Loveless Story
October 15, 2024...
[Game]
sinubukan kong makapasok sa top 5,000 sa huling araw ng Season 10..
maganda ang naging laro ko sa simula, at nakapasok ako sa Challenger division..
Rank 4777 noong una akong nag-park..
sabi ko na isusugal ko yung 223 na allowance, kahit ang usual na galawan sa ranking sa magdamag ay nasa lagpas 300..
kaso makalipas lamang ang 1 oras ay 31 ranks na kaagad ang ibinagsak ko...
so naglaro na ulit kaagad ako..
nalaglag..
pero sa ikalawa kong winning streak ay muli akong nakabalik sa Challenger division..
Rank 4806, kaya naman nasa 194 lang ang palugit...
nagpatuloy ako sa paglalaro..
naubos na ang Energy ko, at nalaglag pa ako sa ranking..
itinuloy ko lang kahit wala na akong Energy..
at sa ikatlong pagkakataon eh nakabalik pa nga ako sa Challenger division..
kaso nasa Rank 5009 na lang ako..
laglag na sa top 5,000..
pero nag-decide na rin ako na tumigil na, at tapusin na lang ang Season bilang isang Challenger...
is feeling , kapag nawala ako sa pagiging Challenger bukas, maglalaro ulit ako ng 1 beses, at aasa sa winning streak.. pero kung hindi, eh hahayaan ko na lang ang ranking ko...
---o0o---
October 17, 2024...
araw na naman ng paniningil...
42 months ng mga utang..
24 months na siyang wala talagang ibinabayad.. 🙁
at 10 months na siyang hindi talaga nagre-reply...
nakakatawa lang din ang sinasabi ng mga tao..
kesyo pera lang yun..
na pakawalan ko na lang..
dahil kikitain din naman daw ulit ang pera..
pero anong sitwasyon ko ngayon dahil sa taglay ko na lubos na kamalasan..?
wasak na computer..
assets na lalong nalulugi sa tuwing nadadagdagan..
mga hindi maabot na quota..
at parang naka-ban na ako sa mga online store kung saan madami akong customer... 🙁
is 💀 feeling , bakit lahat ng aspeto ng buhay ko eh perpekto ang kamalasan...??
>
[Online Marketing]
kaba-ban lang ng comics ko sa 2nd store..
pero heto at may masamang balita na naman na dala ng d*e will be done..
tumigil na daw ang PayPal sa service nila para sa 3rd store..
ibig sabihin..?
kahit pa makabenta ako doon sa 3rd store..
eh wala na din namang madadaanan ang perang kikitain ko doon... 🙁
dapat ang depression ay umuulan..
dapat walang tigil ang depression..
makukumbinsi lang ng mga makapangyarihang bully ang nilalang na burahin ang existence niya, kung wawasakin nila ang lahat sa buhay nito... 🙁
walang nagkataon lang sa lahat ng pagkawasak na nararanasan ko... 🙁
is feeling , mga wala kayong awa...
-----o0o-----
October 12, 2024...
[Trade]
day 305...
umakyat ang Bitcoin..
pero saka naman hindi nakisabay ang ARDR..
bumagal ang pag-angat nila, sa halip na gumawa ng mga pump..
nasa USD 9 pa yung mga napakawalan ko sa kanila na pagkakataon dahil bagsak ulit sila nang bagsak below 84... 🙁
ang na-recover ng AST..?
USD 24..
samantalang ang laki na naman ng iniangat ng NEIRO..
USD 116 na sana iyon para sa akin hanggang sa mga oras na ito... 🙁
is feeling , ano ba, huwag kayong magpadala sa sumpa laban sa akin, mag-pump na kayong lahat...
---o0o---
October 13, 2024...
[Trade]
day 306...
may additional USD 6 pa akong hindi din napakinabangan sa ARDR kagabi..
lagi akong talo sa tuwing aangat ang palitan, pero bumabalik din naman below sa entry point ko.. 🙁
nadagdagan pa ang mga nasasayang ko ngayong araw..
USD 5 nitong umaga dahil sa Bitcoin dip..
so nagpakawala ako ng USD 11, para lang malugi ulit...
USD 40 sana para sa akin sa 1000SATS..
kaso kapos pa naman para kumita yung nasa Coins ko... 🙁
nasa USD 291 na sana ako..
mas malaki na sana yung pwede kong i-invest para mas malaki din ang ma-recover..
pero talagang purong kamalasan lang ang dala-dala ko kahit saan..
3 assets na nga ang pinustahan ko, pero lahat nasa Impiyerno... 🙁
is feeling , 12 days left.. mag-pump naman kayong mga put*ng ina kayo...
---o0o---
October 14, 2024...
[Trade]
day 307...
padalawang beses nang bumabagsak ng ARDR below 80..
yung 80 to 84 eh katumbas pa naman ng USD 13 sa bawat pagkakataon na nagagawa nila yung ganung range ng pump... 🙁
USD 46 yung panibagong iniangat ng NEIRO... 🙁
pump na nang pump ang Bitcoin..
pero ayaw namang makisabay nang husto ng ARDR...
is feeling , sige na, please.. mag-pump na kayong lahat...
---o0o---
October 15, 2024...
[Trade]
panibagong pump na naman para sa NEIRO..
habang nasa mataas na level pa rin sila..
