Loveless Story
July 25, 2023...
2 months nang hindi binubuksan ni Attendant Ry ang account niya..
ano nga bang dahilan..?
bakit kahit active naman siya hanggang noong June, eh hindi na niya talaga binuksan ang kanyang account...
naipasok ko pa naman na siya sa Top 25 with respect to reputation..
at siya na din ang top account para sa user category nila...
is 💔 feeling , miss na miss na kita...
---o0o---
July 26, 2023...
ano bang nangyayari sa Japan..
JAV capital of the world sila..
pero bakit nawawalan ng gana sa reproduction ang mga mamamayan nila...?? 🙁
mukhang kailangan ko nang lumipat sa Japan..
para tumulong..
kaso mga top JAV idol lang ang pwede sa akin... XD
is feeling , hindi maganda 'to...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Invitational Conference 2023 (Semifinals)
July 22, 2023...
natapos na din ang banta ng Cignal laban sa Creamline..
maliban sa Set 1, maganda talaga ang naging scoring stats nila..
nalalason lang minsan ng errors..
grabe, back-to-back na 5-setter na yung pinagdadaanan ng Creamline...
bale 3-0 na sila ngayon..
kasi daw ay natalo na nila ang PLDT sa Elimination round, kaya hindi na sila maghaharap this time..
parang tumuloy lang ang single round-robin na ranking after matanggal yung mga bottom teams...
dahil dun ay Vietnam at Japan na lang ang mga challenge na haharapin ng Creamline...
is feeling , para kina Morado at Galanza...
---o0o---
July 25, 2023...
palaban ang Kinh Bac-Bac Ninh sa simula, ang team mula sa Vietnam na nagawang talunin ng PLDT..
pero naka-recover kaagad ang Creamline sa Set 1 nang ma-activate na ang blocking nila..
lumabas din na mahina ang banta ng Vietnam sa tuwing wala sa harapan ang Ace Player nila..
at nagawa ngang malagpasan ng Creamline ang challenge ng Vietnam, dahilan para ma-secure na nila ang slot nila para sa Finals...
nakakatawa na nakakahiya lang sa mga foreign team..
natuwa kasi sila sa nasaksihan nilang dami ng live audience noong unang araw ng mga laban nila..
di nila alam na mag-uuwian na ang mga tao noong oras na nila para maglaro..
mga bastos na mamamayan ng bayan... XD
tapos hindi nagawa ng F2 na matalo ang Kurashiki Ablaze ng Japan..
mahirap 'to..
ang linis maglaro ng mga Japanese pagdating sa basics..
magiging banta laban sa Creamline ang sarili nilang mga error...
is feeling , para kina Morado at Galanza...
---o0o---
July 28, 2023...
so nakuhanan ng PLDT ng 1 set ang Japan kahapon...
as expected, ang lakas ng floor defense ng Japan..
bukod pa sa power at speed ng mga atake nila..
hindi tama na mamigay sa kanila ng madaming errors...
for some reason eh ipinahinga ng Creamline ang iba nilang players..
at nag-experiment nang marami sa kanilang lineup..
okay naman ang naging simula ng Set 1, kaso nalason ang Creamline ng sarili nilang errors..
nakuha naman ng Japan ang Set 2 dahil sa kanilang attacking stats..
bumawi ang Creamline sa Set 3 kung saan nakuha nila lahat ng scoring stats..
pero tinambakan na sila ng Japan sa Set 4...
dahil dun ay nasira ang record ng Creamline..
pero sila pa din naman ang makakalaban ng Japan sa Finals...
is ⚠ feeling , magiging mahirap ito para kina Morado at Galanza.. kailangang maging mas malinis ang laro nila...
-----o0o-----
July 23, 2023...
[Gadget-Related]
so may nakawan sa BPI gamit ang online banking..
ang na-realize lang ng mga biktima ay bank account nila na pasukan ng mga suweldo nila ang naging target...
kaso malaki din talaga ang naging pagkukulang nung kakilala ko na naging biktima..
kasi OTP (one-time password) yung ipinadala niya doon sa nagpakilala na empleyado ng BPI..
samantalang hindi naman talaga dapat ipinapasa sa ibang tao ang mga OTP..
dahil sa pagkakamali na iyon eh nawawalan ng liability ang BPI...
pero ganun pa man..
nananatiling nandun yung tanong kung saan nakuha nung mga scammer yung bank account, account name, at mobile number na konektado doon sa bangko..
ibig din sabihin na nagkaroon ng access yung mga magnanakaw sa username at password, since OTP na lang yung kinailangan nila mula doon sa biktima..
so inside job ba iyon..?
o phishing..?
o hacking sa laging naka-online na smartphone...??
is ⚠ feeling , lumalabas sa panahon ngayon na OTP at mobile number na lang ang proteksyon ng mga users para sa kanilang mga online account.. since nakukuha nga ang mga username at password nang basta-basta na lang...
---o0o---
July 24, 2023...
