Loveless Story
January 18, 2025...
so may nakita na akong shop ng Darth Revan at Scarif Stormtrooper..
dito sa bayan according sa Lazada..
ang problema..?
pumapalo sa lagpas Php 10,200 yung 2 item..
4 na figure naman yung kasama sa pack nung Scarif Stormtrooper..
kaso masyado nang mahal yung Darth Revan para gamitan ng pinaghirapan na pera...
is feeling , pang-Lottery winner ang level.. kaso puros dayaan na ngayon sa Lottery...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2025
January 21, 2025...
Creamline versus Capital1..
2025 na talaga, at ito ang unang match ng Cool Smashers para sa taong ito...
si Staunton naman ay maagang nagpaalam sa team niya sa Finland, dahil sa mababa nilang ranking..
hindi maganda yung performance ng team niya dahil kahit bottom teams eh nagagawa ding manalo laban sa kanila..
kaya naman lumipat na siya sa liga sa Indonesia, sa team ng Jakarta Pertamina Enduro...
Set 1, Baldo-Caloy-Pons triangle muna, unang nakalamang ang Creamline, pero dikit nang dikit ang Capital1, nanaig naman ang Creamline dahil sa kanilang 3 kill blocks plus 10 big errors ng Capital1..
Set 2, Gumabao-Galanza-Vargas triangle naman this time, Bernardo for Panaga din, palitan ng kalamangan, hanggang sa nakaagwat ang Creamline kaya nag-bench time na sila, muli silang nanaig dahil sa kanilang 2 kill blocks plus 7 big errors ng Capital1..
Set 2, Baldo-Caloy-Galanza triangle naman, Bernardo for Panaga ulit, nakaagwat ang Creamline, nagpalit-palitan naman sina Negrito, Gumabao, at Caloy, at tinapos na nga nila ang laban...
3-0, panalo ang Creamline...
is feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...
-----o0o-----
January 18, 2025...
[Trade]
day 403..
depressing... 🙁
nagising naman nga ako sa isang magandang umaga kanina..
kaso kapos lang sa ganda na kailangan ko upang maka-exit..
umabot hanggang level 109 ang AST..
so nasa USD 46 sana iyon para sa akin..
siyempre hindi ako nag-exit sa pag-asa na maaabot na nila yung level 120...
pero bandang tanghali nang manghila nang husto ang Bitcoin pababa..
lumagapak ang AST hanggang level 101..
kaya naman natapon lahat ng posible ko sanang kinita... 🙁
pati ang SLP eh nadamay din sa pump then dump na nangyari... 🙁
is feeling , AST, SLP, bastusin nyo naman ang d*e will be done na ipinapataw laban sa akin.. mag-pump naman kayo...
---o0o---
January 19, 2025...
[Trade]
kumita sana ako kahit papaano sa Ronin ng nasa USD 7..
dahil sa naging pag-akyat ng SLP mula sa mas malalim kesa sa entry point ko..
at saka sana ako pumasok sa mas mababa na entry point..
pero sa halip eh heto at nasa pagkalugi na naman ako... 🙁
is feeling , SLP, huwag ninyong sundin ang d*e will be done laban sa akin...
>
[Trade]
day 404..
malagim talaga..
dahil bumaba pa ang level ng AST hanggang 95... 🙁
yung akala mo na aakyat na ang lahat dahil malapit na ang Presidential Inauguration..
pero scam lang pala ang lahat.. 🙁
dahil nag-pump then dump ang karamihan sa mga asset maliban sa Bitcoin at sa ilan pang piling cryptocurrency...
ang anomaly ang nangyari..?
umakyat ang BTTC mula level 107 hanggang 121, kumita pa nga sila ng USD 67 dahil doon, pero nang mahila sila ng Bitcoin ay hanggang level 114 lang ang kanilang ibinaba..
umakyat ang LIT mula level 85 hanggang 94, pero kahit papaano ay hanggang level 87 lang ang kanilang ibinaba, na mas mataas kesa sa dati nilang bottom..
umakyat ang ARDR mula level 96 hanggang 104 lamang, pero kahit na ganun ay dikit lang ang bottom na kanilang binabaan sa level 95...
pero anong nangyari sa AST..?
galing sila noon sa level na mas mataas pa kesa sa 100, 102 yata..
nakaayat sila hanggang level 109..
pero saan sila bumalik..?
sa impiyerno..
sa level 95 na malayo kumpara sa dati nilang bottom..
ang nag-iisa sa mga asset na binabantayan ko na lumala ang bottom..
at ang asset na kinaroroonan ko ngayon... 🙁
is feeling , AST, igalang nyo naman ang Presidential Inauguration at ang Imperial New Year...
