Loveless Story
January 12, 2025...
nakaka-depress..
na masaksihan mo kung paano mismo gumagana ang taglay mong kamalasan..
perpekto at walang pangontra..
hindi sumasablay kahit paano ko pa obserbahan..
GMT, FIDA, DREP, QI, NEIRO, OAX, AST, BTTC, ARDR..
sa kanilang lahat, nasaksihan ko kung paano ako magdulot ng kamalasan, at ang maghatid din ng suwerte..
yun nga lang, gagana lang yung suwerte nang ang requirement ay ang pagpapalugi ko... 🙁
at mukhang wala na talaga akong magagawa..
imposible na malabanan ko ang buhay kung ako mismo ang nagdudulot ng pagkawasak... 🙁
is 💀 feeling , parang buhay lang ako, pero wala na rin naman talagang ipinagkaiba sa isang bangkay...
---o0o---
January 13, 2025...
[Medical Condition]
after 4 days ng pahinga mula sa walking exercise..
bumalik na ako ngayong araw..
tutal naman eh wala na yung sakit na parang tumutusok sa spinal ko...
is feeling , hindi ako pwedeng malumpo...
---o0o---
January 16, 2025...
[Online Marketing]
nag-submit na ulit ng panibagong AI project sa 2nd store..
pang-4 na sa ganung category..
maghihintay na lang ulit ng approval...
sa ngayon, nasa USD 13 pa ang kulang ko sa quota..
para masigurado na may mari-release na income para sa akin for March o baka sa April na...
is feeling , gawa lang nang gawa, at benta lang nang benta, hangga't libre...
---o0o---
January 17, 2025...
araw na naman ng paniningil ng utang..
ugaling Filipino talaga..
magbabayad daw nang kinsenas..
pero 27 months nang walang ibinabayad..
nawawala daw ang smartphone..
pero hindi naman natigil ang entries sa Imperial platform..
puros at purong kasinungalingan... 🙁
pasarap buhay sa Singapore...
is feeling , maagnas sana 'yang peke mong ilong...
-----o0o-----
January 11, 2025...
[Trade]
day 396...
sumablay kaagad ako sa AST..
may chance sana kagabi na maka-exit nang may USD 20 na patubo..
at chance para makapasok sa mas mababang level na 97..
kaso sudden dip yung nangyari...
hanggang ngayong araw naman ay nakakagawa pa rin ng pump ang ARDR..
pero below pa rin naman sa dati kong target na level 120..
USD 61 sana para sa akin yung quick pump nila ngayong umaga..
na kaagad ding nasundan ng USD 34 naman..
USD 28 yung patatlo..
USD 41 yung pang-apat, na malapit na sa level 120 na inaasam ko dati..
at hindi pa rin sila tumitigil hanggang sa mga oras na ito ngayong gabi...
is feeling , AST, gumaya ka naman...
>
[Trade]
hanggang sa mga oras na ito..
umaabot na kaagad sa USD 235 ang nare-recover ng ARDR simula noong nag-exit ako sa kanila.. 🙁
bumaba na kahapon sa USD 9 Million yung trading volume nila na umabot sa USD 30 Million..
pero ngayong araw eh pumalo na kaagad ulit sa USD 17 Million...
samantala USD 20 na ulit ang napakawalan ko sa AST ngayong araw dahil dumikit na naman sila sa entry point ko... 🙁
is feeling , hindi pwedeng matulad ang AST sa sinapit ng ARDR noong nandun ako...
---o0o---
January 12, 2025...
[Trade]
day 397...
at pinatunayan na naman nga ng FATE na tagapagdala talaga ako ng kamalasan.. 🙁
inakala ko na hindi na mangyayari, dahil bumaba na sila below level 100 noong araw na nag-exit na lang ako sa kanila..
pero mali na naman ako...
isang araw matapos akong lumabas sa ARDR, eh nagdiwang kaagad sila..
na-activate na naman ang perpektong Curse Release ko..
bukod nga doon sa naunang USD 235 na ni-recover nila, eh paulit-ulit na nilang binastos yung dati kong entry point..
at ilang beses nang nilagpasan yung dati kong target na level 120..
na para bang bumalik na sila sa dating ARDR..
