Saturday, September 20, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of September 2025 (Reactivated Contact)

Loveless Story


September 13, 2025...

hmmm..?
so lumalabas na hindi pa naman pala dini-dispose ni Attendant Y yung mobile number niya para sa industry..
meaning, nakarehistro iyon..
parehas niyang ni-reactivate yung 2 messaging app na ginagamit niya..
pero bakit kaya...??

is 💌 feeling , iniwanan ka ba ng boyfriend mo...??

---o0o---


September 14, 2025...

high blood... 🙁

meron sa mga demonyong kalapit-bahay namin ang nag-level up..
bukod sa mga item na nasa tapat na ng bakuran namin..
ngayon naman eh nagtatambak na rin sila ng mga basura sa tapat..
sa halip na sa tapat ng bahay nila...

sigurado ako na bahagi sila ng mga kamalasan na dala-dala ko..
dahil likas silang nang-aabuso ng kapwa nila..
hindi sila sumusunod sa mga batas, para lang makapang-bully sila ng ibang tao sa paligid nila...

sa sobrang galit ko kanina..
yung kahon nila ng mga basura..
itinapon ko sa gitna ng kalsada..
kahit pa alam ko na may CCTV yung bahay sa tapat namin...

is feeling , gusto ko talagang tumapos ng mga buhay.. hindi lang pwede.. dahil hindi ko naman matatapos ang alamat ng One Piece kung makikialam ang mga awtoridad...


>
[Music]

Scandal - Fanfare


release nila noong 2024..
nakakatuwa lang na malaman na magkakasama pa rin silang 4 hanggang sa ngayon..
at nakakagawa pa rin sila ng magagandang Japanese music..
last August 21, 2023, nakuha nila ang Guinness World Record bilang longest active female rock band with the same members...

2006 sila nabuo..
nalaman ko naman ang tungkol sa kanila bandang 2010, dahil sa mga OST nila para sa mga Anime..
una kong nagustuhan si Rina, dahil maganda talaga siya, at ang linis mag-drums..
hanggang sa napunta ang atensyon ko kay Mami, dahil maganda yung pagiging astigen niya sa lead guitar..
si Sasazaki-san..
na sinubukan kong igawa ng Manga noon, pero nawala naman yung will ko, dahil sa kadiliman ng mga pangyayari sa paligid ko noon...

is feeling , tumatanda.. pero hindi naman ganung kabilis...

---o0o---


September 15, 2025...

[Manga Theory]

in addition pala sa One Piece Theory #18..
mukhang Galleila Giants ang gumawa sa barkong Noah ng mga Fishman, sa request ni Joy Boy...

Buccaneer..
so iyon pala ang dahilan kung bakit kaya ni Blackbeard ang negative effect ng darkness na Devil Fruit niya..
dahil likas na mataas ang endurance ng mga Buccaneer, kaya okay lang sa kanya na mag-absorb ng double damage ng anumang atake...

base sa experience kay Emet sa Egghead..
lumalabas na sobrang lakas ng Haki na taglay ni Joy Boy..
na sa sobrang lakas ay stored Haki lang iyon, pero ramdam hanggang sa lokasyon ni Im, at kayang pawalang bisa ang mga Devil Fruit ng Gorosei..
bukod doon eh sobrang lakas din ng cartoon ability ng Nika Devil Fruit..
at malalakas din ang allies ni Joy Boy noong Void Century, tulad ng mga Buccaneer at Giant..
tapos mataas pa ang kalidad ng technology na gamit ng kanilang alliance dati..
kaya naman posible na traydor ang totoong naging dahilan ng pagkatalo ni Joy Boy noon...


One Piece Theory #21

mukhang Yami Yami no Mi o yung darkness na Devil Fruit ni Blackbeard ang gamit noon ng kanilang ninuno na si Davy D Jones..
Buccaneer siya, kaya naman kaalyado siya ni Joy Boy..
posibleng nakumbinsi ni Im si Davy D Jones na patraydor na i-nullify ang Nika ability ni Joy Boy, upang matalo na nila ito..
anong posibleng rason sa pagtanggap doon sa offer..?
inggit lang siguro...??

