Saturday, January 11, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Full Week of January 2025 (The Ardor Failure)

Loveless Story


January 6, 2025...

[Lottery]

at nakumpleto na nga nila ang kanilang kalokohan..
lahat ng jackpot prize ng major Lotto games eh nakuha na within the last 4 draws ng bawat category...

is feeling , mga demonyo talaga sila...


>
[Pests]

hindi 'to maganda..
3 days, at nakaka-3 na rin kami ng nahuhuli na daga sa loob ng bahay namin..
ganito na lang palagi..
titigil ng ilang panahon..
tapos biglang ang dami na naman pala nila... 🙁

anyway..
sobrang satisfying nang pag-suffocate sa kanila gamit ang tulo ng kandila..
sa buong ulo..
kasama ang mga mata, mga butas ng tainga, ilong, at bibig...

is 💀 feeling , justice para sa mga biktima ng mga peste...

---o0o---


January 8, 2025...

after 22 years..
pinakawalan ko na yung pabango na regalo sa akin noon ng isang babae..
bale, sinadya ko kasing magtira at itago na lang iyon..
kaso nadiskubre ko sa general cleaning ko kanina na nagkaroon na ng leak yung bote ng Bench..
kaya pala ang bango nung drawer ko...

hindi ko alam kung paanong nangyari, dahil wala namang matigas na bagay na nakakasagi doon sa bote..
pero siguro bumigay na lang din siya dahil lagpas 2 decades na rin nga..
at dahil hindi ko na siya pwedeng i-store sa ganung kondisyon..
eh kailangan ko na siyang pakawalan...

is 💌 feeling , paalam sa alaala...


>
[Medical Condition]

2025..
for the first time sa buhay ko, ngayon lang ako naka-experience na parang bumigay ang spinal ko..
yung part na nakakonekta sa may pelvis...

nasa general cleaning ako noon..
naghuhugas lang ako ng mga kamay ko sa banyo nang payuko, nang bigla na lang siyang parang nangatog..
tapos ay saka siya nagkaroon ng masakit na sensation... 🙁

is feeling , hindi ako pwedeng malumpo sa huli kong taon sa mundo...

---o0o---


January 9, 2025...

[Medical Condition]

no choice..
kailangan ko munang tumigil sa daily walking exercise..
hindi pwedeng matapos ang buhay ko sa lumpong paraan.. 🙁
magiging sobrang brutal na kaparusahan nun kapag nagkataon...

lagpas 1 taon na rin akong tumigil sa regular na paggamit ng processed milk..
simula noong nagkaroon ako ng Hypertension..
dahil sa pag-iwas ko sa bad cholesterol..
pero mukhang kailangan ko na muna ulit mag-take ng gatas para medyo lumakas pa ang mga buto ko...

is feeling , hindi ako pwedeng malumpo sa huling taon ko sa mundo.. lalo lang akong magiging basura at pabigat sa iba kung magkakaganun...

---o0o---


January 10, 2025...

[Manga]

The Children Of Shiunji Family

ang kulit..
mga ampon na itinrato bilang magkakapatid..
at ngayon eh unti-unti nang nabubuo ang Harem... XD

maganda yung art style niya at consistent, pang-Anime ang dating..
may Ecchi approach din siya... XD

is feeling , ang ku-cute...

-----o0o-----


January 4, 2025...

[Trade]

day 389...

wala pa rin..
hindi pa rin makagawa ng pump ang ARDR...

is feeling , sobrang lakas ng kamalasan na dala-dala ko...

---o0o---


January 5, 2025...

[Trade]

day 390...

medyo mas umangat ang ARDR kumpara sa level ng Bitcoin ngayong araw..
kaso tumigil na naman sila sa hanggang level 98 lamang..
pang-4 na beses na ito..
USD 43 na naman sana iyon para sa akin mula sa level 90... 🙁

is feeling , ARDR, gawin nyo na, please.. level 120 pump gaya ng madalas ninyong magawa noon...

---o0o---


January 6, 2025...

[Trade]

day 391...

nadagdagan ng nasa USD 3 Million ang trading volume ng ARDR simula kahapon..
pero hanggang level 99 pa lang ang inaabot nila...

umabot naman na sa USD 98 ang nare-recover ng BTTC..
kaso nawala na sila ng AST sa safe zone para makapag-trade pa sa kanila sa paparating na Imperial New Year...

hapon naman nang mas umangat pa ang palitan ng ARDR..
umaabot na sa level 101..
pero malaki pa rin ang agwat mula sa level 120 na kailangan ko...

is feeling , ngayong gabi na, please.. gawin nyo na, ARDR...

---o0o---


January 7, 2025...

