Saturday, October 25, 2025

Injustice System & the Ravishing of Pension Fund

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is πŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 1932...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 208 + 18 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • (no entry yet)

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Davao City, yung 3 nahuli dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga baril, kung saan kabilang ang 1 pulis
  • sa DasmariΓ±as, Cavite, yung Barangay Captain na namaril at nakapatay ng kanyang kapitbahay matapos daw siyang sitahin ng biktima nang dahil sa videoke at inuman

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • (no entry yet)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga ghost na super health center ng DOH na nagsimula pa sa nakaraang administrasyon
  • yung 3 gusali daw ng LTO na ginawa ng contractor na related sa nag-resign na Party-list Representative, na overpriced na nga pero underutilized naman
  • yung kaduda-duda nang nagkakasakit yung mga taong kailangang kausapin ng ICI
  • sa Quezon City, yung nasunog na opisina ng DPWH
  • yung mga contractor na demanding para maging state witness sila, samantalang kasabwat sila sa katiwalian at napatunayan nang may mga ghost project
  • yung kaugnayan daw ng construction firm ng tatay ng isang Senador sa kompanya ng mga Discaya upang makakuha sila ng mga proyekto ng gobyerno sa Davao Region
  • yung driver ng isang Undersecretary ng DOTr na napaaway sa isang multicab driver, kung saan gumamit sila ng sasakyan na may Protocol Plate Number 10
  • yung umaabot na daw ngayon sa Php 8.8 Billion ang lugi ng kasalukuyang pamunuan ng GSIS
  • yung pinapadalhan na ng mga subpoena ang mga student leaders na nag-o-organize ng mga protesta laban sa katiwalian, sa halip na imbestigahan yung mga marahas na pekeng protesta ng mga kriminal na h-in-ire ng ibang kampo
  • yung Senador na dismissed na pala dapat noong 2016, pero binaliktad daw nung nakaraang Ombudsman yung desisyon
  • yung kahit may nawalang pondo ng bayan, kahit wala namang output, eh gusto pa rin ng mga korte na may concrete na ebidensya na dumaan nga sa mga kamay ng mga suspek yung nawalang pera
  • yung pag-a-award ng chapter ng IBP sa Davao City sa maling tao na madaming ginawang kuwestiyonable laban sa bayan

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Quezon City, yung 13 y/o na estudyante na kinuyog matapos na mapagkamalan na kaaway ng mga suspek
  • sa Maynila, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula sa Imperyo
  • sa may Bajo de Masinloc, yung mga bangka ng mangingisda na halos banggain na ng mga barko ng Imperyo, at tinapatan din daw sila ng LASER
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung 3 barko ng BFAR na nakaangkla lang na nilapitan ng mga barko ng Imperyo, tinira ng water cannon, at binangga din
-----o0o-----


October 18, 2025...

yung umaabot na daw ngayon sa Php 8.8 Billion ang lugi ng kasalukuyang pamunuan ng Government Service Insurance System (GSIS)..
hindi 'yon lugi..
mas malamang na pagnanakaw na ang nangyayari doon... πŸ™

is feeling , put*ng ina, napalibutan na ng mga sindikato ang pera ng mga mamamayan...


>
[Natural Calamities]

sa itaas naman..
nasa Magnitude 5 na lindol..
sa may area ng Ilocos Norte...

is feeling , hindi 'to maganda.. naglilibot sila...

---o0o---


October 19, 2025...

[Natural Calamities]

kahapon..
balik sa ibaba..
nasa Magnitude 5.5 na lindol..
sa may area naman ng Surigao del Sur...

is feeling , samantalang yung mga Imperyalista eh walang masyadong natatanggap na mabibigat na parusa...

---o0o---


October 21, 2025...

[Natural Calamities]

kahapon..
sa ibaba na ulit..
nasa Magnitude 5.7 na lindol..
sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , kailangang maubos ng mga nagpapahamak sa bayan...


>
sa Quezon City..
yung 13 y/o na estudyante na kinuyog..
kabilang ang 2 menor de edad sa mga gumulpi sa kanya..
napagkamalan lang daw na kaaway yung biktima matapos na dumayo doon sa lugar para sa practice nila para sa school activity...

is feeling , mga demonyong tanga...


