Saturday, November 1, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of October 2025 (Worthless Good News)

Loveless Story


October 26, 2025...

last week lang..
umakyat na ulit ako sa bubong namin para magtapal ng tape, sa kung saan man na mukhang may malulusutan ng tubig..
gaya nung mga dating resulta..
natigil naman ulit ang malakas na tulo doon sa huling active na spot..
pero anong sunod na nangyari..?
mala-milagro na naman na lumipat yung tulo..
hindi pa naman ganoon katagal at kalakas ang ulan kanina, pero parang gripo kaagad siya sa pagtulo... 🙁

ano ba..?
may maligno ba talaga ang mga makapangyarihan sa bahay na ito..?
iyon ba ang dahilan kung bakit lahat ng ginagawa ko eh nababalot ng kamalasan..?
iyon ba ang dahilan kung bakit palagi na lang nasisira kaagad yung mga bagay na may halaga para sa akin..?
iyon ba ang dahilan kung bakit matapos naming magpa-repair ng bubong, eh wala namang naayos...?? 🙁

pagod na pagod na ako..
ganito ba nila tinatapos yung mga mayayaman na nagbubura ng sarili nilang existence..?
isinisiksik ba ng mga makapangyarihan sa mga isip nila na puno sila ng ibang category ng mga kamalasan..?
kaya naman humahantong sila sa pagtigil na lang sa pagiging buhay...

is feeling , makapangyarihan nga kayo.. pero demonyo naman ang mga ugali ninyo...

---o0o---


October 28, 2025...

pagod na pagod na ako sa level ng depression na meron ako..
araw-araw ko na lang nakikita ang mga patunay ng lubos na kamalasan na iginawad laban sa akin..
sa lahat ng bagay, nakikita ko ang anino ng kamalasan... 🙁

ang hirap magtrabaho kapag puros tungkol sa kamalasan ang laman ng isip..
ayoko nang magtrabaho..
ayoko nang lumaban..
gusto ko na lang maging purong dependent ulit, at magbasa ng One Piece manga..
magbasa hanggang sa dumating na ang araw ng katapusan..
pero hindi naman pwede..
dahil nilikha ng mga makapangyarihan ang buhay para talagang may mapag-trip-an sila... 🙁

is feeling , isang malas na nagkatawang tao...

---o0o---


October 30, 2025...

at lalo pa ngang lumala ang sanib sa bubong namin..
sa halip na ma-repair..
eh lalo pang lumalakas yung mga tulo... 🙁

is feeling , lahat na lang talaga.. para sa ikalalala ng depression...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2025


October 28, 2025...

Creamline versus Tiggo..
natapos ng Zus ang unang round nang wala silang talo..
medyo madaming live audience..
balik na si Atienza...

Set 1, Caloy starts for Baldo, tapos si Gumabao sa Opposite, unang nakalamang ang Tiggo, Baldo at Dimaculangan sa double substitution, kaso eh muling nakakalas ang Tiggo, pero nanaig pa rin ang Tiggo dahil sa kanilang 17 attacks plus 7 errors ng Creamline..
Set 2, una namang nakalayo ang Creamline, hindi na naman nila mabantayan si Gaston, pagpasok ng second technical timeout ay muli na namang mas uminit ang laro ng Tiggo, Bernardo at Dimaculangan naman sa double substitution, at naitawid nga ng Creamline yung set, napanindigan nila ang kanilang kalamangan dahil sa kanilang 2 service aces plus 6 errors ng Tiggo..
Set 3, hirap na din ang Creamline na bantayan si Paat, dikitan sa simula, Bernardo at Dimaculangan sa double substitution, tapos ganun na naman ang sitwasyon sa second technical timeout at lumamang nga ang Tiggo, naghabol si Caloy at naagaw nga nila yung set, nagawa nilang manaig dahil sa kanilang 20 attacks kontra sa sarili nilang 8 big errors..
Set 4, maganda ang contributions ni Celis, unang nakalamang ang Creamline, napatay nila ang opensa ng import ng Tiggo, parehas na activated na ang blocking at floor defense ng Creamline, at hindi na nga nakahabol pa ang kalaban...

3-1, panalo ang Creamline..
malaking bagay talaga ang floor defense ni Atienza..
pero hindi pa rin biro yung 28 na pinakawalan nilang errors in just 4 sets...

is  feeling , salamat, team.. salamat, Atienza.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


October 25, 2025...

