Saturday, October 18, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of October 2025 (Destroyed by the Tariff Scam)

Loveless Story


October 13, 2025...

yung biological mother ko yung tipo ng tao na madali lang para sa kanya na sabihin na..
ano bang trabaho ni ano..?
kumikita naman ba..?
bakit hindi na lang muna pagbantayin ng pasyente sa ospital...?

basura lang ang tingin nila sa mga taong hindi kumikita nang ka-level nila..
kapag wala sa 6 digits ang suweldo mo sa loob ng isang buwan, eh basura ka lang sa lipunan..
at pwedeng abalahin anytime na gusto nila...

is feeling , wala talaga akong kuwentang tao...


>
kagabi, napansin kong wala na ulit login data si Attendant Y doon sa isang messaging app kung saan siya mas active..
pag-check ko, na-realize ko na deactivated na ulit yung account niya..
wala naman siyang activity doon sa isa pang messaging app simula noong ma-reactivate iyon, during the same date..
so i guess mawawala na rin ulit yung account na iyon eventually...

is feeling , bakit..? may nangungulit ba sa'yo...??

---o0o---


October 14, 2025...

officially, sinimulan ko na rin nga yung project #26 kahapon..
alanganin pa kasi ang pera para magbayad na ako ng SSS at PhilHealth..
purong Php 6,000 pa naman yung sa PhilHealth...

is feeling , trabaho na lang ulit kaagad...

---o0o---


October 16, 2025...

kahit bank account ko eh hindi ko mapakinabangan..
kailangan ko ng Php 61 na palitan ng US Dollar para mabawi ko yung talo ko noong gumawa ako ng USD bank account last year..
pero dahil ako nga yung involved..
eh siyempre hindi hahayaan ng mga makapangyarihan na umabot yung palitan sa punto kung saan makaka-recover ako... 🙁

is feeling , d*e will be done...


>
mabuti pa yung Lady Fortuna ko..
kumita na ulit siya..
around Php 7,800 plus na ang palitan ng gold lately..
so Php 3,250 na kita sana iyon para sa akin..
according sa BullionStar nasa USD 158.17 ang buying price nila sa ngayon..
so USD 81.57 sana iyon, minus yung conversion losses ko dati...

kung alam ko lang..
edi sana madami na akong ginto na binili dati..
para sa malapit sa 100% na patubo...

is feeling , pero wala akong balak na pakawalan ang Lady Fortuna ko...

---o0o---


October 17, 2025...

araw na naman ng paniningil ng utang..
nag-reactivate ng Messenger yung kapatid na babae nung p*ta..
hindi sa kanya na Messenger, pero doon sa ni-recommend niya dati na account ng isang lalaki..
sana naman eh mabasa na nila...

hanggang ngayon..
pinipigilan ko pa din ang sarili ko na mag-message doon sa asawa ng tatay nung p*ta... 🙁

54 months ng mga utang..
36 months na walang ibinabayad..
22 months nang pinutol na communication para lang makapagtago siya...

is feeling , lahat ng masasamang nangyayari sa buhay ko ay naaayon sa d*e will be done.. maagnas sana 'yang ilong mo...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2025


October 11, 2025...

Creamline versus Akari..
ang daming live audience sa Cavite..
pangit na naman ang format ng liga..
minadali dahil maikli lang ang panahon, kahit na may gastos ang mga team para sa imports..
pero hindi naman nila makakaharap ang lahat ng teams...

wala nga si Pons at Morado..
wala si Staunton..
nakabalik na si Caloy..
pero si Galanza naman ang ipapahinga nila, kasama pa din si BDL...

Set 1, unang nakaagwat ang Akari, makalat ang simula ng Creamline maging sa services pero nakadikit din naman sila, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, nakuha ng Creamline ang set dahil sa nightmarish chase nila, nanaig sila dahil nakuha nila lahat ng scoring stats kontra sa kanilang 10 huge errors..
Set 2, dikitan sa simula, activated ang Middle Blockers ng Akari mula pa sa Set 1, samantalang papalit-palit ng ibang Middle Blocker ang Creamline, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, kinapos sa paghahabol ang Creamline, nanaig ang Akari dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 3, una nang nakaagwat ang Creamline pero mabilis lang na nakahabol ang Akari, stable ang import ng Akari, double substitution naman nina Bernardo at Dimaculangan, na-extend ng Creamline ang set, kaso binuhat na ng import ang Akari, nanaig sila dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 4, Gumabao for Caloy, una na ulit na nakaagwat ang Creamline, pero nakipagdikitan na naman ang Akari, double substitution naman nina Caloy at Dimaculangan, nagawa naman nilang manaig this time dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 5, Gumabao pa rin for Caloy, nabigyan pa ng yellow card ang Creamline, naagaw ng Akari ang kalamangan, substitution nina Caloy at Dimaculangan, pero nalason ang Creamline sa sunud-sunod na errors nila...

3-2, panalo ang Akari...

nakabalik na ang puwersa ni Caloy..
sa Opposite Hitter sumobra, at si Baldo naman ang nawalan ng kapalitan..
hindi naman masyadong malakas ang import nila, at mukhang mabigat..
at kulang sila sa Middle Blockers sa ngayon...

is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza.. parehas kasi kayong wala...

---o0o---


October 14, 2025...