>
yung 3 gusali daw ng Land Transportation Office (LTO) na ginawa ng contractor na related sa nag-resign na Party-list Representative..
na overpriced na nga, pero underutilized naman..
na proyekto rin sa nakaraan na administrasyon...

is feeling , corrupt, corrupt, corrupt project...


>
sa Maynila..
yung mga nasabat na smuggled na carrots mula sa Imperyo...

is feeling , Imperial carrots...

---o0o---


October 22, 2025...

yung kaduda-duda nang nagkakasakit yung mga taong kailangang kausapin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI)...

sikat na sikat na naman ang Cosplayer technique...

is feeling , meron talaga silang mga tao na gustong pagtakpan...


>
sa Quezon City..
yung nasunog na opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH)...

is feeling , gumaya na sila sa Baguio.. nagwawasak na sila ng mga ebidensya...


>
sa DasmariΓ±as, Cavite..
yung Barangay Captain na namaril at nakapatay ng kanyang kapitbahay matapos daw siyang sitahin ng biktima nang dahil sa videoke at inuman...

is feeling , basta pagsapit ng 10:00 PM, tapos na dapat ang lahat ng malalakas na ingay...


>
mukhang wala talagang pag-asa ang bayan na ito... πŸ™

so nagyabang yung Pangulo tungkol sa paglaban sa katiwalian..
habang ang mismong angkan nila ay may record ng katiwalian..
at gusto pa nila ng filtered na imbestigasyon...

yung mga okay na nasa legislative naman..
hindi makakilos nang husto dahil iniipit sila ng mga kasamahan nila na dawit sa katiwalian..
hostage ang majority status..
may kanya-kanyang gusto ang bawat panig...

samantalang yung mga kabilang sa Do Dirty syndicate..
pilit na pinapaliit ang issue sa flood control lamang, para hindi madamay ang iba nilang infrastructure projects..
gusto nilang palabasin na nasa Congress lang ang katiwalian, na nasa iilang tao lamang..
gusto nila ng imbestigasyon na hindi madadamay ang nakaraang administrasyon at ang sarili nilang mga katiwalian...

is feeling , walang pag-asa kung hindi magdedesisyon ang mga mamamayan na tapusin ang existence ng lahat ng mga tiwali...

---o0o---


October 23, 2025...

yung pinapadalhan na ng mga subpoena ang mga student leaders na nag-o-organize ng mga protesta laban sa katiwalian...

sa halip na imbestigahan yung mga marahas na pekeng protesta ng mga kriminal na h-in-ire ng ibang kampo...

is feeling , bubusalan na naman nila ang mga mamamayan...


>
yung Senador na dismissed na pala dapat noong 2016..
pero binaliktad daw nung nakaraang Ombudsman yung desisyon...

is feeling , anong kalokohan iyon...??

---o0o---


October 24, 2025...

wala talagang kuwenta ang mga korte sa bayan na ito... πŸ™

may nawalang pondo..
may pinagpasukan na proyekto..
walang output o ghost yung proyekto..
obligasyon ng NGO yung proyekto..
obligasyon naman ng opisina ng Senador na alamin kung anong kinahinatnan ng proyekto na pinondohan nila...

tapos palalabasin nila na mga inosente yung mga demonyong iyon puwerket walang picture o CCTV footage na magpapakita na dumaan nga sa mga suspek yung pera...??

is feeling , walang kuwentang bayan...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of October 2025 (Plagued Assets)

Loveless Story


October 18, 2025...

ang pilyo mo talaga Facebook..
puros service provider na 'yang lumalabas sa feed ko lately..
inilalapag mo na ang mga social media account nila..
pinag-aaralan nyo ba ang paggamit ko sa Google..?
lagi namang burado ang data ng Chrome ko..
kaya bakit kayo ang naghahanap sa kanila para sa akin...??

is πŸ’” feeling , wala akong pera.. huwag kang magulo...

---o0o---


October 20, 2025...

sa ngayon..
5 pa yung regular supporters ko, bago nawasak yung dati kong graphics card slot, ang hindi pa nabalik..
below USD 10 lang iyon, dahil sa mga tax..
pero makakatulong din sana para sa survival ko sa mga nalalabi kong buwan sa mundo...

lalo na at parang hindi naman matatapos ni Oda ang One Piece manga this year 2025...

is feeling , pakiusap, bumalik na kayo, at dumami din sana...


