Saturday, November 16, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of November 2024 (Wasting the Green)

Loveless Story


November 9, 2024...

[Climate Change]

wala talagang kuwenta ang sangkatauhan.. 🙁
walang kakayahan na matuto...

malala na nga ang problema sa Climate Change..
sobrang obvious na nga eh..
pero pati mga kabataan sa panahon ngayon eh gusto na rin nilang umasa sa paggamit ng petrolyo..
o di kaya ay kuryente..
at mag-emit nang mag-emit ng polusyon..
bakit hindi na lang bike ang ibili nila para sa mga bata..?
para na rin maging fit naman sila sa kanilang paglaki...

bakit nila kailangan na turuan ang mga bata na mas lalo pang wasakin ang kalikasan at such an early age...?? 🙁

matatalino lang ang mga tao pagdating sa mga bagay na ikasisiya nila..
pero wala silang pakialam para sa kalikasan... 🙁

is feeling , tapos panay ang reklamo sa mala-delubyong apekto ng mga pagbabago sa klima...

---o0o---


November 11, 2024...

[Game]

uy, nag-convert na ng prize ang LazLand..
from voucher with expiration ay ginawa na rin nilang LazRewards..
hindi na masamang mag-grind doon ngayon...

is feeling , para sa libreng nuts...

---o0o---


November 14, 2024...

[Lottery]

grabe talaga ang pasugalan nila..
halos 2 weeks pa lang ang nakakalipas matapos nilang palobohin ang mga jackpot prize..
kesyo dahil daw sa anniversary nila..
pero kagaya noong huling beses nilang ginawa iyon..
eh heto at 3 na kaagad sa mga jackpot prize ang nakukuha... 🙁

is feeling , mukhang panalo na naman ang tatakbo sa halalan...??

---o0o---


November 15, 2024...

[Lottery]

at ayun na nga..
kasasabi ko lang kahapon na 3 jackpot prize na kaagad yung napanalunan..
pero kagabi eh may nakakuha na rin kaagad doon sa 1 pa..
kaya naman 1 pinalobong anniversary jackpot prize na lang ang natitira...

is feeling , congratulations sa mga tatakbo sa halalan...??

-----o0o-----


November 9, 2024...

[Trade]

day 333...

USD 13 yung additional kong na-miss sa AST kagabi..
USD 30 naman ngayong araw..
total ng USD 43 hanggang sa mga oras na ito... 🙁

is feeling , investors, pumasok naman kayo sa AST.. huwag kayong marumi sa AST dahil lang nasa poder nila ako...

---o0o---


November 10, 2024...

[Trade]

day 334...

karagdagang USD 8 na sablay bago ulit bumaba sa panibago nilang bottom na level 82..
umaabot na sa USD 99 ang nasasayang kong pagkakataon sa AST simula noong nag-green na ang market...

after lunch ay nag-decide na akong magbenta ng AST..
wala kasing nangyayari na quick pump..
at sayang naman yung level 87 kung bababa lang ulit..
kaya nakabenta nga ako ng USD 33..
aasa na bababa ulit ang AST..
dahil matatalo ako kung saka ulit sila gagawa ng level 100 o 120 na pump, habang wala na ako sa poder nila...

is feeling , baba muna ulit, AST...


>
[Trade]

ayun..
kinapos nga ang sakay ko sa AST..
bumagal sa pag-akyat ang Bitcoin, kaso nagpatuloy pa rin sa pag-akyat yung ibang assets..
kinulang ako ng USD 18 kumpara sa naabot ng AST...

NEIRO na naman ulit ang maganda ang performance..
lagpas 100% na yung nare-recover nila simula noong US Election..
USD 507 sana iyon para sa akin hanggang 5:00 PM ngayong araw...

biglang tumaas naman ang recovery ng ARDR kumpara sa AST..
USD 63 sana iyon para sa akin hanggang nitong 5:00 PM din...

is feeling , bakit pumalpak na naman ako nang ganito..? AST, baba muna, please...


>
[Trade]

gabi..
pumasok ako sa ARDR dahil lagpas USD 20 Million na ang nadagdag sa trading volume nila..
kaso pagpasok ko sa level 940, eh kaagad naman silang bumaba sa level below 910... 🙁

safe point siya kung tutuusin..
dahil madami namang historical level ang ARDR sa itaas nun..
yun nga lang, mas kakaunti ang mare-recover kong amount...

is feeling , ARDR, gawin ninyo ang tama para sa akin.. abutin ninyo ang level 1000...

