Saturday, October 4, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Few Days of September 2025 (Sylvia Likens)

Loveless Story


September 27, 2025...

[Movie]

An American Crime

ang brutal..
lalo na yung pinagbasehan na totoong murder case ni Sylvia Likens noong 1965..
brutal, not in the sense na masyadong madugo ang pamamaraan tulad sa ibang mga movie..
pero dahil may mga kabataan na involved..
at 3 months na tumagal yung torture... 🙁

itinrato nila na laruan at basura yung tao..
dahil lang sa inggit, tapos ay sa tsismis..
bukod sa starvation at dehydration..
isinabay nila lahat ng pananakit..
pinapaliguan ng mainit na tubig, at saka kikiskisin ng asin yung sores..
pinapaso ng sigarilyo..
madalas na target ng mga pananakit yung ari niya at ulo..
at inilalagay sa humiliating na sitwasyon..
ipinakita nung ina sa kanyang mga anak kung paanong mang-abuso ng ibang tao..
kaya naman ginaya iyon nung mga bata, according sa kanila noong trial, dahil na rin daw sa takot na sasaktan din sila..
12 y/o lang na lalaking anak ang isa sa mga nag-torture sa kanya nang malala..
pero bukod doon ay nakisali din dun sa krimen ang maraming kabataan sa kanilang neighborhood..
ganun sila kasasama sa lugar na iyon... 🙁

ang masama pa doon..?
nailigtas sana yung tao..
maraming pagkakataon na may nagawa sana para sa kanila ang ibang tao, lalo na yung mga kadugo nila..
pero pinili nga nilang maliitin yung sitwasyon, hanggang sa nahuli na ang lahat... 🙁

is feeling , paanong nakakayanan ng ibang tao na makasaksi ng torture at i-enjoy pa ang paggawa nun laban sa iba...??


>
nakatapos na sa wakas mag-edit ng lahat ng scenes ngayong araw..
promotional materials na lang ang kulang...

pero kailangan ko munang gumawa ng ibang 3D bukas...

is feeling , tuluy-tuloy lang...

---o0o---


September 28, 2025...

malas talaga ako..
a few weeks ago, meron pang reward ang Coins kapag nag-cash in ng nasa Php 5,000..
pero noong magka-cash in na ako kahapon, eh ni wala ng kahit na anong available na mission... 🙁

is feeling , lahat na lang talaga sa buhay ko ay mali...


>
[Game]

gaano ako kamalas..?
so nag-request ako kung pwede ko bang mahiram yung mga peste na hindi naman ginagamit at nakatengga lang..
dahil hindi naman na naglalaro yung may-ari..
gagamitin ko lang sana kako pang-hunt ng mga Master Quest...

ayun..
sinubukan naman nga na magpasa..
kaso puros failed noon..
tapos hindi na naaasikaso sa ngayon... 🙁

is feeling , malas sa lahat ng bagay...

---o0o---


October 1, 2025...

[Game]

end of Season 14..
walang kuwenta yung mga rank ko sa iba't ibang era..
nagtapos nang nasa Rank 4700 plus..
pero ginawa nga ng developers na top 2,000 players na lang ang may reward... 🙁

ang best ending ko so far..
na-maintain ko kasi na nasa Challenger division ang team ko sa loob ng maraming araw..
highest pa ang 1879..
kahit na hindi na ako naglalaro nang seryoso...

is feeling , kailangan ko lang talagang maging USD 10 ulit ang AXS at okay na iyon...


>
gaano ako kamalas..?
just a few days matapos akong makapag-cash in sa Coins ko..
ayun..
saka nila ibinalik yung mga mission..
para nga naman walang saysay yung ginawa ko..
hindi make-credit..
dahil wala dapat akong mapakinabangan sa mundo... 🙁

is feeling , magugunaw ang buong mundo bilang bahagi ng dala-dala kong kamalasan...


>
[Online Marketing]

napilitan na akong i-submit yung project #22 ko for release..
wala eh..
mag-iisang taon na yung project #21 pero hindi pa maabot yung 25% ng target ko..
hindi ko alam kung epekto pa rin ba ito ng paghihigpit ng mga credit card company laban sa industry namin..?
o kung talagang dala lang ng kamalasan ko..?
patapos na ang taon..
pero yung sales ko eh ni hindi pa makapantay sa suweldo ng isang normal na trabahador para sa isang buwan..
baon na baon na rin ako sa mga utang para lang mahulugan ang SSS at PhilHealth ko... 🙁

is feeling , kung tatapusin nila ako na parang si Sylvia Likens, eh wala akong magagawa...

---o0o---


October 2, 2025...

palpak talaga ako..
kailangan sanang i-repair na naman ang bubong namin bago ulit may dumating na bagyo..
mula kahapon hanggang ngayong hapon, eh pwede pala..
may pagkakataon..
pero hindi ko ginagawa dahil palaging nagiging makulimlim ang kalangitan matapos ang oras ko sa pagko-computer...

is feeling , sayang...


