na yung takbo ng set after that, Teope for Malaluan sa service, substitutions for Army, Cayetano for Gumabao sa likod, at naagaw nga ng Creamline ang set dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 2, 28-26, nabigyan ng yellow card si Coach Kung Fu, unang nakaagwat ang Creamline, Bautista starts for Gutierrez, palitan ng kalamangan, Gutierrez for Tubino, Cayetano for Gumabao sa likod, Gumabao balik sa harap, at naitawid naman ng Creamline ang set dahil sa kanilang 2 service aces..
Set 3, 26-24, Tubino starts for Gutierrez, unang nakaagwat ang Army, Cayetano for Gumabao sa harap pero ibinalik rin, dikitan ang laban sa dulo, at muli ngang naagaw ng Creamline ang set...

3-0, panalo ang Creamline...

Player of the Game si Baldo with 18 points from 16 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
Galanza with 14 points, plus 14 excellent receptions..
Gumabao with 8 points, plus 13 digs..
Atienza with 14 digs and 10 excellent receptions..
para naman sa Army Troopers..
si Gonzaga lang ang umabot sa double figures with 10 points from 8 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
may plus 16 digs din siya..
Balse with 9 points from 7 attacks and 2 kill blocks..
Tubino with only 8 points..
Nunag with 15 digs and 12 excellent receptions..

sayang para sa Army Troopers dahil hindi activated lahat ng key players nila..
late start naman para sa Creamline..
hindi malinis ang laro nila, pero mas madalas nilang nagamit ngayon yung combination plays nila..
pero sayang si Domingo dahil hindi nahintay ni Coach Tai na mag-init yung laro niya...


BanKo versus BaliPure

ang 5th 5-setter match ng conference..
2nd na rin para sa BaliPure...

Set 1, 19-25, si Ferrer ang starting Setter, unang nakaagwat ang BaliPure, Cailing in, at naidepensa nga ng Balipure ang unang set..
Set 2, 25-18, balik si Ferrer, Doromal for de Jesus, una namang nakaagwat ang BanKo, nanaig ang BanKo dahil sa 16 huge errors ng BaliPure kahit na lamang pa ang mga ito sa kanilang 13 attacks..
Set 3, 25-21, dikitan at palitan ng kalamangan, de Jesus for Doromal sa service, Ferrer back for Cailing, nanaig ang BanKo dahil sa kanilang 3 service aces..
Set 4, 23-25, Pronuevo for Mendoza pero ibinalik rin, unang nakaagwat ang BaliPure, de Jesus para sa paalis na si Tiamzon, habol nang habol ang BanKo, Peña sa service, pero nanaig pa rin ang BaliPure dahil sa kanilang 3 blocks and 5 service aces..
Set 5, 15-12, dikitan at palitan na naman ng kalamangan, pero nabaliktad pa talaga ng BanKo ang set sa huli...

3-2, panalo ang BanKo...

Player of the Game si Ferrer with 28 excellent sets, plus 3 points..
Gervacio with 19 points from 18 attacks and 1 service ace, plus 14 excellent receptions..
Bersola with 15 points..
Tiamzon with 13 points hanggang Set 4, plus 12 digs..
para naman sa BaliPure..
Bombita scored 31 points na may 27 attacks, plus 15 digs..
Tubiera with 18 pure attack points, plus 20 excellent receptions..
Medina with 14 digs and 12 excellent receptions..
Salamagos with 9 points..
kaso ay nagpakawala sila ng 40 errors in 5 sets...

maganda naman ang ipinakita ng BaliPure in terms of scoring (their best so far), pero present pa rin yung mga errors nila...

is feeling , nagsayang lang ng oras ang ChocoMucho.. thank you kay Negrito para sa pagsalo kay Morado, at sa pagtulong sa kanila ni Galanza na makakuha ng panibagong panalo.. maganda naman ang pabaon ng BanKo para kay Tiamzon...

-----o0o-----


September 3, 2019...

grabe naman ang Globe..
so ayaw nilang i-consider na fully verified para sa GCash yung mga personal na nagpa-KYC noon..
yung mga humarap pa over-the-counter, at nag-submit ng valid IDs..
at dahil uso na ang mga smartphone at mobile app lately, eh mas may tiwala na sila dun sa mga nagsa-submit lang ng picture ng ID at ng selfie...? :(

wala man lamang konsiderasyon sa mga matagal ng customer... :(

is feeling , anak ng diskriminasyon sa mga walang tri cut SIM...