>
[Trade]
malagim na..?
hapon nang mas lumagim pa ang sitwasyon... 🙁
kagaya noong araw na nag-crash ang AST..
nasa USD 105,000 to 103,000 lang naman ang galawan ng Bitcoin..
pero wasak nang wasak ang karamihan ng assets sa bawat baba nila...
bumagsak na ang AST hanggang level 87 hanggang sa mga oras na ito..
kahit ang SLP eh bumaba na rin sa level na matagal na nilang hindi nararanasan..
to think na 1 to 2 days na lang bago ang Presidential Inauguration..
pero ginagawa nilang basura lahat ng assets na meron ako... 🙁
parang mahinang version ng Sodom and Gomorrah..
yung hindi bumubura ng existence..
pero talaga namang gigipitin ka nang husto... 🙁
is feeling , ganito kahalaga para sa kanila ang katuparan ng d*e will be done ko...
---o0o---
January 20, 2025...
[Trade]
day 405...
wala na..
malapit na ang oras ng inauguration..
pero lalo pang naging malagim ang sitwasyon ko.. 🙁
dahil sa kalokohang Bitcoin crash mula USD 106,000 pababa sa 99,000...
lagas na ang pondo ko sa Binance..
sa Ronin..
at maging sa Coins..
wala ng natitira para lumaban pa... 🙁
is feeling , AST, SLP, maawa na kayo sa akin...
>
[Trade]
pagod na pagod na ako..
3 years, pero nababalot pa rin ako ng kamalasan..
sa bawat taon, nababawasan at mas bumababa lang ang halaga ng mga asset na hawak ko..
ito na nga yata talaga ang proof tungkol sa perpektong kamalasan na dala-dala ko..
ang kapangyarihan ng d*e will be done... 🙁
walang kuwenta kahit pag-aralan ko pa ang market..
kagaya ngayon, may event nga..
pero dahil alam nila na nasa loob na ako ng trading..
eh hindi nila hahayaan na kumita ako... 🙁
mahalaga ang depression para matupad ang d*e will be done..
kailangang magipit nang husto ang target nila..
para magkaroon ng sapat na lakas ng loob upang wakasan ang sariling existence... 🙁
ang mga pump ng AST sa ilalim ng entry point ko..?
USD 41 kahapon..
USD 48 ngayong hapon... 🙁
hindi ko alam kung matatawag ko pa bang pag-asa ang Imperial New Year...
is feeling , AST, SLP, hayaan nyo man lamang akong maka-exit...
---o0o---
January 21, 2025...
[Trade]
day 406...
lalo pang lumalagim ang sitwasyon habang mas umaangat ang Bitcoin..
matatag ang BTTC..
matatag ang ARDR..
medyo matatag ang LIT..
pero ang AST eh bumagsak pa ang bottom mula level 87 to 81 na lang..
anong pagkakaiba nung 4 na assets..?
nasa AST ako, ang tagapagdala ng matinding kamalasan... 🙁
is feeling , AST, SLP, lumaban naman kayo...
---o0o---
January 22, 2025...
[Trade]
day 407...
medyo nagre-recover ang market dahil hindi malikot ang Bitcoin..
pero kulang pa upang maka-exit na ako at makaligtas sa delubyo...
samantala..
naka-schedule na para i-delist ang LIT..
hindi dahil tatanggalin na sila sa Binance..
pero dahil magre-rebrand sila..
USD 131 sana para sa akin yung ginawa nilang pump bago mag-dip...
is feeling , Imperial New Year, sana gumana ka.. please.. at gumana ka na rin kaagad, bago pa yung event...
---o0o---
January 23, 2025...
[Trade]
day 408...
pababa na ulit ang karamihan ngayong araw..
dahil sa hila ng Bitcoin...
bago iyon ay nagawa na ulit na mag-pump ng ARDR..
sila na naman..
USD 71 sana iyon para sa akin..
at saka sila mas bumaba kumpara sa dati nilang bottom...
USD 51 naman sana para sa akin yung na-recover ng AST..
pero as usual, doon lang iyon sa ilalim ng entry point ko... 🙁
is feeling , Imperial New Year, kayo na lang ang pag-asa ko.. AST at SLP, sumuway naman kayo sa d*e wil be done...
---o0o---
January 24, 2025...
[Trade]
day 409...
so far umaabot sa lagpas USD 125 ang nalalagas sa pondo ko kapag nararating ng AST at SLP ang mga recent bottom nila..
umaabot sa 48% ang kailangan kong pump para sa AST para maabot ko yung exit point ko..
at 67% naman para sa SLP...
is feeling , AST, SLP, hayaan nyo naman akong makaranas ng mataas na pump.. igalang ninyo ang Imperial New Year...
No comments:
Post a Comment