>
GMT, bigla na lang sumabog matapos kang magpalugi..
RSR, nakabawi matapos mong pakawalan..
QI, bigla na lang sumabog matapos kang magpalugi..
BTTC, nakabawi matapos mong pakawalan..
HEI, nakabawi matapos mong pakawalan..
WCT, bigla na lang sumabog matapos kang magpalugi..
HAEDAL, nakabawi matapos mong pakawalan..
NEWT, nakabawi matapos mong pakawalan...

lahat sila minalas habang nasa poder nila ako..
may kung anong puwersa ng kamalasan na naghihila sa mga asset pababa sa tuwing nasa kanila ako..
puwersa na sinisigurado na hindi makakabalik sa entry point ko ang asset hangga't nade-detect nila ako..
tama ang majority ng assets na pinasukan ko..
ako lang talaga yung mali... πŸ™

nalulugi sila sa tuwing pinaninindigan ko sila..
pero kaagad na yumayaman basta't nagpalugi na ako..
at dahil pinaninindigan ko ngayon ang C..
sa loob ng mahabang panahon..
kaya naman hinila na nila sa 25% ang pondo ko... πŸ™

is feeling , mga demonyo lahat ng mga makapangyarihan.. walang kabutihan sa mundo na ito...

---o0o---


October 21, 2025...

[Game]

yung namili ka ng mga panibagong peste..
kasi walang gustong magpahiram sa'yo ng mga nakatengga lang naman na peste..
para sana ihanda ang team mo para makapag-harvest sa mas maraming quest..
tapos bigla namang inalis ng mga developer yung dating bounty system... πŸ™

gumastos na ulit si tanga..
nalugi na ulit siya..
kaya tanggalin na 'yang earning mechanism niya... πŸ™

is feeling , lahat sila may pangkontra sa lahat ng mga desisyon ko...


>
malas talaga..
so nagbenta nga ako ng mga binili kong peste..
may bumili naman kaagad..
pero dahil nagkaroon ako ng asset na ETH..
eh ayun..
pinabagsak ng mga makapangyarihan ang palitan ng ETH para malugi pa rin ako... πŸ™

is feeling , mga demonyo talaga kayo...

---o0o---


October 22, 2025...

malas talaga..
so nag-pump ang ETH habang tulog ako..
sapat sana iyon para maka-exit na ako nang may kita..
pero sa paggising ko sa umaga eh nag-crash na ulit sila para lang talaga iwasan ako na maka-recover... πŸ™

is feeling , kontroladong-kontrolado ng mga makapangyarihan ang lahat sa paligid ko...

---o0o---


October 23, 2025...

[Courier / Scam]

heto..
dahil ubod ako ng malas..
eh nadamay na rin ang Lazada transactions namin sa mga kamalasan ko..
wala kaming naging problema sa LEX PH kahit na kailan..
samantalang sa Flash Express eh puros kuwestiyonableng mga gawain ang nae-encounter namin sa kanila, at least pagdating sa city namin... πŸ™

recently, may order kami na tuluyan nang naglaho sa poder ng Flash Express..
walang magawa ang main website nila..
at kahit Lazada eh wala ding magawa... πŸ™

anyway, nag-request ako sa Lazada kung pwede ba na LEX PH na lang ang mag-handle ng lahat ng transactions namin in the future..
sang-ayon lang nang sang-ayon yung kausap kong agent, na parang isang Imperial citizen..
verbally, pinalabas niya na magiging maayos na ang lahat sa hinaharap, at saka humingi ng positive na customer support review..
unfortunately, napatunayan ko ngayong umaga na peke nga lang ang lahat ng mga sinabi nung agent..
again, na-assign yung isa naming order sa Flash Express, at hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko para mawala ang basurang Flash Express sa landas namin... πŸ™

nag-search ako sa Google noong isang araw..
at madaming issue laban sa Flash Express na kaparehas ng mga nararanasan namin sa kanila..
pero itong Lazada eh nagpapatuloy pa rin sa pagkuha sa service nila... πŸ™

is feeling , naghahari ang kamalasan ko sa lahat ng bagay...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2025


October 18, 2025...

Creamline versus Galeries..
sa Isabela ang laban..
madaming live audience...

