Loveless Story
December 31, 2023...
[Strange Dream]
hindi ko na matandaan nang malinaw lahat ng mga pangyayari...
basta nasa isang kotse daw ako..
kasama si Attendant Y..
hindi ko na tanda kung sinong nagda-drive, pero basta hindi naman si Attendant Y...
parang namamaliit daw niya yung kotse na sinakyan namin dahil old model iyon..
pagka-zoom out ng view ay nakita ko nga na mala-old generation Camaro pala yung sinasakyan namin..
naikuwento din niya na hindi daw niya nagustuhan ang ginawa sa katrabaho niya ng isang kliyente na kakilala ko..
samantalang wala naman akong kakilala na kliyente sa totoong buhay..
parang may ginawa daw kasing claim yung lalaki tungkol sa gagawin nito..
pero lumabas na yung babae pa yung napagastos at nahiraman nito ng pera sa bandang huli...
is feeling , tungkol ba sa Dream Date yung tagpo na iyon, kaya kami nasa isang kotse..? si Attendant Y na lang ba ang posible kong makasama...??
---o0o---
January 2, 2024...
nakakuha na ulit ako ng panibagong Php 60 na discount voucher mula sa game sa Lazada..
kapalit ulit ng libreng bigas..
ginamit ko para mas makamura pa doon sa 1 kilogram ng Almonds...
is feeling , sana talaga maayos yung Almonds...
>
[Online Marketing]
nakuha ko na yung annual sales mula sa 1st store para sa 2023..
mas mataas naman kumpara noong 2022..
pero 2nd to the lowest sa loob ng almost 7 years, dahil lowest yung sa 2022...
hindi din nakabuti na hindi ko naabot yung quota for December..
kahit pa naglunsad ng store wide sale yung shop..
wala tuloy pumasok sa akin na kahit na anong kita sa pagpasok nitong January...
para naman sa annual gross income..
mas mababa itong 2023 kumpara noong 2021 at 2022..
basta hindi papasa na annual income ng isang normal na tao na pwedeng mabuhay dito sa mundo..
sobrang tax-exempted ng level... 🙁
is feeling , walang kasuwerte-suwerte sa kahit na anong bagay...
---o0o---
January 3, 2024...
sa tuwing napapakinggan ko yung mga turo sa Corinthians..
nare-realize ko na talagang walang saysay ang buhay ko..
kasi lumalabas na hindi ko talaga dapat na-experience yung mga karanasan sa buhay na pinilit ko lang na makuha..
na sobrang makasalanan ko..
na nagawa ko lahat ng 7 Deadly Sins..
na ang totoong patakaran ay walang karapatang mabuhay sa mundo ang isang tao kung wala namang nagmamahal sa kanya..
na kailangan nga lang mabuhay ng mga tao bilang alipin ng mga makapangyarihan..
kung may nagmamahal sa'yo, edi saka ka pwedeng makaranas ng ibang kaligayahan..
pero kung wala, eh para ka lang basura na hindi na pwedeng gamitin ang pagiging rational mo..
mas masahol ka pa sa hayop na gumagamit lang ng instinct, dahil nabigyan ka ng rationality na hindi mo naman pwedeng gamitin...
is 💀 feeling , tukso ang rationality.. na hindi dapat gamitin dahil kailangan ngang mabuhay ng lahat bilang mga alipin...
---o0o---
January 4, 2024...
nawala daw ang smartphone..?
pero nakakapag-post pa din sa social media gamit ang mismong account niya..
ay gaguhan...
tingnan natin kung anong gagawin ninyong palusot sa araw ng singilan...??
is feeling , lahat ng kasinungalingan kaya mong sabihing p*ta ka...
