Loveless Story
July 8, 2023...
t*ng ina..
in your face na naman ang inabot ko..
saan ba nanggagaling 'tong maligno sa buhay ko..?
sobrang efficient niya..
lalo na sa Binance..
sobrang daming beses ko nang nasaksihan ang mga kaya nilang gawin... 🙁
is feeling , paano ako nagkaroon ng ganitong kadilim na FATE...??
---o0o---
July 12, 2023...
after 13 days..
binubuksan na ulit ni Attendant Ry ang messaging app niya...
huli siyang naging busy doon noong may naglabas ng review tungkol sa kanya..
siguro binaha ng mga inquiries..
at ngayon na nga lang ulit siya nagbubukas nung app...
is feeling , nabuntis ka ba pagpunta ninyo sa ibang bansa...??
---o0o---
July 13, 2023...
[Gadget-Related]
nagtampo sa akin ang Facebook..
for desktop 'to..
kung doon sa huling update nila, eh ultimo tamaan ng mouse hover eh nalilista kaagad sa search history..
ngayon naman eh naka-auto clear na ang history pagka-log out...
is feeling , better...
-----o0o-----
July 13, 2023...
[V-League]
PVL Invitational Conference 2023
nagsimula na ulit ang mga laro noong isang araw..
hindi ko nga alam kung bakit madaming araw na natigil ang PVL...
nakuha na din ng Creamline ang 3rd win nila..
kaso na-injure si Prado ng PLDT, siya pa naman ang consistent player nila..
1 match na lang ang natitira para sa Creamline sa Pool A..
secured na sila para sa Semifinals..
pero nagdagdag ng banta ang hindi pa nila nakakalaban na Akari...
great 5-set game din para sa Angels..
winasak din nila ang record ng F2...
is feeling , para kina Morado at Galaza...
-----o0o-----
July 8, 2023...
[Trade]
so naka-exit na ako ngayong araw sa OAX..
pero ang laki ng nasayang ko... 🙁
kung nagamit ko sana yung bottom niya, eh aabot sana sa USD 99 ang kinita ko..
pero dahil nga galing ako sa mataas na entry point ay hindi ko nasulit yung malaking pump ng OAX..
hindi ko din inasahan ang taas ng magiging pump niya, due to previous trends, kaya hindi ko din talaga na-maximize..
halos wala akong kinita sa pag-exit ko..
pero pwede pala sana akong kumita ng USD 20...
ang masama pa sa nangyari..?
malayo pa ang OAX sa selling point ko..
kaya naman minabuti kong i-activate yung rebate voucher..
para in case nga na may ma-initiate na transaction ngayong araw..
pero surprisingly, pagbalik ko sa trading menu eh pumalo na nang husto ang OAX..
hindi ko tuloy alam kung umabot ba yung voucher dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari...
is feeling , simula ulit ng attempt na maka-recover...
>
[Trade]
pero kamalignuhan lang ulit ang sinapit ko... 🙁
iba ang naging trend ng OAX, di tulad ng nangyari sa akin last time..
after maabot ng peak, hindi naman siya nag-crash at paulit-ulit pa ngang nag-pump..
ang dami kong na-miss..
USD 33..
USD 13..
USD 17..
USD 13..
bukod pa sa almost zero fee dapat ang mga iyon...
matapos yung pang-apat kong sablay ay sumugal ako na pumasok ulit sa OAX..
pero kinilabutan ako na nag-cause nga ako ng crash after kong bumalik sa kanila..
hanggang sa nagpalugi na ako ng USD 12 para matigil na ang bangungot na iyon..
para kong itinapon lang yung huli kong nakuha mula doon sa game..
at nalugi pa ng nasa USD 3 yung original kong pondo...
halos 2 hours iyon na tuluy-tuloy lang sa pagbaba ang palitan ng OAX..
pero nang makawala na sila sa sumpang dala-dala ko eh nag-pump naman sila palagpas sa naging entry point ko...
nag-pump din ang AST ulit..
sa kanila na lang pala ako dapat pumasok after ng exit ko sa OAX..
nasa USD 25 naman yung na-miss ko doon...
hindi din ako makapasok sa FIDA at DREP, kasi sinabayan nila yung naging pump ng AST...
is feeling , ang tindi ng kamalasan na dala-dala ko...