Set 1, unang nakalamang ang Creamline at nakalayo, nakapagpasok pa tuloy sila ng bench, overkill, nakuha ng Creamline lahat ng scoring stats plus 8 big errors ng Galeries..
Set 2, sina Gumabao at Dimaculangan ang nagsimula for Creamline, ginamit na rin nila si Toring, dikitan sa simula, pero nagawa ulit ng Creamline na mang-iwan, kaya nagpasok na naman sila ng kanilang bench, nakuha nila yung set dahil sa kanilang 15 attacks and 4 kill blocks..
Set 3, sina Bernardo at Vargas naman ang kasama ni Dimaculangan na magsimula, pero tinambakan pa rin nila ang Galeries, hanggang sa ipinahinga na ng Creamline si Schwan, nabawasan yung linis ng laro nila, pero sila pa din naman ang nanaig sa bandang huli...

3-0, panalo ang Creamline..
nalugi sa ticket ang taga-Isabela dahil sa laro ng Galeries...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


October 23, 2025...

Creamline versus Zus..
late na ang match, umabot kasi sa 5-setter ang Angels at Akari..
madami-dami ang live audience kahit na weekday..
wala si Atienza...

Set 1, unang nakalamang ang Zus, pare-parehas na malalakas ang palo nina Debeer, Miner, at Nogales, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, sa bandang dulo na nakadikit ang Creamline at na-extend ang laban, at nagawa nga nilang maagaw yung set dahil sa kanilang 17 attacks and 2 service aces ni Vargas..
Set 2, nagawa ulit ng Zus na makaagwat, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, pero hindi na nga nagpahabol ang Zus dahil sa kanilang 15 attacks plus 8 big errors ng Creamline..
Set 3, Toring starts for Gamit, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, palitan ng kalamangan, nagkalat ang Creamline kaya muling nakakalas ang Zus, sila nga ang nanaig dahil sa kanilang 3 kill blocks plus 7 big errors ng Creamline..
Set 4, una nang nakalamang ang Creamline, pero naagaw ng Zus ang kalamangan dahil na rin sa errors ng Creamline, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, palitan na ulit ng kalamangan, pero naagaw pa rin talaga ng Zus yung set...

3-1, panalo ang Zus...

terrible combination..
malalakas ang palo ng kalaban..
bungi ang floor defense ng Creamline dahil wala ang triangle nina Atienza, Galanza, at Pons..
tapos ang dami pa nilang errors...

is πŸ’” feeling , sorry, Morado at Galanza.. delikado ng conference ito...

-----o0o-----


October 18, 2025...

[Trade]

day 676...

level 9.7 to 10.5..
USD 34 sana iyon para sa akin..
tapos ngayong gabi ay gumagawa sila ng pump..
hindi ko lang alam kung hanggang saan ang gagawin nila...

kung hindi sana ako pumasok sa C..
siguro ay maganda na ang sitwasyon nila sa ngayon at malapit lang ang halaga sa USD 1.00...

is feeling , gawin nyo na.. level 50 man lamang na pump sa loob ng isang magdamag...

---o0o---


October 19, 2025...

[Trade]

day 677...

ayun..
supot yung pump na ginawa ng C..
walang kuwenta..
level 10.1 to 13.4..
USD 136 sana iyon para sa akin..
level 11.1 to 12.5..
USD 52 naman sana iyon..
level 11.2 to 12..
USD 29 naman sana iyon..
level 11.3 to 12.6..
USD 47 naman sana iyon..
level 11.6 to 13.3..
USD 60 naman sana iyon..
level 12.2 to 12.9..
USD 23 naman sana iyon..
pero hindi talaga sila makalagpas sa level 14... πŸ™

is feeling , put*ng ina ninyo.. inilayo ninyo nang husto sa entry point ko.. tapos saka kayo gumawa nang gumawa ng mga pump...

---o0o---


October 20, 2025...

[Trade]

day 678...

level 11.6 to 12.2 yung pahabol pa ng C mula kagabi..
USD 21 sana iyon para sa akin..
level 11.4 to 12.4 ngayong araw..
USD 36 naman sana iyon... πŸ™

is feeling , mga demonyo lahat ng mga makapangyarihan...

---o0o---


October 21, 2025...

