Saturday, April 12, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of April 2025 (Earning Below)

Loveless Story


April 7, 2025...

matagal na nilang naipahayag ang d*e will be done..
walang paraan para makatakas..
walang ibang pagpipilian kundi ang sumunod..
magreresulta lang ang reistance sa paglala ng antas ng depression..
tapusin ang sarili para sa kanilang entertainment... 🙁

is feeling , hindi totoong mga demonyo ang kalaban.. dahil kung may mas makapangyarihan man sa kanila, edi sana matagal na silang tinapos...

---o0o---


April 8, 2025...

galing sa SSS kaninang umaga..
pero nadali naman kaagad ng pagloloko ng UPS nitong hapon, pagkabalik ko..
1 illegal shutdown na lang at kailangan ko na talagang bumili ng 4th UPS ko...

tapos wasak na naman ang Facebook noong gabi..
the same error, nambibintang na mali daw ang mga input ko... 🙁

is feeling , yung 5 years naman, at least...

---o0o---


April 9, 2025...

[Pests]

noong isang gabi, 2 beses kaming nalusutan ng 1 kalabang daga..
sa unang beses niyang pagdikit doon sa glue trap, eh narinig ko pa yung pag-iingay niya..
pag-check ko doon sa trap, eh wala ng salarin, at wala na rin yung pain na tirang isda...

tulog naman na ako noong muli siyang umatake..
ang biological mother ko ang nakasaksi doon sa aftermath..
basta nakita na lang niya na nasa ibang lugar na yung glue trap..
tadtad ng ebak at ihi ng daga..
at kumalat na rin yung ebak, ihi, at mga bahagi nung glue trap sa sahig..
bukod sa nawala pa yung pain na taba ng baboy...

problema ko ngayon kung gaano kalaki ang halimaw na iyon para 2 beses na makatakas mula doon sa glue trap..
although medyo luma na yung glue trap na iyon, at ilan na rin ang nahuli dati..
mahirap naman gumamit ng lason dahil baka kung saan mapadpad yung bangkay..
sana hindi naman kasing-laki ng mga dagang kanal..
at sana mahuli na sila sa bagong glue trap namin...

is feeling , saan ba talaga sila nanggagaling...??

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2025 (Finals)


April 8, 2025...

Creamline versus Angels..
ginabi na naman ang laban dahil umabot sa 5-setter ang match ng Choco Mucho at Akari..
madaming live audience kahit na weekday..
tapos, ang bagal nga pala ng introduction tuwing unang laban sa Finals...

Set 1, Baldo-Caloy-Pons triangle muna para sa Creamline, maagang nakalamang ang Angels, buhay na buhay ang blocking at floor defense nila, tapos ang dami pang tapon na service ng Creamline, double substitution with Gumabao, Galanza for Pons sa harap, pero hindi nga naging malinis ang kanilang paghahabol, nakuha ng Angels ang set dahil sa kanilang 4 kill blocks and 2 service aces plus 9 big errors ng Creamline..
Set 2, same triangle for Creamline, nasa ibang level talaga ang puwersa ni Van Sickle, dikitan ang simula ng laban pero nandun pa rin ang mga service error ng Creamline, wala din madalas bantay sa likod nila, Gumabao for Caloy sa harap, Galanza sa service at para sa depensa, muling nanaig ang Angels dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 3, Galanza-Gumabao-Pons triangle naman for Creamline, ngayon lang nila nagawang makalamang sa match na ito, umangat ang level ng floor defense ng Creamline dahil kay Galanza, Caloy for Gumabao sa harap para sa panapos na tira, at nakuha nga ng Creamline ang set dahil sa kanilang 16 attacks..
Set 4, una na ulit na nakalamang ang Creamline, nakadikit ang Angels at naging palitan ng kalamangan ang laban, Caloy sa double substitution, nagawa ulit makalayo ng Creamline at manaig dahil sa nakuha nila lahat ng scoring stats..
Set 5, unang nakalamang ang Angels, na-activate ang laro ni Phillips, Caloy sa double substitution, Baldo sa service, pero kinapos na ang Creamline...

