Saturday, November 23, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of November 2024 (Still Wasting the Green)

Loveless Story


November 17, 2024...

[Scam]

ewan ko..
hindi ko na alam kung ano pang paniniwalaan ko sa Globe..
so kumausap ako ng 4th agent ngayong araw..
at entitled pa rin naman daw kami sa free local landline calls..
walang babayaran na kahit na ano..
at ini-schedule lang for repair, again...

sana nga ay dito na magwakas ang kamalasan na ito..
sana ay maayos na nitong 4th agent ang naging problema namin sa landline...

is feeling , mahirap talagang kausap ang mga call center agent...


>
araw na naman ng paniningil ng utang..
after 25 months na walang ibinabayad yung p*ta..
after 43 months ng mga utang niya...

teka..
yung mga baggage..?
posible kaya na nasa Middle East na siya ngayon..??
simula nitong last week ng October...?

is feeling , sana lang nag-iipon nga siya ng pambayad para sa akin...

---o0o---


November 23, 2024...

[TV Series]

akala ko makakakuha na ako ng additional na 1 oras ng tulog dahil natapos na ang Pamilya Sagrado..
kaso..
nakakalibang panoorin yung Taxi Driver na banatan lahat ng mga demonyong tao na mapang-abuso laban sa kapwa nila..
mga mapang-abuso na hindi naman pinarurusahan ng mga awtoridad...

is feeling , makatotohanan...

-----o0o-----


[V-League]


PVL All-Filipino Conference 2025


November 16, 2024...

Creamline versus Angels..
ang daming live audience..
wala muna daw si Caloy dahil sa minor injury..
at nagpaalam na nga ang Creamline kay Sato, kaya wala ng makulit na Japanese sa team nila...

siyempre wala na ang Import na si Staunton..
sa Finland siya naglalaro sa ngayon, para sa Oriveden Ponnistus o OrPo..
kaso ay hindi gaanong kalalakas ang teammates niya...

Set 1, Gumabao, Pons, at Galanza muna para sa Creamline, dikitan ang laban sa simula, habol nang habol ang Angels, ipinasok pa si Baldo sa bandang dulo, at nagawa namang makawala ng Creamline sa pagdikit ng Angels dahil sa kanilang 15 attacks, 3 kill blocks, and 3 service aces..
Set 2, nagawang makaagwat ng Creamline, ipinasok ng Angels sina Pablo at Dacoron, Baldo for Pons, naghabol ang Angels sa bandang dulo kaso ay namigay sila ng 11 huge errors para sa Creamline..
Set 3, Sabete for Pablo, Baldo for Pons, nagkaroon ng palitan ng kalamangan pero di na nakaulit pa ang Angels, nag-bench time na ang Creamline sa bandang dulo at maganda ang naging performance ni Bernardo para tapusin na ang match...

3-0, panalo ang Creamline..
Player of the Game si Galanza with 13 points from 10 attacks, 1 kill block, and 2 service aces...

is  feeling , Domo Arigato Gozaimasu, Sato-san.. salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----


November 16, 2024...

[Trade]

day 340...

palpak pa rin..
dahil wala na ako sa trade, eh ayaw na ngayon ng AST na bumaba sa level 80..
hindi na sila mahila nang husto ng Bitcoin dip this time..
malamang na trap na naman ito laban sa akin, para bumili ako sa mataas na palitan, at saka ulit sila babagsak hanggang level 70 plus..
USD 26 kaagad ang napakawalan ko dahil sa pump nila from level 83 to 88...

is feeling , ARDR, pump naman hanggang level 1100...


>
[Trade]

umangat na rin kaagad ulit ang ARDR..
mula sa nakakatakot na level 90..
USD 50 kaagad sana para sa akin yung unang pump nila...

sa pagpasok ko sa ARDR ay anomaly kaagad ang sumalubong sa akin..
sumugal ako sa ARDR sa mataas na level dahil may malakihang trader sila..
pero sa kung anong dahilan ay biglang nawala yung supply niya matapos akong makabili..
na para bang alam nila na nag-invest na ako sa maling entry point, kaya naman mission complete na..
at bumaba na nga ang palitan ng ARDR matapos iyon..
simula noong nakapasok ako sa kanila eh hindi pa ulit nila naaabot ang entry point ko...

is feeling , ARDR, huwag nyo 'tong gawing trap laban sa akin.. mag-pump kayo hanggang level 1100...

---o0o---


November 17, 2024...

[Trade]

missed opportunity sa AXS..
USD 4.40 ang naging lowest nila bago nag-green ang market..
sa USD 6 na palitan ay kumita sana yung USD 100 na pondo ko sa Ronin ng aabot sa USD 36...

anyway..
nagpapalit na rin nga ako ngayong araw nung mga latest kong nakuha na AXS..
yung mga SLP eh noong isang araw ko pa napapalitan..
hindi pa tapos ang Off-Season 10, pero umaabot na sa USD 15 ang naiipon ko...

is feeling , sayang na naman...


>
[Trade]

day 341...

malas talaga..
bakit ba ganito kaperpekto ang taglay kong kamalasan..?
sa tuwing bumibili ako sa mahal na presyo, bigla na lang bumabagsak ang palitan..
pero sa tuwing gusto kong bumili ng mura, eh hinding-hindi naman nababa ang palitan... 🙁

ayun nga..
parehas nang nasa mataas na palitan ang AST at ARDR..
umangat na ang ARDR kagabi matapos akong mawala sa poder nila..
nakabenta lang ako nang may USD 2 na patubo..
kaya naman wala na akong mapasukan sa kanilang 2 ngayon..
lahat na lang eh trap para malugi o di kaya ay para mapatalsik ako mula sa trading... 🙁

USD 23 ang napakawalan ko sa akyat ng ARDR from level 950 to 1000..
USD 26 naman yung sa level 84 to 89 ng AST... 🙁

is feeling , 8 days left...