[Trade]
nag-pump kagabi ang OAX..
pero as usual, na-short kumpara sa entry point ko.. 🙁
USD 14 sana 'yon kung napakinabangan ko yung short pump mula sa bottom...
sa AST naman..
nasa USD 15 yung napakawalan kong pagkakataon...
nakisali na rin ang OGN sa mga nakagawa ng halos 100% recovery..
iyon ay sa kabila ng malaking volume ng circulating supply nila...
hapon naman..
nag-crash at nanghila na ang Bitcoin..
meaning, mas tama sana kung nagbenta ako nang palugi sa OAX para nakapasok ako sa mas mababang level..
pero wala na, lagpas USD 0.01 na ulit ang layo ko mula sa aking entry point... 🙁
is feeling , USD 0.34 ang pag-asa ko.. kailangang may mag-pump na sa OAX...
---o0o---
July 25, 2023...
[Game]
2 years na ako sa scam game.. 🙁
pero di ko pa rin ma-recover lahat ng earnings ko mula sa Binance..
at dahil wala akong trabaho, for 5 months na, eh nakakapaglaro tuloy ako...
bukod sa patuloy na marahas na imbalance, eh may mga babaguhin na naman..
may level up na gaya sa Pokemon, meaning may lamang na kaagad yung mga team na pinaboran ang skills..
at hahayaan na ring ma-farm ang mAXS simula sa Season 5...
anyway..
hindi ko sinasadya, pero nakapasok ako sa top 4,000 sa off-season..
kung magpapalit na nga ng season bukas, ibig sabihin na may mase-secure naman akong Charm kahit papaano..
yun nga lang, random at hindi mapipili...
is feeling , 2 taon na...
---o0o---
July 26, 2023...
[Game]
simula na nga ng Season 5..
pero wala..
maysa-demonyo talaga ang mga developers..
lalo lang nagiging basura ang mga sarili kong Axie habang tumatagal..
ni hindi kailangan ng mga kalaban ng gamit para lumakas ang team nila..
kusang naka-program ang mga skills nila para lumakas habang nagpo-progress ang laban...
wala na..
hindi ko na kaya.. 🙁
ibig sabihin na wala nang natitira sa akin ngayon kundi iyong RON farming...
is feeling , basura...
>
[Trade]
nagawang mag-pump ng AST ngayong hapon..
USD 31 din sana iyon para sa akin... 🙁
t*ng ina..
2 months na..
wala akong kinikita sa Binance..
kasi lagi akong nakakulong sa asset na pinaliliguan ko ng sarili kong kamalasan... 🙁
is feeling , ayaw tumigil ng taglay kong kamalasan.. basta gusto lang nilang mabura na ako dito sa basurang mundo na ito...
---o0o---
July 27, 2023...
[Game]
at hindi din nga tumigil..
sinubukan ko kanina yung 1 libreng Starter na napaabot ko na sa sagad ang level..
sinubukan ko din yung 1 bagong Starter na shield specialist..
at umubra naman..
madami akong nakuhang panalo..
dahil dun eh 2 bago na yung na-unlock ko...
ang problema lang nito..?
hindi ko naman mapapa-level up ang sarili kong mga Axie...
is feeling , asa sa mga libre, hanggang nananalo pa...
>
[Trade]
so nagpalit ng tag ang Binance para sa mga nasa Innovation Zone..
kulay pula pa ang ginamit nila..
parang nananakot tuloy ang dating..
at damay dun ang OAX... 🙁
umangat ang OAX..
kaso kapos pa din talaga sa entry point ko.. 🙁
nasa USD 16 din sana 'yon na kita sa akin from the bottom...
umangat din ang AST..
at mas maganda pa ang direksyon niya kumpara sa OAX..
USD 21 naman ang napakawalan ko sa kanila... 🙁
is 💀 feeling , wala na akong pag-asa.. mali ang buo kong existence...
---o0o---
July 28, 2023...
[Game]
na-unlock ko na lahat ng 3 bagong Starter..
gaya ng Beast, eh sobrang lakas din ng Bird..
nagbuwis na din ako ng 100 SLP para sa Crafting, at nakakuha naman ako ng Rune na pampalakas dun sa Bird...
is feeling , mga libreng monster na lang ang may silbi...
>
[Trade]
nakagawa ng pump ang OAX noong madaling araw..
USD 10 din sana iyon para sa akin..
ibig sabihin..?
kung nagpalugi sana ako kahapon, tapos nasakyan ko yung sumunod na pump..
edi sana naka-exit na ako sa OAX at kumita kahit papaano ng USD 2...
nagawa naman ng AST na mag-pump ngayong hapon..
USD 33 sana iyon para sa akin..
ramdam na ramdam ko ang kamalasan.. 🙁
ilang beses nang nag-pump ang AST noong wala ako sa kanila..
pero ang OAX, 20 days na, eh wala pa ding major pump...
is 💀 feeling , mahalaga para sa mga nakatataas na masasama lang ang mangyari sa basurang buhay ko...
No comments:
Post a Comment