[Trade]

day 679...

at nagpabagsak nga ulit sa level 11.1 ang C..
patunay na sinayang ko lahat ng pagkakataon na tumama sila sa level 13.. πŸ™
2 pagkakataon...

level 11.1 to 11.7 ngayong araw..
USD 22 sana iyon para sa akin.. πŸ™
matapos iyon eh nahila na ulit sila papunta sa impiyerno...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


October 22, 2025...

[Trade]

day 680...

pump then dump..
level 10.7 to 11.5..
USD 30 sana iyon para sa akin..
tapos pump then dump ulit..
level 10.6 to 11.5..
USD 35 naman sana iyon...

is feeling , basta kapag nagkaroon ako ng asset, eh madadamay iyon sa sumpa ng pag-crash...

---o0o---


October 23, 2025...

[Trade]

day 681...

panibagong crash na naman..
level 10.5 to 11.2..
USD 27 sana iyon para sa akin..
level 10.2 to 11..
USD 32 naman sana iyon... πŸ™

is feeling , wala ba talagang darating na umaga na nasa level 100 na ang C...??

---o0o---


October 24, 2025...

[Trade]

day 682...

binigyan ng pardon ng USA President si CZ..
pero walang epekto sa C..
at malapit na ang banta ng sunod na FOMC meeting...

level 10.6 to 11.4..
USD 31 sana iyon para sa akin..
pero bumaba rin nga ulit ang C at ayaw sakyan yung balita... πŸ™

is feeling , so plano na nilang magsabwatan para sa lalong pagmanipula sa cryptocurrency market...??


Saturday, October 18, 2025

New Corruption Origins

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...

mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...

is πŸ’€ feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 1925...

-----o0o-----


bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..

update (512 + 501 + 205 + 208 + 8 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • (no entry yet)

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Davao City, yung 3 nahuli dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga baril, kung saan kabilang ang 1 pulis

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • (no entry yet)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga ghost na super health center ng DOH na nagsimula pa sa nakaraang administrasyon
  • yung mga contractor na demanding para maging state witness sila, samantalang kasabwat sila sa katiwalian at napatunayan nang may mga ghost project
  • yung kaugnayan daw ng construction firm ng tatay ng isang Senador sa kompanya ng mga Discaya upang makakuha sila ng mga proyekto ng gobyerno sa Davao Region
  • yung driver ng isang Undersecretary ng DOTr na napaaway sa isang multicab driver, kung saan gumamit sila ng sasakyan na may Protocol Plate Number 10
  • yung pag-a-award ng chapter ng IBP sa Davao City sa maling tao na madaming ginawang kuwestiyonable laban sa bayan

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa may Bajo de Masinloc, yung mga bangka ng mangingisda na halos banggain na ng mga barko ng Imperyo, at tinapatan din daw sila ng LASER
  • malapit sa may Pag-asa Island, yung 3 barko ng BFAR na nakaangkla lang na nilapitan ng mga barko ng Imperyo, tinira ng water cannon, at binangga din
-----o0o-----


October 12, 2025...

[Natural Calamities]

kahapon..
sa iba't ibang bahagi ng bayan...

sa bandang itaas..
nasa Magnitude 5.1 na lindol sa may area ng Zambales..
sa bandang ibaba naman..
nasa Magnitude 5.5 na lindol sa may area ng Davao Oriental..
at nasa Magnitude 6 na lindol sa may area naman ng Surigao del Sur...

is feeling , naglilibot na ang katapusan...


>
malapit sa may Pag-asa Island..
yung 3 barko ng BFAR na nakaangkla lang..
na nilapitan ng mga barko ng Imperyo, tinira ng water cannon, at binangga din...

is feeling , ang sarap i-teleport ng lahat ng kagamitan nila sa pananakop sa kalangitan sa ibabaw ng kanilang teritoryo, at saka hayaan na bumagsak sa kung ano man ang mga nasa ibaba...

---o0o---


October 13, 2025...

[Natural Calamities]

sa bandang gitna na ulit..
nasa Magnitude 5.8 na lindol..
sa may area na ulit ng Cebu... 

is feeling , para sa mga bobotante...


>
yung driver ng isang Undersecretary ng Department of Transportation (DOTr) na napaaway sa isang multicab driver..
kung saan gumamit sila ng sasakyan na may Protocol Plate Number 10, na hindi naman nakalaan para sa mga katulad nung undersecretary..

is feeling , at nasa ganung kagawaran pa talaga siya...


