Saturday, October 12, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Full Week of October 2024 (Triple Gamble Down)

Loveless Story


October 5, 2024...

malaki nga pala ang problemang ginawa ng dollar account ko...

if ever mapabilis ang pagbuo doon sa budget na USD 500..
eh naka-lock naman yung pera doon sa bangko..
kaya delikado kung hindi ko masusunod kaagad yung kagustuhan nung mga supporter na makabili ako ng bagong computer...

pero sa rate ko ngayon..
aabutin pa naman ng nasa 10 buwan bago makumpleto yung natitirang almost USD 70..
so mahaba pa naman ang palugit ko kahit na papaano...

pero ang totoong malaking problema..?
aanhin ko pa ang bagong computer kung ganito naman na nauubos na lahat ng online store na willing na tumanggap sa mga comics ko... 🙁

is feeling , kung matitigil lang sana talaga ang mga kademonyohan sa paligid ko...

---o0o---


October 7, 2024...

yung madalas kong makitang model sa social media..
nadali na din sa Inuman Session..
akala ko talaga hanggang implied nudity modeling projects lang siya..
kaya nasurpresa ako na nag-softcore na talaga siya...

well..
at least alam ko na ngayon ang kartada niya...

is feeling , grabeng 19 y/o yun...

---o0o---


October 8, 2024...

sobrang sama ng mundo laban sa akin..
na gusto ko na ring maging sobrang sama...

kung kasing-lakas lang ako ng mga makapangyarihan..?
wawasakin ko ang buong Eastern Empire..
lahat ng marine vessels nila itatapon ko pabalik sa bulok nilang bansa..
wawasakin ko ang Half Empire..
wawasakin ko ang Northern Empire..
at wawasakin ko lahat ng Extremist territories sa Asia, Africa, at Europe...

is feeling , kaya nilang mang-bully araw-araw ng mga simpleng nilalang lang na katulad ko, pero wala silang pakialam laban sa lahat ng masasamang tao dito sa mundo...

---o0o---


October 9, 2024...

[Game]

so nag-parking ako kahapon..
220 ranks lang ang palugit..
paggising ko ngayong araw, nalaglag na ako sa top 5,000...

kaya nag-decide ako na maglaro, at nakakuha naman ako ng 1 panalo..
pero dahil may winning streak na ako kahapon, eh natuloy pa iyon..
considered na 2 wins yung nagawa ko, kaya naman na-shortcut ko ang muling pagpasok ko sa Challenger division..
at naging ligtas na nga ako sa 622 ranks na palugit ko...

is feeling , kailangan nang mag-pump ng buong market, para makapag-convert na ako sa dollars...

-----o0o-----


October 5, 2024...

[Trade]

day 298...

umakyat na kaagad ulit ang ARDR..
USD 55 sana iyon para sa akin..
USD 18 sa ikalawa nilang mabilisan na pump..
total ng USD 73...

karagdagan naman sa NEIRO..
USD 25 kaninang madaling araw...

is feeling , tumaya na ako sa lahat ng platform, kailangan ko naman ngayon na gumanda ang takbo ng mga bagay-bagay...

---o0o---


October 6, 2024...

[Trade]

day 299...

nagawa na namang mag-pump ng ARDR..
walang sawa..
USD 36 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , sumabog na kayo, Bitcoin.. para sa paparating na US Election...

---o0o---


October 7, 2024...

[Scam]

tarantado talaga ang mga nasa Globe Telecom... 🙁

Agent #1: (after ng di pulidong repair matapos na mawalan ng internet service sa loob ng maraming araw noong July)
pwede pong ipa-waive ulit yung service na pangtawag nang libre sa mga mobile numbers na saklaw ng Globe network..
pero ganito, ganyan na po yung rate para sa ganito, ganyan na klase ng mga tawag sa landline...

Agent #2: (dahil hindi talaga bumabalik sa ayos ang landline service)
entitled pa rin po kayo sa free local calls na saklaw ng area ninyo..
yung ibang klase lang po ng mga tawag ang magkakaroon ng additional charges..
ipapa-repair po namin ang problema ninyo sa landline...

Agent #3: (after ng another extension na 15 days na hindi naaayos ang landline service)
tapos na po kasi yung 2 years na kontrata..
hindi na po ire-repair ng Globe ang landline ninyo regardless kung nasaang point ang depekto...

is ⚠ feeling , hindi sapat para sa mga makapangyarihan na magipit ka lang.. ang hinihiling nila ay ang burahin mo ang existence mo dahil sa araw-araw na pagiging malas mo...


>
[Trade]

day 300...

NEIRO naman ang muling tumaas nang malaki..
at tinupad na nga nila yung dati kong prediction sa kanila, na level 15 as compared sa performance ng 1000SATS..
USD 51 yung unang pump nila..
USD 97 doon sa mas mataas na ikalawang pump..
total ng USD 148 hanggang sa mga oras na ito...

sa ARDR naman..
USD 25 yung panibago nilang unang pump para sa araw na ito...

samantalang kulang pa ang pag-angat ng 3 pinustahan kong assets...

is feeling , lagpas na sa USD 6,000 lahat-lahat ng napapakawalan kong pagkakataon.. sige na, 1000SATS, pwede na kayong sumabog nang husto.. please...

---o0o---


October 8, 2024...

[Trade]

day 301...

nakakainggit..
dahil patuloy pa rin sa pag-angat ang NEIRO..
samantalang kapos lahat para sa mga napili kong asset..
USD 80 yung ikatlong pump nila kahapon...

is feeling , bakit hindi talaga pwede para sa akin...??


