Saturday, April 26, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of April 2025 (500 Days of Failed Retrieval)

Loveless Story


April 19, 2025...

[Gadget-Related]

sa sobrang walang kuwenta ko talagang tao..
eh heto..
wala ng silbi ang Facebook Messenger para sa akin..
bawal maka-receive ng message kapag offline ang account ko... 🙁

group chat na lang ang gumagana para sa akin sa ngayon..
na malamang eh itulad na rin nila sa PM in the future...

hindi ko sigurado..
pero mukhang ang paraan lang para maka-receive na ulit ako ng message..
eh kung ia-allow ng ibang user ang pa-back up sa conversations nila gamit ang secured storage..
na hindi ko naman maintindihan kung bakit hindi ginawang default setting ng Facebook..
samantalang encrypted na nga ang message na ii-store nila sa ganung paraan, at kahit sila eh hindi nila magagawang basahin...

is feeling , pati paniningil ko ng utang eh nasabotahe...

---o0o---


April 20, 2025...

ngayong hapon..
may nagpunta sa bahay para mamigay ng campaign materials..
at nakakarumi ang sinabi sa akin..
iboto daw lahat nung tumatakbong Senator sa partido ng mga kriminal..
para daw hindi ma-impeach ang kanilang Vice President...

so tinanggap ko yung mga papel..
at itinapon ko kaagad sa basurahan..
para wala ng makinabang sa mga yun..
nabawasan sila ng campaign materials na ipamamahagi sana nila sa mga bobong panatiko...

is feeling , ganun din sana ang gawin ng ibang mga responsableng mamamayan.. tanggapin lang nang tanggapin ang campaign materials ng kasamaan, at itapon kaagad sa basurahan para hindi na kumalat pa...

---o0o---


April 22, 2025...

[TV Series]

okay sanang panoorin yung Happiness..
si Han Hyo-joo na clone ni Song Hye-kyo..
character ng magandang babae na marunong makipaglaban..
kaso sobrang gabi na talaga para makayanan ko pang panoorin..
kung tutuusin, hirap na nga akong manatiling gising sa oras ng Saving Grace..
pero kahit papaano may video files naman nun ang ABS-CBN sa YouTube, at may rewind din sa hapon..
yung mga hindi local TV series sa pagkakaalam ko eh bawal nilang i-upload sa YouTube...

is feeling , sayang naman.. sana ilipat sa timeslot ng Meteor Garden in the future...

---o0o---


April 23, 2025...

may kung anong solid ang tunog na tumutulo sa kisame ng kuwarto ko..
bagay na hindi naman nangyayari noon..
at nasa 1 buwan pa lang matapos na i-repair ang bubong namin..
hindi ko alam kung tubig ba na mula sa namuong hamog..?
o ipot ng ibon o paniki...?

okay lang kahit ipot na lang..
huwag lang sana tubig..
dahil hindi pa maulan sa panahon ngayon..
pero paano kung umulan..?
ano, pababahain nila sa loob ng kuwarto ko...?? 🙁

is feeling , tama na ang mga trahedya sa buhay ko.. tumigil na kayo.. huwag ninyong itapon yung Php 50,000 na nagastos sa repair...


>
[Gadget-Related]

dahil sa paulit-ulit na illegal shutdown ng computer ko..
dahil sa pumapalpak ko ng UPS..
eh nabura na tuloy ang history ng mga application program ko..
at hindi na rin sila makagawa ng panibago... 🙁

kundangan naman kasi..
nasa 10 years dapat ang lifespan ng computer..
tapos almost 5 years naman para sa UPS..
hindi yung puwerket ako ang involved, eh dapat lagi na lang wasak ang lahat... 🙁

is feeling , tama na.. tigilan nyo na ako sa mga trahedya...

-----o0o-----


[V-League]


AVC Champions League 2025


April 20, 2025...

Creamline (PH) versus Jordan..
hindi national team ang mga kalaban nila, mahirap lang banggitin yung mga pangalan kaya country na lang ang gagamitin ko..
kasama nga ng Creamline ang Angels at PLDT sa pag-represent sa Philippines..
wala sa lineup nila sina Caloy, BDL, at Lazaro..
m-in-aximize naman ng team ang paggamit ng 3 foreign reinforcement...

madami ding live audience kahit na mahal ang tickets ng AVC...