>
sa Davao City..
yung 3 nahuli dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga baril, kung saan kabilang ang 1 pulis...

is feeling , ganun talaga sa safest city...

---o0o---


October 14, 2025...

[Natural Calamities]

sa bandang ibaba..
nasa Magnitude 5.6 na lindol..
sa may area ng Davao Oriental...

is feeling , ubusin na ang mga pahamak...


>
yung pag-a-award ng chapter ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Davao City sa maling tao na madaming ginawang kuwestiyonable laban sa bayan...

is feeling , kulang pa daw ang rasyon ng lindol sa area nila...

---o0o---


October 15, 2025...

[Natural Calamities]

sa ibaba ulit..
nasa Magnitude 5 na lindol..
sa may area pa rin ng Davao Oriental...

is feeling , patuloy...


>
yung mga ghost na super health center ng Department of Health (DOH)..
as in wala namang naitayo...

is feeling , 2021 pa..? very good...

---o0o---


October 16, 2025...

sa may Bajo de Masinloc..
yung mga bangka ng mangingisda na halos banggain na ng mga barko ng Imperyo..
tinapatan din daw sila ng LASER...

is feeling , basura lang para sa kanila ang buhay ng iba...


>
yung mga contractor na demanding para maging state witness sila..
samantalang kasabwat sila sa katiwalian at napatunayan nang may mga ghost project...

is feeling , gusto lang nilang maging state witness, gaya ng kagustuhan ng isang Senador, para may mga pangalan sila na hindi ibubunyag...


>
yung kaugnayan daw ng construction firm ng tatay ng isang Senador sa kompanya ng mga Discaya upang makakuha sila ng mga proyekto ng gobyerno sa Davao Region...

is feeling , lumalabas na ang dahilan kung bakit gusto silang gawing state witness ng isa pang Senador...

---o0o---


October 17, 2025...

[Natural Calamities]

sa bandang ibaba..
nasa Magnitude 6.2 na lindol..
sa may area ng Surigao del Norte...

is feeling , way of destruction...


Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of October 2025 (Destroyed by the Tariff Scam)

Loveless Story


October 13, 2025...

yung biological mother ko yung tipo ng tao na madali lang para sa kanya na sabihin na..
ano bang trabaho ni ano..?
kumikita naman ba..?
bakit hindi na lang muna pagbantayin ng pasyente sa ospital...?

basura lang ang tingin nila sa mga taong hindi kumikita nang ka-level nila..
kapag wala sa 6 digits ang suweldo mo sa loob ng isang buwan, eh basura ka lang sa lipunan..
at pwedeng abalahin anytime na gusto nila...

is feeling , wala talaga akong kuwentang tao...


>
kagabi, napansin kong wala na ulit login data si Attendant Y doon sa isang messaging app kung saan siya mas active..
pag-check ko, na-realize ko na deactivated na ulit yung account niya..
wala naman siyang activity doon sa isa pang messaging app simula noong ma-reactivate iyon, during the same date..
so i guess mawawala na rin ulit yung account na iyon eventually...

is feeling , bakit..? may nangungulit ba sa'yo...??

---o0o---


October 14, 2025...

officially, sinimulan ko na rin nga yung project #26 kahapon..
alanganin pa kasi ang pera para magbayad na ako ng SSS at PhilHealth..
purong Php 6,000 pa naman yung sa PhilHealth...

is feeling , trabaho na lang ulit kaagad...

---o0o---


October 16, 2025...

kahit bank account ko eh hindi ko mapakinabangan..
kailangan ko ng Php 61 na palitan ng US Dollar para mabawi ko yung talo ko noong gumawa ako ng USD bank account last year..
pero dahil ako nga yung involved..
eh siyempre hindi hahayaan ng mga makapangyarihan na umabot yung palitan sa punto kung saan makaka-recover ako... πŸ™

is feeling , d*e will be done...


>
mabuti pa yung Lady Fortuna ko..
kumita na ulit siya..
around Php 7,800 plus na ang palitan ng gold lately..
so Php 3,250 na kita sana iyon para sa akin..
according sa BullionStar nasa USD 158.17 ang buying price nila sa ngayon..
so USD 81.57 sana iyon, minus yung conversion losses ko dati...

kung alam ko lang..
edi sana madami na akong ginto na binili dati..
para sa malapit sa 100% na patubo...

is feeling , pero wala akong balak na pakawalan ang Lady Fortuna ko...