sa pagkuwestiyon ni Nefertari D Lili sa motibo ni Im matapos nilang manalo sa digmaan..
ginamit naman ni Im si Davy D Jones bilang fall guy para sa pagkawala o pagkamatay nung Nefertari..
iyon siguro ang dahilan kung bakit sobra-sobra ang poot ng mga Tenryuubito sa Davy Clan..??
dahil pinalabas ni Im na tumapos ito ng Tenryuubito...

baka ang curse na tinutukoy sa alamat, na maninirahan daw si Davy D Jones sa ilalim ng karagatan..
ay ang manifestation ng Devil Fruit ability niya sa lahat ng karagatan sa mundo..
nagawa siguro siyang ihalo ni Im sa karagatan sa kung paanong paraan..?
bilang kaparusahan nga kuno dahil sa nangyari kay Nefertari..
at dahil kakayahan nung darkness ability na i-nullify ang anumang Devil Fruit, kaya naman naging kakayahan na rin iyon ng tubig-dagat at ng mineral na nakukuha doon..
at dahil bahagi naman ng plano na palubugin ang majority ng mundo sa tubig-dagat..
eh mababawasan ang banta laban sa mga Tenryuubito ng mga Devil Fruit user nilang kalaban...

is feeling , ganun siguro...


>
may kakaibang nangyari matapos na mag-reactivate ng contact number niya si Attendant Y..
ch-in-eck ko kasi noon kung naroon pa rin ba yung account niya sa isang escort website, at visible pa din nga naman..
pero ngayong araw ay hindi na nahahanap ng Google yung account niyang iyon...

nag-reactivate ka ba para maglinis ng mga naiwan mong record online..?
o bubuhayin mo ba ulit yung account mo...??
bandang gabi naman nang naging searchable at visible na ulit yung account niya...

is feeling , anong ginagawa mo...??

---o0o---


September 17, 2025...

[Anime]

yung sobrang ganda ng design ng Super Saiyan 4 sa Dragon Ball GT..
pero ngayon ko lang nalaman na hindi pala sila official part ng istorya nung creator..
anime-exclusive lang pala yung series na iyon..
kaya pala parang humina yung istorya paglabas nung Dragon Ball Super..
kaya pala ang pangit nung mga design...

is feeling , mas magaling ang Toei Animation para ma-consider yung Oozaru form...


>
araw na naman ng paniningil..
maaalala ko na naman ang sumpang dala-dala ko... 🙁

53 months ng mga utang..
35 months na walang inihuhulog na bayad..
21 months nang pinutol na communication..
ilang buwan ng retokadong ilong..
ilang buwan ng pagtatago kasabwat ang mga kapamilya... 🙁

wala kayong ipinagkaiba sa tiwaling gobyerno ng bayan na ito... 🙁

is feeling , maagnas sana 'yang peke mong ilong...

---o0o---


September 19, 2025...

nakatapos na sa paggawa ng lahat ng kailangan kong scenes para sa project #25..
render..
tapos post edit na lang ang kailangan...

is feeling , ang official first project para sa taong 2025...

-----o0o-----


September 13, 2025...

[Trade]

day 641...

USD 0.50..
USD 0.75..
USD 1.00..
iyon lang ang mga option ko...

is feeling , 4 days left bago ang sunod na FOMC...

---o0o---


September 14, 2025...

[Trade]

3 beses nang lumalagpas ang C sa level 26 simula noong makulong ako sa kanila..
pero katulad ng naging karanasan ko sa iba ko pang napasok dati na assets..
eh pauli-ulit din silang bumabagsak dahil sa dala-dala kong kamalasan... 🙁

ang path ng C simula noong maisip ko na pumasok sa kanila...??

level 30 to 46.5 noong hindi ko nagawang makabili dati, dahil level 20 sana ang gusto kong presyo..
nakaakyat sana ako noon sa USD 646... 🙁

tapos nakapasok ako..
at nagsimulang malugi ang C, dahil nga nabitag na nila ako..
level 18.8 to 22.2
nakaakyat sana ang pondo ko sa USD 762..
level 18.8 ulit to 22.1..
akyat sa USD 894..
level 19.4 to 26.7..
akyat sa USD 1,229..
level 20.1 to 27.9..
akyat sa USD 1,704..
level 22.3 to 27.4..
akyat sa USD 2,091... 🙁

at ni minsan..
hindi na nila nagawang makalagpas muli sa entry point ko..
dahil ang goal lang naman parati ay ang lunurin ako sa depression... 🙁

is feeling , d*e will be done...