>
[Scam]

dumale na naman yung Unli BB Bundle scam ng Globe... :(

July 2018 noong una namin siyang na-experience..
ang nangyari..?
nawala yung adjustment, at lumaki yung bill namin by Php 99.00..
automatic daw na na-trigger iyon..
tumawag kami sa konti lang ang silbi na costumer service nila, pero iginiit nila na wala na silang magagawa tungkol sa current bill noon dahil nag-reflect na daw yung amount (yung lecheng kita nila)..
ang magagawa na lang daw nila ay ayusin ulit yung billing sa susunod..
bilang resulta, kinailangan naming bayaran yung service na ni hindi nga namin ginagamit..
at sa sumunod na buwan ay ni wala pa sa 50% yung adjustment na ipinatupad nila..
bumalik lang sa normal ang lahat after 2 months...

that time, hindi na namin iginiit yung karapatan namin bilang consumer..
kabisado ko na kasi ang ugali ng mga taga-Globe..
magpapa-submit ng kung anu-anong requirements kuno na sila mismo ay meron namang kopya..
magke-claim ng mga gagawin nilang hakbang..
pero hinding-hindi nila ibabalik yung perang nakuha na nila... :(

nakakabuwisit lang na parang sinasadyang gawing bahagi ng sistema nila ang automatic na pagnanakaw..
yung dapat sana eh pulido naman ang lahat, pero nakakagawa sila ng paraan para kumita ng extra dahil mismo sa kanilang kapalpakan..
yung ang consumer pa ang pagbabayarin dahil sa pagpalpak nila.. :(
kaya nga may pangalan yung plan eh..
dahil yun yung babayaran in case na basic lang at walang extra sa paraan ng pag-utilize nung service..
pero bakit may service na kini-claim nila na ginagawa nilang free for a limited period, kung alam naman nilang patataasin nun yung bill..?
edi sana ay wala na lang yung ganung additional na service...

is feeling , pero namimihasa sila dahil alam nilang waste of time lang para sa karamihan ang magreklamo laban sa kanila...

---o0o---


September 4, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

bumalik na naman yung paranormal aspect nung kuwento..
hindi si Emma ang kinatakutan nung matanda kaya ito inatake sa puso noon..
totoong may nakita siyang White Lady na lumulutang noon sa likod ni Emma...

dahil dun ay nagbibigay na naman yung script ng posibilidad para sa theory #0..
posibleng katulad ito ng nangyari kay Javier noon..
na nakaturo siya kay Camila, pero maaaring may iba siyang nakikita noon bago siya namatay...

pero ang problema ay..?
wala nga dapat multo ng Killer Bride..
dahil buhay naman si Camila, at sa kanya lang nagsimula yung alamat ng Killer Bride..
iyong ninuno (lola) naman niyang babaeng Dela Torre, si Belinda, na ni-rape noon at ibinigti ng mga Dela Cuesta, eh hindi naman naka-damit pangkasal noong namatay..
so kung meron mang mas malapit na paliwanag, eh na puting damit sa libing ang suot nung multo niya...

is feeling , babawiin, tapos ibabalik...

---o0o---


September 7, 2019...

[TV Series]

The Killer Bride

so may nakita na si Camila dati na merong tattoo clue..
base sa naging reaksyon nung tao eh mukhang may nalalaman siya tungkol sa ibang mga itinanong ni Camila..
kaso ang problema ay namatay naman yung taong iyon dahil nabundol siya ng kotse habang siya ay tumatakas...

nalaman nila na marami-rami ang may ganung klase ng tattoo..
parang isang grupo o gang, some sort of Brothers..
at matapos na mamatay iyong 1, eh 2 na lang ang naging suspek nila..
ang isa ay nasa ibang bansa na daw..
samantalang iyong isa pa ay matagal na daw na nakakulong, bago pa nangyari yung murder case noon ni Javier..
totoo nga daw na related sa mga Dela Torre iyong kasamahan nila na nabundol..
pero kay Tatiana lang, sapagkat naging karelasyon daw ito noon ng kanilang kasamahan...

is feeling , pahirapang imbestigasyon 'to dahil mukhang namamatay lahat ng mga related dun sa krimen, bago pa sila makapagsalita...