Loveless Story
December 15, 2024...
for some reason, nagbaba ng guard si Attendant Y sa 1 niyang social media account..
as in ginawa pa niyang public..
kaya naman sinamantala ko na rin yung pagkakataon para makasilip at magkaroon ng ideya sa kondisyon niya ngayon...
ayun, may boyfriend siya..
mabuti na lang at hindi naman matanda..
pero ang totoong mahalaga ay mukhang wala namang nangyari sa kanya na masama, na dahilan kung bakit hindi siya bumabalik..
and yes, wala sa files niya yung flowers mula sa Dream Date namin, haha..
at ang isa pang mahalaga ay nakakuha ako ng kopya ng picture nung black bikini na isinuot niya noong sinayawan niya ako noon...
is 💌 feeling , additional remembrance...
---o0o---
December 16, 2024...
pati bahay namin napapalibutan ng mga kamalasan nang dahil sa akin... 🙁
mahigit sa 1 household ang laging nagpapakawala ng mga alaga nilang demonyong aso para pataehin sa public place..
unfortunately, kabilang ang tapat ng bahay namin sa mga markado nila..
2 kapitbahay namin ang may malalaking puno ng mangga at wala silang pakialam kung nakakaperwisyo na ang mga iyon..
nakakasira na sila ng alulod ng bubong lalo na kapag panahon na namumunga sila, at dagdag gastos pa sa tuwing kailangan naming magpalinis ng mga dahon sa alulod..
1 kapitbahay namin ang malaya ang mga alagang kalapati at bubong namin na walang pintura ang CR ng mga iyon, sa halip na ang sa bahay ng amo nila, kaya naman wasak na wasak na yung bubong namin... 🙁
ang latest naman na umuupa naming kapitbahay..?
madalas na nagpapakawala ng kung anong kemikal sa hangin..
may 2 parking slot ang inuupahan nila, pero ang kalsada ang ginagawa nilang parking area ng marami nilang mga sasakyan, kabilang ang mismong tapat ng gate namin..
nagtatambak sila ng maraming mga basura, hindi sa tapat ng bahay nila, kundi sa tapat din ng bahay namin, na nakakaharang pa sa sidewalk..
bukod pa sa may mga tao sa poder nila ang palaging nagtatapon ng bote ng juice at mga upos ng sigarilyo sa tapat namin o di kaya ay sa loob ng bakuran namin... 🙁
ang worst part..?
walang silbi kahit pa kausapin sila nang maayos.. 🙁
dahil wala namang nagbabago..
patuloy lang sila sa pag-abuso..
baka nga pinagtatawanan pa nila kami sa tuwing naririnig nila na nagrereklamo ang biological mother ko..?
sa tuwing nalalaman nila na tumataas ang blood pressure ng biological mother ko..
na para bang likas at katuwaan na lang para sa kanila na gawan ng masama ang kanilang kapwa tao...
ang respeto sa kapwa..
di na sana kailangan pang hilingin at kusa na lang sanang ibinibigay..
that way, mas magiging maganda at mapayapa sanang lugar itong mundo..
kaso marami sa mga nakapaligid sa amin ang mga likas na demonyo..
o baka sadyang may basbas sila ng mga makapangyarihan upang gipitin kami...?? 🙁
is feeling , sila yung masasama, pero bakit hindi sila nawawala dito sa mundo..? dahil ba bahagi sila ng kamalasan na dala-dala ko...??
>
hindi ko na alam kung paano ko pa matatakasan 'to..
nawawasak ang lahat base sa mga desisyon ko.. 🙁
paulit-ulit ko nang nasaksihan..
lumalalim lang ang depression ko sa bawat pagsubok ko na makabangon pa sa buhay...
is feeling , paulit-ulit akong ibabaon ng mga makapangyarihan...
---o0o---
December 17, 2024...
[TV Series]
Taxi Driver (Season 1)
maganda yung istorya..
although tulad ng ibang mga script, hinayaan nila na magkaroon ng butas at hindi maging masyadong matalino ang mga character (lalo na ang mga nasa panig ng hustisya) para maging mas pulido ang development nung story...
mabuti na tinalakay nila kung paanong delikado ang maghiganti nang hindi perpekto, ibig sabihin na hindi naman tatapusin ang target ng vengeance..
makatotohanan ang depiction na hindi lahat ng taong tinuturuan ng leksyon o binibigyan ng parusa ay nagagawa ngang magbagong buhay..
dahil meron talagang masasamang nilalang na hindi pinagsisisihan ang kanilang mga krimen..
at nagiging mapaghiganti pa nga sa oras na gantihan sila, na nagdudulot ng walang katapusang cycle ng gantihan...
