Saturday, January 13, 2024

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of January 2024 (Bitcoin ETF Mess)

Loveless Story


January 9, 2024...

nasubukan ko na yung roasted almonds ng Belle's Pantry Essentials sa Lazada..
okay naman..
maliban sa ilang basag na nuts, wala naman siyang pinagkaiba sa kalidad nung mamahalin na Sunkist na brand...

pero dahil 1 kilo 'yon..
nagbukod muna ako ng pwede kong ilagay sa resealable container..
at inilagay na sa loob ng ref yung natira, as suggested na din dun sa packaging...

is feeling , sunod na ie-evaluate yung mga nailagay sa ref...

---o0o---


January 10, 2024...

ang mga Imperyalista..
ang mga extremist..
ang mga terorista..
ang mga kriminal..
ang mga kurakot sa pamunuan..
lahat sila pinapaboran ang existence..
mabuti pa ang mga kriminal na katulad nila dahil may mga lugar sila dito sa mundo...

lahat sila okay at katanggap-tanggap ang existence kumpara sa akin... 🙁

is feeling , ayaw nilang tigilan ang araw-araw nilang mensahe para sa akin, na tapusin ko na ang sarili ko...

-----o0o-----


January 6, 2024...

[Trade]

day 25 mula sa pagkalugi..
day 13 para sa extended na pagkakulong sa QI...

nagising sa isang masamang umaga, na naman..
dahil sa taas-baba na ginagawa ng Bitcoin, although pataas naman siya in general..
eh nawasak ulit tuloy ang QI, na more than 8 levels na ulit ang layo mula sa isinumpang entry point ko.. 🙁
nasa 76% pump na tuloy ang kailangan ko para lang makalaya na ako sa QI...

matapos kong magbukas ng computer kaninang umaga eh bumaba na ulit ang level ng Bitcoin..
na lalo pang sumira sa QI... 🙁

is feeling , hindi ko mahihintay ang April, dahil sa March pa lang eh wawasakin na ng bayan ang Binance...

---o0o---


January 7, 2024...

[Game]

sa Off-Season 6..
for the first time..
sa lahat ng Season ng Origins na dumaan, 8 na yata kung tama ang tanda ko..
eh ngayon ko lang nagawang makaabot sa rank na Challenger..
sa tulong ng napakalakas na libreng Mystic Rune na Feather Descend..
kahit libreng Axie lang ang ace player ko, eh nagawa ko na ngang maabot ang highest rank division...

hindi ko 'to tatanggihan..
pang-farm din yung Rune ng SLP...

is feeling , ganito kalalakas ang mga player na nagagawang makapag-Craft ng Mystic Rune sa official Season...


>
[Trade]

day 26 mula sa pagkalugi..
day 14 para sa extended na pagkakulong ko sa QI...

kagabi..
simula noong time na nag-pump nang sobrang lakas ang QI, noon na lang ulit sila nagkaroon ng 24 hour trading volume na below USD 5 Million..
nasa USD 6 Million yung trading volume nila para manatili sa USD 0.018 na palitan and above...

madaling araw nang magsimulang umakyat ng level ang QI..
umabot din sila ng 2 levels na recovery...

is feeling , pakiusap QI, gawin nyo na.. 100% pump...

---o0o---


January 8, 2024...

[Trade]

day 27 mula sa pagkalugi..
day 15 para sa extended na pagkakulong ko sa QI...

nag-dip ang Bitcoin kaninang umaga..
lagpas 8 levels na naman tuloy ako mula sa aking entry point.. 🙁 
nagpatuloy lang sa pagbaba ang palitan ng QI..
kahit pa nag-acquire ng AVAX ang Grayscale, na siyang parent chain ng QI..
untikan pa tuloy umabot sa 10 levels away ang QI mula sa aking entry point... 🙁

ang kakaiba ngayong araw..?
nasa safe level naman ang Bitcoin..
nasa USD 43,000 to 44,000 pa din..
pero pababa ang direksyon ng majority ng market..
damay pa ang RON, AXS, at SLP.. 🙁
so sobrang delikado kung bad news pa ang magiging resulta tungkol sa Bitcoin ETF...

bandang 8:00 PM nang magsimulang mag-pump ang Bitcoin..
pero hindi pa malinaw sa ngayon kung magiging purong pump ba ito..?
o pump then dump lang..?
sana naman..
sana magtuluy-tuloy na..
lahat ng mangungutang, sa QI na kayo mangutang...

is feeling , Grayscale, tulungan nyo naman ang AVAX at QI.. gusto ko nang magising sa isang maayos na umaga na walang kamalasan...