USD 31 sana para sa akin yung una nilang paglagpas sa level 120..
tapos ay USD 63 naman yung mas mataas na level..
USD 46 yung ikatlo...
hindi ko mapatawad ang sarili ko..
paulit-ulit na lang na ganun ang nangyayari..
ayoko sanang isipin na tagapagdala ako ng kamalasan..
na nagkataon lang talaga ang lahat..
pero paulit-ulit din na ipinamumukha sa akin ng FATE na may mali nga sa buo kong existence... 🙁
is 💀 feeling , posibleng maging magandang lugar ang mundo kapag nawala na ako...
>
[Trade]
kaninang umaga, may chance sana para kumita ng nasa USD 20..
pataas noon ang market kaya nag-hesitate ako na magbenta..
hindi ko naman inasahan na bababa ulit, kaya nawala yung pagkakataon..
hapon nang sinubukan kong magbenta nang may USD 10 na patubo..
pero pati doon ay minalas at nauwi na lang sa USD 8...
matapos iyon ay nangyari ang anomaly..
patuloy sa pagbaba ang Bitcoin, pero hindi na bumaba ang AST..
tapos noong nag-recover na ang Bitcoin, eh ang taas naman ng akyat ng AST..
kaya naman nasayang lang yung pagpapalugi ko sa USD 8... 🙁
is feeling , AST, bumaba ka muna ulit...
---o0o---
January 13, 2025...
[Trade]
day 398...
palpak na naman ako..
kagabi na-scam nga ako na pataas ang Bitcoin, kasama na rin ang AST..
napilitan tuloy akong bumili sa mataas na level 100..
pero heto at bumaba na ulit sila ngayong araw below level 98... 🙁
umaga nang gumawa ng pump ang Bitcoin..
kaya naman nag-short sell na muna ako para sa karagdagang USD 5 na kita..
matapos iyon ay mabilis din nga akong nakapasok sa level 100 ulit..
kaso ay naloko ako ng quick pump ng Bitcoin..
fake lang pala iyon dahil may crash pala na kasunod..
at lumala ang galawan ng AST matapos iyon..
hindi lang sila bumalik sa dati kong entry point na level 98..
pero bumaba pa sila hanggang level 89 hanggang sa mga oras na ito... 🙁
is feeling , AST, lumaban ka naman.. mag-decouple ka muna...
>
[Trade]
ano na naman ba 'to..?
ang okay na sana nung exit ko kaninang umaga..
pero bakit lumala na naman ang lahat..?
sana nag-crash na lang kaagad sila matapos kong makabenta..
hindi yung parang gagawa lang ng stair pattern para umakyat ulit..
tapos biglang fake pump pala... 🙁
hindi pwedeng maulit sa akin sa AST ang naranasan ko sa ARDR..
ang paglayo nila nang husto mula sa entry point ko... 🙁
is feeling , AST, irespeto nyo naman ang Presidential Inauguration at ang Imperial New Year...
---o0o---
January 14, 2025...
[Trade]
day 399...
kung dati, 20% pump lang ang kailangan ko para umabot sa level 120 ang AST..
ngayon eh lagpas 33% na..
50% noon para pumalo sa level 150..
pero ngayon eh lagpas 66% na...
hindi ko na alam kung ano pang plano ng Bitcoin..
basta sa ngayon eh bagsak lahat ng mga asset ko..
6 days left..
15 days left..
wala na akong magagawa kundi umasa na may mangyayari namang maganda sa Presidential Inauguration at Imperial New Year...
is feeling , AST, 35% pump naman...