i'm surprised na tulad dito sa bayan, totoo din nga ang katiwalian ng mga awtoridad sa South Korea, tulad na lang sa ipinakitang documentary bilang filler..
kaya hindi na nakapagtataka kung bakit nakagawa sila ng ganung klase ng script..
naging mas interesante at mas seryoso yung plot noong na-encounter na nila yung case nung missing body..
magandang twist din yung sinapit ng killer nung 2 sa mga bida..
ni hindi na nila kinailangang lumaban at magsakitan pa, dahil yung kriminal na rin mismo ang di sinasadyang nagpataw ng burden sa kanyang sarili...
nakakatuwa din na cast nila yung mga Korean na pinapanood ko noon..
featured ang boses ni Lee Young-Ae na si Jang-geum dati..
at may special appearance din ang dati kong crush na si Park Jin-hee...
hindi doon nagtatapos ang kasamaan ng mga tao..
pero okay na ako sa ending ng Season 1...
is feeling , maganda...
>
Retokadang Mangungutang
araw na naman ng paniningil..
ang huling beses para sa taong ito..
paubos na ang prepaid load ko, pero wala namang nagre-reply sa akin..
kaya naman nag-e-mail na lang ulit ako ng reminder sa kapatid niya...
t*ng ina yung p*ta na iyon..
nagawa pa yatang magparetoke ng ilong..?
may pera para sa pagpaparetoke..
pero hindi makatapos ng pagbabayad ng Php 16,000...???
is feeling , mukhang walang plano ang mga makapangyarihan na bigyan ng hustisya ang nangyari sa akin.. kaya ako na lang ang gagawa sa pamamagitan ng scheduled e-mail...
---o0o---
December 18, 2024...
ayun..
patapos na ang taon..
kaya nagtapon na ako ng Php 6,000 para sa PhilHealth..
labis pa sana yung pera para makabili ng pang-4 na UPS..
kaso wala eh..
nasimulan ko na yung pagbabayad noon..
kaya naipit na ako sa PhilHealth scam... 🙁
kung alam ko lang noon na palolobohin ng Do Dirty administration ang bayarin sa PhilHealth..
mula sa Php 200 hanggang sa Php 500..
tapos binabawi pa ng gobyerno lately yung hulog nila para sa mga dependent nila..
edi sana hindi na lang ako nagpa-member sa PhilHealth...
is feeling , universal scam...
>
after ng padalawa kong e-mail..
sa wakas ay nag-reply na yung kapatid nung p*ta...
nakakatawa lang..
text ako nang text doon sa ibinigay na mobile number nung p*ta through her friend..
tapos magkukunwari ngayon sa kapatid niya na hinihingi yung mobile number ko para magkausap kami..
kahit yung isa pa nilang kapatid na dati kong contact person, lumalabas na dinispatsa yung number ko para lang makaiwas..
the same reason bakit nagkunwari siya na siya na lang daw yung kausapin ko sa Facebook, pero sabay block naman sa account ko...
ang sabihin ninyo, nahihiya kayo sa kapatid ninyong lalaki..
tago nang tago, tapos magkukunwari na responsable sa pagbabayad ng utang sa tuwing ibang tao ang kinakausap ko...
i see..
mukhang nagparetoke siya para hindi na niya maging kamukha yung nasa maseselan niyang picture na ikinalat sa internet ng mga grupo na nasalihan niya...?
is feeling , maagnas sana 'yang ilong mo...
>
tadhana ko na tapusin ang sarili ko..
iyon lang ang paliwanag kung bakit kailangan kong araw-araw na maligo ng mga kamalasan..
para sa lumalalang depression... 🙁
mahigit 1 taon pa ng pagtitiis..
konti na lang..
matatapos na din ang One Piece..
kailangan ko pang maging matatag para matapos ko ang pinaka-astig na Manga sa mundo...
is 💀 feeling , d*e will be done...
---o0o---
December 19, 2024...
[Music]
matagal na akong pamilyar doon sa kantang Palagi by TJ Monterde..
nadaanan ko lang dati dahil naman doon sa kanta niyang Dating Tayo na naging OST ng isang movie..
pero although maganda yung mensahe nung lyrics, hindi siya nakasali sa playlist ko, di tulad nung iba niyang kanta..
dahil halos acoustic at mellow lang yung approach nung unang version nung love song na iyon...
hindi ko alam kung kailan nagawa yung alternate version..
kung para ba iyon doon sa movie o mas nauna pa sa pagiging OST niya..
at ang laki nga ng naging improvement nung kanta..
yung pagdadagdag ng percussions at konting bagsakan..
pati yung paglalagay ng emphasis o diin sa ibang portions nung lyrics..
ang laki ng inilakas ng impact nung kanta..
pwede ng wedding vow...
kaya naman kabilang na ngayon si TJ Monterde sa mga inirerespeto kong purong artists..
mga singer-songwriter na gaya nina:
- Yeng Constantino
- Moira Dela Torre
- Zack Tabudlo
is 💔 feeling , mahilig sa love song pero wala namang nagmamahal.. naiiyak sa love song pero wala namang experience...