---o0o---


January 9, 2024...

[Trade]

day 28 mula sa pagkalugi..
day 16 para sa pagkakulong ko sa QI...

nagawa nang umangat ng Bitcoin hanggang sa USD 47,000...

nag-pump ang QI kaninang 5:00 AM..
5 levels mula sa bottom niya kahapon..
pero pagdating ng 6:00 AM eh mabilis lang silang bumaba by 2 levels..
samantalang yung mga asset na nasa daan-daan ang market cap eh nagagawang mag-pump nang mas malalakas...

is feeling , pakiusap.. kailangan ko ng at least 68% increase...

---o0o---


January 10, 2024...

[Trade]

day 29 mula sa pagkalugi..
day 17 para sa pagkakulong ko sa QI...

nagising sa malabangungot na umaga..
5:00 AM nang nag-pump then dump ang Bitcoin..
at dahil pala 'yon sa market manipulation na ginawa ng SEC ng America..
wala naman yung masyadong epekto sa QI na lagpas na talaga sa 8 levels away mula sa entry point ko bago pa nagloko ang Bitcoin..
pababa na talaga ang direksyon ng QI simula pa lang kahapon ng tanghali...

from USD 137 lumaban ako para makabalik sa USD 535..
pero kahit na ano pang gawin ko..
kahit na ano pang magagandang opportunity ang dumadaan..
puros maling desisyon lang ang mga nagagawa ko.. 🙁
na para bang talagang hinihila ako sa ilalim, kung saan wala na akong kalaban-laban...

is feeling , may pag-asa pa kaya na magising ako sa isang maayos na umaga...??

---o0o---


January 11, 2024...

[Trade]

day 30 mula sa pagkalugi..
day 18 para sa pagkakulong ko sa QI..
ibig sabihin..?
1 buwan nang na-stuck ang pondo ko, bukod pa sa lugi din..
ibig din sabihin..?
na USD 600 na dapat ang na-recover ko sa ganung kahabang panahon...

so inaprubahan na ng SEC ang mga Bitcoin ETF matapos ang ginawa nilang iskandalo kahapon..
pero hindi pa naman nagsisimula ang bentahan...

hopefully bukas eh makapagsimula na sila..
at nang makita kung hanggang saan ang magiging positive effect nun sa Bitcoin..
mga tao, sinuportahan ng Grayscale ang AVAX..
kaya naman mangutang na kayong lahat sa QI para sa mga investment ninyo...

is feeling , QI, pakiusap gawin nyo na.. 100% pump habang natutulog ako, para mas masigurado na ang exit ko...

---o0o---


January 12, 2024...

[Trade]

day 31 mula sa pagkalugi..
day 19 para sa pagkakulong ko sa QI...

nag-pump then dump ang Bitcoin noong hatinggabi..
nagsimula na nga ang trading ng mga Bitcoin ETF..
kaso pansamantala lang ang naging initial impact nun.. 🙁
ni hindi ko alam kung may susunod pa...

ang bobo ko talaga..
lumalabas kasi na simula noong tsansa ko sana para maka-exit noong December 29..
kung nag-trade lang sana ako gamit ang bawat naging bottom at peak ng QI, kahit pa below sa entry point ko lahat ng mga level na iyon..
eh umabot pala sana sa USD 1,286 ang kinita ko hanggang kagabi... 🙁

is feeling , pakiusap.. 100% QI pump...


No comments:

Post a Comment