[Trade]

day 392...

patuloy sa pag-akyat ang Bitcoin..
at nakikisabay naman this time ang ARDR..
nagawa na nilang umabot sa level 103..
nakakatakot lang dahil supot pa rin ang galaw nila.. 🙁
kaya delikado in case na maisipan na naman ng market na bumaba...

samantala..
nagawa na nga ulit kaagad ng BTTC na umabot sa kanilang level 120..
tapos nag-pump pa ulit sila hanggang level 135..
USD 61 sana iyon para sa akin... 🙁

pati pala AST eh nagawa ding mag-pump kagabi..
umabot na naman sila sa level 120 nila..
USD 54 naman sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , kaya ng AST, BTTC, at LIT.. pero nawalan ng kakayahan ang ARDR nang dahil sa akin...


>
[Trade]

lagpas 3 weeks na akong nakakulong sa ARDR..
meaning..?
ganun na din katagal na hindi sila nakakapag-pump..
ang maysa-demonyo kong kakayahan na magpabagsak ng mga asset..
ang dahilan kung bakit lahat ng pinapasukan kong asset eh hindi nakakaakyat nang husto habang nasa poder nila ako..
pero sumasabog naman nang husto sa tuwing nag-e-exit na ako mula sa kanila...

hindi na nga makaabot sa level 120..
tapos bumaba na din kaagad ang ARDR mula level 103 pababa sa level 100...

is feeling , Presidential Inauguration, Imperial New Year, umepekto naman kayo...

---o0o---


January 8, 2025...

[Trade]

day 393...

at nangyari pa rin nga talaga..
ang palagi kong kinatatakutan..
market dip dahil sa hila ng Bitcoin..
kahapon, nakalapit ako nang USD 19 na lang ang kulang sa dati kong pondo..
pero kaagad na nabura ang lahat ng pag-asa dahil sa crash mula sa level 103 to 93... 🙁

tapos mas lumala pa ang sitwasyon..
bumaba pa ang ARDR hanggang level 90... 🙁

is feeling , walang nakalaan na magandang kapalaran para sa akin...


>
[Trade]

pumusta sa SLP sa parehas na Ronin at Coins..
aasa na may magandang mangyayari sa Presidential Inauguration at Imperial New Year...

is feeling , maawa naman kayo...

---o0o---


January 9, 2025...

[Trade]

day 394...

nag-pump din naman kaagad ang ARDR kagabi..
level 90 pero naharangan sa level 99..
USD 49 sana iyon para sa akin...

level 97, 98, 98, 103, at 99..
5 chance na sana para maka-exit at paulit-ulit na makabalik sa level 90.. 🙁
pero takot na takot ako na mag-exit at bigla na lang maiwanan ng ARDR...

is feeling , kayanin nyo naman, ARDR...


>
[Trade]

umaga nang umulit sa pag-pump ang ARDR..
level 93 to 105..
USD 63 naman sana iyon para sa akin... 🙁

pati ang BTTC eh gumawa ng pump..
USD 48 sana iyon para sa akin...

nasa maganda sanang level ang AST para makapusta ng 50% increase sa kanila..
kaso ay hindi pa nga ako nakakawala mula sa ARDR...

is feeling , narating na nila ang level 107.. ARDR, abutin nyo na ang target kong exit point...

---o0o---


January 10, 2025...

[Trade]

day 395...

simula noong pumasok ako sa ARDR, unang beses pa lang na umabot sila sa level 110 kagabi..
kaso hindi talaga sila makatawid hanggang level 120..
pero paulit-ulit na nga silang tumapak sa level 110..
ang mga additional na napakawalan ko sa kanila..?
USD 60..
USD 28..
USD 28..
total ng USD 116...

ibig sabihin..?
malagim na umabot sa USD 423 ang napakawalan kong kita sa ARDR simula noong nakulong ako sa kanila..
dahil sa lahat ng pump na ginawa nila below sa entry point ko... 🙁

pababa ang Bitcoin, samantalang may resistance naman sa laban sa kanila ang ARDR..
pero dahil matagal-tagal na din ang ginagawang pag-akyat nila..
eh natakot ako na baka sumuko na ang kanilang support, at bigla na lang magpahila sa Bitcoin..
kaya naman sumuko na ako at nag-exit na lang nang may USD 5 na patubo... 🙁

is feeling , bale umaabot na sa USD 12,000 ang nami-miss ko simula noong Imperial New Year noong 2024...


>
[Trade]

pumasok na muna sa AST..
pero dahil nabitin ako sa sobrang liit ng itinubo ko sa ARDR..
eh minabuti kong mag-short sell sa AST at makakuha ng karagdagan na USD 15 na patubo..
bale kinapos ako ng USD 11 sa bentahan na iyon..
at saka ako muling pumasok sa AST sa mas mataas na level...

may chance sana para kumita pa ng USD 32 sa ARDR bago sila bumaba, pero hindi ko nasakyan..
USD 39 pa yung sumunod nila..
ang BTTC naman ay nakagawa din ng nasa USD 34 na quick pump...

pupusta na sa 30 to 50% increase sa Presidential Inauguration at Imperial New Year...

is feeling , AST, isang level 130 pump muna...


No comments:

Post a Comment