Loveless Story
June 7, 2025...
[Gadget-Related]
nakatapos na sa paglilipat ng lahat ng files mula sa luma kong hard drive..
natapos ko na ngayong araw yung 3D assets...
installation na ng software yung sunod..
at tamang pagtitimpla ng driver para sa graphics card...
pero bago iyon, eh io-audit ko muna ulit bukas lahat ng folder..
para makasigurado ako na wala akong nalikdangan...
is
feeling , hindi na muna mag-e-SSS...

---o0o---
June 8, 2025...
[TV Series]
put*ng ina..
Cardong Trumpo..
naglalaro ako ng trumpo noong bata pa ako..
hanga na ako noong audition pa lang niya, dahil nagpapaikot siya ng trumpo sa dulo ng maninipis lang na bagay..
pero ngayon lang ako nakakita na minanipula ang trumpo nang patawid sa maninipis din na bagay..
manipis na metal rod na pa-spiral pa, tapos mga alambre..
dati mga acrobat lang ang gumagawa nun, mga buhay na tao..
pero ngayon, kaya na rin ng umiikot na bagay na manipis lang ang dulo..
t*ng inang disiplina niya sa pag-master nung mga tricks na 'yon..
kabisado niya ang Physics ng laro niya...
traditional Filipino toy at game..
na sinasabing nag-e-exist na sa iba't ibang panig ng mundo noong BC pa lamang..
kaya talagang nagpakita siya ng local talent..
local talent na nahasa nang husto...
is
feeling , Champion quality...

>
[Gadget-Related]
na-audit ko na lahat ng mga kinopya ko na files, tama naman..
nakapag-install na nung primary font na ginagamit ko sa comics ko..
na-install ko na yung lumang version ng 3D application program na ginagamit ko..
at nag-update na rin ako ng NVIDIA driver, yung may article tungkol sa pagpapagana nang ayos sa 3D program na gamit ko..
pero kailangan ko munang mag-unzip at maglipat ng 3D assets..
after that, saka ko pa lang mate-testing kung gagana nga ba nang maayos ang combination ng Windows 11, CPU, graphics card, NVIDIA driver, at Iray rendering ko...
is
feeling , konti pa...

---o0o---
June 9, 2025...
[Gadget-Related]
anak ng ano talaga..
wala pang 1 buwan ang bago kong computer..
pero nakailang salo na kaagad ng power interruption... 🙁
is
feeling , talagang puros pagkawasak lang ang meron sa buhay ko...

---o0o---
June 10, 2025...
dahil nambuntis na yung pinakabata kong biological brother..
at dahil magpapakasal na..
eh napunta na naman tuloy sa akin ang topic...
kesyo boto daw silang lahat na makapag-asawa ako... 🙁
seriously..?
sino bang matino na babae ang magmamahal sa isang lalaki na palpak sa lahat ng bagay..?
lalaki na zero ang nakukuha sa ilang buwan..?
lalaki na mas malaki pa ang binabayaran quarterly sa SSS at PhilHeath, kumpara sa pumapasok na pera buwan-buwan..?
sinong matinong babae ang tatanggap sa isang tao na pinatawan na ng d*e will be done...??
madali lang man*rjack ng babae..
kahit nga Php 500 lang..
o kahit nga rugby lang ang katapat eh..
pero malaking responsibilidad ang pagmamahal..
hindi iyon laro lang..
hindi iyon yung tipo na kailangan mong gawin, kasi kesyo kailangan mo ng caregiver kapag matanda ka na..
mahirap bumuhay ng mga tao..
lalo na sa panahon ngayon na ang mga tiwali na ang sinasamba ng maraming tanga... 🙁
wala akong plano na magpahamak pa ng ibang tao sa mga kamalasan na dinadanas ko..
gagawin ko na lang yung part ko para sa mundo..
hindi ako magko-contribute sa population explosion..
hindi ako gagawa ng carbon emitter..
hindi ako gagawa ng tao na baby pa lang eh nagsasayang na ng kuryente sa mga gadget..
hindi ako gagawa ng magko-contribute sa diaper waste..
hindi ako gagawa ng eventually magko-contribute sa sanitary pad waste..
simple lang ang goal..
ang mawala sa mundo na 'to nang hindi nakakaramdam ng sobra-sobrang sakit...
is 💔 feeling , tigilan nyo na ako...
>
[Gadget-Related]
nakapag-ayos na kahapon ng layout ng workspace para sa Photoshop ko...
ngayong araw naman..
hindi ko na muna pina-finalize ang workspace ko para dun sa 3D program..
nakapagsimula na sa pag-e-extract, paglilipat, at pag-o-organize ng 3D assets ko..
so far, gumagana naman sila sa loob nung program..
hindi ko pa lang nasusubukan na mag-produce ng actual render...
is
feeling , may senyales na hindi gagana.. pero sana gumana pa rin...