>
[Trade]

nag-dip ang Bitcoin..
napa-exit tuloy ako sa 2 platform...

kahapon..
umabot sa USD 19 ang increase ko sa AST..
USD 3 para sa SLP..
at lagpas Php 300 naman para sa 1000SATS...

pero napa-exit nga ako ngayong araw nang USD 9 na lang ang nare-recover sa AST..
at Php 169 na lang para sa 1000SATS..
parehas na umabot sa 10% pump, pero parehas ko ding itinapon yung pagkakataon... 🙁

bakit hindi ninyo kayang sumabog paitaas katulad ng NEIRO para sa akin...?? 🙁

is feeling , wala, bumagsak ka muna ulit, Bitcoin...


>
[Trade]

hapon nang ipamukha sa akin ng AST kung gaano na naman ako kamalas..
ganun na ganun ulit ang nangyari..
pang-4 ko na simula lang noong July... 🙁

bigla na lang silang umangat nang umangat noong oras na nag-log in na ako..
pwede nga naman, kasi natanggal na ulit ako sa poder nila..
USD 30 sana para sa akin yung unang pump..
USD 32 yung ikalawa..
USD 20 sa ikatlo..
total ng USD 82 sa loob lamang ng maghapon... 🙁

medyo malaki sana yung kinita ko kahapon, tapos nadagdagan din sana ngayong araw... 🙁

is feeling , ipinapamukha nila sa akin lahat ng swerte na hindi ko pwedeng maranasan...

---o0o---


October 9, 2024...

[Trade]

day 302...

laking hinayang na naman kagabi..
hindi ko in-expect na papalo hanggang USD 0.12 ang AST..
nilagpasan yung target ko na 20% increase, at umabot sila hanggang lagpas 50%...

tumama naman yung prediction ko na aabot sila sa USD 0.10..
nag-alarm ako ng madaling araw para sa pagtatapos ng charging ng phone ko..
pagkagising ko ay nakagawa na pala ako ng midnight exit..
ang problema lang..?
dahil napa-exit ako sa Bitcoin dip kahapon, eh hindi ko na-maximize yung lagpas 20% na recovery sana..
iyon pa lang yung 2nd kong kita na lagpas USD 20 simula nitong nagdaang July...

after that ay nangyari ang hindi ko inaasahan..
pwede pa sana akong bumalik noon sa AST, dahil below 0.09 na ulit sila pagkagising ko..
pero dahil malakihan nga ang pagbaba nila, eh hindi ko inasahan na aabutin pa nila ang USD 0.12 na level, bagay na June pa nila huling naabot..
USD 114 sana iyon para sa akin..
USD 27 naman yung sumunod doon na pump..
total ng USD 141... 🙁

market, mag-pump na kayo simula ngayong gabi, please...

is feeling , napipili ko nga ang mga tamang asset, pero hinding-hindi ko naman nasasakyan ang mga huge pump nila...


>
[Trade]

nasa USD 100 Billion daw ang panibagong pumasok sa Bitcoin..
kaya naman pumasok na ulit ako sa trading ngayong araw..
meron pa akong 16 days..
kaya sige na, mag-pump na kayong lahat na mga asset na meron ako...

ang huli namang naabot ng NEIRO ay umabot sa USD 53 sana para sa akin, bago sila nag-dip nang malaki...

is feeling , at least USD 20 dapat ang kita sa araw-araw...

---o0o---


October 10, 2024...

[Trade]

day 303...

na-scam ako kahapon..
sa halip na tumaas, eh bumaba ang Bitcoin..
hinila tuloy nila ang halos buong market... 🙁

lahat nung 3 assets ko, puros below na ngayon sa entry point ko..
pulang-pula na naman ang lahat para sa akin... 🙁

samantalang ang NEIRO eh nakagawa pa ng panibagong USD 50...

is feeling , 15 days left.. please lang, mag-mega pump naman kayo para sa akin.. huwag ninyong sundin ang d*e will be done...


>
[Trade]

sobrang demonyo na naman ang sinapit ko dahil sa d*e will be done..
kumpara sa iba pang mga asset..
sobra-sobra na ang ibinababa ng ARDR..
laging kung nasaan ako, eh yun yung pinakamalaki ang percentage ng decrease..
mabuti pa ang AST at nagawang maging matatag..
pero dahil nasa ARDR ako ngayon eh parang gusto na nilang dalhin yung palitan paibaba hanggang sa Impiyerno... 🙁

akala ko kahapon na magpa-pump na sila..
dahil from 84 eh mabilis lang nilang inabot yung 86..
kaso paulit-ulit kaagad silang bumaba below 84..
USD 10 din yung napalagpas ko sa kanila kahapon..
at ngayon nga eh nasa USD 22 na kaagad ang layo ko sa huli kong pondo... 🙁

is feeling , wala talaga akong kawala sa d*e will be done...

---o0o---


October 11, 2024...

[Trade]

day 304...

day 2 sa pagkalugi..
gaya nga ng sinasabi ko palagi..
sa tuwing mapapalapit ako sa pinanggalingan na value ng pondo ko..
eh laging may nangyayaring masasama para hindi ako maka-recover.. 🙁
84 to 75 na ang ibinababa ng ARDR...

umangat naman ang ARDR ngayong araw..
USD 25 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , ARDR, gawin nyo na.. USD 0.12 pump...


No comments:

Post a Comment