>
wala akong kuwentang biological son..
matagal na..
kahit na kailan ni hindi ko nabigyan ang biological mother ko ng pera, kahit pa naging sobrang sipag at mabuti siyang provider bilang isang ina..
dahil wala naman talaga akong kinikita na excess na pera..
bukod pa nga sa maraming buwan na zero na ako nitong 2024...
ito na lang yung konting magagawa ko para makabawi-bawi naman sa biological mother ko..
a few months ago, inilibre ko siya ng modern na kulambo mula sa Lazada..
this time, pantanggal naman ng bara sa drainage..
Php 300 yung flash voucher na nakuha ko..
Php 75 lang na shipping voucher..
tapos Php 300 plus na ipon na LazRewards mula sa paglalaro ko..
total ng nasa Php 680 na discount..
hindi ko alam kung magkano talaga ang pantanggal ng bara..
pero at least ay Php 44 lang yung kailangan kong bayaran para maibili ulit ang biological mother ko ng item na may kabuluhan...
is feeling , sana lang ay matibay at effective nga...
---o0o---
December 20, 2024...
grabe na talaga ang kademonyohan ng mga kabataan sa panahon ngayon..
2 ang kumanta..
Php 2.00 ang ibinigay..
eh talagang nagreklamo pa na akala mo ay kaanu-ano namin..
na akala mo eh masagana ang ekonomiya sa panahon ng mga kurakot para mag-demand sila ng malaking limos...
noon ngang panahon namin, ilang kanta ang tinatapos namin para sa isang bahay..
tinatapos namin ang mga kanta, unless mag-request na yung may bahay ng katahimikan..
pero sa panahon na ito ng mga demonyo, magsi-shift kaagad sa thank you song sa oras na maiabot ang limos..
puros reklamo pa kapag ilang piso lang ang natanggap...
is feeling , dapat sa inyong lahat nawawala na kaagad sa mundo...
>
greeted Attendant Y today..
kahit pa sobrang bihira na lang niyang mag-online...
samantala..
ibinalik na ni Attendant Ry ang account niya sa stealth mode..
siguro ay dahil sa stalker niya na ayaw siyang tigilan...
is 💌 feeling , di na rin masama na wala sila.. at least walang tukso...
-----o0o-----
December 14, 2024...
[Trade]
day 368...
tumaya na muna sa ARDR..
sa mataas na level, pero meron namang chance na maka-exit sa level 120 if ever..
hoping na makiki-symphatize sila sa ginawa ng AST, gaya ng madalas na mangyari...
USD 72 naman yung huling nagawang pump ng AST kagabi... 🙁
is feeling , ARDR, pump na.. gumaya ka na, please...
>
[Trade]
sana maranasan ko namang magulat..
sa magandang paraan, hindi sa malagim..
kagaya lang kung paano ako nagugulat kapag nadadatnan ko na nag-pump na pala nang husto ang asset na binabantayan ko..
pero yung tipo ng gulat na hindi na lang ako basta spectator..
sana makasama naman ako doon sa mismong experience..
yung basta ko na lang makikita na nakabalik na pala ang pondo ko sa level USD 700 na almost 3 years ko nang hindi nasasaksihan...
is feeling , ARDR, gayahin nyo na ang AST, pump hanggang level 150...
---o0o---
December 15, 2024...
[Trade]
day 369...
nagsimula ang panibagong anomaly na dala-dala ng Reverse Midas ko kahapon..
mauntian lang ang pagbaba ng Bitcoin, pero malaki ang hila nila sa ibang assets..
bumaba pa ng hanggang 4 na level ang ARDR mula sa entry point ko...
umangat naman ang Bitcoin..
pero sa kung anong maysa-malignong dahilan eh patuloy lang sa pagbaba ang level ng ARDR..
umabot pa sa hanggang halos 6 na level ang layo mula sa entry point ko..
samantalang AST ang nagawa na namang umangat ngayong araw..
USD 106 sana iyon para sa akin..
USD 39 yung ikalawang pump..
total ng USD 145 hanggang sa mga oras na ito... 🙁
is feeling , ARDR, maki-sympathize ka na sa AST...
---o0o---
December 16, 2024...
