Loveless Story
December 8, 2024...
[TV Series]
ang loko na naman ng ABS-CBN..
inilipat sa mas gabing time slot ang Taxi Driver.. 🙁
maganda pa naman 'yon..
ang paglaban sa masasamang tao...
no choice..
aagahan ko na lang ang tulog ko..
tuwing umaga na lang ako manonood..
at sana maabutan ko sila palagi sa YouTube bago mag-reset yung online live nila...
is feeling , ayos na eh, kaso ginulo pa...
---o0o---
December 10, 2024...
[TV Series]
terrible news..
buhay pa naman yung previous online live ng ABS-CBN sa YouTube the following day..
kaso ang problema..?
iba yung ibang videos para sa ibang time slot..
hindi katulad sa programming ng Kapamilya Channel..
at wala yung Taxi Driver... 🙁
ibig sabihin..?
walang kuwenta ang YouTube ng ABS-CBN..
ang ganda pa naman ng dubbing nila..
pahirapan na naman tuloy..
maghahanap pa kung saan ko pwedeng tapusin ang Season 1, nang libre..
at magbabasa na naman English sub... 🙁
is feeling , bakit ba lahat sa buhay ko ay wasak...??
---o0o---
December 11, 2024...
[TV Series]
libre naman palang manood sa Viu..
di tulad sa ibang subscription platform...
ang problema lang..?
nanonood ako ng Taxi Driver noon sa oras na patay na ang computer ko, bago ako matulog..
pero ngayon eh kailangan kong magsingit ng 16 episodes pa sa paggamit ko ng computer...
is feeling , salamat pa rin.. mas maaasahan kayo kumpara sa ABS-CBN...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2025
December 12, 2024...
Creamline versus Zus..
afternoon match, tapos weekday pa, kaya konti lang ang live audience..
pero nagdatingan din naman ang marami pang manonood during their match..
wala pa rin si Caloy sa lineup...
ang last game nila for this year..
tapos after more than 1 month pa bago ulit sila lumaban...
Set 1, Bernardo starts for Panaga kaya balik Middle Blocker siya, Galanza-Gumabao-Pons triangle muna, una silang nakaagwat, nakapagbigay tuloy sila ng time para sa bench nila, pero ibinalik din ang mga starter dahil nagkalat sila, at nagawa naman ng Creamline na maitawid yung set dahil sa kanilang 16 attacks kontra sa kanilang 9 errors..
Set 2, Baldo for Pons at maganda ang naging performance niya, una pa rin silang nakaagwat, pero nakadikit ang Zus sa bandang dulo at na-extend pa yung set, at nagawa nga ng Zus na maagaw yung set sa tulong ng 12 huge errors ng Creamline..
Set 3, Pons for Galanza naman, unang nakalamang ang Zus this time, naging palitan ng kalamangan sa bandang kalagitnaan, hanggang sa mas na-activate pa si Baldo upang maghabol, Galanza for Baldo sa likod at na-extend din nila yung set, at nakaganti nga sila ng pang-aagaw ng set mula sa Zus dahil sa kanilang 3 service aces..
Set 4, Galanza-Gumabao-Pons triangle na ulit, maagang nakalamang ang Zus dahil sa kanilang blocking, ilang beses na nakahabol ang Creamline kaso ay nagkakalat din sila, nanaig ang Zus dahil sa kanilang 15 attacks and 4 kill blocks..
Set 5, habol nang habol ang Creamline sa Zus, at nagawa nga nilang mang-agaw ulit ng set mula sa Zus...
3-2, panalo ang Creamline..
Player of the Game si Baldo in just 2 sets, with 17 points from 16 attacks and 1 kill block..
nakakatakot din nga ang Zus kapag activated ang parehas na blocking at floor defense nila...
is feeling , nagpakaba na naman dahil sa errors nila.. pero salamat at iniraos ninyo yung match team.. para kina Morado at Galanza...
-----o0o-----
December 7, 2024...
[Trade]
day 361...
sablay na naman ako sa BTTC..
USD 31 ang napakawalan ko mula sa bottom nila kagabi, hanggang sa peak nila nitong pagkagising ko ngayong umaga... 🙁
malala na talaga..
USD 10,000 worth ng opportunities na yung napapakawalan ko simula noong Imperial New Year... 🙁
is feeling , kailangan ko ng 20% correction para makapasok ako sa trading...
---o0o---
December 8, 2024...
[Trade]
day 362...
gumawa ng quick short pump ang BTTC..
USD 21 din sana iyon para sa akin... 🙁
is feeling , mag-crash na lang kayo.. at least 20% correction...
---o0o---
December 9, 2024...
[Trade]
day 363...
magulo ang galaw ng market ngayong naglalaro ang Bitcoin above and below USD 100,000...
kaya naman pumasok na muna ako sa savings..
testing lang..
para ma-check ko bukas kung magkano ang interes ng lagpas USD 500 na pondo...
is feeling , ngayon kayo mag-crash nang husto.. 40% correction.. USD 60,000 na ulit...
>
[Trade]
ayun nga..
kung kailan talaga ako pumasok sa savings..
eh saka naman nag-dip ang market...
pumasok naman sa safe zone ang AST at ARDR..
pero bago iyon ay nakagawa pa ng USD 74 na pump ang AST, dahilan kaya hindi din sila bumaba nang husto.. 🙁
at USD 28 naman para sa LIT...
is feeling , sige lang, mag-crash lang kayo habang nasa savings pa ako.. magtuluy-tuloy lang kayo hanggang 20 to 40% correction.. mas malalim, mas mabuti...
