Saturday, November 1, 2025

Imperial Puppies

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is πŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 1939...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 208 + 23 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung ibinida ang bayan sa APEC para daw sa mga dayuhang investor, sa kabila ng mga nabubuking na katiwalian sa pamunuan

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Northern Police District, yung sinibak na opisyales matapos daw na magpalabas ng isang detainee
  • sa Davao City, yung 3 nahuli dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga baril, kung saan kabilang ang 1 pulis
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung Barangay Captain na namaril at nakapatay ng kanyang kapitbahay matapos daw siyang sitahin ng biktima nang dahil sa videoke at inuman

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • (no entry yet)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga ghost na super health center ng DOH na nagsimula pa sa nakaraang administrasyon
  • yung 3 gusali daw ng LTO na ginawa ng contractor na related sa nag-resign na Party-list Representative, na overpriced na nga pero underutilized naman
  • yung kaduda-duda nang nagkakasakit yung mga taong kailangang kausapin ng ICI
  • sa Quezon City, yung nasunog na opisina ng DPWH
  • yung may mga mambabatas DAW na nakitaan ng bank account na may bank transfer mula sa mga contractor
  • yung mga contractor na demanding para maging state witness sila, samantalang kasabwat sila sa katiwalian at napatunayan nang may mga ghost project
  • yung kaugnayan daw ng construction firm ng tatay ng isang Senador sa kompanya ng mga Discaya upang makakuha sila ng mga proyekto ng gobyerno sa Davao Region
  • yung driver ng isang Undersecretary ng DOTr na napaaway sa isang multicab driver, kung saan gumamit sila ng sasakyan na may Protocol Plate Number 10
  • yung umaabot na daw ngayon sa Php 8.8 Billion ang lugi ng kasalukuyang pamunuan ng GSIS
  • yung pinapadalhan na ng mga subpoena ang mga student leaders na nag-o-organize ng mga protesta laban sa katiwalian, sa halip na imbestigahan yung mga marahas na pekeng protesta ng mga kriminal na h-in-ire ng ibang kampo
  • yung Senador na dismissed na pala dapat noong 2016, pero binaliktad daw nung nakaraang Ombudsman yung desisyon
  • yung kahit may nawalang pondo ng bayan, kahit wala namang output, eh gusto pa rin ng mga korte na may concrete na ebidensya na dumaan nga sa mga kamay ng mga suspek yung nawalang pera
  • yung pag-a-award ng chapter ng IBP sa Davao City sa maling tao na madaming ginawang kuwestiyonable laban sa bayan
  • yung Representative sa Davao City na ayaw na ayaw na nalalaman ng minamahal nilang Imperyo na may weapon system na kayang magdepensa sa bayan kahit na papaano

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Quezon City, yung 13 y/o na estudyante na kinuyog matapos na mapagkamalan na kaaway ng mga suspek
  • sa Maynila, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula sa Imperyo
  • yung bangka ng mga Imperyalista na pumasok sa may malapit sa area ng BRP Sierra Madre, na itinaboy ng mga lokal na sundalo, at nadiskubre na gumagamit ng cyanide sa pangingisda
  • sa may Bajo de Masinloc, yung mga bangka ng mangingisda na halos banggain na ng mga barko ng Imperyo, at tinapatan din daw sila ng LASER
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung 3 barko ng BFAR na nakaangkla lang na nilapitan ng mga barko ng Imperyo, tinira ng water cannon, at binangga din
-----o0o-----


October 27, 2025...

yung Representative sa Davao City na ayaw na ayaw na nalalaman ng minamahal nilang Imperyo na may weapon system na kayang magdepensa sa bayan kahit na papaano...

ang gusto kasi nila eh walang kalaban-laban ang bayan..
ang gusto nila eh ibugaw ang bayan sa mga Imperyalista..
ang gusto nila eh mawalan ng yamang-dagat ang bayan, at maging importer na lang sa Imperyo..
kaya nga ang daming Imperyalista na naging local citizen sa put*ng inang region nila...

is feeling , angkan na dapat maubos...


>
yung may mga mambabatas DAW na nakitaan ng bank account na may bank transfer mula sa mga contractor...

sinu-sino kaya sila...??

is feeling , so hindi pa rin ba sapat na ebidensya ang mga iyon...??


>
yung bangka ng mga Imperyalista..
na pumasok sa may malapit sa area ng BRP Sierra Madre..
na itinaboy ng mga lokal na sundalo..
at nadiskubre na gumagamit ng cyanide sa pangingisda...

is feeling , mga demonyo talaga sila...


>
sa Northern Police District..
yung sinibak na opisyales matapos daw na magpalabas ng isang detainee...

is feeling , bakit kaya...??

