Loveless Story
March 12, 2022...
madalas daw manlait si Arianny Celeste..
mahilig sa bata..
ang pinaka-wild..
at malakas uminom ng alcohol...
parang walang pabor sa akin sa mga characteristics niya ah...??
nahanap ko na rin nga pala ulit si Attendant M..
kaso may problema..
sa pera..
sa may Pasig pala yung bagong area niya kasi..
malaki-laking pera din 'yon from Quezon City..
split map pa pala yung magiging sitwasyon ko...
is feeling , wala ng masayang gawin sa mundo na 'to...
---o0o---
March 13, 2022...
[Medical Condition]
nararamdaman ko na nga ulit yung cyst ko na sumisiksik sa hita ko..
umuumbok na rin ulit siya...
oo na, oo na..
alam ko na ang misyon ninyong lahat..
ginagawa ninyo akong abnormal para makumbinsi ako na magpakamatay na lang..
kahit na gastusan ko pa kayo..
babalik lang kayo nang babalik na parang mga sumpa ng kamalasan sa buhay ko... 🙁
pero konti pang panahon..
gusto ko pa rin sanang makapagpanggap na medyo normal ako..
sa oras na maikasa ko na yung Dream Date...
is 💀 feeling , abnormalization...
---o0o---
March 14, 2022...
pina-ring-an ko yung p*ta..
active pa rin naman yung mobile number niya..
gising din siya kaninang umaga, kung kailan akala ko na hindi na niya mapapansin yung pa-ring ko...
kaso ayun..
wala pa rin daw siyang trabaho..
anak ng batugan talaga.. 🙁
baka daw sa April na lang ulit siya makapaghulog...
t*ng ina..
eh yung sinabi nga niya na baka January eh hindi niya din natupad eh..
sayang lang ang load sa'yo...
is feeling , problema ko pa kapag nabuntis na naman siya.. magiging dahilan na naman 'yon para lalo siyang hindi magbayad...
>
yung pakiramdam na humihiling ka sa kawalan..
pero hindi mo na alam kung ano o sino nga ba ang kinakausap mo..
nasa itaas ba..?
o nasa ibaba..?
anong nilalang nga ba ang kumo-control sa kapalaran ko...??
kung ano man..
sana mawala na sila..
gusto ko nang makalaya sa walang katapusan na sumpa na 'to...
is feeling , bigyan nyo na ako ng kalayaan para ma-meet si Arianny Celeste...
---o0o---
March 15, 2022...
[Gadget-Related]
5 years na ngayon si Unit 02..
nakakatakot..
kasi yung Unit 01 ko, nagsimula siyang mag-degrade paglagpas niya ng 5 years...
before this..
nabayaran ko naman na yung mga benefactor ko..
ayaw lang ngang kunin nung iba yung Php 13,000 nila..
kaya ayun at natutulog lang sa bangko ko..
nakahanda in case na magkaroon sila ng emergency...
is feeling , damayan mo pa ako...
---o0o---
March 16, 2022...
Arianny Celeste..
i'm so sorry..
pero hindi ko na talaga alam kung paano pa ang gagawin ko..
pinipilit kong lumaban, pero yung level ng kamalasan ko, hinding-hindi ko kayang alisin sa buhay ko...
sa ngayon, lutang ang utak ko..
ni hindi ko na nga magawang makabalik sa trabaho eh..
tamad na tamad na akong lumaban..
kasi kahit na ano pang gawin ko, wawasakin at wawasakin lang naman ako ng kapalaran eh... 🙁
15 days na lang ang natitira..
tuluyan nang nawasak yung plano ko para sa Dream Date.. 🙁
hindi ko alam kung alin pa ba ang makakatulong sa akin..
Lottery ba..?
o magkakaroon pa nga ba ng pag-asa yung XRP..?
ewan...
kapag dumating ang April at wala talagang nangyari na maganda..
uubusin ko na yung cash na hawak ko..
pipilitin ko na..
basta ma-meet ko lang kayong 2 ni Attendant M...
is 💔 feeling , pagod na pagod na ako...
---o0o---
March 17, 2022...
nakapag-decide na ako..
sasangguni na ako sa isang pari na nag-e-specialize sa exorcism..
hindi man ako naniniwala sa purong kabutihan lang ng mga relihiyon..
pero wala naman na sigurong mawawala sa akin kung susubukan ko...
lahat ng aspeto ng buhay ko nababalot lang ng kamalasan..
hirap na hirap ako pagdating sa pera..
pero unfortunately, ultimo paglalabas ko ng mga pera eh napepeste din ng mga kamalasan ko..
wala akong naiintindihan sa pesteng buhay na 'to..
pero kung meron man talagang sobrang lakas na entity na namamahay sa vessel na ginagamit ko..
gustung-gusto ko na silang mawala, para naman masubukan ko nang mamuhay nang patas...
is feeling , last resort...