---o0o---
July 9, 2023...
[Trade]
tuluy-tuloy lang ang anomaly laban sa akin... 🙁
una, yung may kaso pa na PNT ang nagawang pumalo by 100% increase..
yung pump na matagal ko nang kailangan sa buhay ko...
pare-prehas naman ngang umangat ang AST, FIDA, at DREP matapos na gumawa ng malaking pump ang OAX kahapon..
ang problema..?
kahit bumababa ang Bitcoin eh hindi naman nahihila yung 3..
wala tuloy akong mapasukan na asset para sa investment..
na para bang pinipigilan talaga ng FATE na makabawi ako sa buhay...
is feeling , nawawasak ang lahat sa tuwing kumikilos na ako...
---o0o---
July 10, 2023...
[Trade]
2nd attempt sa trade matapos kong makalaya..
OAX na ulit kaagad dahil naabot niya yung target ko na entry point..
at tumama naman ang pasok ko...
ayun nga lang..
hindi ko in-expect na makakagawa kaagad siya ng pump..
kinapos tuloy ako ng USD 7 sa kinita ko..
nabawi ko yung nalugi sa akin last time, then USD 1 na lang yung inabutan ko na kita...
tapos pumalo na naman ang may kasong PNT..
USD 82 naman sana 'yon para sa akin...
may sablay din ako sa AST..
short pump na worth USD 11 sana para sa akin...
is feeling , ulit.. ngayon pa lang magsisimula ang laban para sa recovery...
---o0o---
July 12, 2023...
[Trade]
nasa 4 na assets na yung nag-pump ng nasa 100% nitong mga nakaraang araw lang..
at 2 doon ang nasa watchlist ko...
nakagawa ulit ng pump ang OAX nitong umaga..
USD 25 din sana 'yon para sa akin...
kaso tinamaan na naman ng anomaly ang AST pagpasok ko sa kanila..
dahil sa taglay kong kamalasan, bumaba ang palitan mula sa entry point ko right after kong mag-invest.. 🙁
lagpas 24 hours na akong naka-trap dahil nga biglang nagbago ang trend pagpasok ko sa kanila...
dahil dun ay na-miss ko tuloy yung opportunity na makapasok sa safe spot ng OAX ngayong hapon... 🙁
is feeling , isang likas na trahedya ang basurang buhay ko...
---o0o---
July 13, 2023...
[Trade]
ayun..
nagbunga na yung dip ng OAX na na-miss ko kahapon..
3 beses na siyang nag-pump sa loob lang ng 4 na araw..
USD 19 din sana 'yon para sa akin...
samantalang maliitan lang ang mga patubo ko lately..
nasa USD 3 pa nga lang kung tutuusin..
then lagpas USD 2 na trading fee rebate sa tulong nung voucher...
is feeling , pagkatapos nung voucher, hindi na ulit pwede ang mga maliitan na tubo...
---o0o---
July 14, 2023...
[Trade]
XRP at XLM naman ang nakagawa ng halos 100% na recovery..
kaya pala, nagawa na ng XRP na manalo sa kaso nila laban sa SEC..
pero mahirap kasing sumugal sa mga asset na katulad nila na bilyones ang supply...
hindi naman ako nakabalik sa trading kagabi..
kinapos ang pagbaba ng palitan ng AST kasi..
tapos pagkagising ko eh pare-parehas na silang matataas ang level ng OAX, FIDA, at DREP, dahil na rin sa naging pag-angat ng Bitcoin...
is feeling , mukhang hanggang lagpas USD 2 na lang ang mapapala ko doon sa rebate voucher...
No comments:
Post a Comment