---o0o---


November 18, 2024...

[Trade]

day 342...

gabi kahapon nang nag-pump ang AST..
level 84 to 95, so USD 59 sana iyon para sa akin.. 🙁
matapos iyon ay nag-dip ang market..
kaso ay kapos pa rin para sa gusto kong entry point...

is feeling , ano ba 'tong nangyayari sa walang kuwenta kong buhay...??


>
[Trade]

maysa-demonyo pa rin talaga..
nagbago ang trend ng market noong ma-scam nila ako na bumababa sila..
dahil matapos kong lumabas sa trade eh ayaw nang bumaba ng mga asset sa bawat safe zone nila..
nag-a-adjust ang peak at bottom nila depende kung nasaan ako... 🙁

is feeling , 7 days left bago ang correction...

---o0o---


November 19, 2024...

[Trade]

day 343..
wala eh..
iniiwasan talaga nila ang buying point ko... 🙁

level 83 to 89 sa AST, so USD 32 sana iyon para sa akin..
level 940 to 990 naman sa ARDR, so USD 23 sana para sa akin..
kaso level 80 ang matagal ko ng tawad sa AST... 🙁

USD 487 ang huli kong level bago ako nalugi sa ikatlong pagkakataon..
galing sa USD 637 sa simula..
tapos USD 535 sa unang pagkalugi..
parang sinasadya ng basurang FATE na hindi ko talaga mabalikan ang mga dati kong level... 🙁

is feeling , 6 days left.. more than 2 years sa pagkalugi.. wala talaga akong kuwenta...

---o0o---


November 20, 2024...

[Trade]

day 344...

patuloy lang sa pag-angat ang lahat..
level 86 to 92 para sa AST, so USD 31 sana para sa akin..
hapon ng gumawa sila ng big pump, lagpas pa sa target ko na level 100..
USD 180 sana para sa akin yung quick pump nila lagpas sa level 120..
USD 14 Million na trading volume lang pero na-pump nila yung asset nang ganung kataas...

is feeling , sablay talaga ako...


>
[Trade]

sinusubukan kong mag-trade sa LIT dahil hindi ko mapasukan ang AST at ARDR..
sa bawat 1 level kasi na angat ng LIT ay USD 7 ang katumbas para sa akin..
ang mga na-miss ko sa kanila..?
USD 7..
USD 7..
USD 7..
USD 7..
total ng USD 28... 🙁

is feeling , talagang nagtatapon ako ng mga USD 20 sa bawat araw...

---o0o---


November 21, 2024...

[Trade]

day 345...

kagabi..
dahil sa nagawa ng AST, eh nag-decide ako na pumasok sa ARDR..
para sumugal din sa level 1200 na pump..
kaso ilang oras pa lang ang nakalilipas at pumalpak na kaagad ako..
may chance sana na maka-exit nang may USD 7 na dagdag sa pondo, bago bumalik ulit sa trade sa kaparehas na entry point..
kaso huli na eh... 🙁

madaling araw nang nasaksihan ko na mas mababa na sa entry point ko ang ARDR..
sa halip na gumawa ng big pump tulad sa ginawa ng AST..
kaya naman pagkagising ko nitong umaga ay nagbenta na ako nang may USD 3 lang na patubo..
matapos iyon ay pumasok na lang ako sa AST sa level 82..
kaso ganun din ang nangyari..
USD 5 na chance hanggang level 83 yung napakawalan ko bago nag-dip ang AST hanggang level 81 naman...

is feeling , AST, laban ulit.. hanggang level 100...


>
[Trade]

umaga pa lang eh puros problema na nga..
kung dati ay ayaw akong papasukin ng mga asset noong bumibili ako ng mura..
ngayon namang nakakapasok na ako sa mga asset sa matataas na palitan, eh bagsak na ulit sila nang bagsak sa mga dati nilang level..
kahit pa nasa mas mataas na level na ang Bitcoin..
mas bumaba pa mula sa level 81 ang AST..
umabot pa sila hanggang level 79 ngayong araw...

is feeling , bakit wala yung mga gumagawa ng sudden pump sa tuwing nasa loob ako ng asset...??

---o0o---


November 22, 2024...

[Trade]

day 346...

kagabi..
walang malakas na pump para sa AST..
kaya naman nag-exit na ako matapos na maka-5 akyat ng level from 82 to 87..
USD 27 ang na-recover ko dahil dun..
USD 21 ang napakawalan ko sa unang akyat nila... 🙁

madaling araw naman..
USD 20 yung napakawalan kong pagkakataon sa LIT.. 🙁
tapos short pa ulit ang bid ko para makabalik sa AST...

is feeling , nakabalik na ako sa level USD 487.. yung level bago ako nalugi dahil sa pagbabantay ko sa pasyente sa ospital...


>
[Trade]

hindi 'to maganda..
hindi na ulit ako nakapasok sa alin mang asset ngayong araw..
level 82 ang bid ko sa AST, pero hanggang level 82.6 lang ang ibinaba nila bago ulit sila umakyat..
USD 33 sana iyon para sa akin... 🙁

umaabot na sa USD 1,038 ang napapakawalan kong pagkakataon sa AST at ARDR simula noong US Election... 🙁

is feeling , hindi pala last 3 days.. bale last 2 days na lang para makapag-trade safely...


No comments:

Post a Comment