Loveless Story
December 22, 2024...
iba pang problema...??
nawawasak na yung Coocaa smart TV dito sa bahay..
kundangan naman kasing sumuporta sa Imperial company.. 🙁
ni hindi umabot ng 10 years..
mas tumagal pa ang monitor ng computer ko..
madalas ay parang radyo na lang ang purpose nung TV dahil nawawasak ang display anytime...
sa Eat Bulaga na lang nga sumasaya at nakakatawa..
tapos aagawin pa... 🙁
is feeling , maysa-demonyo ang lahat ng nasa paligid ko...
>
[Game]
nag-release ng dating primary pest ko..
ibig sabihin..?
deleted na siya sa database nung NFT na iyon...
pero ang laki ng nalugi sa akin..
worth Php 24,000 iyon noon, pero binura ko lang..
na-scam naman ako sa palitan, dahil yung estimate na materials eh kinapos ng 44..
below USD 3 lang ang target ko para doon sa 60 materials na kailangan ko pang bilhin..
pero lumalabas na umaabot ako sa USD 4.23 with respect sa current na palitan... 🙁
yung rage ko nag-uugat sa pananatili kong lugi..
dahil ginawa nilang mahihina ang mga peste ko, habang wala namang katapusan ang pagkalugi ko sa trading sa Binance..
hindi ko mapakalma ang sarili ko..
sa ngayon eh kailangan ko na lang mag-focus sa top 10,000, at ipunin lahat ng assets na naiipon ko...
is feeling , sobrang malas sa lahat ng bagay...
>
nag-online si Attendant Y ngayong araw..
at binati din naman niya ako...
siya ang kaisa-isang magandang nangyari sa akin nitong 2024...
is 💌 feeling , salamat na nariyan ka...
---o0o---
December 23, 2024...
ayun..
sa wakas..
after almost 3 months..
nakuha ko na yung tamang software at settings para ma-convert ang CBR comics ko papuntang PDF..
yun nga lang, kinailangan kong i-sacrifice yung size nung cover para lang makasunod sa general layout...
nakapag-request na din ako ng review..
so titingnan pa kung maa-approve...
is feeling , sana naman.. tama na ang kamalasan...
---o0o---
December 24, 2024...
'lord' ka dyan..
so sinasabi mo na may gabay ng mga diyos ang ginawa mong paulit-ulit na pangungutang sa akin..?
na pinapalabas mo sa mga tao na ibinigay ko lang sa'yo..
na may gabay ng mga diyos ang pagtatago mo nang ilang taon na..?
kaya nga pinutol mo lahat ng communication natin, na kesyo nawalan ka ng phone...
inuna mo pa ang pagpaparetoke, kahit na alam mo na may mga utang ka pa..
pero bagay naman nga sa'yo at sa ugali mo..
mukha ka ng mangkukulam ngayon...
kung may basbas ng mga diyos ang panlalamang mo sa kapwa..
edi put*ng ina mo..
magsama-sama kayo ng mga diyos ninyo...
is feeling , maagnas sana 'yang ilong mo...
>
[Game]
gaano ako kamalas...??
bago ang schedule ko para magbenta ng materials, nasa USD 0.055 ang bentahan ng bawat piraso..
kaso noong dumating na yung araw, bumaba hanggang USD 0.044 ang bentahan..
napilitan na din akong magbenta, kasi dire-diretso ngang paibaba ang trend noon.. 🙁
pero after that ay umakyat na ulit ang presyuhan, at nasa lagpas USD 0.055 na ngayong araw...
is feeling , laging mali basta't ako ang involved...
---o0o---
December 25, 2024...
[Online Marketing]
konting good news bago matapos ang taon..
na-approve naman na yung project kong nabinbin matapos kong i-convert iyon from CBR to PDF...
is feeling , tulungan mo akong mairaos ang nalalabi kong taon dito sa mundo.. ang 2025...
---o0o---
December 26, 2024...
[Gadget-Related]
nag-configure ng CCTV camera nitong maghapon kaya walang nagawa para sa trabaho..
para sa pupunta sa ibang bansa for more than a week...
is feeling , kaso gawa sa Imperyo.. nagamit ko pang pang-testing ang Wi-Fi namin...
-----o0o-----
December 21, 2024...