[Trade]
day 370...
pabalik-balik ang ARDR below sa entry point ko kahit pa umaakyat naman ang Bitcoin..
nag-pump nga sila ng aabot sa USD 4,000..
samantalang bumaba pa ng 5 ang level ng ARDR dahil sa epekto nun... 🙁
nakagawa pa ng additional na USD 50 ang AST kagabi..
tapos USD 27 sa pagsabay nila sa ginawang pump ng Bitcoin ngayong umaga..
USD 49 naman yung sa LIT kagabi..
at USD 38 kaninang umaga...
is feeling , may sanib ng demonyo ang ARDR nang dahil sa akin.. wala akong dadalhin kundi ang pagkawasak...
---o0o---
December 17, 2024...
[Trade]
day 371...
bumaba pa lalo ang level ng ARDR hanggang 101..
ibig sabihin..?
4 na yung napapakawalan kong pagkakataon na maka-exit sana sa level 109..
USD 16 din sana ang katumbas nung 4 na pagkakataon na iyon..
pero maging ang Bitcoin pump nga eh na-scam din ako... 🙁
USD 28 naman ang karagdagan na na-recover ng LIT...
is feeling , bakit ganito ka-consistent ang bulok kong kapalaran...??
>
[Trade]
hindi 'to maganda..
paulit-ulit sa pag-akyat ang Bitcoin..
samantalang lalo lang bumababa ang level ng ARDR..
ibig sabihin na nakahanda na ulit ang mga makapangyarihan na durugin ako sa oras na mag-crash na ulit ang Bitcoin... 🙁
is feeling , ARDR, lumaban ka naman ng 50% pump...
---o0o---
December 18, 2024...
[Trade]
day 372...
Bitcoin dip, kasabay ng market crash..
ito ang kapalit ng pambabastos noon ng ibang asset sa Bitcoin dip..
konting pagbaba ng Bitcoin, at diretso na sila sa impiyerno ngayon...
ito ang paliwanag kung bakit hinding-hindi nagawa ng ARDR na lumayo paitaas mula sa entry point ko simula noong pumasok ako sa kanila..
dahil nakahanda na pala ulit ang trap ng mga makapangyarihan laban sa akin.. 🙁
patunay na hindi ko dapat iniiwasan ang d*e will be done..
para sa katuwaan ng mga makapangyarihan...
bumagsak ang ARDR hanggang below level 95 dahil sa taglay kong kamalasan..
umaabot na sa USD 60 ang nalalagas sa pondo ko... 🙁
is feeling , mga demonyo kayong mga makapangyarihan na dapat nang mawala sa universe...
---o0o---
December 19, 2024...
[Trade]
day 373...
tuluy-tuloy na ang landas patungo sa impiyerno..
Bitcoin dip ulit..
kaya naman mas nag-crash pa ang ARDR..
sumadsad na sa level 90..
lagpas na ngayon sa 50% ang kailangan kong pump para lang makatakas sa sumpa na dala-dala ng taglay kong Reverse Midas... 🙁
kapag bumalik sa level 80 ang ARDR..
or worse, kung mas mababa pa doon..
then ibig sabihin na level 120 na lang ulit ang magiging target peak nila...
is feeling , puros impiyerno lang ang nakalaan para sa akin...
---o0o---
December 20, 2024...
[Trade]
pumalya din ako sa SLP noong isang araw..
kapos kasi nang konti sa USD 5.00 ang mapo-produce ng 1000 SLP..
kaya naman hindi ako tumuloy sa pagpapapalit..
kaya heto ngayon, below USD 0.0040 na ang palitan nila... 🙁
ganun din sa RON..
hindi na nga nila nagawang makabalik sa USD 3.00 na palitan noong nasa green pa ang lahat..
tapos inabutan pa ulit sila ng pagloloko ng market... 🙁
is feeling , lahat na lang ng gawin ko ay palpak...
>
[Trade]
day 374...
panibagong dip..
maganda nga ang nagiging recovery ng mga asset mula sa latest na nagiging bottom nila..
pero hindi naman mapapakinabangan kung nadamay ka sa market crash..
the same violent cycle na nararanasan ko noon pang 2022..
at hindi pa ako pumapalya sa pagiging malas..
kaya naman more than USD 100 na ulit ang layo ko mula sa huli kong peak... 🙁
gabi nang lalo pang bumaba patungo sa impiyerno ang lahat...
is feeling , hindi sapat na mabaon lang ako sa pagkalugi.. dapat durog na durog nang pino...
>
[Trade]
kung makakapalo lang sana hanggang level 120 ang ARDR gaya ng ginagawa nila dati..
yung occasional na 50% pump nila..
makakatakas sana ako at makakapagsimula ulit sa mababang level...
is feeling , kung posible lang sanang matakasan ang kamalasan para sa akin...
No comments:
Post a Comment