Loveless Story
May 14, 2024...
bumalik sa pagiging silent operator si Attendant Ry..
hindi na niya ulit ginagamit ang kanyang account..
pero madalas pa rin naman na nasa lineup siya...
is 💔 feeling , na-trauma na naman...
---o0o---
May 17, 2024...
araw na naman ng paniningil..
pero wala na akong ma-send-an ng message ngayon.. 🙁
nag-deactivate na din ng messaging app yung kapatid nung p*ta..
ito siguro ang plano nila sa simula pa lang..
ang magkunwari na unti-unti silang mawawalan ng contact information, para matakasan na nung p*ta ang mga utang niya...
nag-deactivate yung kapatid 5 buwan matapos niya akong bigyan ng update na kesyo nawala daw lahat ng contact details ng basura niyang kapatid..
matapos ang 4 buwan na wala na siyang nire-reply-an sa lahat ng messages ko...
37 months na lahat ng mga utang nung p*ta..
19 months na siyang walang ibinabayad..
at 5 buwan na siyang nagtatago...
puros sila masasamang tao..
kailangan ko pa ngayong maglaan ng araw para sa paggawa ng Gmail na magagamit ko para sa paniningil ng utang..
no choice na ako kundi dumaan sa kapatid nila na nasa entertainment industry..
at umasa na may konsensya ang taong iyon, hindi tulad ng mga kapatid niya...
is feeling , sinasagad talaga nila ako...
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2024 (Finals)
The Game of Chase
May 12, 2024...
Game 2 ng Creamline versus Choco Mucho..
ginabi na naman ang laban dahil umulit na naman sa 5-setter ang Angels at Tiggo..
hindi lang basta 5-setter, dahil extended set pa dahil sa kapabayaan ng Angels...
nakabalik na si Morado, at nakisali na siya sa training ng team..
nasa audience din siya ngayon...
Set 1, starter pa din si Baldo kahit na-injure siya noong huli, Sato for BDL din, inilipat ng wing si Molde, maagang nakaagwat ang Choco Mucho, at napanindigan nga nila yung set dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 2, Pons for Baldo at BDL for Sato, dikitan sa simula ang laban at palitan ng kalamangan, pero nakaagwat ang Creamline sa bandang dulo sa tulong ng double substitution nila, nakuha nila yung set dahil sa kanilang 6 kill blocks at 1 service ace..
Set 3, una na ulit nakaagwat ang Choco Mucho, activated ang mga Middle nila, at hindi na nga nagawang makadikit pa ng Creamline, nakuha ng Choco Mucho ang set dahil sa kanilang 20 attacks..
Set 4, Binibining Gumabao for Caloy, una namang nakaagwat ang Creamline, at nagawa nga nilang panindigan yung set dahil sa kanilang 19 attacks..
Set 5, Caloy for Binibining Gumabao, unang nakaagwat ang Creamline, medyo na-injure si Caloy sakto naman sa double substitution nila, at nagawa din nga nilang panindigan ang huling set...
3-2, panalo ang Creamline..
at Champion na nga ulit sila..
nasa 4-peat na sila pero strictly pagdating lang sa All-Filipino Conference..
nasa 8 naman na ang kanilang Championship...
Creamline's Green Card - 6
kaso Nxled ang nanalo sa paramihan ng mga Green Card...
Best Setter - Negrito
2nd Best Outside Spiker - Galanza
2nd Best Middle Blocker - Panaga
Finals MVP - Galanza
panahon na ulit para paghandaan ang challenge ng Kurashiki Ablaze...
is feeling , salamat ulit, Galanza.. salamat din sa presence, Morado.. tagumpay na ulit...
-----o0o-----
May 13, 2024...
[Trade]
day 153...
ang mga posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 16 noong Friday..
USD 24 naman ngayon..
total ng USD 40...
is feeling , sana...
---o0o---
May 14, 2024...
[Trade]
hindi ko na namalayan..
lagpas 2 buwan na pala akong naka-stuck sa pagkalugi..
pero wala naman na akong magagawa...
meron na lang akong 1 year at lagpas 7 months na natitira..
nakumpleto ko naman na ang Dream Date..
at One Piece na lang ang kailangan kong tapusin...
is feeling , bahala na ang buhay sa mga panahong nalalabi...
---o0o---
May 17, 2024...
[Trade]
day 157...
ang mga posibleng kinita ko sana sa BTTC..?
USD 25 noong Monday..
USD 25 kahapon..
total ng USD 50...
is feeling , sana...
No comments:
Post a Comment