>
[Trade]
perpekto talaga ang script ng buhay ko..
sobrang ganda...
babaliktarin ko na ngayon yung matagal ko ng tanong noong nasa ARDR pa ako..
kayang-kaya na ng ARDR na paulit-ulit na sumabog nang lagpas sa level 120 simula noong umalis ako sa poder nila..
kaya naman bakit ang AST na ngayon ang hindi magawa...??
nakakapagod na..
sobrang nakakapagod na..
sobrang bigat sa pakiramdam na malaman na may dala-dala akong matinding level ng perpektong kamalasan... 🙁
USD 151 sana iyon para sa akin.. 🙁
pero ginagawa lang naman nila iyon sa tuwing wala na ako sa kanila..
ang maganda pa doon..?
bumalik din sila kaagad sa level 91..
kaya naman kayang-kaya nilang sumabog ulit mula sa level na iyon...
is feeling , AST, tumulad naman kayo sa ARDR.. huwag kayong sumunod sa d*e will be done na ipinataw laban sa akin...
---o0o---
January 15, 2025...
[Trade]
day 400...
gaya nga ng sinabi ko..
maganda ang naging dip ng ARDR kahapon..
kaagad din silang umangat matapos nilang mag-pump at mag-retrace ng bottom nila..
yung mas mababa na ang level nila kahapon kumpara sa AST..
pero mas nauna pa ulit silang nakarating sa mas mataas na level..
na para bang sinasabi sa akin na, "in your face ka na naman, tanga at bobong malas ka"... 🙁
USD 57 ang na-recover ng ARDR sa sumunod nilang pag-akyat mula kahapon... 🙁
is feeling , huwag kayong umiwas sa akin...
>
[Trade]
hindi makagaya ang AST sa ARDR..
umabot lang sila hanggang sa entry point ko, pero ayaw nilang lumagpas.. 🙁
tapos umatras pa sila hanggang level 96 ngayong gabi...
USD 64 naman yung na-recover nila mula sa level 89..
pump na wala namang silbi para sa akin..
dahil katulad ng masamang karanasan ko noon sa ARDR for more than 3 weeks..
eh nasa ilalim lang ng entry point ko yung recovery... 🙁
pati ang SLP eh bumalik na naman sa pangit na level... 🙁
is feeling , AST, pakiusap, bastusin ninyo ang d*e will be done na ipinapataw laban sa akin...
---o0o---
January 16, 2025...
[Trade]
day 401...
lumagpas na ulit ang Bitcoin sa USD 100,000..
nakisabay lang ang AST..
pero wala pa talagang pumapasok na malaking trading volume para sa kanila...
USD 43 sana para sa akin yung akyat ng AST from level 96 to 104.. 🙁
USD 20 kung mula lang sa entry point ko..
kaso wala na, bumaba na ulit sila malapit sa level 100...
AST..
kayang-kaya nyo dati yung level 120..
kaya nyo pa nga hanggang level 150..
kaya gawin nyo na bago pa ang Presidential Inauguration...
is feeling , 4 to 5 days na lang bago ang Presidential Inauguration.. 13 days naman bago ang Imperial New Year.. kailangan ko lang maghintay...
>
[Trade]
mas mataas ang na-recover ng LIT..
USD 64 yung unang akyat..
USD 53 naman yung mabilis na pump matapos yung pagbaba kaninang umaga...
is feeling , AST, gumaya ka naman.. maawa na kayo sa akin...
---o0o---
January 17, 2025...
[Trade]
lalo pang ipinamukha sa akin ng XRP na mali nga ako..
nasa at least USD 360 ang XRP ko noon dahil sa Php 18,000 na pinapalitan ko..
below USD 1.00 na noon ang halaga ng bawat XRP...
dahil pumalo na this year ang XRP sa lagpas USD 3.00..
ibig sabihin na nasa lagpas USD 1,080 na dapat ang pondo ko.. 🙁
sobrang layo sana sa halaga na meron lang ako sa ngayon, dahil sa paulit-ulit kong pagbagsak sa trading...
is 💔 feeling , wala na lang sana akong ginawa noon...
>
[Trade]
day 402...
sumablay na naman ako..
bumalik na naman ang AST malapit sa level 100..
USD 12 ang napakawalan ko dahil doon... 🙁
wala din silang nagawang level 120 pump ngayong araw...
is feeling , AST, SLP, hayaan nyo naman akong magising bukas sa isang magandang umaga...
No comments:
Post a Comment