Saturday, November 29, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of November 2025 (USD 1,895 Losses)

Loveless Story


November 22, 2025...

nakatapos na rin sa postwork..
7 days na bungi-bungi..
plus yung 30 days sa pagbubuo nung scenes..
bale 37 days lahat-lahat...

is feeling , tuluy-tuloy lang, kahit tinatarantado na tayo ng SSS at PhilHealth...

---o0o---


November 25, 2025...

nakatapos na rin sa paggawa ng promotional materials para sa project #26 ko..
magba-back up muna siguro ng lahat ng files from 2025..
bago tumawid sa pagtatrabaho sa 2026...

is feeling , ganun muna...


>
nakabalik nga ako this year..
pero wala rin..
nonsense..
ang bilis ng takbo ng panahon..
huling buwan na yung susunod..
pero mukhang ito na nga ang magiging worst year ko simula noong pinasok ko ang paggawa ng comics noong 2017...

wala talagang kuwenta na maging ako...

is 💀 feeling , lahat ng ginagawa ko nababalot ng kamalasan...

---o0o---


November 26, 2025...

[Gadget-Related]

nakatapos na rin kaagad sa paggawa ng mga backup ngayong araw...

ang problema..?
so lumalabas na hindi lang yung audio port ng case ng computer ko ang may problema..
dahil sinyales pala yung from time to time na unstable na connection sa iba't ibang USB port nun na may mali nga sa connections nung case sa motherboard ko..
ang buhay ko talaga..
punung-puno ng mga kapalpakan..
anyway, huli na para ipa-repair ko pa ito doon sa computer store..
kailangan ko na lang umasa dun sa motherboard mismo para sa mga port...

is feeling , pwede nang magsimula ng pag-aayos ng mga bagong environment para sa mga susunod na project...

---o0o---


November 28, 2025...

yung tuwing may kausap siya sa phone..
lalo na kung pamilyar sa akin o sa existence ko yung taong iyon..
eh palaging pinagkukuwentuhan pa ang tungkol sa pag-aasawa ko...

t*ng ina..
problemado ka nga sa Php 80,000 na inuutang ng bunso mo dahil sa panganganak ng asawa niya sa ospital..
bagay na sinabi nila na prepared daw sila sa gastusan bago sila nag-anak..
tapos talagang ipipilit nyo pa rin na requirement para sa bawat tao sa mundo na mag-asawa..?
mag-asawa nang walang kapera-pera...??

is feeling , hindi na ako nagtataka kung bakit wasak na wasak ang mundo na ito dahil sa sangkatauhan...


>
mahaba-haba pa ang 2025..
pwede pa akong magsimula para sa project #27..
tatapusin ko lang muna lahat ng seasonal content ko..
tapos saka ko sisimulan yung project..
next year ko na lang iko-convert ang mga template ko sa pang-2026...

is feeling , tuluy-tuloy lang kahit sobrang hirap na...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2025 (Quarterfinals)

End of the Podium Streak


November 24, 2025...

Creamline versus Angels..
rematch nila ngayong conference..
palaglagan na, 1 lose out..
naka-uniform si BDL..
maaga ang laban ng Creamline ngayong araw..
madami-dami pa rin naman ang live audience kahit na ganun...

Set 1, Caloy-Gumabao-Schwan at Gamit ang nag-start para sa Creamline, activated kaagad si Van Sickle, dikitan sa simula, kaso maaga din na na-injure si Vander Weide at inilabas na gamit ang wheelchair, Baldo for Caloy, habol nang habol ang Angels, Caloy back for Baldo, pero nagawa pa ngang maagaw ng Angels yung set, nanaig sila dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 2, activated na rin si Pablo, unang nakaagwat ang Angels, BDL for Gamit, double substitution nina Baldo at Dimaculangan, pero hindi na nakahabol pa ang Creamline, nakuha ng Angels lahat ng scoring stats..
Set 3, Baldo for Caloy, Caloy for Gumabao, unang nakaagwat ang Creamline, na-activate ang coverage at opensa ng mga attacker nila, at wala na ngang nagawa ang Angels, nanaig ang Creamline dahil nakuha nila lahat ng scoring stats kontra sa kanilang 5 errors..
Set 4, ibinalik na si Vander Weide, una na ulit nakalamang ang Angels, at nakarami pa sila ng service aces, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, pero wala ng nagawa pa ang Creamline...

3-1, panalo ang Angels..
natapon ng Creamline yung advantage nila noong Set 1..
makalat ang Setter nila..
at kulang na kulang sila sa Middle Blocker...

dahil dun eh hindi na nga nakaabot pa sa Semifinals ang Creamline..
sorry Pons, Staunton, Sato, at pati kay Galanza na nakasama naman nila noong Invitational Conference last year..
hindi kaya ng team nang wala kayo...

is 💔 feeling , sorry Morado at Galanza, pero mahina na ang Creamline.. sana iganti nina Morado at Pons ang team sa SEA Games 2025...