Creamline versus Angels..
balik na sa dating puwersa ang Angels, 3 import na ang panlaban..
madami ang live audience on a weekend...

Set 1, lamang ang Creamline sa bandang dulo, maganda ang floor defense nila, nakalayo sila at nakuha yung set dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 2, si Gamit pa rin ang isang Middle Blocker ng Creamline, una silang nakalayo, kaso nakadikit ang Angels sa bandang gitna, pero muling nairaos ng Creamline ang set dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 3, una nang nakalamang ang Angels matapos na magpalit ng Setter, hirap na sa floor defense ang Creamline, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, may nabigyan na naman sa Creamline ng yellow card, at hindi na nga nakahabol ang Creamline dahil sa 15 attacks at 2 kill blocks ng Angels..
Set 4, una pa ring lumamang ang Angels, pero nagawa naman ng Creamline na dumikit at maagaw ang kalamangan, mula doon ay nadepensahan na nila ang kanilang lead, at si Atienza pa talaga ang nakagawa sa huling puntos...

3-1, panalo ang Creamline...

bukod sa may floor defense si Schwan kahit na malaki siya..
eh gumana ang variations niya laban sa floor defense ng Angels..
nagbabasa siya ng positioning ng mga kalaban...

is  feeling , salamat team.. salamat sa pagiging malakas ng import ninyo.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----


October 11, 2025...

[Trade]

day 669...

at nagkatotoo nga ang iniisip ko..
pump and dump ng Bitcoin..
dahil na naman sa kalokohan ng siraulo na USA President..
kaya naman nagdagdag na nga ng zero sa kanan ng decimal point ang walang kuwentang C..
level 0.08 na ang bottom nila..
lahat ng iyon, dahil lang sa existence ko sa poder nila... 🙁

naging 1/4 na lang ang pondo ko..
from USD 418 eh bumagsak hanggang USD 104.. 🙁
nasa 8% na lang ako ng kailangan kong ma-recover na halaga... 🙁

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


October 12, 2025...

[Trade]

day 670...

wala talagang kuwenta ang C..
parang ako din lang..
yung WCT at NEWT, parehas na nakagawa ng 400% recovery mula sa mga naging bottom nila..
samantalang ang C eh ni hindi pa umabot sa 100%... 🙁

crash sa level 8..
quick recovery from level 8 to 14.6..
USD 344 sana iyon para sa akin..
level 9.1 to 14.4..
USD 242 naman sana iyon..
level 10.3 to 11.6..
USD 52 naman sana iyon..
pero pinipili pa rin nila na bumagsak below level 10... 🙁

dahil sa mga kaganapan kahapon eh pumapalo na sa USD 27,000 lahat-lahat ng napapakawalan kong potensyal na kita mula sa Binance..
pumapalo na rin sa USD 4,000 ang mga napapakawalan kong kita sa C... 🙁

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


October 13, 2025...

[Trade]

day 671...

mabuti pa yung COAI..
nasa field din ng AI..
kung sa kanila sana ako nakapasok..
from USD 0.40 lamang hanggang USD 40.00 na pump..
edi sana nasa USD 41,800 na ako ngayon... 🙁

level 9.5 to 10.5..
USD 44 sana iyon para sa akin..
level 10.3 to 11.7..
USD 56 naman sana iyon..
level 11.3 to 11.9..
USD 21 sana iyon para sa akin..
pero ngayon eh level 12 naman ang hindi na nila magawang lagpasan... 🙁

is feeling , sobrang lakas na level ng kamalasan...

---o0o---


October 14, 2025...

[Trade]

day 672...

may schedule na naman daw ng token unlock ngayong araw..
50 to 90 Million plus daw..
so alin man ang totoo dun sa 2, eh papalo na sila kaagad sa lagpas 200 Million... 🙁

put*ng ina..
at sumabay pa talaga na pababa din ang market... 🙁

level 11.1 to 12.5..
USD 52 sana iyon para sa akin..
pero nahila nga ulit sila ng market dip... 🙁

is feeling , lagpas 224 Million na ang supply ng C.. hindi ko na alam kung anong gagawin ko...

---o0o---


October 15, 2025...

[Trade]

day 673...

level 10.8 to 11.9..
USD 42 sana iyon para sa akin..
pero matapos iyon eh nagpabagsak na naman sila..
walang kuwentang asset..
puros pababa ang direksyon..
katapusan ko na kasama sila... 🙁

is feeling , ako ang nagwasak sa C.. ang existence ko.. d*e will be done...

---o0o---


October 16, 2025...

[Trade]

day 674...

nagpa-crash ang C sa level 10.6..
ewan ko kung ano na ang pinaplano nila...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


October 17, 2025...

[Trade]

day 675...

put*ng ina itong demonyong buhay na ito..
kahit pa mag-100% pump ang kahit na anong asset..
kahit pa mag-300%..
eh wala din akong mapapakinabangan..
dahil 400% na ang kailangan ko ngayon para lang makabalik sa original na pondo na ipinasok ko sa isinumpang C... 🙁

level 10.6 to 11.4..
USD 31 sana iyon para sa akin... 🙁

tapos heto..
nadali na naman ng market crash..
bumagsak na naman ang C sa level 9.7... 🙁

is feeling , put*ng ina ninyong lahat...


No comments:

Post a Comment