Loveless Story
January 15, 2024...
naglaan ng oras para mag-install ng mga solar panel sa bubong..
at mga solar light sa kung saan sila kailangan..
para sana sa kapakanan at future ng mundo...
mabuti na lang at walang chapter ng One Piece para sa week na ito...
is feeling , sana tumagal.. pati yung mga tape...
---o0o---
January 16, 2024...
[TV Series]
unhealthy move ang gagawin ng ABS-CBN... 🙁
uunahin nila yung Linlang..
tapos ipanghuhuli ang Can't Buy Me Love..
eh mas sensitibo ang istorya nung Linlang dahil sa mga pakikiapid at mga patayan...
maganda pa naman ang crime mystery doon sa Can't Buy Me Love..
parang Dirty Linen din lang...
is feeling , mas mabuti sa kalusugan ang pagtulog nang maaga...
---o0o---
January 17, 2024...
araw na naman ng singilan..
unang beses para sa taong 2024..
nagtanong ako dun sa kapatid kung may bago na bang contact details yung p*ta..
kasi 15 months nang walang ibinabayad sa akin...
ayun..
nagsinungaling din yung kapatid.. 🙁
active sa mobile social media yung p*ta, tapos ang sasabihin sa akin eh wala pang bagong phone at mobile number...
is feeling , sobrang tagal na ng lokohan na 'to...
---o0o---
January 18, 2024...
[Lottery]
sa loob lamang ng ilang buwan..
naubos kaagad lahat ng ilang bilyong inilaan nila para sa mga jackpot price...
ang tanong ay saan napunta yung mga pera..?
nadadaya na nga ba ang Lottery, tulad kung paanong nadadaya ang eleksyon gamit ang mga makina..?
hindi kaya ang perang iyon ang ginamit para pondohan at pakilusin ang Corrupt's Initiative...??
o kung hindi man..
dapat pa ding imbestigahan kung logical ba ang ginawa nilang bilis ng pagpapakawala ng ilang bilyong papremyo sa loob lamang ng iilang buwan..
dapat malaman kung nabawi ba ang mga pinakawalang papremyo sa kinita mula sa taya ng mga mamamayan..?
o kung mas mabilis ba ang rate nila ng pagpapakawala ng pondo kumpara sa kanilang kinikita..?
is feeling , anomalous...
>
napuyat na..
naglaan ng oras sa paggamit ng god's Eye..
nag-harvest ng mga data..
madaming nakita..
pero wala namang totoong target sa mga iyon...
is feeling , sobrang dami.. tanda ko ang mga mukha, pero hindi ko tanda ang mga alias...
---o0o---
January 19, 2024...
yung bulok na nga lahat ng aspeto ng buhay mo habang nasa mundo ka..
tapos tatakutin ka pa tungkol sa eternal life sa lawa ng apoy...
walang kabutihan..
sadista lang ang makakaisip na ibabad pa sa apoy ang mga nilalang na nagdusa na nang husto habang nasa mundo...
is 💀 feeling , basura ang eternity ninyo.. inyo na...
-----o0o-----
January 13, 2024...
[Trade]
day 32 mula sa pagkalugi..
day 20 sa pagkakulong ko sa QI...
sobrang agang Bitcoin dip..
Grayscale pa yata mismo ang nagwasak sa akin..?
hindi naman sobrang lakas ng hila sa QI pababa, pero bumaba nga ulit ng level ang QI... 🙁
bumagsak din pati ang RON at SLP ko..
hindi ako nagpapalit kahapon kasi naisip ko na kasisimula pa lang ng Bitcoin ETF kaya baka tataas pa ang market..
kaso nawala kaagad ang hype eh...
is feeling , QI, pakiusap na.. kahit 68% pump lang.. malapit na ang March...
---o0o---
January 14, 2024...
[Trade]
day 33 mula sa pagkalugi..
day 21 sa pagkakulong ko sa QI...
matapos nilang ibalita na magandang asset ang AVAX for 2024..
matapos din ang suporta sa kanila ng Grayscale..
biglang may masamang balita kahapon na pababa daw ang AVAX...
is feeling , huwag naman.. QI, mag-68% pump ka na...
---o0o---
January 15, 2024...