>
[Trade]

day 642...

level 22.3 to 24.8 yung unang naakyat ng C kagabi..
USD 46 sana iyon para sa akin..
level 23.5 to 27.4 yung sumunod ngayong araw..
USD 68 naman sana iyon... 🙁

pero hindi na naman nila magawa yung malakihang pump na kayang gawin ng maraming assets..
dahil ang existence ko ang nagdidikta sa kamalasan na sasapitin nila... 🙁

is feeling , 3 days left bago ang sunod na FOMC...

---o0o---


September 15, 2025...

[Trade]

day 643...

nakagulo nga yung short dip ng Bitcoin kagabi..
umangat nga ang C, pero galing naman sa pinababa ulit na level... 🙁

4th time na na nakabalik ang C sa level 26..
pero ganun pa rin sila..
nananatiling supot para sa recovery ko... 🙁

level 23.7 to 26.9..
USD 55 sana iyon para sa akin..
level 25.4 to 27.9..
USD 40 naman sana iyon... 🙁

is feeling , 2 days left bago ang sunod na FOMC...

---o0o---


September 16, 2025...

[Trade]

day 644...

5th time na nagawang lumagpas ng C sa level 26..
pero talagang supot pa rin sila... 🙁

level 24.1 to 27.7..
USD 61 sana iyon para sa akin..
level 25.6 to 29.6..
USD 64 naman sana iyon..
level 26.1 to 28..
USD 29 naman sana iyon... 🙁

sobrang hirap magdesisyon..
hindi naman kasi lumalagpas ang C sa entry point ko..
nasa mataas silang level kumpara sa usual bottom nila..
pero wala namang kita para sa akin kung sakaling tatakas na ako...

is feeling , 1 day bago ang sunod na FOMC...


>
[Trade]

FOMC meeting na bukas o sa susunod pang araw...

gusto ko na lang talagang makatakas..
kahit na ano..
USD 0.50..
USD 0.75..
USD 1.00..
kailangan ko lang magising bukas na nasa ganyang level ang C..
hayaan lang sana ako na magising sa isang umaga na nasa ganyan ang level ng C...

pagod na pagod na akong maging mali... 🙁

is feeling , tigilan nyo na ako sa ugaling Greek gods ninyo...

---o0o---


September 17, 2025...

[Trade]

day 645...

nasa delikadong araw na para sa FOMC..
pero wala pa rin talagang nagagawang massive move ang C... 🙁

level 25.3 to 26.8 yung pahabol nilang pump kagabi..
USD 24 sana iyon para sa akin..
level 25.2 to 26.5 yung sumunod ngayong araw..
USD 21 naman sana iyon... 🙁

pero bumaba na ang trading volume nila, simula pa kahapon..
at bumababa na rin nga ang kanilang palitan... 🙁

is feeling , mga araw ng FOMC...

---o0o---


September 18, 2025...

[Trade]

day 646...

level 24 to 25.7 yung naging recovery ng C mula kagabi..
USD 29 sana iyon para sa akin..
level 24.9 to 26.2 ang sumunod..
USD 21 naman sana iyon..
level 24.9 to 26.4 ang sumunod..
USD 24 naman sana iyon... 🙁

sa ngayon..
ngayong gabi..
eh umaakyat pa naman ang C..
sana lang talaga eh pabayaan na nila akong makalaya...

is feeling , kailangan ko ng nasa 300% increase para makalaya...

---o0o---


September 19, 2025...

[Trade]

day 647...

50 days na ako sa C..
kaya nga ba hindi ko maiwasan na isipin na ako talaga ang may dala-dala ng malagim na kamalasan.. 🙁
ang daming mga bagong asset ang nagawa na ring abutin yung USD 1.00 zone, nang basta-basta na lang..
samantalang ang C..
nagpayaman na sa ilalim ng entry point ko..
at nang ni hindi man lamang lumalagpas sa level na iyon, para makalaya man lang sana ako...

mukhang ako nga lang talaga ang hinihintay nila..
kailangan kong mawala sa C..
at saka sila bubulusok hanggang level 100...

level 24.9 to 27.2 yung naakyat ng C simula kahapon..
USD 38 sana iyon para sa akin..
level 26.4 to 27.6 yung maiksing sumunod..
USD 18 naman sana iyon... 🙁

is feeling , ayaw talaga...


No comments:

Post a Comment