Saturday, April 5, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Few Days of April 2025 (The Trump Scam)

Loveless Story


March 29, 2025...

[Gadget-Related]

so lumalabas nga na wasak ang Facebook Messenger ko.. 🙁
kanina ko lang na-confirm...

lumalabas na hindi siya nakaka-receive ng message kapag offline ako, na madalas naman talaga na status ko..
wala ding kuwenta yung secure storage..
kasi kahit nare-retrieve niya lahat ng messages na ginawa ko simula noong ipatupad ang end-to-end encrypted messages nila..
eh hindi naman gumagana ang retrieval ng mga message na natanggap ko sana habang offline ako..
kahit gamitin ko yung 40-character code ko, eh wala namang nare-retrieve..
so gaguhan lang yung secure storage...

ibig sabihin..?
na winasak ng mga makapangyarihan ang paraan ko ng paniningil sa loan shark account ko... 🙁

is feeling , mga demonyo kayong lahat.. hindi ako gagamit ng Messenger app kahit na ano pa ang mangyari sa mundo...

---o0o---


March 30, 2025...

panibagong problema na naman..
sa Facebook pa din..
laging wrong credentials ako tuwing dumadaan ako doon sa CAPTCHA...

is feeling , puros kademonyohan ang buhay ko...

---o0o---


March 31, 2025...

[Gadet-Related]

ngayon na lang nakapag-online..
matapos akong paulit-ulit na pagbintangan ng Facebook na kesyo wrong credentials daw ang ini-input ko...

anyway..
nare-recover naman ng Messenger yung mga message na natanggap ko habang online ako..
gamit yung 40-character code..
yun nga lang, wala talaga sa mga message na pinadala sa akin habang offline ako ang mare-retrieve..
ibig sabihin..?
bawal akong padalhan ng kahit na sino ng message kung offline ako..
pwede lang kung gagawa sila ng group chat na kasama ako...

is feeling , mga palpak na sistema talaga...

---o0o---


April 1, 2025...

[Lottery]

ngayon na lang ulit nanalo sa Lottery yung mismong combination na ginagamit ko..
pero 3 numero lang..
pero wala din naman akong taya...

is feeling , kailan ko kaya makikita na mabunot lahat nung 6 na numero na iyon...??


>
mukhang graduate na si Attendant M..
may picture na, yung tipong alternate sa pang-graduation..
although posible din naman na late lang niyang ginamit yung picture na iyon...

edited, pero makakatulong na mas maalala ko nang malinaw yung itsura niya..
nag-gain siya ng laman sa mukha dahil sa kakaaral niya...

is 💌 feeling , i wish you well...

---o0o---


April 3, 2025...

kamakailan lang..
naging pintor ako ng sarili kong kuwarto..
para maghabol ng oras, habang itinatapon ko din ang sarili kong oras noon..
at para makatipid na rin sa gastos para sa labor...

ngayong araw naman..
nagpalit ako ng gripo namin sa kusina..
mga semi-survival skills, para sa mga nagme-maintain ng bahay..
ayos din ngang matutunan..
kahit pa konting panahon na lang ang natitira para sa akin dito sa mundo...

is feeling , pintor na.. tubero pa...

---o0o---


April 4, 2025...

[Manga]

The Children of Shiunji Family

yung pati si Seiha, na naniniwala lang sa Science at Logic, eh kinikilig na rin ngayon sa adoptive brother nila na si Arata... 

is 💘 feeling , 'wag po, koya...


>
[Gadget-Related]

hindi 'to maganda..
namatay na naman ang UPS ko ngayong gabi..
pero sa pagkakataon na ito, eh continuous beep yung ginawa kanina..
although, bumalik din naman sa pagiging stable...

is feeling , tama na.. andami nang nawala sa oras ko.. tsaka magbabayad pa ako ng mamahalin na SSS contribution...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2025 (Semifinals)


March 29, 2025...

Creamline versus Angels..
round-robin ang format para sa Semifinals..
madami ulit ang live audience..
ginabi na ang laban dahil sa 5-setter match ng Choco Mucho at Akari...

