Saturday, April 30, 2022

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of April 2022 (Week Before the Narration)

Loveless Story


April 26, 2022...

nakatanggap naman ng panibagong award ngayong araw..
dahil sa isa sa latest review ko...

patatlo ko..
2nd time bilang 1st place...

is 💌 feeling , sayang na naman ang Php 500...

---o0o---


April 28, 2022...

sa pagkakatanda ko may pinirmahan na akong document..
pero hiningan pa ulit ako ng digital substitute ng signature kanina through e-mail..
nagsimula na rin ang bayaran ng premium...

nakakainggit talaga ang mga taong mayayaman.. 🙁
kapag wala silang magawa sa ibang pera nila..
eh ginagamit na lang nila kahit sa ibang bagay na wala naman na dapat halaga para sa kanila...

is feeling , hindi na sa akin ang buhay na ito...

-----o0o-----


April 28, 2022...

[TV Series]

si Mariano as Oscar talaga ang pinakamalakas na naging Pangulo..
tadtad ng bala ang katawan..
pero hindi naiimpeksyon..
ni hindi kailangang tanggalin ang mga bala sa loob ng katawan niya o linisan man lang ang mga sugat niya..
at nagagawa pa niyang mag-attempt na tumakas...

is feeling , the best President...

---o0o---


April 29, 2022...

[Trade]

hindi mabuti ang sitwasyon... 🙁

the day after ng huli kong adventure..
pagkagising ko mismo doon sa hostel..
nabigyan ako ng pagkakataon na bumili ng asset nang mas mura..
pero naloko ako ng Bitcoin...

for weeks, nagagawa niya noon na bumaba sa 0.012 at umakyat pabalik sa 0.014..
dahil dun nakondisyon ako na hindi na lalala pa ang sitwasyon..
pero mas bumagsak pa ang market..
habang nagagawang makabalik sa green ng iba..
sa ngayon parang hindi na nga imposible yung USD 30,000 level ng Bitcoin..
at lubhang mawawasak ang market kung mangyayari iyon...

sa punto na 'to nasa 0.010 na lang yung asset..
nasa 0.0034 ang layo ko doon..
pero yung difference na iyon ay katumbas naman ng 340 levels...

bukod pa sa panggigipit na ginagawa laban sa akin ng Axie Infinity gamit ang Critical imbalance at game fixing..
na paraan para mapababa nila ang earning ng player...

is feeling , kailangang matigil na 'to...


No comments:

Post a Comment