3-2, panalo ang Angels..
weakness ng Creamline kapag naunang nakalamang ang Angels, dahil malakas nga ang opensa ng mga iyon...

is feeling , nice try, team.. wrong timing lang ang pagpasok kina Galanza at Gumabao.. bawi na sa susunod, para kina Morado at Galanza...

---o0o---


April 10, 2025...

Creamline versus Angels..
Game 2..
ginabi na naman ang laro, pero meron pa rin talagang matagal na introduction..
madami ulit live audience, kabilang na si Sato...

Set 1, Gumabao-Galanza-Pons na kaagad para sa Creamline, maagang nakahabol ang Angels pero umagwat naman ulit ang Creamline, off pa ang laro ni Pons pero mabuti at activated na kaagad si Galanza, di hamak na mas maganda din ang services ng team ngayon, Caloy for Gumabao sa likod, at iniwanan na nila ang Angels dahil sa nakuha nila lahat ng scoring stats kontra sa sarili nilang 8 big errors..
Set 2, maagang nakalamang ang Angels, habol nang habol ang Creamline, double substitution with Caloy, pero kinapos na sa paghabol ang Creamline, nanaig ang Angels dahil sa kanilang 13 attacks plus 9 big errors ulit ng Creamline..
Set 3, Creamline na ulit ang unang nakalamang, Bernardo for Panaga, habol nang habol ang Angels, double substitution with Caloy, Panaga back, nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 3 service aces plus 8 errors ng Angels..
Set 4, mabilis na ulit na nakalamang ang Angels, Baldo for Galanza sa likod, butas na ulit ang likuran ng Creamline, Caloy for Gumabao, walang makabantay kay Dacoron, Galanza for Baldo, walang activated na Middle ang Creamline, Vargas for Pons, Bernardo for BDL, at nag-contribute pa talaga ang bench para sa puntusan, nakalayo ang Angels dahil nakuha nila lahat ng scoring stats plus 6 errors ng Creamline..
Set 5, Bernardo for BDL, si Pons ang nagdala sa first part ng set, Caloy for Gumabao sa likod, at nagawa na nga ulit nilang manaig laban sa Angels...

3-2, panalo ang Creamline..
dahil dun, may Game 3 pa..
pero dahil din dun, eh hindi pa na-secure ng Choco Mucho ang Bronze...

is  feeling , salamat, team.. pinatunayan ninyo na kayang manalo ng mga local player laban sa malalakas na may foreign blood.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----


April 5, 2025...

[Trade]

day 480...

wala talagang pwedeng mangyari na maganda sa buhay ko...

is feeling , sobrang basura.. araw-araw...

---o0o---


April 6, 2025...

[Trade]

day 481...

lalo pang bumaba ang bottom ng HEI..
umaabot na sila kaninang umaga sa below level 33..
bumaba rin ang trading volume nila below USD 5 Million..
lahat talaga ay wawasakin ng existence ko... 🙁

habang masayang-masaya ang ibang assets na nagpa-pump..
ni wala naman ngang nagpapagalaw sa HEI paitaas..
ang matinding kamalasan na dala-dala ng Reverse Midas ko... 🙁

tuluy-tuloy lang ang mensahe ng mga makapangyarihan..
sa araw-araw..
na dapat kong sundin ang d*e will be done nila para sa akin..
ang magpatalo sa depression..
ang tapusin ang sarili para sa kanilang entertainment... 🙁

is feeling , bakit wala silang awa...??


>
[Trade]

bago nangyari yung mas matinding trahedya sa buhay ko..
meron pa sana akong:
- USD 529 na trading fund
- USD 43 na BNB
- USD 21 na USDT
- USD 145 na galing sa Ronin
- USD 40 na galing sa Coins
total ng USD 778...

akala ko noon na malapit na akong makabawi..
akala ko na konti na lang at matatakasan ko na ang mga scam na napasok ko..
nasa USD 500 na lang sana ang kulang ko..
pero mali nga ako.. 🙁
dahil isang malaking scam ang scammer na US President, na nang-scam gamit ang sarili nilang mga asset..
at dahil malaking scam yung Imperial New Year noong 2024 para mapaniwala ako na mauulit iyon sa 2025...

pangarap kong maranasan na makagawa naman ng tamang desisyon sa buhay ko..
pero imposibleng mangyari iyon dahil bantay-sarado ako ng mga makapangyarihan... 🙁

is feeling , sana balang araw may magligtas din naman sa akin na maawain na makapangyarihan...