[Sports]

ito yata ang highest na narating ni Alex Eala sa WTA na Doubles..?
Semifinals sa isang WTA 250 tournament..
unfortunately, nagkalat na ang kakampi niya this time..
ang daming error sa palo sa 3rd set...

is  feeling , still, salamat pa rin sa pagdala kay Alex sa Semifinals...

-----o0o-----


October 25, 2025...

[Trade]

day 683...

supot ang lahat para sa mga asset na meron ako.. 🙁
yung ETH, umabot na ulit sa USD 4,000 plus habang natutulog ako..
pero pagdating ng umaga eh wala na ulit pakinabang para sa akin ang palitan nila...

level 10.9 to 11.7..
USD 30 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , 4 days left bago ang sunod na FOMC meeting...

---o0o---


October 26, 2025...

[Trade]

day 684...

level 11.3 to 11.9..
USD 21 sana iyon para sa akin..
level 11.4 to 12.1..
USD 25 naman sana iyon... 🙁

dahil sa mga pangyayari..
eh umaabot na sa USD 5,000 lahat ng napapakawalan kong kita sa ilalim ng entry point ko sa C..
at umaabot na rin sa USD 28,000 lahat-lahat ng napapakawalan kong potensyal na kita sa mga pinasukan kong asset simula noong Imperial New Year ng 2024...

is feeling , ako ang may gawa nito sa lahat ng nasa paligid ko.. ang sumpa ng lubos na kamalasan...

---o0o---


October 27, 2025...

[Trade]

day 685...

nag-pump naman ang C ngayong araw..
level 11.8 to 14.5..
USD 95 sana iyon para sa akin..
pero bumaba din naman sila kaagad... 🙁

malas talaga ako..
hindi ko na nga ma-retrieve ang pondo ko sa C..
tapos, pati ETH eh kinapos pa kanina... 🙁

is feeling , sobrang perpektong kamalasan...

---o0o---


October 28, 2025...

[Trade]

3 supot na exit na yung napapakawalan ko sa C..
ibig sabihin, eh puros below sa entry point ko... 🙁

kung nag-exit lang sana ako noon sa level 29.6..
eh nabawi ko sana kahit USD 386 lang ng pondo ko..
level 8 to 13.3..
edi nakaakyat sana yung pondo na iyon sa USD 641..
tapos level 10.2 to 14.5 sana kahapon..
edi nakaakyat na sana ako sa USD 910... 🙁

pero tanga ako..
at hindi ko alam kung hanggang saan lang titigil ang mga pump... 🙁

is feeling , naliligo sa mga kamalasan sa araw-araw...


>
[Trade]

day 686...

at ganun-ganun na nga lang..
nag-retrace na naman ang C matapos na manloko ng pump... 🙁

is feeling , ako ang gumawa nito.. mamalasin ang lahat ng mahahawakan ko...

---o0o---


October 29, 2025...

[Trade]

day 687...

at nagpabagsak nga ulit ang market dahil sa FOMC meeting siguro..
level 11.6 to 12.4 kagabi..
USD 28 din sana iyon para sa akin... 🙁

nakagawa din naman sila ng panibagong pump ngayong araw..
level 11.4 to 12.6..
USD 43 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , pero wala naman talagang nakalaan para sa akin...

---o0o---


October 30, 2025...

[Trade]

day 688...

malas talaga ako..
nahila na ng FOMC pababa ang ETH..
ganito na lang palagi..
kapos sa palitan ang lahat ng assets na meron ako... 🙁

bumagsak na ulit ang C below level 11..
level 10.9 sa huling check ko... 🙁

is feeling , tama na.. itrato nyo naman ako nang patas, mga demonyo kayo...

---o0o---


October 31, 2025...

[Trade]

day 689...

dumating ako sa punto na ang hirap nang isipin na makabawi..
dahil kahit pa makahanap ako ng asset na kaya ang 100% pump..
eh ang layo ko naman sa pinanggalingan kong pondo, dahil 3/4 ang nakaltas sa akin... 🙁

bumagsak na ulit ang C hanggang level 10.1..
mas mababa kumpara doon sa huli nilang bottom..
level 10.1 to 10.7..
USD 24 din sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , ikaw ang worst trader.. dahil automatic na nagdadala ng pagkawasak ang presence mo sa kahit na anong asset...


No comments:

Post a Comment