---o0o---


PVL Reinforced Conference 2025 (Semifinals)


November 27, 2025...

kahit gabi na, hindi pa rin ganung karami ang live audience...

ayun nga..
naging masalimuot ang takbo nung Quarterfinals..
3 sa team mula sa pool ng PLDT ang nalaglag..
habang 3 sa team mula sa pool ng Creamline ang nakatawid sa Semifinals, pero hindi nga kasali ang Creamline..
yung naging #1 seed sa lahat na Farm Fresh, eh natalo ng Akari..
samantalang ang Cignal na nagawang talunin ang top 3 seeds mula sa pool ng Creamline, eh nabawian ng kanilang sister team na PLDT...

sa Semifinals naman..
kinapos ang Akari laban sa Angels, kinulang sa suporta ang kanilang import..
pero mabuti na lang at nagawa ng Zus na pabagsakin ang PLDT, dahilan para mapigilan nila ang mga ito na makagawa ng dynasty..
bukod pa sa napatunayan nila na kaya ng mga player na dito na-develop sa bansa na lagpasan ang mga player na galing sa ibang federation...

is  feeling , okay na.. at least wala pa ulit makakapaghabol sa kanila sa Grand Slam...

-----o0o-----


November 22, 2025...

[Trade]

day 711...

dahil malas ako..
eh supot naman ang crash ng mga asset... 🙁

level 7.7 to 8.6 na recovery ng C..
USD 13 sana iyon para sa akin... 🙁

parehas na level 1 ang target ko sa kanila ng ARDR..
o di kaya ay level 10 sa SOL...

is feeling , mag-crash kayo hanggang level 1...

---o0o---


November 23, 2025...

[Trade]

day 712...

level 5.6 to 6.2 na quick pump ng ARDR..
USD 11 din sana iyon para sa akin kung sinakyan ko... 🙁

umulit pa pala sila..
level 5.8 to 6.5 na mabilisan din..
USD 13 naman sana iyon... 🙁

is feeling , mag-crash kayong lahat...

---o0o---


November 24, 2025...

[Trade]

day 713...

wala pang nangyayari na maganda..
malayo pa ang ARDR at SOL sa crashing point na kailangan ko... 🙁

is feeling , ang babagal ninyong bumagsak...

---o0o---


November 25, 2025...

[Trade]

day 714...

TNSR ng Solana ang isa ko pang malaking napakawalan..
dahil na rin sa ETF ng Solana..
level 2.7 to 36.5 sa loob lamang ng lagpas sa 1 buwan..
lagpas 1,200% na recovery..
USD 1,512 sana iyon para sa bumagsak kong pondo... 🙁

circulating supply nila kumpara sa supply at performance ng ARDR..
then masyadong naging mura yung USD 0.027 na palitan..
dahil sigurado na makakapagbura sila ng zero sa kaliwa...

is feeling , bakit kailangan na araw-araw kayong mga demonyo laban sa akin...??

---o0o---


November 26, 2025...

[Trade]

day 715...

magkano na lahat ng talo ko sa Binance...??

USD 177 sa DF..
USD 171 sa SLP..
USD 205 sa RSR, pero bumalik pala sila at lumagpas pa sa entry point ko..
USD 101 sa OGN..
USD 196 sa QI, kahit na nag-pump sila nang husto bago ang pagkalugi ko..
USD 237 sa BTTC, pero bumalik pala sila at lumagpas pa sa entry point ko..
USD 140 sa AST..
USD 253 sa HEI, pero bumalik pala sila at lumagpas pa sa entry point ko..
USD 109 sa HAEDAL at NEWT, kahit na parehas naman pala silang nakabalik at lumagpas pa sa entry point ko..
USD 306 sa C, kahit na nag-pump sila nang husto bago ang pagkalugi ko..
total ng USD 1,895... 🙁

put*ng ina talaga karumi ang buhay ko..
so lumalabas ngayon na yung mga pera na kinita mula sa akin ng Binance, eh mas malaki na kumpara sa target ko na around USD 1,200 lamang... 🙁

is feeling , kailangan ko ng pagkakataon para mapatawad ang sarili ko dahil sa lubos na kamalasan na taglay ko...

---o0o---


November 27, 2025...

[Trade]

day 716...

bukas na ang schedule ng Options Expiry..
kapag nag-pump ang market kahit na may ganun..
at kahit may banta ng FOMC meeting sa early December..
at Options Expiry ulit sa katapusan ng December..
then lalabas na talagang tinatarantado lang ako ng FATE at ng taglay ko na lubos na kamalasan...

is feeling , mag-crash kayo...

---o0o---


November 28, 2025...

[Trade]

day 717...

araw na ng Options Expiry..
pero walang nangyayaring crash..
put*ng ina talaga..
so stable ang market dahil nagpalugi na ako at wala na sa loob ng kahit na anong asset...??

is feeling , ay mga put*ng ina ninyo talaga.. minanipula nyo na ang lahat...


No comments:

Post a Comment