---o0o---


October 17, 2025...

araw na naman ng paniningil ng utang..
nag-reactivate ng Messenger yung kapatid na babae nung p*ta..
hindi sa kanya na Messenger, pero doon sa ni-recommend niya dati na account ng isang lalaki..
sana naman eh mabasa na nila...

hanggang ngayon..
pinipigilan ko pa din ang sarili ko na mag-message doon sa asawa ng tatay nung p*ta... πŸ™

54 months ng mga utang..
36 months na walang ibinabayad..
22 months nang pinutol na communication para lang makapagtago siya...

is feeling , lahat ng masasamang nangyayari sa buhay ko ay naaayon sa d*e will be done.. maagnas sana 'yang ilong mo...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Reinforced Conference 2025


October 11, 2025...

Creamline versus Akari..
ang daming live audience sa Cavite..
pangit na naman ang format ng liga..
minadali dahil maikli lang ang panahon, kahit na may gastos ang mga team para sa imports..
pero hindi naman nila makakaharap ang lahat ng teams...

wala nga si Pons at Morado..
wala si Staunton..
nakabalik na si Caloy..
pero si Galanza naman ang ipapahinga nila, kasama pa din si BDL...

Set 1, unang nakaagwat ang Akari, makalat ang simula ng Creamline maging sa services pero nakadikit din naman sila, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, nakuha ng Creamline ang set dahil sa nightmarish chase nila, nanaig sila dahil nakuha nila lahat ng scoring stats kontra sa kanilang 10 huge errors..
Set 2, dikitan sa simula, activated ang Middle Blockers ng Akari mula pa sa Set 1, samantalang papalit-palit ng ibang Middle Blocker ang Creamline, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, kinapos sa paghahabol ang Creamline, nanaig ang Akari dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 3, una nang nakaagwat ang Creamline pero mabilis lang na nakahabol ang Akari, stable ang import ng Akari, double substitution naman nina Bernardo at Dimaculangan, na-extend ng Creamline ang set, kaso binuhat na ng import ang Akari, nanaig sila dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 4, Gumabao for Caloy, una na ulit na nakaagwat ang Creamline, pero nakipagdikitan na naman ang Akari, double substitution naman nina Caloy at Dimaculangan, nagawa naman nilang manaig this time dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 5, Gumabao pa rin for Caloy, nabigyan pa ng yellow card ang Creamline, naagaw ng Akari ang kalamangan, substitution nina Caloy at Dimaculangan, pero nalason ang Creamline sa sunud-sunod na errors nila...

3-2, panalo ang Akari...

nakabalik na ang puwersa ni Caloy..
sa Opposite Hitter sumobra, at si Baldo naman ang nawalan ng kapalitan..
hindi naman masyadong malakas ang import nila, at mukhang mabigat..
at kulang sila sa Middle Blockers sa ngayon...

is πŸ’” feeling , sorry, Morado at Galanza.. parehas kasi kayong wala...

---o0o---


October 14, 2025...

Creamline versus Angels..
balik na sa dating puwersa ang Angels, 3 import na ang panlaban..
madami ang live audience on a weekend...

Set 1, lamang ang Creamline sa bandang dulo, maganda ang floor defense nila, nakalayo sila at nakuha yung set dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 2, si Gamit pa rin ang isang Middle Blocker ng Creamline, una silang nakalayo, kaso nakadikit ang Angels sa bandang gitna, pero muling nairaos ng Creamline ang set dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 3, una nang nakalamang ang Angels matapos na magpalit ng Setter, hirap na sa floor defense ang Creamline, double substitution nina Gumabao at Dimaculangan, may nabigyan na naman sa Creamline ng yellow card, at hindi na nga nakahabol ang Creamline dahil sa 15 attacks at 2 kill blocks ng Angels..
Set 4, una pa ring lumamang ang Angels, pero nagawa naman ng Creamline na dumikit at maagaw ang kalamangan, mula doon ay nadepensahan na nila ang kanilang lead, at si Atienza pa talaga ang nakagawa sa huling puntos...