Set 1, Galanza-Caloy-Pons triangle muna para sa Creamline, palitan ng kalamangan, Baldo sa likod para sa service, pero nanaig ang Angels dahil sa kanilang 18 attacks and 3 kill blocks..
Set 2, maagang nakalayo ang Angels, Gumabao for Caloy, Baldo for Galanza at ipinasok na din si Bernardo, maganda ang floor defense ng Angels, ilang beses nakadikit ang Creamline sa bandang dulo, pero muling nanaig ang Angels dahil sa kanilang 14 attacks..
Set 3, Baldo-Caloy-Pons triangle naman, una ulit nakalamang ang Angels, ganun pa rin, nakakalayo ang Angels sa tuwing nakakalapit ang Creamline, double substitution with Gumabao, naging palitan ng kalamangan ang laban, Galanza para sa service at depensa sa likod, at nagawa nga ng Creamline na maagaw yung set dahil sa kanilang 15 attacks plus 9 huge errors ng kalaban..
Set 4, una na namang nakalamang ang Angels, Galanza for Pons sa harap, pero ibinalik din naman si Pons, paulit-ulit pa din sa paglayo ang Angels, double substitution with Gumabao, pero kinapos na ang Creamline this time...

3-1, panalo ang Angels..
dahil sa nangyari ay required ang Creamline na manalo laban sa Akari at Choco Mucho...

is 💔 feeling , mas mahina talaga ang floor defense ng Creamline kapag wala si Galanza.. bawi sa susunod, team, para kina Morado at Galanza...

---o0o---


April 1, 2025...

Creamline versus Akari..
at makakalaban na nila si Domingo this time..
madami ulit live audience..
required silang manalo in less than 5 sets, pati laban sa Choco Mucho, para maka-secure sila ng safe na ranking...

Set 1, Baldo-Caloy-Pons triangle na muna ulit para sa Creamline, maagang palitan ng kalamangan, hanggang sa nakaagwat na ang Creamline, at naitawid nga nila yung set dahil nakuha nila lahat ng scoring stats..
Set 2, dikitan sa simula ang laban, hanggang sa nakaagwat na ang Akari, pero nakahabol ang Creamline at inagaw ang kalamangan, naagaw din nila yung set dahil sa kanilang 15 attacks..
Set 3, una nang nakalamang ang Akari, pero nakahabol ang Creamline at naging dikitan yung laban, lalo pang na-activate si Pons, Gumabao sa double substitution, hanggang sa tinapos na ni Baldo ang match...

3-0, panalo ang Creamline..
at hindi nga nila binigyan ng puntos ang Akari...

is  feeling , salamat, team.. isa na lang, para sa Finals.. para kina Morado at Galanza...

---o0o---


April 3, 2025...

Creamline versus Choco Mucho..
hindi pwedeng manalo ang Choco Mucho, lalo na kung in 3 to 4 sets lang, para masigurado ng Creamline ang pagbabalik nila sa Finals..
Pons versus Rondina, at Caloy versus Molde..
ang daming live audience kahit na weekday...

according sa update ng team, nakuha na nila si Staunton para sa nalalapit na AVC Champions League 2025..
at audience siya ngayong araw...

Set 1, Baldo-Caloy-Pons triangle muna para sa Creamline, dikitan at palitan ng kalamangan ang labanan, ang daming tapon na service ng Creamline, nakakalas sila sa bandang gitna, Galanza sa likod para sa service at depensa, nakuha nga nila ang set dahil sa kanilang 14 attacks and 5 kill blocks..
Set 2, mas maagang nakaagwat ang Creamline this time, at iniwanan na nga nila ang Choco Mucho dahil nakuha nila lahat ng scoring stats..
Set 3, dikitan na ulit ang simula ng laban, pero muli din namang nakakalas ang Creamline, Gumabao for Caloy sa harap, masyado nang naka-check si Rondina kaya nalimitahan siya sa puntusan, hanggang sa nakuha na nga ng Creamline ang set at ang match...

