Loveless Story
November 24, 2024...
yung 1 dekada na pala ako sa Adsense..
pero lagpas Php 15,000 pa lang ang kinikita ko..
payaso lang talaga ang level... 🙁
is feeling , pero okay lang.. ang extra ay extra...
---o0o---
November 25, 2024...
[Scam]
ayun..
so scam na nga talaga ang modus ngayon ng Globe Telecom.. 🙁
base sa 5th call center agent na nakausap ko ngayong araw...
lumalabas na kahit naka-bundle ang landline sa mga dati nilang broadband plan..
dahil sa bagong policy daw nila nito lang May 2024, eh hindi na magiging saklaw ng maintenance service nila yung landline after ng 2-year lock-in period..
ibig sabihin..?
useless nang magpa-reconnect din ng landline, na may bayad..
kasi after every 2 years eh pwede silang gumawa ng kababalaghan para ma-disconnect yung landline, para maningil na naman ng reconnection fee..
dahil kayang-kaya naman nilang putulin ang authorization ng mga landline remotely...
walang kuwenta ang ilang dekada naming pag-subscribe sa Globe... 🙁
is ⚠ feeling , bundle scam...
---o0o---
November 26, 2024...
matapos ang maraming buwan..
ni-reactivate na ulit ni Attendant Ry ang Imperial platform niya..
ilang araw na rin simula noon..
tapos ginawa pa niyang public ulit ngayong araw...
matagal-tagal na rin ulit siyang hindi nagpapakita..
simula noong sinabi ng stalker niya na napag-uusapan daw nila ang tungkol sa out-of-town na lakad..
although sinabi naman ng management nila na active pa rin siya...
is feeling , update...
---o0o---
November 27, 2024...
[Strange Dream]
hindi ko na maalala kung paano nagsimula yung panaginip ko..
basta sa isang classroom nagsimula yung main plot...
nilapitan daw ako ng ka-batchmate kong lalaki from elementary..
nasa parang computer room kami from my college days naman..
sinabihan daw niya ako na kailangan naming mag-present ng report sa klase according sa isang instructor namin..
kaya naman d-in-iscuss daw namin kung ano ang mga kailangan naming gawin...
konting fast forward..
gabi na daw noon..
nasa parang isang bahay na ang setting..
pero mga estudyante pa din naman ang nasa paligid..
hanggang sa may dumating daw na grupo ng mga kababaihan..
nasurpresa na lang ako na niyakap na ako ni Miss B mula sa aking likuran, bukod pa sa may babae din na naupo sa may harapan ko..
nakita ko na lumapit din naman yung ibang mga babae sa iba pang mga estudyante doon sa venue na iyon..
maging sa batchmate ko ay may tumabi din, pero nakatingin siya sa akin that time...
nagsimula daw na mas maglambing pa sa akin si Miss B..
bukod sa yakap, eh paulit-ulit na daw niya akong hinahalikan sa aking kanang pisngi..
hanggang sa gumaganti na din daw ako ng halik sa kanyang pisngi din..
parang go with the flow lang kung anong sunod na mangyayari..
hanggang sa nagsalita na daw yung batchmate ko at ipinaalala sa akin na maaga daw dapat ang gising ko kinabukasan...
kaagad ngang nawasak yung eksena..
palay na ang lumapit sa manok, pero naging bato pa..
sa mga sumunod na eksena ay nagdi-discuss na daw kami kung anu-ano pa yung mga nadagdag sa reporting namin..
at nasurpresa at na-stress daw ako na biglang dumami na yung coverage..
eh gabing-gabi na noon pero ni wala pa akong nababasa tungkol sa kailangan naming i-report..
madami pang nangyari after that na mga wala ng kuwentang eksena..
hanggang sa umuwi na daw kami ng biological mother ko sa tinutuluyan naming lugar sa panaginip ko...
is feeling , siguro dahil sa paghahangad ko na makatrabaho yung mamahalin na athletic na attendant na kahawig ni Miss B...??