>
1 year na simula noong nangyari yung Php 70,000 worth ng scam sa Uncharted Territory..
at hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil dun...
unang-una..
hindi dapat ako nagkagusto sa isang babae na madaming fold ang tiyan...
tapos na dapat ang lahat..
i mean, hindi ko pala dapat sinimulan ang lahat na kasama siya..
sobrang laking pagkakamali na maniwala sa kanya..
dapat nakita ko na kaagad 'yon noon pa lang na nagsabi siya sa akin na ika-cut niya nang husto yung oras ko sa lugar nila..
hanggang ngayon nanginginig ang mga laman ko sa tuwing naaalala ko kung paano niya sinabi na bigay ko daw lahat ng mga perang inutang niya..
na bigla ko lang daw ginawang utang ang lahat ng iyon matapos na wala siyang matupad sa lahat ng mga binitawan niyang salita...
t*ng ina..
lahat ng perang pinaghirapan ko, nawala lang na parang bula..
nang dahil lang sa isang masama at manggagamit na babae...
is feeling , ano..? parte din ng kamalasan ko ang pagiging sobrang tamad niya sa pagbabayad...??
---o0o---
March 18, 2022...
10 years na simula noong nawala ang Lotus ko sa LBC... 🙁
is 💀 feeling , ibig sabihin 10 years or more ko nang dala-dala ang antas ng kamalasan na 'to sa buhay ko...
---o0o---
March 19, 2022...
dahil sa sobrang malas ko..
ultimo yung pari eh hindi pinapansin yung message ko... 🙁
is feeling , paano na 'to..? habambuhay ko na lang makakasama 'tong sumpa ng kamalasan na 'to...??
>
ano bang silbi ng kakayahan na 'to ng labis-labis na kamalasan..?
ni hindi ko nga mapagkakakitaan 'to dahil ako mismo ang target niya..
hindi ko rin naman kayang ipasa sa masasamang tao yung kamalasan ko, dahil alam ng FATE kung anong totoong iniisip ko..
kaya kung kakampi man ako sa masasamang tao, hindi din naman kikilos ang FATE, dahil ang tanging gusto nila ay kung ano lang yung nakakasama para sa akin... 🙁
is 💀 feeling , pagod na pagod na ako sa trial na 'to.. kaya nilang iparamdam sa akin lahat ng klase ng kabiguan, para lang makumbinsi ako na tapusin na ang sarili kong buhay...
-----o0o-----
March 12, 2022...
[Trade]
yung mga TFUEL ko nagaya na rin sa XRP..
dumidikit siya sa target ko na palitan, pero hinding-hindi niya nagagawang lumagpas... 🙁
tapos..
binitawan ko na yung SOL at OOKI ko..
idinagdag ko na rin yung MANA ko para sumapat yung value..
nasa USD 58 lang yung inabot nila na value..
supposedly, nasa USD 88 ang original value nila..
meaning natalo na sila ng USD 30 dahil sa mga pagbagsak ng market...
ang bobo ko talaga.. 🙁
nagsayang na naman ako ng pagkakataon..
nagawa ng GMT (Green Metaverse Token ng STEPN) mula kaninang umaga na umakyat ng lagpas 100%..
pero hindi ko na naman nagamit yung pagkakataon..
tapos heto ngayon..
nag-invest ako sa USD 0.30 na palitan..
pero biglang bumagsak na siya sa USD 0.26 after only a few minutes..
samantalang USD 0.47 pa yung target ko para lang mabawi lahat ng halaga na nawala sa mga dati kong assets...
sobra-sobrang kamalasan.. 🙁
nagsimula lang akong mag-invest, pero minanipula na kaagad ng FATE ang maraming tao para pababain by USD 0.04 ang palitan...
is feeling , t*ng ina.. isa rin akong tagawasak ng market...
>
[Trade]
ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko tungkol sa sarili ko... 🙁
nasa USD 0.28 ang palitan noong nagbalak akong mag-invest sa GMT..
pero bago 'yon eh kinailangan ko munang i-process yung iba kong mga assets..
by the time na nakapag-trade na ako, pumalo na sa USD 0.30 ang palitan..
inisip ko na okay lang, kasi nga pataas pa yung trend...
pero right after kong mag-trade..
unti-unti na ngang bumaba ang palitan..
at sa mga oras na ito, USD 0.07 na yung ibinaba ng palitan hanggang sa USD 0.23..
lagpas USD 15 na yung nawawala sa akin..
yung USD 88 na assets ko, na bumaba sa USD 57, muling bumaba sa USD 43 dahil lang sa kamalasan na taglay ko... 🙁
is feeling , hindi ko kayang magpakamatay sa ngayon.. mga put*ng inang supernatural kayo...
---o0o---
March 13, 2022...
put*ng ina, Globe..
lumagpas na sa 1 week yung problema..
tapos ngayong araw nyo lang aaminin na malawakan nga yung problema sa system ninyo...
mga walang utak..
asa nang asa sa mga contractor..
outsource nang outsource..
sinabi na sa inyo nung mga area technician yung problema sa system ninyo, pero giit kayo nang giit na mga taong in-outsource nyo lang ang makaka-solve dun sa problema..
samantalang mismong technician ng Globe ang dapat gumawa ng paraan...
is feeling , t*ng ina.. ang hirap kapag nagpapasuweldo ka ng mga taong tanga, di ba..? problema na nga, pero mas lumalala pa.. tanggalin na lahat ng mga call center agent na 'yan...