3-0, panalo ang Creamline..
at makakabalik na nga sila sa Finals..
kailangan na lang nilang patunayan na kaya pa nilang talunin muli ang Angels...

is  feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza.. at para kay Staunton na rin...

-----o0o-----


March 29, 2025...

[Trade]

day 473...

halos level 40 to 43 na recovery..
USD 41 din sana iyon para sa akin... 🙁

walang nangyaring pump kagabi papunta sa level 100..
at bumagsak pa ang HEI ngayong araw below level 40.. 🙁
konti na lang para dumikit sa bottom nila na 37...

is feeling , walang katapusang kademonyohan.. habang nagagawa ng iba na mag-pump nang husto, puros mali naman ang ginagawa ko...

---o0o---


March 30, 2025...

[Trade]

day 474...

dahil nag-exit ako sa savings para magbakasakali na may mangyayaring sudden pump sa HEI..
eh ilang araw na tuloy akong walang nakukuha na interes... 🙁

gabi nang nag-dip na namang mag-isa ang HEI..
sumadsad pa sila hanggang level 39..
USD 27 ang napakawalan ko this time...

is feeling , hindi ako titigilan ng mga problema...

---o0o---


March 31, 2025...

[Trade]

day 475...

walang nangyayari sa HEI..
kaya naman bumalik na ako sa savings...

kahapon, habang tumataas sila..
sa halip na lumaki yung trading volume, eh bumaba pa sila below USD 7 Million...

ngayong araw naman..
ngayong gabi..
eh mas bumaba pa sila below USD 6 Million...

is feeling , the last time na nangyari iyon, nag-pump sila by 34%.. sana lang magawa ko nang magising sa isang umaga na nasa level 150 na sila...

---o0o---


April 1, 2025...

[Trade]

day 476...

gumawa ng short pump ang HEI kaninang madaling araw..
umulit sa pag-akyat halos buong maghapon..
pero biglang nagpa-crash ulit ng sarili nila ngayong gabi, nang wala namang humihila... 🙁

USD 56 ang napakawalan ko sa unang pag-akyat nila sa level 43..
USD 26 from level 41 to 43..
bago sila muling nagpabagsak sa level 39 lamang... 🙁

ang masama pa nito eh tumaas ang level ng Bitcoin..
kaya nag-decouple na naman ang HEI sa maling paraan... 🙁

is feeling , nalulunod na ako sa taglay kong kamalasan.. zero hope...

---o0o---


April 2, 2025...

[Trade]

day 477...

USD 28 yung panibago kong napakawalan sa HEI, from level 39 to 41.. 🙁
tapos naging pabagsak na ulit ang direksyon nila simula pa noong umaga..
untikan nang sumadsad sa level 37 na current historical bottom nila...

wasak na wasak ang market simula noong naging presidente yung scammer...

is feeling , April na, sumabog naman kayo hanggang USD 1.50, para maka-exit na ako paggising ko bukas...

---o0o---


April 3, 2025...

[Trade]

day 478...

patuloy lang sa pag-crash ang HEI dahil sa pananatili ko sa poder nila..
dahil sa greedy tariffs ng US President..
lagpas USD 200 na ulit ang nalalagas sa pondo ko.. 🙁
umaabot na sila ngayon hanggang level 35, na panibagong bottom nila...

bad news para sa ARDR..
dahil nasa Monitoring list na sila ng Binance..
kapag nagkataon, eh hindi ko na rin sila mapapakinabangan...

is feeling , nagkamali ako sa pagtitiwala sa diyos-diyosan ng America.. isa lang siyang ganid na negosyante na ginagamit ang lahat...

---o0o---


April 4, 2025...

[Trade]

day 479...

patuloy pa rin sa pagbagsak ang HEI..
umaabot na ang historical bottom nila sa level 34...

is feeling , level 150.. pagkagising ko bukas.. tama na ang depression...


No comments:

Post a Comment