Saturday, November 15, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of November 2025 (Solana Fail)

Loveless Story


November 9, 2025...

at ayaw talagang tumigil ng mga kamalasan ko... 🙁

simula noong November 6..
tumigil yung pagtulo ng bubong namin..
hanggang kanina, naisip ko na mukhang naayos ko na yung problema..
na hindi na manganganib ang kisame namin sa panahon na ito ng panibagong malakas na bagyo..
pero hindi pala... 🙁

bumawi lang ako ng 1 oras na tulog kanina, matapos kong maligo ngayong hapon..
at pagkagising ko, eh untikan na akong patayin ng tiles namin dahil sa sobrang dulas..
sa loob ng maikling panahon eh biglang naging basang-basa na pala yung sahig..
dahil tumutulo na pala ulit yung bubong at kisame namin... 🙁

is feeling , ano ba talagang klase ng nilalang yung sumisira dun sa mga tapal na inilalagay ko...??

---o0o---


November 10, 2025...

[Manga Theory]

One Piece Theory #23

ngayon ko lang naalalang isulat ito...

mukhang agent ng SWORD si Aokiji, o Kuzan..?
dahil estudyante si Aokiji ni Vice Admiral Garp, posibleng may nakuha na silang intelligence over the years na nag-uugnay kay Marshall D Teach kay Davy D Xebec..
kaya naman sumapi si Kuzan kina Teach nang yayain siya nito..
para mas mabantayan niya ang development nung mga plano na nauugnay noon kay Davy D Xebec o Rocks D Xebec...

is feeling , basta, may lihim at mabuting motibo si Aokiji...


>
yung hanggang ngayon, hindi nila naiintindihan kung gaano kalaki ang naging damage sa akin nung lagpas 2 years na wasak ang nag-iisa kong graphics card slot..
wasak na ako noon, dahil sa online piracy..
pero noong hindi na ako makagawa ng mga project ko, walang nagawa yung ibang solid ko na supporters kundi ang iwanan na rin ako... 🙁

hindi basta nawasak yung slot nung graphics card..
winasak yun katulad kung paano paulit-ulit na winawasak ang bubong ng bahay namin..
na wala namang butas, pero parang gripo kung tumulo..
na para bang may put*ng inang nilalang ang sadyang nagpapapasok ng tubig-ulan doon sa mga yero... 🙁

tapos gusto ninyo na i-prioritize ko ang isang reunion na finance ang pakay..??
put*ng ina..
anong iaambag ko doon..?
mababawi ko ba doon yung lagpas 2 years na nawala sa buhay ko..?
mababawi ko ba doon yung utang na ayaw bayaran sa akin..?
mababawi ko ba doon yung pondo ko na paulit-ulit na nalulugi sa Binance..?
makakakuha man lang ba ako ng Endorphins mula doon...??

is feeling , sa bagay.. kailan nga ba nakaintindi ang mga mayayaman..? kailan ba nakaintindi ang mga taong hindi naman naliligo sa mga divine kamalasan...??

---o0o---


November 11, 2025...

nakatapos na rin sa pagbuo ng scenes para sa project #26..
kailangan na lang i-render yung mga natitirang hindi pa nagagawa..
tapos makaka-proceed na ako sa postwork...

is feeling , kahit hindi na katulad ng dati ang sitwasyon...

---o0o---


November 12, 2025...

nakatapos na rin sa mga render kanina..
took me 30 days para sa unang part...

plano ko sana na magsimula na rin kaagad sa postwork..
kaso, nag-assemble pa ako ng dish rack mula sa online store..
2 beses ko pang in-assemble, kaso kailangan pala talaga na i-modify (na naman) yung positioning nung mga butas ng screw, dahil tatama at tatama sa height ng gripo namin... 🙁

ang ending..?
konti lang ang mga pauna kong na-edit...

is feeling , naabala pa sa palpak na naman na online order...

---o0o---


November 14, 2025...

[TV Series]

Sins of the Father

matalino yung script nila for most part..
mula sa pag-solve ng mystery nung mga seed phrase..
hanggang sa ginawa nilang infiltration sa scam syndicate para mangalap ng mga impormasyon at magdulot ng internal conflict...

maganda yung twist..
maganda yung ginawa nilang upset laban sa mga bida..
at ang naging butas lang ay yung hindi matalinong script kung paano sila naisahan ng mga kalaban..
kung saan nag-iisa lang si Matthias at galing pa sa aksidente at sa coma..
pero sobrang daming bantay na pulis at nurse sa panig ng matitino ang nagawa niyang talunin..
na naging dahilan din upang mailigtas ng sindikato ang isa pa nilang miyembro na nahuli din ng grupo ng mga bida...

malaking bagay na pinatay si Colonel..
dahil siya lang ang bukod tanging pruweba ng mga bida na lehitimong operasyon ang ginawa nila laban sa sindikato..
siya din ang nagbibigay sa kanila ng manpower mula sa hanay ng mga awtoridad..
kaya naman nalagay talaga ngayon sa alanganin na sitwasyon ang mga bida...

