Saturday, October 25, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of October 2025 (Plagued Assets)

Loveless Story


October 18, 2025...

ang pilyo mo talaga Facebook..
puros service provider na 'yang lumalabas sa feed ko lately..
inilalapag mo na ang mga social media account nila..
pinag-aaralan nyo ba ang paggamit ko sa Google..?
lagi namang burado ang data ng Chrome ko..
kaya bakit kayo ang naghahanap sa kanila para sa akin...??

is 💔 feeling , wala akong pera.. huwag kang magulo...

---o0o---


October 20, 2025...

sa ngayon..
5 pa yung regular supporters ko, bago nawasak yung dati kong graphics card slot, ang hindi pa nabalik..
below USD 10 lang iyon, dahil sa mga tax..
pero makakatulong din sana para sa survival ko sa mga nalalabi kong buwan sa mundo...

lalo na at parang hindi naman matatapos ni Oda ang One Piece manga this year 2025...

is feeling , pakiusap, bumalik na kayo, at dumami din sana...


>
GMT, bigla na lang sumabog matapos kang magpalugi..
RSR, nakabawi matapos mong pakawalan..
QI, bigla na lang sumabog matapos kang magpalugi..
BTTC, nakabawi matapos mong pakawalan..
HEI, nakabawi matapos mong pakawalan..
WCT, bigla na lang sumabog matapos kang magpalugi..
HAEDAL, nakabawi matapos mong pakawalan..
NEWT, nakabawi matapos mong pakawalan...

lahat sila minalas habang nasa poder nila ako..
may kung anong puwersa ng kamalasan na naghihila sa mga asset pababa sa tuwing nasa kanila ako..
puwersa na sinisigurado na hindi makakabalik sa entry point ko ang asset hangga't nade-detect nila ako..
tama ang majority ng assets na pinasukan ko..
ako lang talaga yung mali... 🙁

nalulugi sila sa tuwing pinaninindigan ko sila..
pero kaagad na yumayaman basta't nagpalugi na ako..
at dahil pinaninindigan ko ngayon ang C..
sa loob ng mahabang panahon..
kaya naman hinila na nila sa 25% ang pondo ko... 🙁

is feeling , mga demonyo lahat ng mga makapangyarihan.. walang kabutihan sa mundo na ito...

---o0o---


October 21, 2025...

[Game]

yung namili ka ng mga panibagong peste..
kasi walang gustong magpahiram sa'yo ng mga nakatengga lang naman na peste..
para sana ihanda ang team mo para makapag-harvest sa mas maraming quest..
tapos bigla namang inalis ng mga developer yung dating bounty system... 🙁

gumastos na ulit si tanga..
nalugi na ulit siya..
kaya tanggalin na 'yang earning mechanism niya... 🙁

is feeling , lahat sila may pangkontra sa lahat ng mga desisyon ko...


>
malas talaga..
so nagbenta nga ako ng mga binili kong peste..
may bumili naman kaagad..
pero dahil nagkaroon ako ng asset na ETH..
eh ayun..
pinabagsak ng mga makapangyarihan ang palitan ng ETH para malugi pa rin ako... 🙁

is feeling , mga demonyo talaga kayo...

---o0o---


October 22, 2025...

malas talaga..
so nag-pump ang ETH habang tulog ako..
sapat sana iyon para maka-exit na ako nang may kita..
pero sa paggising ko sa umaga eh nag-crash na ulit sila para lang talaga iwasan ako na maka-recover... 🙁

is feeling , kontroladong-kontrolado ng mga makapangyarihan ang lahat sa paligid ko...

---o0o---


October 23, 2025...

[Courier / Scam]

heto..
dahil ubod ako ng malas..
eh nadamay na rin ang Lazada transactions namin sa mga kamalasan ko..
wala kaming naging problema sa LEX PH kahit na kailan..
samantalang sa Flash Express eh puros kuwestiyonableng mga gawain ang nae-encounter namin sa kanila, at least pagdating sa city namin... 🙁

recently, may order kami na tuluyan nang naglaho sa poder ng Flash Express..
walang magawa ang main website nila..
at kahit Lazada eh wala ding magawa... 🙁

anyway, nag-request ako sa Lazada kung pwede ba na LEX PH na lang ang mag-handle ng lahat ng transactions namin in the future..
sang-ayon lang nang sang-ayon yung kausap kong agent, na parang isang Imperial citizen..
verbally, pinalabas niya na magiging maayos na ang lahat sa hinaharap, at saka humingi ng positive na customer support review..
unfortunately, napatunayan ko ngayong umaga na peke nga lang ang lahat ng mga sinabi nung agent..
again, na-assign yung isa naming order sa Flash Express, at hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko para mawala ang basurang Flash Express sa landas namin... 🙁

nag-search ako sa Google noong isang araw..
at madaming issue laban sa Flash Express na kaparehas ng mga nararanasan namin sa kanila..
pero itong Lazada eh nagpapatuloy pa rin sa pagkuha sa service nila... 🙁

is feeling , naghahari ang kamalasan ko sa lahat ng bagay...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2025


October 18, 2025...

Creamline versus Galeries..
sa Isabela ang laban..
madaming live audience...

