Saturday, May 25, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of May 2024 (Mirror Temptation)

Loveless Story


May 20, 2024...

tarantado talaga yung p*ta na yun..
mukhang sobrang nag-e-enjoy siya lately ah..
dahil siguro wala siyang natanggap na reminder tungkol sa paniningil ko ng utang for this month..
akala niya siguro na tuluyan na siyang nakatakas sa panloloko niya matapos nilang mawala ng kapatid niya doon sa messaging app...

tingnan natin kung anong magiging reaksyon niya kapag nakagawa na ako ng Gmail para sa paniningil ng utang..
tingnan natin kung hindi siya makonsensya kapag dumaan na ang communication sa kapatid nila na nasa entertainment industry...

is feeling , utang tago technique pala ha.. yung mga manlolokong tao dapat pinapakain ng Karma...

---o0o---


May 21, 2024...

nakatapos din sa pagsusulat ng reviews para sa Dream Date..
pero dadaan pa sa proofreading..
kalaban ko na naman ang sarili ko nito..
susubukang accurately na magbasa ng mga na-type ko per syllable, habang natatandaan pa ng utak ko yung mga gusto kong isulat noong mga panahon na iyon...

is feeling , alam ng utak, pero posibleng mali ang na-type...

---o0o---


May 24, 2024...

hindi maganda ang timing para sa pagbabalik ni Attendant Ry sa lineup..
mainit lately ang sitwasyon ng mga raid sa North..
although mukhang sa incall establishments naman naka-focus ang mga pag-atake...

is ðŸ’Œ feeling , mag-ingat ka palagi...


>
1 buwan na kaagad ang nakalipas matapos yung Dream Date..
ang bilis ng takbo ng panahon..
pero hindi pa rin ako natatapos sa proofreading...

bukod doon..
dahil sa nakita kong room sa North EDSA kamakailan..
eh may ilan na naman akong nabuong goals para kay Attendant Y, in case na magbalik pa nga siya...

is ðŸ’˜ feeling , mirror temptation...

-----o0o-----


[V-League]


2024 Asian Women's Volleyball (AVC) Challenge Cup


May 23, 2024...

Philippines versus Australia..
3-1, panalo ang Alas...

arawan na ang laban nila sa preliminary round, puros 7:00 PM pa..
ang daming audience, parang mga sikat na team pa rin sa PVL ang naglalaro...

malakas talaga si Morado..
bagong buo lang ang team pero siya ang nag-a-adjust para mabigyan niya ng tamang set lahat ng mga attacker niya..
medyo madali din ang labanan this year dahil nasa FIVB ang Japan, Thailand, South Korea, at ang basurang Imperyo...

Vietnam at Indonesia ang mga hamon na dapat na malagpasan ng Alas para may mapatunayan sila..
Creamline team ang may best ending so far, na nasa 6th place noong 2022, pero may Japan, Thailand, South Korea, at basurang Imperyo noong panahon na iyon...

is  feeling , nice one at thank you, Morado...

---o0o---


May 24, 2024...

Philippines versus India..
3-1, panalo na ulit ang Alas...

pinabagsak nila ang current, este previous na pala, na top seed sa pool nila...

is  feeling , salamat ulit, Morado.. bukas ulit...

-----o0o-----


May 20, 2024...

[Game]

patapos na ang Season 8..
pasok naman na sa top 9,000 players so far..
with 2 days left, eh magpa-parking na lang ako...

Php 162 ng AXS versus Php 38 ng SLP para sa reward..
so hindi ko na kailangang mag-isip..
kailangan ko na lang manatili sa top 10,000 hanggang bukas...

is feeling , sana kayanin...

---o0o---


May 21, 2024...

[Game]

last day ng parking..
bukas na ang final result..
nasa lagpas 300 ang iginalaw ng ranking sa magdamag..
pero bago naman ako naglaro para sa araw na ito ay bumaba pa sa 200 ang naging pagbabago sa ranking ko..
meaning, madaming players ang bumagsak lalo ang ranking kakasubok nila na mas makaakyat pa...

nasa 900 plus ang allowance ko bago ako nag-park..
kahit 500 pa ang igalaw ng ranking hanggang bukas ay nasa safe spot naman ako..
huwag lang kikilos nang lagpas 1,000 at malalaglag ako sa mababang bracket...

is feeling , sana kayanin...

---o0o---


May 22, 2024...

[Trade]

day 162...

ang mga posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 16 noong Sunday..
USD 36 ngayong araw..
total ng USD 52...

is feeling , sana...


>
[Game]

2nd time na nagawa kong makatapos within top 10,000..
yung una ay noong Season 4..
nagawa ko ding umabot sa Dragon I - 5 Star na division, kahit pa hindi sobrang lalakas ng nakuha kong Rune ngayong Season 8...

ang halaga ng mga kinita ko na sana after 2 seasons at 1 off-season..
USD 20 para sa Season 7, nawala na yung mga AXS dahil nabawasan na ng value at nagastos na din sa mga Ascension..
USD 7 sana para noong Off-Season 7..
USD 13 ngayong Season 8, hindi pa kasali yung portion ng AXS na kinita ko..
so nasa USD 40 na sana..
kaso naipalugi ko nga yung nasa USD 26 na nabawasan nang nabawasan ng value...

is feeling , kailangan ko na silang maibenta...


No comments:

Post a Comment