>
nakatapos na rin sa wakas sa paggawa ng mga promotional material..
hindi muna magpo-proceed sa project #26..
magiging busy ang susunod na 3 araw...

is feeling , ano ba..? bumalik na kayong lahat.. mag-support na ulit kayo...

---o0o---


October 3, 2025...

[Gadget-Related]

gaano ako kamalas..?
4 na buwan pa lang ang latest kong computer at yung UPS na kasabay niya..
pero 8 beses na siyang napagpatayan ng kuryente..
bukod pa yung mga announced na power interruption, na siyempre eh naiiwasan ko naman...

is feeling , talagang desidido ang mga makapangyarihan na wasakin ang lahat ng may kaugnayan sa akin...


>
[Game]

problema pa rin..
sa wakas, naabot ko na yung requirement para sa Php 200 na reward sa isang laro..
kaso..
sa kung anong demonyong dahilan eh hindi ko naman ma-claim yung prize... 🙁

is feeling , so bahagi pa rin ng lubos na kamalasan na taglay ng basura kong existence...??

-----o0o-----


September 27, 2025...

[Trade]

day 655...

level 17.6 to 18.8 na recovery..
USD 28 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , wawasakin nila ang lahat sa buhay ko.. hanggang sa magwagi na ang depression...

---o0o---


September 28, 2025...

[Trade]

day 656...

lagpas 100,000 followers na ang nalalagas sa Chainbase... 🙁

level 18 to 19.3..
USD 29 sana iyon para sa akin..
pero pinabagsak din naman sila ulit sa maghapon... 🙁

is feeling , katulad kung paanong inilagay sa kasumpa-sumpang sitwasyon noon si Sylvia Likens...

---o0o---


September 29, 2025...

[Trade]

day 657...

walang kuwenta ang C ngayong araw..
at posibleng hindi na sila magkaroon ng kuwenta kailan man...

pabagsak-bagsak ang WCT noong pumasok ako sa poder nila..
nalugi ang HAEDAL noong pumasok ako sa poder nila..
nalugi ang NEWT noong pumasok ako sa poder nila..
pero lahat sila kumita matapos akong magpalugi..
2 months na akong nakakulong sa C..
ni minsan hindi sila lumagpas sa entry point ko..
at mukhang wala talagang mangyayaring maganda hangga't hindi ako nagpapalugi ulit... 🙁

pinabayaan si Sylvia Likens dahil iyon ang napag-trip-an nilang gawin sa kanya..
from July to October pinabayaan nilang magdusa yung tao..
madaming nakatulong sana sa kanya, pero ni isa walang nagtagumpay..
dahil iyon ang will nila para sa kanya..
ang maghirap sa loob ng 3 buwan..
ang pahirapan maging ng mga menor de edad na walang konsensya..
hindi totoong sagrado ang buhay..
dahil puppet lang ang lahat para sa kanila..
at lahat ng tamaan ng d*e will be done ay gagawing katuwaan... 🙁

is feeling , entertainment lang ang lahat para sa kanila...

---o0o---


September 30, 2025...

[Trade]

day 658...

wala na..
bumagsak na rin below level 17 ang C..
nag-decouple pa sila sa Bitcoin sa maling paraan..
pataas ang Bitcoin, samantalang patungo sa impiyerno ang direksyon ng C dahil sa existence ko..
bagong bottom, level 16.6... 🙁

level 16.6 to 17.6..
USD 24 sana iyon para sa akin..
bago sila muling bumaba sa level 17... 🙁

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


October 1, 2025...

[Trade]

day 659...

level 16.7 to 17.7 lang ulit..
USD 24 sana iyon para sa akin..
level 17.2 to 18 yung sumunod..
USD 19 naman sana iyon..
pero nagpabagsak din ulit sila sa level 17.5... 🙁

is feeling , level 50, 75, o 100.. pero sa ngayon eh mas malapit pa ako sa level 10...

---o0o---


October 2, 2025...

[Trade]

day 660...
ayun..
ang taas na ulit ng level ng Bitcoin..
lagpas pa sa dati nilang level na USD 117,000 plus..
samantalang ang C ay nananatili na lang sa impiyerno..
lahat ng ito, dahil lang sa nasa poder nila ako... 🙁

level 17.4 to 18.3..
USD 21 sana iyon para sa akin..
pero nagpabagsak na naman sila hanggang level 17.8... 🙁

lalo pang tumaas ang Bitcoin..
nasa USD 119,000 plus na..
pero wala talagang pakialam ang C... 🙁

is feeling , ako ang may gawa nito sa C.. lahat ng assets na napabagsak ko noon sa nakaraan eh hindi coincidence lamang...

---o0o---


October 3, 2025...

[Trade]

day 661...

gusto lang bumulusok papunta sa impiyerno ng C..
iyon lang..
wala silang ibang gagawin hangga't nasa poder nila ako..
katulad ng nagawa ko sa lahat ng iba pang assets na pinasukan ko dati... 🙁

is feeling , d*e will be done...


No comments:

Post a Comment