---o0o---


October 31, 2025...

yung ibinida ang bayan sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) para daw sa mga dayuhang investor..
sa kabila ng mga nabubuking na katiwalian sa pamunuan...

is feeling , sinong niloloko niya...??

---o0o---


November 1, 2025...

[Natural Calamities]

sa bandang ibaba..
nasa Magnitude 5 na lindol..
sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , mga traydor sa bayan...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of October 2025 (Worthless Good News)

Loveless Story


October 26, 2025...

last week lang..
umakyat na ulit ako sa bubong namin para magtapal ng tape, sa kung saan man na mukhang may malulusutan ng tubig..
gaya nung mga dating resulta..
natigil naman ulit ang malakas na tulo doon sa huling active na spot..
pero anong sunod na nangyari..?
mala-milagro na naman na lumipat yung tulo..
hindi pa naman ganoon katagal at kalakas ang ulan kanina, pero parang gripo kaagad siya sa pagtulo... πŸ™

ano ba..?
may maligno ba talaga ang mga makapangyarihan sa bahay na ito..?
iyon ba ang dahilan kung bakit lahat ng ginagawa ko eh nababalot ng kamalasan..?
iyon ba ang dahilan kung bakit palagi na lang nasisira kaagad yung mga bagay na may halaga para sa akin..?
iyon ba ang dahilan kung bakit matapos naming magpa-repair ng bubong, eh wala namang naayos...?? πŸ™

pagod na pagod na ako..
ganito ba nila tinatapos yung mga mayayaman na nagbubura ng sarili nilang existence..?
isinisiksik ba ng mga makapangyarihan sa mga isip nila na puno sila ng ibang category ng mga kamalasan..?
kaya naman humahantong sila sa pagtigil na lang sa pagiging buhay...

is feeling , makapangyarihan nga kayo.. pero demonyo naman ang mga ugali ninyo...

---o0o---


October 28, 2025...

pagod na pagod na ako sa level ng depression na meron ako..
araw-araw ko na lang nakikita ang mga patunay ng lubos na kamalasan na iginawad laban sa akin..
sa lahat ng bagay, nakikita ko ang anino ng kamalasan... πŸ™

ang hirap magtrabaho kapag puros tungkol sa kamalasan ang laman ng isip..
ayoko nang magtrabaho..
ayoko nang lumaban..
gusto ko na lang maging purong dependent ulit, at magbasa ng One Piece manga..
magbasa hanggang sa dumating na ang araw ng katapusan..
pero hindi naman pwede..
dahil nilikha ng mga makapangyarihan ang buhay para talagang may mapag-trip-an sila... πŸ™

is feeling , isang malas na nagkatawang tao...

---o0o---


October 30, 2025...

at lalo pa ngang lumala ang sanib sa bubong namin..
sa halip na ma-repair..
eh lalo pang lumalakas yung mga tulo... πŸ™

is feeling , lahat na lang talaga.. para sa ikalalala ng depression...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2025


October 28, 2025...

Creamline versus Tiggo..
natapos ng Zus ang unang round nang wala silang talo..
medyo madaming live audience..
balik na si Atienza...

Set 1, Caloy starts for Baldo, tapos si Gumabao sa Opposite, unang nakalamang ang Tiggo, Baldo at Dimaculangan sa double substitution, kaso eh muling nakakalas ang Tiggo, pero nanaig pa rin ang Tiggo dahil sa kanilang 17 attacks plus 7 errors ng Creamline..
Set 2, una namang nakalayo ang Creamline, hindi na naman nila mabantayan si Gaston, pagpasok ng second technical timeout ay muli na namang mas uminit ang laro ng Tiggo, Bernardo at Dimaculangan naman sa double substitution, at naitawid nga ng Creamline yung set, napanindigan nila ang kanilang kalamangan dahil sa kanilang 2 service aces plus 6 errors ng Tiggo..
Set 3, hirap na din ang Creamline na bantayan si Paat, dikitan sa simula, Bernardo at Dimaculangan sa double substitution, tapos ganun na naman ang sitwasyon sa second technical timeout at lumamang nga ang Tiggo, naghabol si Caloy at naagaw nga nila yung set, nagawa nilang manaig dahil sa kanilang 20 attacks kontra sa sarili nilang 8 big errors..
Set 4, maganda ang contributions ni Celis, unang nakalamang ang Creamline, napatay nila ang opensa ng import ng Tiggo, parehas na activated na ang blocking at floor defense ng Creamline, at hindi na nga nakahabol pa ang kalaban...