---o0o---


April 7, 2025...

[Trade]

day 482...

pinakamalala..?
hindi uso para sa akin yung adjective na pinakamalala..
dahil habang pinaninindigan ko ang desisyon ko, eh pwede pang lalong lumala ang bagay na masyado nang malala... 🙁

nagising ako sa isang bangungot..
dahil sa konting pagbaba ng Bitcoin, eh nakagawa na naman ng panibagong maysa-demonyong bottom ang HEI..
below level 26..
sa ganung punto ay umaabot na sa USD 318 ang nalalagas sa pondo ko.. 🙁
mas malaki pa kesa sa natitira para sa akin..
ang pinakamalala sa losses ko..
at hindi pa tapos ang delubyo...

at ano ang anomalous doon..?
sa lahat ng binabantayan kong assets, eh bukod tangi ang HEI na pumalo sa lagpas 20% ang nalagas..
dahil ano..?
dahil lang nasa poder nila ako..
ganun kagigil ang mga makapangyarihan na lunurin ako sa depression... 🙁

is feeling , katapusan ko na talaga...


>
[Trade]

kung kukuwentahin ko lahat ng recorded losses ko sa Binance..?
kabilang yung damage ko sa HEI sa ngayon..
eh umaabot na sa USD 1,545 ang kinikita sa akin ng Binance.. 🙁
lagpas pa kesa sa original na halaga ng binabawi ko sana na assets...

is feeling , pero hindi pa sapat ang ganitong klase ng libangan para sa mga makapangyarihan.. katapusan ng existence ang hinihiling nila...


>
[Trade]

at nagpatuloy pa nga sa pagbaba ang HEI sa maghapon..
malapit na sa 30% na antas ng pagkalagas..
dahil nasa poder pa rin nila ako..
umaabot na sila ngayong araw sa level 23... 🙁

is feeling , 59% na mas mababa kumpara sa lowest entry point ko.. 420% ang layo mula sa target selling point ko...

---o0o---


April 8, 2025...

[Trade]

day 483...

nag-pump naman ang HEI kagabi..
hanggang level 32..
39% na recovery sana iyon..
USD 218 sana para sa akin... 🙁

USD 73 naman yung isang quick pump and dump na nagawa nila ngayong araw... 🙁

is feeling , HEI, level 100, please...

---o0o---


April 9, 2025...

[Trade]

day 484...

USD 71 sana na recovery sa HEI from level 31 to 35.. 🙁
tapos USD 50 from level 33 to 36... 🙁

nasa USD 1,389 na ngayon ang kinikita ng HEI simula noong nakulong ako sa poder nila... 🙁

mabuti pa ang ARDR..
nakagawa na ng 100% pump habang nasa Monitoring list na sila... 🙁

is feeling , HEI, gumaya naman kayo sa ARDR...

---o0o---


April 10, 2025...

[Trade]

day 485...

base sa itsura ngayon ng HEI..
mukhang ginagawa nila ang katulad ng mga nangyari noong panahon na under repair itong bahay..
na may peak na sila, at sinasadya na lang yung mga dip para muling magpataas..
additional na USD 69 sana para sa akin mula sa quick dip kaninang madaling araw... 🙁

magtatanghali noong nagsimula nang bumaba ang HEI..
galaw na medyo nakaayon naman sa Bitcoin...

is feeling , level 100 naman, please...

---o0o---


April 11, 2025...

[Trade]

day 486...

USD 51 sana para sa akin yung nagawang quick pump ng HEI kagabi...

is feeling , sana umakyat na ulit sila nang husto.. level 100.. kahit level 60, papatusin ko na bukas...


No comments:

Post a Comment