[Trade]
day 34 mula sa pagkalugi..
day 22 sa pagkakulong ko sa QI...
pagkagising ko bagsak na ulit ang QI dahil sa put*ng inang Bitcoin..
pero pagkabukas ko ng computer ko eh mas bumagsak pa lalo ang Bitcoin..
sobrang tanga ko na hindi ako nagbenta noong umabot ang QI sa USD 0.021... 🙁
is feeling , sana naman.. konting awa lang...
---o0o---
January 16, 2024...
[Trade]
yung XAI na bumagsak kaagad noong isang araw sa debut nila..
gumawa na pala kaagad ng lagpas 100% increase..
sa halos 300 Million na circulating supply nila..
at sa lagpas USD 0.50 na palitan nila noon..
mahirap masabi na magagawa nilang mag-pump nang lagpas 100%, lalo na at gaming asset lang naman sila...
pero nangyari nga..
kahit nagpalugi ako 4 days ago hanggang USD 340, USD 195 mula sa original kong 2023 pondo..
eh umabot na sana ako ngayong araw sa USD 774 gamit ang XAI...
is feeling , pero wala talagang pag-asa sa mundo ang mga taong malas...
>
[Trade]
day 35 mula sa pagkalugi..
day 23 sa pagkakulong ko sa QI...
panibagong araw na naman na bagsak.. 🙁
manipis na lang ang trading volume ng QI..
mas mababa kumpara sa dati na minimum ang USD 5 Million...
may good news tungkol sa AVAX..
sana naman magkatotoo nga..
mga investor, mangutang na kayong lahat sa QI, pausap na..
magpasok kayo ng USD 100 Million na trading volume, o siguro USD 300 Million para mas sigurado..
i-pump nyo na ang QI hanggang 77%..
ibalik nyo ang QI sa USD 0.05 na palitan...
is feeling , pawasak na ang Binance sa bayan, pero ang kamalasan ko hinding-hindi pa din natatapos...
---o0o---
January 17, 2024...
[Trade]
day 36 mula sa pagkalugi..
day 24 sa pagkakulong ko sa QI...
USD 20 na naman yung nakawala sa akin kagabi.. 🙁
dahil sa dip then pump ng pesteng Bitcoin..
tapos mga fan token naman ang p-in-ump kahapon...
pataas ang QI ngayong umaga..
pero nanghihila pababa ang Bitcoin..
nito namang gabi, hindi ko masabi kung dapat ba akong magbenta ng QI sa USD 0.0185..
kasi salungat naman this time ang direction ng graph ng QI kumpara sa Bitcoin...
is feeling , sobrang basura ng basurang buhay na 'to...
---o0o---
January 18, 2024...
[Trade]
day 37 mula sa pagkalugi..
day 25 sa pagkakulong ko sa QI...
USD 25 naman ang napakawalan ko kahapon ng tanghali, bago ulit bumaba ang Bitcoin...
masyado nang nakakagulo ang pagtaas-baba ng Bitcoin..
gaya kanina, umangat nga, pero bigla namang nag-dip din ngayong gabi...
bumalik lang tuloy ang QI malapit sa USD 0.0175... 🙁
is feeling , USD 75 Million lang ang market cap ng QI, pero ayaw na ayaw ninyong i-pump, mga put*ng ina ninyong alipin ng mga makapangyarihan...
---o0o---
January 19, 2024...
[Trade]
day 38 mula sa pagkalugi..
day 26 sa pagkakulong ko sa QI...
habang nagkukunwari kahapon ang Bitcoin na umaangat siya..
bigla naman siyang patraydor na nag-dip by USD 2,000 simula kaninang madaling araw..
dahil dun eh lagpas 9 levels na ulit ang layo ng QI mula sa entry point ko..
tapos umabot pa siya kaagad sa 10 levels ang layo bandang lunch..
kaya sa ngayon ay nasa 87% na ang kailangan kong pump para lang makatakas sa QI...
wala na..
nasa USD 70 Million ang market cap ng QI..
pero walang interesadong mag-pump..
kahit pa panay ang good news para sa AVAX...
is feeling , paubos na ang January.. mga demonyo kayong lahat...
No comments:
Post a Comment