Loveless Story
July 16, 2023...
nag-transfer na ng pera para sa babiyahe papunta sa Japan..
ewan, kailangan daw para sa show money..
nahati pa yung transfer ko..
sayang ang Php 15.. 🙁
InstaPay lang kasi ang nagamit ko, kaya may limit ang amount..
may cutoff pala ang PESONet, na mas malaki ang transfer limit, na hanggang 3:00 PM lang...
Japan..
oo, interesante ang mga traditional na bagay doon..
pero aanhin ko naman yung mga memories kung nag-iisa lang ako..
wala din naman akong yaman na pang-renta ng JAV idol bilang date.. 🙁
magaling sana kung pwede kong makita doon si Kawai Asuna, o Rei Kamiki, o Hikari Azusa, o Mei Washio, o kahit si Aika Yumeno lang...
is 💔 feeling , baka hindi na, kahit na kailan...
---o0o---
July 17, 2023...
araw ng singilan...
matapos yung sinabi niya na November daw siya magsisimulang magbayad gamit ang pera ng boyfriend niya..
at yung sinabi niya na January siya magsisimulang magbayad dahil magsisimula na siyang magtrabaho..
eh heto at 9 months na siyang sunud-sunod na walang hulog..
2 months nang hindi nagre-reply..
at lahat ng iyon, habang masaya siyang naglilibot sa bayan... 🙁
put*ng ina mo..
ikaw ang nagdala sa akin sa demonyong katatayuan na 'to..
dahil sa lahat ng ginawa mong panloloko sa akin..
sige lang, gipitin mo pa ako..
kapag namatay ako nang hindi ko nakukumpleto ang Dream Date..
pakakawalan ko lahat ng put*ng inang sikreto ninyo sa lahat ng kadugo ninyo, at sa lahat ng step- ninyo...
is feeling , scheduled e-mail...
>
base sa resources ng kapatid ni Attendant Ry..
sa tantsa ko parang nasa manager ang level ng trabaho nun..
at mukhang mga bar ang hawak niya..
given that, hindi na kailangang bumalik ni Attendant Ry sa industriya..
kayang-kaya siyang hanapan ng trabaho ng kapatid niya...
is 💔 feeling , wala na.. wasak na ang lahat.. laging nawawasak ang lahat...
---o0o---
July 18, 2023...
nagpalit ng alias yung p*ta..
akala naman niya na makakapagtago siya sa akin..
mag-i-stay daw muna siya sa Capital for 1 week..
maghahanap siguro ng mga maloloko niyang kliyente...
is 💔 feeling , ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko.. isang likas na demonyo...
---o0o---
July 19, 2023...
Facebook..
ano ga..?
puros Bagaforo oppai na yang mga suggestions mo... XD
is feeling , hindi ba pwedeng mga educational clips...??
>
nag-okay na ngayong araw yung ikalawang bank transfer..
sana lang maging ligtas ang pera ko doon sa bangko nung isa..
pang-Dream Date ko pa 'yon...
is feeling , para sa Japan...
---o0o---
July 21, 2023...
nasa Capital nga yung mga p*ta..
puros gala pa rin..
kasama ang relative ng boyfriend o dati niyang boyfriend..
bar hopping pa ang mga maluluho... 🙁
ang kahinaan ng god's Eye..?
makikita mo kung paano ka niloloko ng ibang tao..
pero wala ka din namang magagawa..
ang mga walang kakayahan na kumitil ng buhay ay walang silbi..
kaya naman walang kinatatakutan ang mga mapang-abusong tao o demonyo...
is feeling , party mode...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Invitational Conference 2023
July 15, 2023...
nakakakabang digmaan for 3 sets..
may partida pa ang Akari dahil hindi pa kumpleto ang kanilang lineup, at hindi din nagsimula nang maaga si Dindin..
ang ganda ng blocking at coverage nila, bukod pa sa malakas ang opensa..
sa Creamline talaga ang Set 1..
naagaw ng Akari ang Set 2..