---o0o---
December 10, 2024...
[Trade]
day 364...
anomaly pa rin..
this time eh hanggang USD 94,000 plus lang ang ibinaba ng Bitcoin, as compared kamakailan na USD 90,500..
pero mas malalim ang naging dip ng ibang mga asset..
sa kanila nangyari yung 20% correction na hinahangad ko para sa Bitcoin..
maganda sana yung naging mga bottom ng LIT, BTTC, at ARDR..
kaso kinailangan ko pang maghintay ng after 8:10 AM para hindi naman masayang ang ginawa ko sa savings...
regarding sa savings..?
USD 6.80 ang interes after every 100 days..
mas malaki kumpara sa bangko, kaso mabagal pa rin kung para sa recovery mission..
bukod doon, eh hindi sigurado kung magiging consistent ang interest rate...
is feeling , level 160 pump na, BTTC...
>
[Trade]
so pumasok na muna ako sa BTTC..
susugal na ulit sa poder nila..
pero naulit pa rin talaga ang kamalasan para sa akin..
ang kamalasan na palaging nangyayari sa akin..
dahil pumasok na ako sa trade..
sa halip na mag-recover na ang market, tulad ng madalas nilang gawin..
eh muli silang bumaba para lumayo sa entry point ko... 🙁
pasok sa level 130..
tapos ibinagsak pa sa level 122... 🙁
is feeling , pump naman hanggang level 160, pakiusap...
---o0o---
December 11, 2024...
[Trade]
day 365..
1 taon na simula nang makulong ako sa mga pagkalugi matapos kong maka-recover hanggang USD 535...
may chance sana kagabi para maka-exit nang may USD 10 na patubo, bago muling pumasok sa mas mababang entry point..
pero sa mismong oras na sinubukan kong magbenta ay nag-crash na ulit ang market..
tama sana yung prediction ko na bababa ang BTTC hanggang level 120, kaso ay hindi nga ako nakatakas dahil sa taglay kong kamalasan.. 🙁
USD 42 yung nagawang recovery ng BTTC mula sa bottom nila kahapon..
USD 80 ang sa LIT..
USD 43 ang sa ARDR..
USD 31 ang sa AST..
pero wala nga akong napakinabangan sa mga recovery na iyon...
is feeling , kamalasan lang talaga ang dala-dala ko...
>
[Trade]
palagim nang palagim ang mga pangyayari dahil nga pumasok na ulit ako sa trading..
ngayong umaga, may pagkakataon sana akong maka-exit sa level 127 kung nakapagbenta lang ako kagabi at nakapasok sa level 120..
kaso nagsimula nga ang mga panibagong kamalasan noong sinubukan ko nang magbenta... 🙁
kung dati, binabastos lang ng ibang asset ang bawat pagbaba ng Bitcoin..
ngayong nasa trading na ako ulit, eh 10 level ang ibinababa nila sa bawat USD 1,000 na nalalagas sa Bitcoin... 🙁
USD 35 ang napakawalan ko sa BTTC.. 🙁
USD 56 sa LIT..
USD 44 sa ARDR..
USD 39 sa AST...
simula umaga ay paakyat naman ang general na direksyon ng Bitcoin..
sumasabay sa kanila ang AST at LIT..
pero sa kung anong mala-demonyong dahilan ay naka-reverse ang graph ng BTTC at ARDR..
malamang ay dahil na naman sa akin, ang maysa-demonyong tagapagpabagsak ng mga asset... 🙁
is feeling , 1 taon na.. pakiusap, 25% pump naman para sa BTTC...
---o0o---
December 12, 2024...
[Trade]
day 366...
noong isang gabi, sumablay nga ako sa pag-exit sa BTTC..
tapos sumablay din ako kagabi..
USD 14 sana iyon na exit sa level 134 bago bumaba ulit ang palitan sa level 130.. 🙁
umaga na nang maka-exit ako sa panibagong pag-akyat nila nang may USD 21 na nare-recover..
kinapos lang ako ng USD 7 sa bentahan...
USD 66 naman ang na-recover ng AST hanggang kagabi...
is feeling , baba muna, BTTC...
>
[Trade]
ayun..
dapat nga eh naka-exit ako kagabi..
tapos yung sumunod na baba ng BTTC sa level 130 ang magagamit ko para sa susunod na pump..
kaso ay hindi nga ganun ang nangyari... 🙁
wala akong mapasukan dahil kaagad na naka-recover din ang iba pang assets kasabay ng recovery ng BTTC..
hindi naman ako makasugal sa USUAL dahil hindi malinaw kung kailan iri-release ang full supply nila...
USD 36 sana para sa akin yung sumunod na akyat ng BTTC.. 🙁
USD 97 yung total ng naakyat ng ARDR..
USD 88 naman para sa LIT...
is feeling , baba muna ulit...
---o0o---
December 13, 2024...
[Trade]
day 367...
USD 21 yung karagdagan pang nagawa ng BTTC kagabi... 🙁
nag-pump naman ang AST ngayong araw..
USD 206 sana iyon para sa akin noong umaga..
USD 107 yung sumunod nilang pump..
USD 92 sa ikatlong pag-akyat nila..
total ng USD 405 hanggang sa mga oras na ito... 🙁
is feeling , nasayang na USD 405 sa loob lamang ng isang araw...
No comments:
Post a Comment