Set 1, Baldo-Staunton-Kudryashova muna para sa Creamline, off kaagad ang floor defense nila, maagang nakalamang ang Jordan, Kolomoyets for Bernardo, Gumabao at Dimaculangan sa double substitution, malapit na sa dulo noong makadikit ang Creamline, Galanza for Staunton sa service at para sa depensa, na-extend nina Baldo at Galanza ang laban, at nagawa nga nilang maagaw ang set dahil sa kanilang 3 kill blocks plus 7 opponent errors..
Set 2, Kolomoyets starts for Bernardo, maagang naagaw ng Creamline ang kalamangan, double substitution nila at reliable naman si Dimaculangan, Pons for Baldo para sa depensa sa likod, Galanza ulit for Staunton para sa service at depensa, at napanindigan ng Creamline ang kanilang lead hanggang sa dulo, nanaig sila dahil sa kanilang 12 attacks and 5 service aces..
Set 3, Bernardo starts for Panaga naman at ganado na siya, una na silang nakalamang this time, double substitution nila, de Jesus for Kolomoyets para sa service at depensa, lagpas 10 daw ang errors ng Creamline, pero nagawa pa rin naman nilang manaig sa laban...

3-0, panalo ang Creamline...

is  feeling , nice one, team.. ayos na reinforced debut.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


April 21, 2025...

Creamline (PH) versus Kazakhstan..
gabi na ang schedule ng match nila..
Kolomoyets laban sa kanyang mga kababayan..
mas mataas ang ranking ng bansa nila...

Set 1, Baldo-Staunton-Kudryashova plus Kolomoyets starts for Creamline, maagang nakalamang ang Kazakhstan, malakas ang blocking nila at malalakas pang pumalo, tapos ang dami pang service error ng Creamline, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan at maganda ang nilaro ni Dimaculangan, hindi nakalapit ang Creamline sa Kazakhstan dahil sa 5 kill blocks and 2 service aces nila..
Set 2, nadadali sa reception at coverage ang Creamline, Pons for Baldo, mas nakakadikit naman sila this time, Galanza for Staunton sa likod, pero muling kinapos ang Creamline dahil sa 17 attacks ng Kazakhstan..
Set 3, maaga na ulit na nakalamang ang Kazakhstan, Bernardo for Panaga at maganda na naman ang contributions niya, hindi malakas ang impact ng mga import ng Creamline, double substitution nila, pero muli nga silang kinapos...

3-0, panalo ang Kazakhstan..
lamang sila sa attacks, kill blocks, and service aces..
hirap ang Creamline na pigilan ang mga atake ng outside spikers nila..
samantalang madalas silang mabalikan ng sarili nilang mga atake..
matatangkad ang players ng Kazakhstan, pero may floor defense sila...

is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza.. pero at least ay pasok na ang team sa Quarterfinals...

---o0o---


AVC Champions League 2025 (Quarterfinals)


April 24, 2025...

Creamline (PH) versus Thailand..
dahil sa pagkapanalo ng Kazakhstan laban sa Jordan ay na-secure nga ng Creamline ang isang slot para sa Quarterfinals..
untikan pang PLDT ang nakaharap nila..
nagawa nga ng PLDT na makipagsabayan sa isang team from Thailand, kaya sana naman ay magawa rin ng Creamline...

nagbaba na rin ng presyuhan ng tickets para sa AVC dahil matumal ang bentahan noon..
at dumami-dami nga ang live audience this time...