---o0o---
January 5, 2024...
bakit daw hindi ako sumasama sa mga kaliwa't kanang reunion..?
ang dami kong problema..
araw-araw na lang..
yung USD 900 plus na assets na pinondohan at pinaghirapan ko sa loob ng ilang taon..
nasa USD 300 na lang ngayon... 🙁
gaano ba kahirap intindihin na winasak na din ng tadhana ang computer ko..?
kung ako lang ang masusunod, hindi ko na babawiin lahat ng mga nalugi ko sa Axie at Binance..
pero ang trabaho ko pinalapa na nila sa online pirates..
ang computer na gamit ko sa trabaho winasak na din nila..
wala namang nasasayang sa akin na oras, dahil wasak na nga ulit lahat ng options ko.. 🙁
kaya gusto kong mabawi lahat ng mga nasayang ko, dahil kailangan ko na naman ng panimula...
hinding-hindi maiintindihan ng mga taong mapepera ang pakiramdam ng isang basurang tao na araw-araw na malas sa buhay..
hinding-hindi nila maiintindihan ang pakiramdam ng nilalang na automatic na nagiging mali ang lahat ng mga desisyon dahil lang gusto siyang kumbinsihin ng mga makapangyarihan na tapusin na ang kanyang sarili..
hinding-hindi nila maiintindihan ang mga paghihirap ng isang nilalang na nabubulok na ang buong existence...
is feeling , kapag mapepera kayo, manahimik na lang kayo at mag-focus sa mga buhay ninyo.. huwag na kayong mang-abala ng mga isinumpa ang existence...
-----o0o-----
December 30, 2023...
[Trade]
day 18 mula sa pagkalugi..
day 6 para sa extended na pagkakulong sa QI...
6 levels away na ako sa aking entry point pagkagising ko..
dahil sa Bitcoin crash..
hapon naman noong nanghila ulit ang Bitcoin dahil sa panibagong pagbaba..
lumagpas pa tuloy sa 6 levels ang aking pagkalugi...
kailangan ng mga nasa USD 50 Million mula sa USD 0.020 para makapag-pump ang QI nang may 50% increase..
sana lang eh mangyari na pamaya habang natutulog ako...
is feeling , tapos na dapat ang problema na 'to.. pero dahil sobrang tanga ko, eh nakulong lang ulit ako sa QI...
---o0o---
December 31, 2023...
[Trade]
day 19 mula sa pagkalugi..
day 7 para sa extended na pagkakulong ko sa QI...
pangit ang performance ng Bitcoin..
panggulo..
USD 50 Million ang kailangan na pumasok na trading volume sa QI para makaabot siya sa USD 0.030 na palitan..
o di kaya USD 100 Million para siguradong-sigurado...
is feeling , sana naman magising na ako sa isang mabuti-buti na 2024...
---o0o---
January 1, 2024...
[Trade]
day 20 mula sa pagkalugi..
day 8 para sa extended na pagkakulong sa QI..
less than 2 months bago wasakin ng bayan ang Binance... 🙁
at sinalubong nga ang 2024 nang mas nalulugi pa..
nag-short dip noong umaga ang Bitcoin..
bilang epekto eh lumagpas na sa 6 levels ang layo ko mula sa aking entry point..
kahit pa umakyat naman ulit nang mabilis ang Bitcoin eh wala naman siyang naging hila para sa QI..
mas nakakagulo lang tuloy yung pagtaas-baba nila... 🙁
is feeling , kailangan ko ng konting kabutihan mula sa put*ng inang basurang mundo na 'to...
---o0o---
January 2, 2024...
[Game]
kahit papaano ilang dolyar na din yung kinita ko mula sa SLP ngayong Off-Season 6..
labis na para masagot yung 2 Ascension na obligado kong daanan..
USD 1.00 each din ang mga iyon..
sayang naman kasi kung pababayaan ko lang na maging stagnant yung level..
baka sakali ding makatulong para mabenta sila sa hinaharap...
is feeling , mula sa economic freedom scam, ngayon eh tadtad na yung scam game ng microtransactions...