sa ngayon, wala ng pag-asa kundi ang makuha ng mga bida ang suporta at tulong ng iba pang characters doon sa istorya..
ang katapatan ni PO2 Johnny sa batas at sa paglaban sa masasama, kasama ang kanyang partner..
ang mga nalalaman na ni Attorney Leah, at ang expertise niya sa batas..
ang testimonya ng mga scam victim na nauna nang natulungan ni Samuel..
ang tulong ni Roldan mula sa intensyon niya na magbago para sa kanyang anak, na may hawak din na record ng kanilang sindikato..
ang tulong ni Xenon na may kabutihan naman talagang taglay at napasama lang kay Jacob..
at ang tulong nung hepe ng mga pulis na mukhang nagawa namang konsensyahin ni Colonel...

is feeling , mukha namang magiging maganda ang muling pagbawi ng mga bida...


>
[Online Marketing]

ang bilis ng takbo ng mga araw..
halos kahalati na kaagad ng November ang nalagas..
at wala na ulit pumapasok na benta para sa akin... 🙁

dahil dun eh naglunsad na ulit ako ng panibagong sale..
then sa December ay iiwas na lang sa sale nung website, para hindi madamay yung mga project ko na hindi pa nakakaabot sa quota..
tapos eh gagawa na lang ako ulit ng sarili kong sale para dun sa mga safe na para idaan sa promo...

is feeling , ganito na naman...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2025 (Round 2)


November 13, 2025...

Creamline versus Choco Mucho..
hindi ako nakapanood..
nakalimutan ko dahil sa editing na ginagawa ko...

Set 1, naiwanan ng Creamline ang Choco Mucho..
Set 2, naiwanan ng Creamline ang Choco Mucho..
Set 3, dumikit naman na ang Choco Mucho hanggang sa dulo...

3-0, panalo ang Creamline...

pero hindi ito ang importanteng topic sa ngayon..
tinalo noon ng Cignal ang sister team nila na PLDT na gamit lang ang local roster nila..
pagpasok ng Round 2, tinalo nila ang Akari..
at kanina eh tinalo na rin nila ang pinakamalakas mula sa pool ng Creamline, ang Zus at ang import nila na si Debeer..
malaki ang naitutulong ni Santos sa opensa nila..
pero bukod doon, eh base sa mga previous nilang laban sa Creamline, eh malakas ang floor defense nila dahil sa magandang blocking at coverage..
at iyon ang mga bagay na kailangang malagpasan ng Creamline sa magiging laban nila...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----


November 8, 2025...

[Trade]

day 697...

level 8.9 to 10.3..
USD 65 sana iyon para sa akin..
level 9.9 to 10.6..
USD 29 naman sana iyon... 🙁

is feeling , kung lilipat ako sa Solana asset..? eh sa anong asset naman ako makaka-1000%...??

---o0o---


November 9, 2025...

[Trade]

day 698...

level 9.6 to 10.2 na akyat ng C kagabi, bago yung power interruption..
USD 25 din sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , so lahat ng mga kamalasan na ito, eh talagang nangyayari lang nang dahil sa basura kong existence...??

---o0o---


November 10, 2025...

[Trade]

day 699...

level 9.7 to 11.7 kagabi..
USD 85 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , tama na ang pagiging supot, C.. sumabog na kayo hanggang level 75...

---o0o---


November 11, 2025...

[Trade]

day 700...

nag-pump nga ang C kagabi..
pero gaya ng palagi nilang ginagawa, eh nag-retrace din naman kaagad sila... 🙁

level 10.4 to 12.4..
USD 79 sana iyon para sa akin..
bago sila muling bumaba sa level 10.3... 🙁

kaso simula hapon eh bumaba na ulit sila..
hanggang level 9.8... 🙁

is feeling , walang katapusang kamalasan...

---o0o---


November 12, 2025...

[Trade]

day 701...

so nagpakawala na naman nga ako ng possible exit point sa ibaba ng entry point ko..
pang-4 na ito... 🙁

mula sa level 12.4..
eh bumaba na ulit hanggang 9.4 ang C... 🙁

is feeling , puros na lang talaga kapalpakan...

---o0o---


November 13, 2025...

[Trade]

day 702...

pump then dump ulit, sa tulong ng pesteng Bitcoin..
level 9.4 to 10..
USD 26 sana iyon para sa akin.. 🙁
bago sila bumaba sa mas mababa na level 9.3...

level 9.3 to 10.2 na akyat..
USD 40 naman sana iyon.. 🙁
pero talagang bumababa pa rin sila...

is feeling , walang kuwenta ang C dahil sa akin...

---o0o---


November 14, 2025...

[Trade]

day 703...

nanghila na naman ang demonyong Bitcoin..
umabot sa level 8.8 ang naging bottom ng C..
level 8.7 to 9.2..
USD 23 sana iyon para sa akin... 🙁

pero sa ngayon eh mas malalim pang Impiyerno ang hinahabol ng Bitcoin..
para lang ipamukha sa akin ang lagim ng taglay kong kamalasan... 🙁

is feeling , mga demonyo kayo...


No comments:

Post a Comment