Loveless Story
April 28, 2024...
after more than 60 days..
sinubukan ko nang i-reissue yung Google check..
ni hindi ko alam kung saan yun nakarating eh...
is feeling , dumating ka naman dito sa bahay...
>
ngayong araw ko lang mas na-realize...
24..
2 years kaming hindi nagkita ni Attendant Y..
at ang April ay ang 4th month..
a day o 24 hours ang deal namin..
na nangyari sa 24th day ng April..
at sa year 2024...
is 💌 feeling , itinadhana..? ano kayang meaning nung mga numero...??
---o0o---
May 3, 2024...
ngayong gabi ko lang na-realize..
kahit pala kliyente eh kaya nang tapusin ang buhay ko dahil sa lagay ng kalusugan ko lately...
may tricycle driver kasi na sinubukan na bumili ng yelo..
halos buong pamilya niya ang regular kong kliyente..
so tinanong ko sila kung ilan ba sana ang kailangan nila..?
ibinalik nila ang tanong sa akin..
kaya sinabi ko na iisa na lang ang natitira..
ayun at bigla na lang pabalang na nagsalita na kesyo nagtanong pa daw ako eh iisa na lang naman pala ang available..
sabay paandar na ng tricycle nila at kumaripas ng takbo..
na para bang naabala ko siya nang husto at naaksaya ko ang gasolina nila...
gabi na..
tag-init ngayon..
alam ng lahat ng tao sa amin na wala naman akong tindahan..
alam din ng lahat ng tao sa amin na hindi dedicated sa yelo yung ref namin..
hindi din ako nagpapalakas ng lamig ng ref para lang mas mabilis na makabuo ng mga yelo..
ni wala pang 10:00 AM may namamakyaw na nung mga yelo..
tapos magde-demand siya ng sangkatutak na yelo sa gabi...??
bigla akong nalula matapos kong marinig yung bastos na sagot niya..
at nakakadalawa na siya sa akin... 🙁
mga tao talaga..
kahit gawin mo yung patas..
kahit gawin mo yung tama..
eh masama pa rin ang trato nila sa'yo..
kung ako lang talaga ang masusunod..
buburahin ko lahat ng masasamang tao dito sa mundo..
para mapabagal ang Climate Change..
para matigil na ang mga Imperyalismo..
para mabura na ang mga extremist..
para maka-survive pa ang kalikasan...
is 💀 feeling , i-ban ko kaya ang buong pamilya mo...??
>
1 kilogram ng roasted almonds..
worth Php 500, at pwede pang mas mapamura..
good for 115 days..
refrigerated para mas makasigurado..
halos inabot ng 4 months...
is feeling , very good...
>
si Attendant Ry..
kakaiba siya lately..
sobrang active niya sa community..
kahit sino nire-reply-an na niya...
o naghahanda lang siya para sa paparating niyang birthday...??
is feeling , ano kayang pinagdadaanan nun lately...??
-----o0o-----
[V-League]
PVL All-Filipino Conference 2024 (Semifinals)
April 30, 2024...
Creamline versus Choco Mucho..
4th seed lang ang Creamline..
Caloy-less sila, habang Tolentino-less pa rin ang Choco Mucho...
Set 1, maagang nakalayo sa Choco Mucho ang Creamline, at naitawid nga nila yung set dahil nakuha nila lahat ng stats..
Set 2, dikitan naman ang laban this time, hanggang sa nakaagwat na ang Creamline, de Jesus bilang service specialist, nanaig sila dahil sa kanilang 16 attacks and 3 kill blocks..
Set 3, unang nakalamang ang Choco Mucho, Yellow Card laban sa Creamline, at nakuha nga ng Choco Mucho yung set dahil sa kanilang 5 kill blocks plus 7 big errors ng Creamline..
Set 4, dikitan na ulit ang laban, pero nakaagwat ang Choco Mucho at hindi na nakahabol pa ang Creamline, nanaig ang Choco Mucho dahil sa kanilang 5 kill blocks plus 10 massive errors ng Creamline..
Set 5, habol nang habol ang Creamline, at na-extend pa nga yung set, pero mas nanaig ulit ang Choco Mucho sa bandang dulo...
3-2, panalo ang Choco Mucho..
tinalo ang Creamline ng sarili nilang errors... 🙁
is 💔 feeling , sorry, Galanza.. sorry din, Morado.. mukhang wala ng pag-asa ang team ngayong conference.. aasa na lang na Choco Mucho ang magiging Champion...
---o0o---
May 2, 2024...
Creamline versus Angels..
2 import na ang kalaban nila ngayon..
nakabalik na si Caloy mula sa South Korea...
Set 1, Sato for BDL, palitan ng kalamangan, na-extend ang set, pero nanaig ang Creamline dahil sa kanilang 18 attacks..
Set 2, habol nang habol ang Creamline, Pons for Baldo, pero nakuha ng Angels ang set dahil sa kanilang 17 attacks..
Set 3, palitan na ulit ng kalamangan, na-extend ulit ang set, at naagaw pa nga iyon ng Creamline dahil sa kanilang 4 service aces plus 7 errors ng Angels..
Set 4, habol na ulit nang habol ang Creamline, extended set na naman, at pati nga iyon ay naagaw din ng Creamline...
3-1, panalo ang Creamline..
2-0 na sana sila sa Semifinals, kaso pinakawalan nga nila yung 1st match nila..
at pinatunayan nga nila na posibleng matalo ang isang team na may 2 import..
hindi ko kino-consider na import si Sato, since sa NU naman siya nag-aral...
Player of the Game si Galanza..
#23 with 23 points from 20 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
bukod pa siyempre ang floor defense niya...
for this conference..
1-1 na ang Creamline laban sa Choco Mucho..
1-1 na din laban sa Angels..
wala na silang pagkakataon para makabawi pa sa PLDT..
pero kailangan nilang makabawi laban sa Tiggo, panalo within 3 to 4 sets dapat, para mas ma-secure nila ang Finals spot...
is feeling , thank you, Galanza.. para rin 'to kay Morado.. kaya pa...
-----o0o-----
April 27, 2024...
[Trade]
day 137...
ang mga posible ko sanang kinita sa BTTC..?
USD 21..
USD 10..
total ng USD 31...
is feeling , sana...
---o0o---
April 28, 2024...
[Game]
kinailangan nang dumaan sa Ascension nung 2 high level na peste ko..
USD 4.30 sana ang halaga ng mga AXS ko from Season 7..
kaso sa halip na may sukli pa akong USD 1.30..
eh nalugi at napautang pa nga ako ng 165 SLP from Season 8, para lang makumpleto ko yung Ascension fee...
is feeling , sayang...
---o0o---
April 30, 2024...
[Trade]
day 140...
ang mga posible ko sanang kinita..?
USD 10 noong Sunday..
USD 15 naman ngayong araw..
total ng USD 25...
is feeling , sana...
---o0o---
May 1, 2024...
[Trade]
ngayong araw ko lang nabasa yung e-mail ng Binance..
well, gumagawa naman daw sila ng paraan para maayos ang gusot nila dito sa bayan..
para magkaroon pa rin ng pagkakataon ang mga mamamayan na ma-recover ang investments nila...
is feeling , sana nga.. sana nga...
---o0o---
May 2, 2024...
[Trade]
day 142...
ang mga posibleng kinita ko sana..?
USD 15 noong Tuesday..
USD 17 kahapon..
USD 43 sa malaking pump ngayong araw..
total ng USD 75...
is feeling , sana...
No comments:
Post a Comment