Set 1, Baldo-Staunton-Kudryashova plus Kolomoyets start for Creamline, maagang nakalamang ang Thailand, and dami kaagad errors ng Creamline, Pons for Baldo, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, nahuli ang paglaban nina Pons at Kolomoyets, nakuha ng Thailand ang set dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 2, Pons starts for Baldo, Galanza for Staunton para sa service at floor defense, dikitan ang simula ng laban at nagawa pa nga ng Creamline na makalamang, naagaw ng Thailand ang kalamangan sa bandang kalagitnaan, Gumabao for Galanza tapos palit din ulit noong nasa service na, de Jesus para sa service pero namigay siya ng puntos, Staunton for Pons sa harap, Bernardo in, pero kinapos ang Creamline dahil sa 16 attacks and 1 service ace ng Thailand..
Set 3, Galanza starts for Staunton, dikitan na ulit ang simula ng laban, double substitution ng Creamline, at doon na kumalas ang Thailand, hindi na nga nagawa pang makahabol ng Creamline...

3-0, panalo ang Thailand..
mas mahina ang Creamline kapag madaming import..
malaking tapon yung Set 1..
patunay dun ang pag-rely pa rin nila sa triangle defense nina Atienza, Galanza, at Pons..
dapat malakas na Opposite Hitter ang 1 pa nilang kinuhang import at hindi Outside Hitter lang...

is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza...

-----o0o-----


April 19, 2025...

[Trade]

day 494...

3rd possible exit point sana kaninang umaga..
bago muling bumaba sa level 35..
USD 31 sana iyon para sa akin... 🙁

araw-araw pa rin na kumikita ang WCT..
hindi ko lang mapakinabangan dahil sa long term na hinihintay ko... 🙁

hapon nang gumawa na ulit ng pump ang WCT..
pero hindi ko pa alam kung anong pinaplano nila..
sana lang eh magtuluy-tuloy na sa level 100...

is feeling , gawin nyo na.. dire-diretso hanggang level 100...


>
[Trade]

kinaya ng Usual..
kinaya ng Heima..
kinaya ng Solayer..
lahat sila nagawang pumalo sa USD 1.00..
pero bakit kapag pumapasok na ako sa asset..
eh puros na lang bad news..
bad news..
bad news... 🙁

is feeling , kahit 2 pagkakataon lang.. kailangan ko lang talagang makalaya kasama ng lahat ng pinaghirapan ko...

---o0o---


April 20, 2025...

[Trade]

ang dagdag na problema ko sa trading simula noong nawasak ang slot para sa graphics card ko..
bukod sa kamalasan..
at bukod din sa banned na ang Binance dito sa bayan..
eh sobrang laki ng kain ng CoinGecko at CoinMarketCap sa memory.. 🙁
kayang-kayang pabagsakin ang computer ko..
at patayin ang sira kong UPS...

is feeling , ang hirap mag-monitor...


>
[Trade]

day 495...

umangat ang WCT kagabi at nagpatuloy pa nga sa pag-pump ngayong umaga...

sorry sa pondo ko..
kung hindi sana ako pumalpak noong mga nakaraang araw..
edi ang dali lang sana para sa akin na magdesisyon ngayong araw..
level 35 to 60, nasa USD 960 na sana ako noon..
level 37 to 45, aangat sana sa USD 1,166..
level 35 to 56 ngayong araw, aangat sana sa USD 1,864..
na-recover ko na sana ang pondo ko..
at kumita pa sana ako ng nasa USD 600 bilang bonus... 🙁

USD 335 yung posible ko sanang kitain kanina kung buo lang yung pondo ko..
pero sobra akong nalimitahan..
USD 184 sana yung na-recover ko kung nakapagbenta ako sa peak..
hapon kasi noong gumawa na ng dip ang WCT, kaya naman natakot na ako..
pero USD 124 na lang yung naisalba ko, kinulang na ng USD 60... 🙁

dahil sa latest kong sablay..
eh pumapalo na sa USD 16,000 ang hindi ko napapakinabangan na mga kita simula noong Imperial New Year ng 2024... 🙁

is feeling , sorry.. WCT, bumaba ka muna ulit sa level 40...

---o0o---


April 21, 2025...