---o0o---


November 11, 2024...

[Trade]

nakaalala na ang 1000SATS na mag-pump..
Php 1,300 sana iyon para sa Php 2,000 na pondo ko sa Coins..
kaso matagal nga silang natulog para paniwalaan ko pa...

is feeling , ang gulu-gulo kasi ninyo 1000SATS...


>
[Trade]

day 335...

okay..
so tumama naman nga ulit ang prediction ko sa ARDR..
na magpa-pump sila dahil sa malaking pagtaas ng kanilang trading volume..
USD 25 ang nakuha ko sa pag-exit ko sa kanila..
bale kinapos ako ng USD 15 dahil sa naging dip nila hanggang level 910 bago yung panibagong pump...

hindi na rin masama yung ginawa ko kahapon..
pinatunayan kasi ng pump ng AST kagabi na hindi nila maaabot yung target ko na level 100..
kaya kung nagkataon na nagpatuloy ako sa pagsugal sa kanila ay malulungkot lang ako..
USD 58 yung na-recover nila from level 85 to 97..
kaso nga eh kapos naman iyon sa target ko...

is feeling , at least USD 20 ang dapat ma-recover sa bawat araw...


>
[Trade]

pwede sana akong pumasok sa ARDR pagkagising ko nitong umaga..
nakagawa kaagad sila ng recovery from level 920 to 980, bago ulit sila nag-dip nang malaki..
kaso nakakatakot yung taas nung 920..
USD 27 ang napakawalan ko sa pagkakataon na iyon...

umabot pa sa below level 910 ang quick dip ng ARDR..
pero susundan din pala nila iyon ng quick pump..
sayang dahil sobrang dami kong pagkakataon noon para pumasok ulit sa kanila..
at sa loob nga lang ng 1 oras ay muli na silang lumagpas sa level 1000..
USD 42 naman sana iyon para sa akin..
USD 44 yung sumunod na pump..
USD 29 yung patatlo..
total ng USD 142...

is feeling , USD 142 na sablay sa loob lang ng 1 araw.. at umaabot na ngayon sa USD 8,000 ang nami-miss ko simula noong Imperial New Year...

---o0o---


November 12, 2024...

[Trade]

idamay nyo naman ang LUNC sa mga pump ninyo..
para maka-exit na ako nang may USD 1,000 mula sa pondo ko na USD 20...

is feeling , damay-damay na dapat...


>
[Trade]

day 336...

at may pang-apat pa ang ARDR kagabi..
level 1000 to 1120..
USD 51 sana iyon para sa akin..
pero tama naman yung desisyon ko na hindi sumugal sa target ko na level 1200..
kasi bumaba na sila matapos yung latest peak nila at so far ay hindi pa rin naman nila naaabot ang madalas nilang peak na level 1200 nga...

umaga nang gumawa na ulit ng level 1000 to 1100 na pump ang ARDR..
USD 43 sana iyon para sa akin...

nag-pump na rin naman ang BTTC, at tama yung prediction ko sa kanila..
mataas lang yung level 97 kaya natakot akong pumasok sa kanila kahapon..
sa level 97 to 120 eh USD 102 sana iyon para sa akin..
USD 65 yung ikalawang pump..
so total ng USD 167...

is feeling , mas madaling magpatangay sa sudden pump, kesa umasa na tataas pa ang bitin na pump...


>
[Trade]

kinapos yung bid ko kahapon para makapasok sa AST..
level 85, pero hanggang 85.1 lang ang ibinaba..
USD 20 sana para sa akin yung naging recovery nila hanggang lagpas level 89...

umaga na nang makapasok ako sa AST..
USD 9 kaagad ang napakawalan ko dahil sa hila ng Bitcoin dip..
before lunch nagbenta na muna ako nang may USD 7 na patubo dahil sa panibagong Bitcoin dip..
pagabi na noong USD 15 naman ang napakawalan kong pagkakataon..
after that ay naka-exit na lang ako nang may USD 3 na patubo..
bale total ng USD 44 hanggang sa mga oras na ito...

is feeling , ang dami ko ng tig-USD 40 na napapakawalan...