3-1, panalo ang Creamline..
malaking bagay talaga ang floor defense ni Atienza..
pero hindi pa rin biro yung 28 na pinakawalan nilang errors in just 4 sets...

is  feeling , salamat, team.. salamat, Atienza.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


October 25, 2025...

[Sports]

ito yata ang highest na narating ni Alex Eala sa WTA na Doubles..?
Semifinals sa isang WTA 250 tournament..
unfortunately, nagkalat na ang kakampi niya this time..
ang daming error sa palo sa 3rd set...

is  feeling , still, salamat pa rin sa pagdala kay Alex sa Semifinals...

-----o0o-----


October 25, 2025...

[Trade]

day 683...

supot ang lahat para sa mga asset na meron ako.. πŸ™
yung ETH, umabot na ulit sa USD 4,000 plus habang natutulog ako..
pero pagdating ng umaga eh wala na ulit pakinabang para sa akin ang palitan nila...

level 10.9 to 11.7..
USD 30 sana iyon para sa akin... πŸ™

is feeling , 4 days left bago ang sunod na FOMC meeting...

---o0o---


October 26, 2025...

[Trade]

day 684...

level 11.3 to 11.9..
USD 21 sana iyon para sa akin..
level 11.4 to 12.1..
USD 25 naman sana iyon... πŸ™

dahil sa mga pangyayari..
eh umaabot na sa USD 5,000 lahat ng napapakawalan kong kita sa ilalim ng entry point ko sa C..
at umaabot na rin sa USD 28,000 lahat-lahat ng napapakawalan kong potensyal na kita sa mga pinasukan kong asset simula noong Imperial New Year ng 2024...

is feeling , ako ang may gawa nito sa lahat ng nasa paligid ko.. ang sumpa ng lubos na kamalasan...

---o0o---


October 27, 2025...

[Trade]

day 685...

nag-pump naman ang C ngayong araw..
level 11.8 to 14.5..
USD 95 sana iyon para sa akin..
pero bumaba din naman sila kaagad... πŸ™

malas talaga ako..
hindi ko na nga ma-retrieve ang pondo ko sa C..
tapos, pati ETH eh kinapos pa kanina... πŸ™

is feeling , sobrang perpektong kamalasan...

---o0o---


October 28, 2025...

[Trade]

3 supot na exit na yung napapakawalan ko sa C..
ibig sabihin, eh puros below sa entry point ko... πŸ™

kung nag-exit lang sana ako noon sa level 29.6..
eh nabawi ko sana kahit USD 386 lang ng pondo ko..
level 8 to 13.3..
edi nakaakyat sana yung pondo na iyon sa USD 641..
tapos level 10.2 to 14.5 sana kahapon..
edi nakaakyat na sana ako sa USD 910... πŸ™

pero tanga ako..
at hindi ko alam kung hanggang saan lang titigil ang mga pump... πŸ™

is feeling , naliligo sa mga kamalasan sa araw-araw...


>
[Trade]

day 686...

at ganun-ganun na nga lang..
nag-retrace na naman ang C matapos na manloko ng pump... πŸ™

is feeling , ako ang gumawa nito.. mamalasin ang lahat ng mahahawakan ko...

---o0o---


October 29, 2025...

[Trade]

day 687...

at nagpabagsak nga ulit ang market dahil sa FOMC meeting siguro..
level 11.6 to 12.4 kagabi..
USD 28 din sana iyon para sa akin... πŸ™

nakagawa din naman sila ng panibagong pump ngayong araw..
level 11.4 to 12.6..
USD 43 sana iyon para sa akin... πŸ™

is feeling , pero wala naman talagang nakalaan para sa akin...

---o0o---


October 30, 2025...

[Trade]

day 688...

malas talaga ako..
nahila na ng FOMC pababa ang ETH..
ganito na lang palagi..
kapos sa palitan ang lahat ng assets na meron ako... πŸ™

bumagsak na ulit ang C below level 11..
level 10.9 sa huling check ko... πŸ™

is feeling , tama na.. itrato nyo naman ako nang patas, mga demonyo kayo...

---o0o---


October 31, 2025...

[Trade]

day 689...

dumating ako sa punto na ang hirap nang isipin na makabawi..
dahil kahit pa makahanap ako ng asset na kaya ang 100% pump..
eh ang layo ko naman sa pinanggalingan kong pondo, dahil 3/4 ang nakaltas sa akin... πŸ™

bumagsak na ulit ang C hanggang level 10.1..
mas mababa kumpara doon sa huli nilang bottom..
level 10.1 to 10.7..
USD 24 din sana iyon para sa akin... πŸ™

is feeling , ikaw ang worst trader.. dahil automatic na nagdadala ng pagkawasak ang presence mo sa kahit na anong asset...