[Trade]

day 496...

sablay na naman kahapon..
hindi ko napakinabangan yung entry point sa level 46..
nag-short pump ang WCT hanggang level 51..
so USD 60 sana iyon para sa akin... 🙁

umaga nang umakyat na naman sila matapos ang dip..
kasabay ng pag-akyat ng Bitcoin..
level 48 to 52, USD 46 sana para sa akin..
level 47 to 49, USD 23 sana para sa akin..
lagpas USD 100 na naman sana na dagdag pondo... 🙁

is feeling , WCT, baba muna hanggang level 40 para makapasok ako...

---o0o---


April 22, 2025...

[Trade]

day 497...

hindi ako makabalik sa WCT kahapon dahil name-maintain nila ang level nila..
dahil na rin sa pag-angat ng Bitcoin..
kailangan kong makapasok ulit sa kanila bago yung schedule ng perpetual contract sa April 24...

nakaakyat pa sila from level 46 to 48, bago nag-dip ngayong umaga..
USD 23 sana iyon para sa akin..
USD 25 naman from level 43 to 45... 🙁

lagpas USD 1,000 na kaagad ang napapakawalan ko sa WCT in just 7 days... 🙁

gabi na noong makapasok ako malapit sa level 40..
at medyo minahalan ko pa ang bili ko...

is feeling , WCT, panahon na.. level 100, para sa panahon ng bagong perpetual contract...

---o0o---


April 23, 2025...

[Trade]

day 498...

napamahal ako ng bili ng WCT..
dahil umabot pa sila below level 39..
basta hindi sila dapat umabot sa dati kong entry point na level 35, at lalo na kung below..
dahil mangangahulugan iyon na palpak na naman ako...

sumablay din kaagad ako nitong umaga..
umabot sa lagpas level 43 ang WCT..
USD 40 sana iyon para sa akin bago sila muling nag-retrace sa entry point ko... 🙁

tanghali nang nag-retrace na naman ang WCT..
gabi nang nag-exit na muna ako nang may USD 5 na dagdag pondo..
masyado na naman kasing malapit sa entry point ko..
bukod pa sa delikado na ulit ang taas ngayon ng Bitcoin...

is feeling , tumigil na kayo sa pagre-retrace.. tumbukin nyo na lang kaagad yung level 100...

---o0o---


April 24, 2025...

[Trade]

day 499...

nagising na ulit sa isang pangit na umaga..
matapos kong mapakawalan yung posibleng kita kahapon..
eh pagkalugi na naman ang sumalubong sa akin ngayon.. 🙁
talagang kung kailan pa may naka-schedule na perpetual contract...

umaangat ang WCT kagabi bago ako natulog..
kaya naman napilitan akong bumili ng mas mahal kesa sa dati..
kung na-maintain kasi sana yung level ay papalo ang 24-hour change nila pagpasok ng madaling araw..
pero hindi ganun ang nangyari..
minutes lang matapos akong makapasok sa WCT, eh bumulusok na pala sila sa pagkalugi hanggang below level 38.. 🙁
umaga pa lang eh pababa na pala ang direksyon ulit ng Bitcoin..
iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi makapalo ang WCT..
at wala ngang nangyaring pump noong dumating na yung oras nung perpetual contract... 🙁

is feeling , mga hayop kayo.. WCT, abutin nyo na lang yung level 100 habang natutulog ako...

---o0o---


April 25, 2025...

[Trade]

day 500...

pumasok na muna ako sa savings ng WCT..
kahit pa mababa lang ang interest nila...

nagawa na naman ng ARDR na mag-pump nang lagpas sa 100%...

may pumasok din na bagong asset..
halos kaparehas ng WCT ang total at circulating supply..
pero nasa mas mataas silang level ngayon..
kapag umabot sila sa USD 1.00 eh mangangahulugan na ako nga ang nagbigay ng sumpa laban sa WCT...

magtatanghali noong lumapit nang husto ang WCT sa entry point ko..
pero halos sakto lang para may kitain ako..
magbebenta sana ako kung dumaan man lamang sa level 42 eh..
USD 43 naman sana para sa akin kung nasakyan ko yung level 38 to 41 na akyat nila... 🙁

is feeling , 500 days na nang pagkalugi.. pabayaan nyo na lang kasi akong magising na nasa level 100 na ang WCT...


No comments:

Post a Comment