>
[Trade]
day 21 mula sa pagkalugi..
day 9 para sa extended na pagkakulong ko sa QI...
pataas ang direksyon ng Bitcoin..
dahil dun eh nahila din naman pataas ang QI..
kaso nga eh galing sila more than 7 levels below sa entry point ko.. 🙁
hindi din nakatulong na gumawa ng mga pababang direction ang QI, kahit na pataas naman ang sa Bitcoin...
kailangan na magtuluy-tuloy lang sa pagtaas ang Bitcoin, kundi eh mawawasak niya nang malala ang QI...
is feeling , pakiusap.. gusto ko nang makawala.. ipasok nyo na ang USD 100 Million ninyo sa QI...
---o0o---
January 3, 2024...
[Trade]
sa sobrang kamalasan ko..
saktong nagpapapalit ako ng SLP to RON nang biglang nag-crash ang Bitcoin ngayong gabi..
lagpas USD 2.00 na sana iyon na ipi-prepare na pambayad para sa Ascension..
pero from Php 0.184 na inabutan kong palitan..
eh biglang pinabagsak ng FATE ang SLP hanggang Php 0.166... 🙁
hindi ko na nga inabutan yung Php 0.20 na palitan, tapos ganito naman ngayon..
trabaho ng mga demonyong makapangyarihan... 🙁
is feeling , anong sunod, mga put*ng ina ninyo..? yung missile na para sana sa Israel o Ukraine eh dito mismo tatama sa bahay...??
>
[Trade]
day 22 mula sa pagkalugi..
day 10 para sa extended na pagkakulong ko sa QI...
ang weakness ng QI..?
milyunan ang pumapasok sa kanilang circulating supply sa mabilis na rate dahil sa kanilang farming...
matataas ang market cap ng mga assets na pina-pump lately..
pataas ang trend ng QI ngayong araw..
tamang-tama sana para sa 50% pump para tamaan ang target price ko..
pero paulit-ulit na bumaba ang Bitcoin ngayong gabi..
hanggang sa gumawa na nga sila ng bayolenteng crash para lang wasakin ako.. 🙁
put*ng inang sabotahe, na naman..
mula sa 4 levels away, eh lumagpas pa sa 8 levels away ang QI mula sa entry point ko... 🙁
is feeling , pakiusap.. mag-100% pump ka na lang QI...
---o0o---
January 4, 2024...
[Trade]
day 23 mula sa pagkalugi..
day 11 para sa extended kong pagkakulong sa QI..
at ayaw na ngang tumigil ng mga kamalasan para lang tapusin ako... 🙁
sa level ngayon ng QI, kailangan ko ng at least 56% increase para maabot na ang target ko...
is feeling , pakiusap.. mangyari ka na.. tama na ang araw-araw na bangungot...
---o0o---
January 5, 2024...
[TV Series]
ang kakaiba sa media ng ABS-CBN..?
hindi nila tinatalakay ngayon yung revision na ginawa sa script ng Batang Quiapo..
parang ayaw nilang pag-usapan kung bakit binago nang husto yung script, kumpara sa ipinakita na noon na trailer para sa Season 2 nung TV series..
na para bang may itinatago silang mga detalye at ayaw na nilang pag-usapan ang mga iyon...
is feeling , ang hilig pumatay ng leading lady...
>
[Trade]
day 24 mula sa pagkalugi..
day 12 sa pagkakulong ko sa QI...
lagpas 6 levels away ang QI mula sa entry point ko..
pero before 10:00 AM nang bigla na namang may magpa-dip sa Bitcoin..
yung Bitcoin na inaasahan kong makakatulong sa mga kailangan kong pump..
siya pa mismo ang laging nagdudulot ng problema..
sa tuwi na lang pataas na ang direksyon ng QI..
lagi na lang kumikilos ang Bitcoin para magdulot ng market dip... 🙁
is feeling , sobrang perpekto ng mga makapangyarihan na gustong tumapos sa akin...
>
[Trade]
ang simple lang ng plano noon..
makaipon ng 2 USD 1,000..
ang gawing stablecoin ang mga iyon at ipasok sa savings..
umiwas sa mismong trading..
at kumita ng nasa Php 20 na interes per day...
is feeling , pero after 2 years, wala pa rin.. wala na, dahil wawasakin na ng bayan ang Binance...
No comments:
Post a Comment