---o0o---
November 30, 2024...
yung pahayag dati ng pinuno ng MTRCB tungkol sa isang movie...
nakakatawa lang talaga ang sangkatauhan..
so naniniwala sila na nilikha ng diyos ang mga demonyo..
naniniwala sila na ka-level ng kapangyarihan ng mga demonyo ang sa mga diyos, kaya nga hindi nila natatanong kung bakit hindi pwedeng burahin ang kasamaan..
naniniwala sila na lahat ng kasamaan ng tao ay pwedeng patawarin ng diyos..
na pwedeng gumawa lang nang gumawa ng kasamaan basta ba seryosong hihingi ng tawad sa bandang huli..
kung parehas lang silang nilikha ng diyos..?
eh bakit hindi naniniwala ang mga tao na pwede ding magbago ang mga demonyo at humingi ng tawad...??
is 💀 feeling , Yin and Yang are one...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2025
November 23, 2024...
Creamline versus Akari..
nasa Ilocos Sur sila, at madaming lokal ang nanood nang live..
hindi na naman lalaban si Domingo...
Set 1, wala muna si Soltones sa Akari, Gumabao-Galanza-Pons triangle muna ulit, maagang nakaagwat ang Creamline, Caloy sa double substitution, kaso naghabol ang Akari at na-extend pa yung set, pero nanaig pa rin ang Creamline dahil sa kanilang 16 attacks and 2 service aces..
Set 2, Baldo-Caloy-Pons triangle naman, una ulit nakaagwat ang Creamline, nag-bench time na sila sa bandang dulo, nakuha nila yung set dahil sa kanilang 15 attacks plus 9 big errors ng Akari..
Set 3, Gumabao-Galanza-Pons triangle na ulit, bandang kalagitnaan nang nakaagwat na ang Creamline, sumabog na si BDL sa Set 3, Soriano for BDL sa bandang dulo at maging siya ay nag-contribute din para tapusin na yung match...
3-0, panalo ang Creamline...
is feeling , salamat team para sa magandang palabas sa Ilocos.. para kina Morado at Galanza...
-----o0o-----
November 23, 2024...
[Trade]
day 347...
kakaiba na naman ang galaw ng market..
kahit bumababa ang Bitcoin, eh patuloy lang sa pag-akyat ang mga altcoin.. 🙁
kapag mabagal ang pagbaba ng Bitcoin eh hindi sila sumasabay...
di na naman ako nakapasok sa AST..
USD 32 kaagad ang napakawalan ko sa pag-akyat nila nitong umaga...
is feeling , baba muna.. hanggang level 75...
---o0o---
November 24, 2024...
[Trade]
dahil mataas-taas na ulit ang pondo ko..
at dahil inalis ko muna noon sa USDT yung savings ko, matapos na hindi mag-interes sa loob ng maraming linggo..
eh nag-decide ako na subukang bumalik sa savings..
walang kita noon yung mahigit sa USD 10 lang, kaya naman sinubukan kong ibalik sa USD 20 ang patabi kong asset this time..
at gumana nga..
after 24 hours ay may nakuha na kaagad ako na interes...
Php 1.00 for every 10 days...
is feeling , umaabot na sa USD 60 ang pondo ko para sa savings dahil malaki na ang tubo ko sa kakaunti kong BNB noon...
>
[Trade]
day 348...
bumaba pa sa USD 97,000 level ang Bitcoin..
pero patuloy pa rin sa pagtaas ang ibang assets..
kahit pa hindi naman tumataas ang mga trading volume nila...
lumayo na nang tuluyan sa akin ang LIT..
nananatili naman sa mataas na level 900 plus ang ARDR..
samantalang ayaw din talagang bumaba nang husto ng AST..
USD 25 yung latest kong napakawalan sa kanila kagabi..
USD 52 naman para sa ginawa nilang pag-akyat ngayong araw..
total ng USD 77... 🙁
umaabot na ngayon sa USD 9,000 ang mga na-miss kong chance simula noong Imperial New Year... 🙁
is feeling , last day para sa safe trading.. Bitcoin, bumagsak ka na hanggang sa level USD 70,000...
---o0o---
November 25, 2024...
[Trade]
day 349...
gaguhan na talaga..
kagabi, sumabay naman sila sa pagbagsak ng Bitcoin hanggang level USD 95,000..
pero sa kung anong kalokohan ay umakyat na naman sila habang nasa mababang level pa rin ang Bitcoin..
hanggang sa umakyat na rin ulit ang Bitcoin ngayong umaga...
10 level nang 10 level ang inaakyat ng AST at LIT simula noong araw na mag-exit ako sa trade..