---o0o---


November 13, 2024...

[Trade]

ARDR na naman ang mas maganda ang naging galaw..
level 930 to 1000..
edi USD 47 sana na recovery para sa akin...

ang pagkakaiba nila ng AST..?
madaming milyunan na asset ang nakaabang palagi na mabenta sa higher levels ng AST..
samantalang may nagpa-pump sa ARDR na trader na may nasa 4 Million nung asset..
ibig sabihin na nasa side ng buyer yung mas malaki ang pondo...

is ⚠ feeling , pero nakakatakot pa rin sumugal sa ARDR above level 900...


>
[Trade]

day 337...

mali ang pasok ko kagabi..
level 84, pero bumaba pa ang AST hanggang below level 81..
paggising ko naman kaninang madaling araw, may chance sana para mag-exit nang may USD 2 na patubo..
kaso paggising ko around 5:00 AM eh nahuli na ang lahat, dahil nakababa na ulit ang AST below level 83..
nasundan din kaagad iyon ng USD 7 naman na sablay..
naka-exit na lang ako nang may USD 2 na patubo..
sa ikalawa kong pasok ay mas natalo pa ako dahil bumaba na naman kaagad ang AST hanggang level 78 na...

is feeling , 12 days left para mag-trade...

---o0o---


November 14, 2024...

[Trade]

meme coin na naman sa ilalim ng Solana network ang nagpakitang gilas..
inabutan ko pa sila noon sa USD 0.34 na palitan..
so kahit hanggang sa USD 2 lang na level..
edi sana nasa USD 2,630 na ako ngayon...

naka-recover na sana ako..
at may patubo pa..
pero talagang wala akong lubos na mapakinabangan sa green market na ito... 🙁

is feeling , mga mukha kayong meme coin na basura...


>
[Trade]

day 338...

nasa USD 167 pa lang ang nare-recover ko mula sa ikatlong pagbagsak ng pondo ko..
green nga ang market ngayon..
pero heto at naka-stuck na naman ako...

nag-pump nga ulit ang Bitcoin..
lagpas na sa USD 90,000..
kaso malagim naman ang bawat hila nila na pababa..
hanggang lagpas level 83 pa lang ang nare-recover ng AST..
kaya sa muling pagbagsak ng Bitcoin below USD 89,000, eh sumabay tuloy ang AST hanggang below level 79 na naman... 🙁

sa mga oras na ito eh 2 beses nang nakaabot sa level 83 ang AST..
pero talagang balik sila nang balik below level 80..
malamang dahil sa akin... 🙁

is feeling , 11 days left.. AST, lumaban naman kayo hanggang level 100...


>
[Trade]

ARDR pa rin ang mas maganda ang performance..
kasi nga naman eh wala ako sa poder nila.. 🙁
USD 29 sana para sa akin yung level 900 to 960 nilang akyat..
USD 23 naman yung level 920 to 970..
USD 14 from level 910 to 940.. 
total ng USD 66... 🙁

is feeling , palagi na lang may mali...

---o0o---


November 15, 2024...

[Trade]

day 339...

pababa na naman ang Bitcoin..
naka-reverse sa kanila ang AST..
kaso hindi ko alam kung hanggang saang punto..
sa takot ko eh nag-exit na lang ako nang may USD 3 na patubo..
kaya naman nasa USD 7 ang napakawalan ko sa pagkakataon na iyon..
nakakuha naman ako ng USD 4 sa ikalawa kong pagbebenta...

bandang tanghali, USD 16 naman ang nakawala sa akin dahil sa level 80 to 83 na pump bago muling bumaba ang AST..
hapon nang gumawa ng mataas-taas na pump ang AST, USD 33 sana iyon para sa akin..
USD 20 sa sumunod na akyat..
total ng USD 76 hanggang sa mga oras na ito...

is feeling , saan ako papasok ngayon...??


>
[Trade]

palpak na naman nga ako.. 🙁
nakondisyon ako ng AST sa palagi nilang pagbagsak below level 80 nitong mga nakaraang araw..
pero ngayong wala na ako sa kanila..
eh saka sila nag-pump nang husto...

wala na naman akong mapapakinabangan sa market nito..
umaabot na sa USD 548 ang sablay ko simula noong US Election... 🙁

is feeling , 10 days left...


No comments:

Post a Comment