Akari pa din naman ang mas malakas sa Set 3, kaso nalason sila ng sarili nilang errors..
sa Set 4 naman, maagang lumamang ang Creamline, pero nakadikit ang Akari, subalit muling nakalayo ang Creamline nang ipasok na sina Negrito sa later part nung set...
ayos na..
na-sweep ng Creamline ang Pool A bago sila dumiretso sa Semifinals..
not sure sa format, pero mukhang Single Round Robin ang Semifinals with 6 teams..
top 2 teams mula sa Pool A, top 2 teams mula sa Pool B, at 2 imported teams...
is feeling , para kina Morado at sa Player of the Game kanina na si Galanza...
---o0o---
PVL Invitational Conference 2023 (Semifinals)
July 20, 2023...
maligayang araw ng digmaan..
unang sabak sa round-robin na Semifinals at F2 kaagad ang natapat sa Creamline...
activated na naman nang husto ang blocking at coverage ng F2, ang nakakatakot nilang form..
nagawa nilang makalayo sa Creamline nang dahil dun..
nabuhay naman ang laro ng Creamline mula sa Set 2..
maganda pa din ang scoring stats ng Creamline sa Set 3, kaso ay nalason sila ng sarili nilang errors..
sa Set 4 naman, nagtapon ng madaming kalamangan ang Creamline, pero mabuti na lang at naitawid nila yung set..
nawala naman ang focus ng F2 sa Set 5 kaya sila na-overkill ng Creamline..
pero sa bagay, 2 set naman talaga nila tinambakan ang F2, kaya hindi na rin nakakagulat..
dahil dun ay nasulit ng nasa 7,000 live audience ang ibinayad nila para sa kanilang mga ticket...
si Galanza ang key player nila sa mga unang sets, pero lumabas ang pagiging reliable ni Baldo sa oras ng kagipitan..
dahil dun ay siya pa nga ang naging Player of the Game...
is feeling , para kina Morado at Galanza.. at birthday din daw ng Coach nila...
-----o0o-----
July 16, 2023...
[Trade]
panay sablay pa rin ako..
USD 8 kagabi..
kasi bumalik din yung OAX sa entry point ko pagkatapos ng mini-pump...
USD 15 naman noong madaling araw..
na-short naman ang selling price ko..
USD 0.0019 na lang ang layo ko eh... 🙁
then USD 10 pa sa 3rd pump ng OAX kaninang umaga...
bandang tanghali naman..
nag-zero na lahat ng itinubo ko dahil sa crash... 🙁
pagkakataon sana 'yon para pumasok sa AST..
pero di nga ako nakabenta noong bumababa na ang palitan..
USD 17 naman ang na-miss ko sa AST... 🙁
is feeling , USD 50 na sablay sa isang araw...
---o0o---
July 17, 2023...
[Trade]
bagsak na ulit ang OAX..
below na sa entry point ko... 🙁
AST naman ang madalas umangat, kasi wala na ako sa poder nila..
USD 35 sana para sa akin yung matagal niyang pump kanina.. 🙁
tapos USD 9 naman yung padalawa, na mini-pump lang...
matapos kong hindi makapag-exit sa 2 dumaan na pagkakataon kahapon..
heto at kasama na ulit ako sa crash ng Bitcoin... 🙁
is feeling , lagpas 1 buwan na akong walang kinikita sa kabila ng mga nasasaksihan kong pump...
---o0o---
July 18, 2023...
[Trade]
lumipat talaga ang suwerte sa AST simula noong nawala ako sa poder nila..
USD 26 ang napakawalan ko sa unang pump nila noong madaling araw..
USD 19 sa 2nd pump..
at USD 11 sa 3rd pump... 🙁
may tsansa din sana ako na maka-exit sa OAX kaninang madaling araw..
kaso imposible dahil sa alanganing oras..
USD 11 din sana 'yon kung na-maximize ko yung short pump mula sa naging bottom... 🙁
tapos heto..
patuloy ang paulit-ulit na crash ng Bitcoin.. 🙁
nagagawa ng AST na lumaban..
samantalang ang OAX eh apektadong-apektado ng bawat hila pababa..
sa kabila ito ng bilyones na dolyar na pumasok sa Bitcoin noon lang isang araw...
is feeling , ayoko nang maging malas...
---o0o---
July 20, 2023...
[Trade]
patuloy sa kanyang daily crash at panghihila ang Bitcoin..
halos USD 0.01 na ang layo ko sa entry point ko kaninang umaga...
is feeling , kailangan ko ng USD 0.34 o kahit USD 0.20...
No comments:
Post a Comment