USD 51 ang napakawalan ko sa AST sa pag-akyat nila simula kagabi...
is feeling , 25th na, mag-crash na kayong lahat...
>
[Trade]
gumawa ng pump ang ARDR habang medyo bumababa ang AST..
wala na, nagawa na rin nila..
inabot na nila yung usual kong target sa kanila na level 1200..
target na hinding-hindi ko pa nae-experience.. 🙁
at least 20% increase sana iyon para sa akin mula sa level 970..
USD 110 ang napakawalan ko dahil dun..
USD 37 sa ikalawang akyat nila..
USD 37 din sa ikatlong akyat..
total ng USD 184 hanggang sa mga oras na ito... 🙁
ibig sabihin..?
3 50% recovery na yung napapakawalan ko sa AST at ARDR simula lang noong October... 🙁
is feeling , wala talaga akong mapakinabangan.. mag-crash na kayong lahat...
---o0o---
November 26, 2024...
[Trade]
nagbenta na muna ng BNB..
nasa USD 15 na di kasi yung patubo ko mula sa USD 25 lang na pondo..
maghihintay na lang ulit na bumaba sa USD 500 level ang BNB...
is feeling , market, baba na muna...
>
[Trade]
day 350...
bumaba ang Bitcoin hanggang level USD 92,000 naman this time..
pero wala pa din silang masyadong hila sa ibang assets..
gumawa pa nga ng immediate pump ngayong umaga ang ARDR..
lagpas na naman sa level 1200..
USD 37 na naman sana iyon para sa akin..
USD 61 sa sumunod na akyat nila matapos na mag-dip..
total ng USD 98 ngayong araw... 🙁
sa AST naman eh USD 24 ang nagawang recovery kanina...
is feeling , sige na, Bitcoin.. wasakin mo na silang lahat...
---o0o---
November 27, 2024...
[Trade]
day 351...
bumaba pa below USD 91,000 ang Bitcoin..
pero talagang bastos na 'tong mga altcoin ngayon... 🙁
USD 33 ang napakawalan ko sa ARDR...
USD 30 naman ang napakawalan ko sa AST..
USD 39 naman sa akyat nila hanggang sa mga oras na ito..
so total ng USD 69... 🙁
is feeling , nagtaas na muna ng bid...
---o0o---
November 28, 2024...
[Trade]
na-scam ako ng market..
yung trend nila noong nasa USD 60,000 to 70,000 na range pa ang Bitcoin..
yung malagim na hila sa kanila sa tuwing may Bitcoin dip..
yung ganung trend nila hanggang around 2 weeks after ng US Election..
lahat ng iyon nagbago noong huling beses na nag-dip ang AST below level 80..
naloko nila ako na mauulit pa yung mga dating trend...
kaya naman ngayon..?
wala na lahat ng 50% chance ko..
wala na kahit ang mga 25% chance ko... 🙁
is feeling , mag-crash na kayong lahat kapag naabot ng Bitcoin ang USD 100,000 level...
>
[Trade]
day 352...
wala na..
umakyat na ulit ang Bitcoin..
wala na ngang hila sa mga altcoin yung dip nila, tapos eh nagbu-boost pa sila ngayon sa ibang assets..
inabot ng ARDR yung usual target peak nila na level 1200 nang basta-basta na lang..
ganun din ang AST na parang easy-easy na lang yung level 100..
dahil dun eh wala ng natira sa safe range ko... 🙁
USD 54 ang napakawalan ko sa ARDR dahil sa naging pag-akyat nila... 🙁
kahit sa BNB..
sa halip na nakabili ako sa mas murang palitan..
eh heto at nakadikit na ulit sila sa selling point ko...
is feeling , maawa na kayo sa akin.. mag-crash naman kayo gaya ng dati...
---o0o---
November 29, 2024...
[Trade]
day 353...
pataas na naman silang lahat..
talagang iniiwasan lang nila ako... 🙁
USD 27 ang napakawalan ko sa akyat ng AST from level 101 to 107..
matagal na nga silang umiwas sa target ko na level 80..
tapos ayaw na rin nilang bumaba ngayon sa level 90 man lamang..
tapos may sumunod pang USD 35 at hindi pa din sila natigil sa mga oras na ito..
total ng USD 62... 🙁
is feeling , mga traydor kayo.. mag-crash sana kayong lahat...
No comments:
Post a Comment