Set 1, unang nakalamang ang Creamline at nakalayo, nakapagpasok pa tuloy sila ng bench, overkill, nakuha ng Creamline lahat ng scoring stats plus 8 big errors ng Galeries..
Set 2, sina Gumabao at Dimaculangan ang nagsimula for Creamline, ginamit na rin nila si Toring, dikitan sa simula, pero nagawa ulit ng Creamline na mang-iwan, kaya nagpasok na naman sila ng kanilang bench, nakuha nila yung set dahil sa kanilang 15 attacks and 4 kill blocks..
Set 3, sina Bernardo at Vargas naman ang kasama ni Dimaculangan na magsimula, pero tinambakan pa rin nila ang Galeries, hanggang sa ipinahinga na ng Creamline si Schwan, nabawasan yung linis ng laro nila, pero sila pa din naman ang nanaig sa bandang huli...

3-0, panalo ang Creamline..
nalugi sa ticket ang taga-Isabela dahil sa laro ng Galeries...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


October 23, 2025...

Creamline versus Zus..
late na ang match, umabot kasi sa 5-setter ang Angels at Akari..
madami-dami ang live audience kahit na weekday..
wala si Atienza...

Set 1, unang nakalamang ang Zus, pare-parehas na malalakas ang palo nina Debeer, Miner, at Nogales, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, sa bandang dulo na nakadikit ang Creamline at na-extend ang laban, at nagawa nga nilang maagaw yung set dahil sa kanilang 17 attacks and 2 service aces ni Vargas..
Set 2, nagawa ulit ng Zus na makaagwat, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, pero hindi na nga nagpahabol ang Zus dahil sa kanilang 15 attacks plus 8 big errors ng Creamline..
Set 3, Toring starts for Gamit, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, palitan ng kalamangan, nagkalat ang Creamline kaya muling nakakalas ang Zus, sila nga ang nanaig dahil sa kanilang 3 kill blocks plus 7 big errors ng Creamline..
Set 4, una nang nakalamang ang Creamline, pero naagaw ng Zus ang kalamangan dahil na rin sa errors ng Creamline, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, palitan na ulit ng kalamangan, pero naagaw pa rin talaga ng Zus yung set...

3-1, panalo ang Zus...

terrible combination..
malalakas ang palo ng kalaban..
bungi ang floor defense ng Creamline dahil wala ang triangle nina Atienza, Galanza, at Pons..
tapos ang dami pa nilang errors...

is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza.. delikado ng conference ito...

-----o0o-----


October 18, 2025...

[Trade]

day 676...

level 9.7 to 10.5..
USD 34 sana iyon para sa akin..
tapos ngayong gabi ay gumagawa sila ng pump..
hindi ko lang alam kung hanggang saan ang gagawin nila...

kung hindi sana ako pumasok sa C..
siguro ay maganda na ang sitwasyon nila sa ngayon at malapit lang ang halaga sa USD 1.00...

is feeling , gawin nyo na.. level 50 man lamang na pump sa loob ng isang magdamag...

---o0o---


October 19, 2025...

[Trade]

day 677...

ayun..
supot yung pump na ginawa ng C..
walang kuwenta..
level 10.1 to 13.4..
USD 136 sana iyon para sa akin..
level 11.1 to 12.5..
USD 52 naman sana iyon..
level 11.2 to 12..
USD 29 naman sana iyon..
level 11.3 to 12.6..
USD 47 naman sana iyon..
level 11.6 to 13.3..
USD 60 naman sana iyon..
level 12.2 to 12.9..
USD 23 naman sana iyon..
pero hindi talaga sila makalagpas sa level 14... 🙁

is feeling , put*ng ina ninyo.. inilayo ninyo nang husto sa entry point ko.. tapos saka kayo gumawa nang gumawa ng mga pump...

---o0o---


October 20, 2025...

[Trade]

day 678...

level 11.6 to 12.2 yung pahabol pa ng C mula kagabi..
USD 21 sana iyon para sa akin..
level 11.4 to 12.4 ngayong araw..
USD 36 naman sana iyon... 🙁

is feeling , mga demonyo lahat ng mga makapangyarihan...

---o0o---


October 21, 2025...

[Trade]

day 679...

at nagpabagsak nga ulit sa level 11.1 ang C..
patunay na sinayang ko lahat ng pagkakataon na tumama sila sa level 13.. 🙁
2 pagkakataon...

level 11.1 to 11.7 ngayong araw..
USD 22 sana iyon para sa akin.. 🙁
matapos iyon eh nahila na ulit sila papunta sa impiyerno...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


October 22, 2025...

[Trade]

day 680...

pump then dump..
level 10.7 to 11.5..
USD 30 sana iyon para sa akin..
tapos pump then dump ulit..
level 10.6 to 11.5..
USD 35 naman sana iyon...

is feeling , basta kapag nagkaroon ako ng asset, eh madadamay iyon sa sumpa ng pag-crash...

---o0o---


October 23, 2025...

[Trade]

day 681...

panibagong crash na naman..
level 10.5 to 11.2..
USD 27 sana iyon para sa akin..
level 10.2 to 11..
USD 32 naman sana iyon... 🙁

is feeling , wala ba talagang darating na umaga na nasa level 100 na ang C...??

---o0o---


October 24, 2025...

[Trade]

day 682...

binigyan ng pardon ng USA President si CZ..
pero walang epekto sa C..
at malapit na ang banta ng sunod na FOMC meeting...

level 10.6 to 11.4..
USD 31 sana iyon para sa akin..
pero bumaba rin nga ulit ang C at ayaw sakyan yung balita... 🙁

is feeling , so plano na nilang magsabwatan para sa lalong pagmanipula sa cryptocurrency market...??


No comments:

Post a Comment