---o0o---
June 11, 2025...
[Gadget-Related]
so ayun..
palpak nga yung pinakauna kong in-install na driver ng graphics card..
naging komplikado ang problema ko dahil Windows 11 na ang system ko..
kailangang tugma ang OS sa driver ng graphics card, kaya walang paraan para magamit yung mga lumang driver na proven na gumagana para sa combination ng lumang graphics card at lumang version nung 3D software...
so nag-install ako ng designated install manager..
sunod doon ay nag-install na ako ng latest na beta nung 3D application..
sablay ulit yung combination at nag-request yung program ng higher version ng driver..
ginawa ko nga, at saka na gumana ang lahat...
sa ngayon ay patuloy lang ako sa paglilipat ng lahat ng 3D assets..
na ang sakit pala sa mata..
akala ko na madaling proseso lang ito, pero mabusisi nga pala ang pag-verify kung na-copy at napunta nga ba ang lahat sa tamang directory..
hindi katulad noon na hindi naman maramihan ang paglilipat ko ng files..
after that, saka ko susubukan na totoong mag-render, ng light at heavy scenes..
magtse-check kung mai-interpret ba lahat ng texture tulad ng resulta noon doon sa lumang version nung program..
at sana naman ay gumana nga ang lahat nang maayos sa puntong iyon...
is
feeling , sobrang hirap na maipit sa pagitan ng kahirapan at ng patuloy na nagbabagong teknolohiya...

-----o0o-----
[V-League]
AVC Nations Cup 2025
June 7, 2025...
Philippines versus Mongolia..
mahina ang video transmission mula sa Vietnam..
madaming cute sa players at staff ng Mongolia..
palaging dikitan ang laban sa simula..
late na bahagi na ng Set 3 noong ipinasok si Nitura..
maganda ang back row defense niya..
at nakapagpa-sample din siya ng back row attack, na sa kanya din galing ang dig...
3-0, panalo ang Philippines..
kaso mas maganda yung pool na nakuha ng Vietnam..
delikado ang pool kung nasaan ang Philippines...
is
feeling , salamat, team.. para kina Morado at Nitura...

---o0o---
June 8, 2025...
Philippines versus Indonesia..
wala akong siesta dahil alanganing oras ang laban..
hirap ang Philippines na patayin ang bola dahil malinis ang depensa ng Indonesia..
tapos magaling pa ang Indonesia sa fast plays..
Set 2 nang ipasok si Nitura para sa double substitution..
nababad naman siya sa Set 4 matapos na ma-injure si Solomon..
na-extend pa ng Indonesia yung set, pero nagawa namang manaig ng Philippines...
3-1, panalo ang Philippines..
dahil dun ay Kazakhstan at Iran na lang ang banta laban sa kanila sa Pool B..
dahil international competition, eh halos arawan ang schedule ng digmaan..
mas may pahinga naman ang Pool A dahil mas kakaunti ang teams sa kanila...
is
feeling , salamat, team.. para kina Morado at Nitura...

---o0o---
June 9, 2025...
Philippines versus Iran..
ang team na nauna nang nakatalo sa Indonesia..
virtual elimination para sa kanilang 2, since halos sigurado naman na ang Kazakhstan na makapapasok sa top 4..
kaya crucial game ito..
nagagawa ng Philippines na makaagwat laban sa Iran..
Set 2 nang ipinasok si Nitura, dahil nakakadikit na ang mga kalaban, pero tinanggal din siya kaagad after ng failed attacks..
delikadong kalaban ang Iran dahil magaling sila sa paghahabol..
kalaban na ang nakalalamang sa Set 4, kaya ipinasok na ulit si Nitura..
umabot ang laban sa Set 5 dahil sa lakas ng blocking ng Iran, at sila nga ang nanaig sa bandang huli...
3-2, panalo ang Iran..
ang option na lang ngayon ng Philippines para makapasok sa top 4 ay ang talunin ang Kazakhstan in less than 5 sets...
mahina na Middle Blocker si Sharma..
madalas na hindi naman palo ang atake niya, malamya..
hindi rin siguro nakabuti na na-injure nga si Solomon...
is 💔 feeling , walang lugar ang swag hangga't hindi nagiging #1 sa Southeast Asia.. sorry, Morado at Nitura...
---o0o---
June 11, 2025...
Philippines versus New Zealand..
as expected naman, basta hindi nagpabaya ang team...
3-0, panalo ang Philippines..
parang pinarusahan sina Nitura at Canino...
is ⚠ feeling , hindi ko magawang magpasalamat, kasi 1 talo na lang at mawawalan ng saysay ang pagsali nila sa tournament.. pero para pa rin kina Morado at Nitura ang panalo na ito...
---o0o---
June 12, 2025...
Philippines versus Kazakhstan..
ang deciding match para sa pool nila..
na-injure si Sana Anarkulova noong laban nila sa Iran..
nagagawang makalamang ng Philippines..
nagagawa din nilang maghabol..
hindi din maganda ang floor defense ng Kazakhstan laban sa kanila...
3-0, panalo ang Philippines..
dahil dun ay may tantsa na ulit sila para sa podium finish..
at sila pa talaga ang nakakuha ng first seed sa pool nila dahil sa 5-setter match nila noon laban sa Iran, kaya may extra point sila...
is
feeling , sinuwerte sa kulam.. pero para pa rin kina Morado at Nitura ang laban na ito...