USD 34 ngayong umaga..
USD 19 sa padalawa..
total ng USD 64 hanggang kanina...
is feeling , tumigil na kayo sa pag-iwas sa akin, please...
>
[Trade]
day 308...
wala na..
obvious na naman ang anomaly na ipinataw laban sa akin..
umaabot na sa USD 66,000 ang Bitcoin..
lagpas USD 6,000 na ang iniaangat nila..
pero kung dati eh nagagawa pa ng ARDR na umabot sa level 86, kahit na nasa mas mababang level naman ang Bitcoin..
eh ngayon eh nanatili na lang ang ARDR below sa entry point ko... 🙁
tapos ay bumaba pa nga ang ARDR sa level 80 sa ikatlong beses..
sa konting baba ng Bitcoin, eh abot sa Impiyerno ang pagbaba ng ARDR... 🙁
is feeling , US Election, i-pump nyo na ang lahat...
---o0o---
October 16, 2024...
[Trade]
yung ikatlo ng NEIRO kagabi..
USD 35 sana para sa akin..
USD 28 naman yung galing sa dip nila..
total ng USD 63...
USD 20 naman na yung highest para sa BTTC...
is feeling , ako naman sana...
>
[Trade]
day 309...
nag-pump then dump ang Bitcoin noong hatinggabi..
hanggang halos USD 68,000 na..
pero pinabagsak nila hanggang below USD 65,000..
at saka sila bumalik sa may USD 66,000...
dahil sa kalokohan na iyon eh winasak ng Bitcoin lahat ng assets na meron ako.. 🙁
hindi na nga nakaangat ang ARDR, at nanatili pa sila below sa entry point ko..
nasayang na naman yung Php 200 na itinubo ko na sana sa 1000SATS..
at sa SLP naman eh bumaba sa USD 3 yung panibago kong patubo na nasa USD 5 na sana...
hapon nang nag-quick pump ang ARDR..
habang bumababa ang karamihan ng iba pang assets..
USD 8 yung napakawalan ko dun, dahil kaagad na naman silang bumaba below sa entry point ko..
is feeling , magpakita naman kayo ng kahit kaunting awa lang...
---o0o---
October 17, 2024...
[Trade]
USD 37 yung panibagong pump ng NEIRO kagabi..
sila na naman talaga... 🙁
dahil sa lahat ng kabiguan ko sa cryptocurrency..
nag-develop ako ng takot..
yung takot na laging maiwanan ng mga mega-pump..
dahil sobrang daming beses ko na siyang naranasan..
sa sobrang dami, eh nakabawi na sana ako at kumita pa nga dapat..
kaso sa lahat ng pagkakataon na pinanindigan ko ang investment ko..
wala naman talaga akong naranasan kundi puros pagkalugi lang... 🙁
nababasa ng mga makapangyarihan kung ano man ang ninanais ko..
at hinding-hindi nila iyon hahayaan na mangyari..
dahil sa d*e will be done... 🙁
is feeling , kung ang pagkalugi ko ang primary requirement para makagawa ng mega-pump ang ano mang asset..? eh talagang katapusan ko na...
>
[Trade]
day 310...
wala talaga..
2 pa yung napalagpas kong pagkakataon sa ARDR kagabi..
USD 5 yung una..
USD 10 yung naabutan ko pa..
USD 14 naman yung na-miss ko noong madaling araw..
USD 10 yung naabutan ko nitong umaga..
USD 3 sa short na bumalik din nga sa level 84..
total ng USD 42 ng mga natatapon na kita... 🙁
perpektong kamalasan lang talaga..
3:00 AM nang gumising ako para mag-charge..
at nanlumo na lang ako nang makita ko na umabot sa 89 ang ARDR paglagpas ng 2:00 AM..
pero nasa 84 na lang ulit sila noong nagising na ako..
sablay na naman.. 🙁
5 beses na nilang nilalagpasan ang entry point ko simula kahapon..
at 7 beses na din silang pabalik-balik sa mataas na entry point ko na 84 o di kaya ay below dun..
bandang hapon nang magsimula na ulit tumungo sa Impiyerno ang ARDR...
nasa Php 350 na ang napapakawalan ko sa 1000SATS..
USD 10 na ang napapakawalan ko sa SLP..
at USD 81 naman para sa ARDR... 🙁
is feeling , at pumalo na hanggang USD 7,000 ang mga sablay ko simula lang noong February.. 8 days left.. maawa naman kayo sa akin...
---o0o---
October 18, 2024...
[Trade]
kung nag-exit lang sana ako noon bago bumaba ang ARDR..
kung nakuha ko lang sana yung USD 7, 39, at 38 na pump nila..
nasa USD 344 na sana ako..
tapos kung itataya ko 'yon sa 80..
at maghihintay ng 120..
edi makakabalik na sana ako sa USD 516 kahit na papaano...
is feeling , habang tumatagal, mas lalo akong nagiging malas...
>
[Trade]
day 311...
konting galaw ng Bitcoin at nawawasak kaagad ang iba pang mga asset..
nasa USD 67,000 pa naman sila..
pero yung ibang assets eh wasak na wasak ang value... 🙁
is ⚠ feeling , last 7 days...
No comments:
Post a Comment