3-1, panalo ang Creamline...

bukod sa may floor defense si Schwan kahit na malaki siya..
eh gumana ang variations niya laban sa floor defense ng Angels..
nagbabasa siya ng positioning ng mga kalaban...

is  feeling , salamat team.. salamat sa pagiging malakas ng import ninyo.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----


October 11, 2025...

[Trade]

day 669...

at nagkatotoo nga ang iniisip ko..
pump and dump ng Bitcoin..
dahil na naman sa kalokohan ng siraulo na USA President..
kaya naman nagdagdag na nga ng zero sa kanan ng decimal point ang walang kuwentang C..
level 0.08 na ang bottom nila..
lahat ng iyon, dahil lang sa existence ko sa poder nila... πŸ™

naging 1/4 na lang ang pondo ko..
from USD 418 eh bumagsak hanggang USD 104.. πŸ™
nasa 8% na lang ako ng kailangan kong ma-recover na halaga... πŸ™

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


October 12, 2025...

[Trade]

day 670...

wala talagang kuwenta ang C..
parang ako din lang..
yung WCT at NEWT, parehas na nakagawa ng 400% recovery mula sa mga naging bottom nila..
samantalang ang C eh ni hindi pa umabot sa 100%... πŸ™

crash sa level 8..
quick recovery from level 8 to 14.6..
USD 344 sana iyon para sa akin..
level 9.1 to 14.4..
USD 242 naman sana iyon..
level 10.3 to 11.6..
USD 52 naman sana iyon..
pero pinipili pa rin nila na bumagsak below level 10... πŸ™

dahil sa mga kaganapan kahapon eh pumapalo na sa USD 27,000 lahat-lahat ng napapakawalan kong potensyal na kita mula sa Binance..
pumapalo na rin sa USD 4,000 ang mga napapakawalan kong kita sa C... πŸ™

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


October 13, 2025...

[Trade]

day 671...

mabuti pa yung COAI..
nasa field din ng AI..
kung sa kanila sana ako nakapasok..
from USD 0.40 lamang hanggang USD 40.00 na pump..
edi sana nasa USD 41,800 na ako ngayon... πŸ™

level 9.5 to 10.5..
USD 44 sana iyon para sa akin..
level 10.3 to 11.7..
USD 56 naman sana iyon..
level 11.3 to 11.9..
USD 21 sana iyon para sa akin..
pero ngayon eh level 12 naman ang hindi na nila magawang lagpasan... πŸ™

is feeling , sobrang lakas na level ng kamalasan...

---o0o---


October 14, 2025...

[Trade]

day 672...

may schedule na naman daw ng token unlock ngayong araw..
50 to 90 Million plus daw..
so alin man ang totoo dun sa 2, eh papalo na sila kaagad sa lagpas 200 Million... πŸ™

put*ng ina..
at sumabay pa talaga na pababa din ang market... πŸ™

level 11.1 to 12.5..
USD 52 sana iyon para sa akin..
pero nahila nga ulit sila ng market dip... πŸ™

is feeling , lagpas 224 Million na ang supply ng C.. hindi ko na alam kung anong gagawin ko...

---o0o---


October 15, 2025...

[Trade]

day 673...

level 10.8 to 11.9..
USD 42 sana iyon para sa akin..
pero matapos iyon eh nagpabagsak na naman sila..
walang kuwentang asset..
puros pababa ang direksyon..
katapusan ko na kasama sila... πŸ™

is feeling , ako ang nagwasak sa C.. ang existence ko.. d*e will be done...

---o0o---


October 16, 2025...

[Trade]

day 674...

nagpa-crash ang C sa level 10.6..
ewan ko kung ano na ang pinaplano nila...

is feeling , d*e will be done...

---o0o---


October 17, 2025...

[Trade]

day 675...

put*ng ina itong demonyong buhay na ito..
kahit pa mag-100% pump ang kahit na anong asset..
kahit pa mag-300%..
eh wala din akong mapapakinabangan..
dahil 400% na ang kailangan ko ngayon para lang makabalik sa original na pondo na ipinasok ko sa isinumpang C... πŸ™

level 10.6 to 11.4..
USD 31 sana iyon para sa akin... πŸ™

tapos heto..
nadali na naman ng market crash..
bumagsak na naman ang C sa level 9.7... πŸ™

is feeling , put*ng ina ninyong lahat...