[Trade]
day 375...
hindi ko in-expect yung mga nangyari recently sa cryptocurrency market..
nagawa ng AST na mag-pump, kaya bakit hindi nagawa ng ARDR..?
nag-crash ang altcoins habang nasa lagpas USD 100,000 pa ang level ng Bitcoin..
kaya naman lalo pa silang nag-crash noong bumagsak na sa level Php 90,000 plus ang Bitcoin..
at bumalik nga ang karamihan sa dati nilang mga level bago ang US Election..
so ano pang mangyayari kapag lalo pang bumaba ang Bitcoin...??
is feeling , kung kikilos lang sana talaga ang ARDR para sagipin ako...
---o0o---
December 22, 2024...
[Trade]
AST na naman pala ang nagawang mag-pump kahapon..
lagpas na naman sa level 120..
USD 244 sana iyon para sa akin... 🙁
samantalang naging dormant ang ARDR simula noong pumasok ako sa kanila..
malamang ay dahil sa maysa-demonyong epekto ng Reverse Midas ko..
ganun naman palagi eh, for the past almost 3 years..
nawawasak ang lahat ng asset na pinapasukan ko..
dahil kailangan kong namnamin ang kamalasan sa araw-araw ng napaka-miserable kong buhay..
mukhang hinihintay lang nila na gumawa ako ng Curse Release para yumaman na ulit ang mga nasa ARDR... 🙁
pumapalo na ngayon sa USD 11,000 ang mga sablay ko simula noong Imperial new year... 🙁
matapos kong magpakawala ng USD 1,973 sa AST simula noong US Election..
at USD 1,136 naman sa ARDR..
mauuwi lang pala ulit ako sa masahol na pagkalugi... 🙁
is feeling , sobrang duming kapalaran...
>
[Trade]
day 376...
9 days left..
kapag walang ginawang pump ang ARDR..
ibig sabihin na matatapos ang maysa-demonyong taon na ito na lugi na naman ako..
lugi noong 2022..
lugi noong 2023..
lugi nitong 2024...
is feeling , sobrang hirap ng perpektong maysa-demonyong buhay...
---o0o---
December 23, 2024...
[Trade]
day 377..
8 days left...
USD 132 na so far ang nare-recover ng BTTC kung pwede ko lang sanang masakyan..
USD 39 pa yung sumunod nilang pump kanina..
USD 128 ang sa LIT..
USD 99 naman para sa ARDR...
kahit sa recovery, pinakamahina ang ARDR nang dahil sa akin... 🙁
is feeling , kaya ng AST.. kaya ng BTTC.. pero bakit ayaw gawin ngayon ng ARDR yung nagagawa nila dati...??
---o0o---
December 24, 2024...
[Trade]
day 378..
7 days left...
September pa noong huling nag-pump ang ARDR..
bukod doon yung naging green na performance nila simula noong US Election, hanggang nitong early December...
kung pwede lang sana akong magising sa isang magandang umaga bukas...
is feeling , ang tanong lang talaga ay gagawin ba nila iyon habang nasa poder nila ako...??
---o0o---
December 25, 2024...
[Trade]
day 379..
6 days left...
hindi magawa ng ARDR na makabalik sa level 120..
samantalang ang AST eh nandun na ulit kaagad...
walang kakayahan na magising sa isang magandang umaga... 🙁
is feeling , pagkawasak lang ang dala ko sa lahat ng bagay...
---o0o---
December 26, 2024...
[Trade]
day 380..
5 days left...
AST na naman ang umakyat..
USD 95 sana iyon para sa akin.. 🙁
ganun din ang LIT..
USD 116 naman ang napakawalan ko sa kanila...
is feeling , kayo na lang parati ang masusuwerte...
>
[Trade]
bumagsak na naman ang ARDR ngayong araw..
konting baba ng Bitcoin, pero ang laki ng nalalagas sa kanila..
dahil lang sa may investment ako sa ARDR... 🙁
March 15, 2022..
iyon ang araw kung kailan nagsimula akong magkandalulugi sa Binance..
sa dami ng nasaksihan kong pump for almost 3 years, ni isa wala akong nasakyan..
at sa halip nga eh paulit-ulit pa sa pagbaba ang pondo ko... 🙁
is feeling , napaka-brutal ng unti-unting katapusan na pinaparanas sa akin ng mga makapangyarihan...
---o0o---
December 27, 2024...
[Trade]
day 381..
4 days left...
nagawa ulit na mag-pump ng AST..
nang paulit-ulit pa..
USD 53 sa una nilang pump..
USD 67 sa ikalawa..
USD 38 sa ikatlo..
total ng USD 158 sa loob lamang ng halos 1 araw... 🙁
is feeling , ayaw talagang tumigil ng kamalasan na dala-dala ko...
No comments:
Post a Comment