---o0o---
AVC Nations Cup 2025 (Semifinals)
June 13, 2025...
Philippines versus Chinese Taipei..
gabi na ang laban, lagpas pa sa pinaka-late na oras ng start ng mga laro sa PVL..
Morado and Liao Yi-Jen rematch..
nanlaban ang Chinese Taipei simula sa Set 3..
ipinasok si Nitura sa Set 3 at 4 para subukang mabago ang takbo ng laban..
pero na-extend nga ang match hanggang Set 5...
3-2, panalo ang Philippines..
dahil dun ay may tsansa na sila para i-challenge ang Vietnam..
mas kalmado na rin ang team sa pictorial this time..
natututo na siguro ng value ng humility...
is
feeling , salamat, team.. para kina Morado at Nitura...

-----o0o-----
June 7, 2025...
[Trade]
day 543..
11 days bago ang sunod na FOMC...
walang magandang nangyayari sa HAEDAL..
na pinalala pa lately ng The Trump and Musk Show... 🙁
level 11.5 to 12.4 kahapon..
USD 43 din sana iyon para sa akin... 🙁
is
feeling , tama na.. pagod na pagod na ako sa perpektong sumpa na dala-dala ko...

---o0o---
June 8, 2025...
[Trade]
lahat ng assets na meron ako..
nasa bagsak na kalagayan dahil sa taglay kong antas ng kamalasan.. 🙁
HAEDAL..
LUNA..
AXS..
RON..
SLP..
ETH...
iyon, habang may mga asset naman na nakaaangat maging sa ganitong kalagim na panahon...
is
feeling , alam na alam ng mga makapangyarihan kung paano sila maninira ng buhay ng isang nilalang...

>
[Trade]
day 544..
10 days bago ang sunod na FOMC...
alanganin na angat ulit mula kahapon..
level 11.7 to 12.6..
USD 42 sana iyon para sa akin... 🙁
is
feeling , hindi ba talaga pwedeng maging patas ang mundo para sa akin.. kailangan ba talaga na miserable ang katuparan ng d*e will be done...??

---o0o---
June 9, 2025...
[Trade]
day 545..
9 days bago ang sunod na FOMC...
bumaba na naman ang HAEDAL ngayong araw... 🙁
is
feeling , 3 beses nagawa noon ng HAEDAL.. 2 beses noong wala pa sila sa Binance.. kailangan ko lang munang maka-exit sa level 20...

---o0o---
June 10, 2025...
[Trade]
day 546..
8 days bago ang sunod na FOMC...
medyo umangat naman ang HAEDAL ngayong araw...
is
feeling , maawa naman kayo sa akin.. abutin nyo muna ang level 20...

---o0o---
June 11, 2025...
[Trade]
day 547..
7 days bago ang sunod na FOMC...
level 12.2 to 13.4 yung huling naakyat ng HAEDAL..
USD 54 din sana iyon para sa akin..
pero bumaba na ulit sila ngayong gabi... 🙁
is
feeling , hindi ba talaga pwedeng maging maayos ang lahat para sa akin...??

---o0o---
June 12, 2025...
[Trade]
day 548..
6 days bago ang sunod na FOMC...
pababa na naman ang HAEDAL ngayong araw..
wala talagang kuwenta ang pagtaas-baba ng Bitcoin..
sa tuwing sinasabi ko kung ano yung gusto kong mangyari..
automatic na yung kabaliktaran ang nagaganap... 🙁
is
feeling , hindi na nila magawang mag-pump gaya ng dati.. dahil nasa poder nila ako...

---o0o---
June 13, 2025...
[Trade]
day 549..
5 days bago ang sunod na FOMC...
at ganun-ganun na lang..
bagsak na naman ang palitan ng HAEDAL..
USD 30 din sana para sa akin yung ginawa nilang recovery from level 10.8 to 11.4...
at ayun pa nga..
bumagsak na kaagad ang HAEDAL below 10..
1 level na lang at aabot na sila sa dati nilang bottom..
sa ganitong punto ay umaabot sa USD 230 ang nalalagas sa pondo ko... 🙁
sa ngayon eh umaabot na sa USD 20,000 yung napapakawalan kong potensyal na kita..
dahil lagi na lang akong nasa itaas ng mga palitan... 🙁
is
feeling , tama na.. magpakita naman kayo ng awa...

No comments:
Post a Comment