>
[Trade]
nag-quick trade ako kanina..
yung USD 61 ko sa TFUEL, inilabas ko para ilipat na rin sa GMT..
kaso nasa mga USD 57 na lang yung nabawi kong value niya..
pero nailabas ko naman siya mula sa GMT na USD 63 na yung value..
nabawi ko yung nakaltas sa akin sa TFUEL, at nalagyan ko pa ng konting tubo kumpara sa original value niya...
2 na naman yung napakawalan kong pagkakataon sa GMT..
isang USD 15 na increase..
at isang USD 11 increase..
sayang...
problema ko na lang yung USD 88 ko na naka-trap sa value na USD 57..
3 araw na lang yata ang palugit ko sa GMT..
kung hindi niya magagawang umabot sa USD 0.50 na palitan, eh malalagay na naman ako sa kapahamakan...
is feeling , kailangang mapakinabangan yung event...
>
[Trade]
grabe yung mga fan token..
ilang beses na nilang ginagawa yung mga malakihang bulls..
ang hirap lang mag-invest dahil panay mamahalin...
kanina ko lang na-realize..
reliable ang galaw ng cryptocurrency kung kumikilos yung 2nd digit niya at the very least..
depende din sa laki ng puhunan, mas madali ring magpalago kung nasa decimal places lang ng USD yung bibilhin..
halimbawa kasi, yung movement na USD 0.28 to 0.30 eh kaya na kaagad mag-produce ng USD 4 para lang sa USD 60 na puhunan...
ang bobo ko talaga na hindi ko kaagad napansin 'yon..
USD 28 pa ang kailangan kong ipunin para doon sa dati kong mga nalugi na investment...
is feeling , sobrang daming beses na.. nasa milyunan na sana ako na USD eh, wala lang talaga kong gift of foresight...
---o0o---
March 14, 2022...
[Trade]
paulit-ulit na naman akong nadali ng GMT.. 🙁
so nag-pull out nga ako kaagad ng mga investment ko kahapon dahil hindi ko malagpasan ang resistance...
pero anong nangyari matapos kong maglabas ng investment..?
nagdire-diretso ang pag-angat ng GMT..
ang losses ko..?
isang nasa USD 23..
at isang nasa USD 38..
at ngayong umaga eh natalo na rin ako ng nasa USD 19...
t*ng ina..
ibig sabihin, ako talaga ang nagdadala ng kamalasan sa bawat cryptocurrency na sinusuportahan ko.. 🙁
kagaya kung paanong naka-stuck lang ngayon ang value ng XRP..
dahil nakikita ng FATE ang ginagawa ko..
alam nila na pwede nilang gawing resistance point ang bawat level kung saan ako nagpapasok ng investment...
gamit ang Axie Infinity bilang token farm..
masasabi ko na posibleng yumaman talaga ang isang tao sa pagte-trade sa Binance..
gaya nga ng kuwenta ko, nasa lagpas million USD na yung projected value ng kinikita ko..
iyon ay provided kung na-timing-an ko lahat ng mga pumalo na cryptocurrency sa nakaraang 3 buwan..
pero matinding foresight talaga ang kailangan...
is feeling , USD 28 pa rin ang kulang ko...
>
[Trade]
iniwan ko na muna ang XRP.. 🙁
yung napalago ko dati na USD 208 + Php 18,000..
na may value na USD 613, pero isinama ng market sa kumunoy ko ng mga kamalasan para maging USD 471 na lang..
ipinasok ko na rin muna sa GMT..
0.358 na entry, ang target ay at least 0.40 na palitan...
tapos heto..
katatalo ko lang ulit ng nasa USD 61..
kahihintay ko na mas gumanda ang palitan, eh naaabutan ako ng muling pagbagsak...
gusto ko sanang maulit yung nangyari kaninang umaga..
kaninang madaling araw pala..
gusto kong magising na sobrang laki na ng palitan..
gustung-gusto ko nang makaganti sa isinumpang buhay ko...
is feeling , March na.. sa sobrang daming magandang balita ang pumasok para sa Ripple.. wala sa mga iyon ang nagawang papaluin ang XRP sa USD 1.00...
---o0o---
March 15, 2022...
[Manga Theory]
One Piece Theory #9
posibleng si Lady Toki at hindi ang mga Kozuki ang related sa angkan na kayang magpasunod kay Zunesha, dahilan kung bakit nakakausap ni Momonosuke yung higanteng elepante...
tapos..
hindi naman kaya possession ni Raizen kay Eugene ang nangyayari ngayon kay Luffy..?
posible kaya na na-activate si Joy Boy kay Luffy dahil sa awakening ng Devil Fruit ability niya at dahil na rin sa Will of D...??
is feeling , makikisawsaw kaya si Joy Boy sa laban ni Luffy kay Kaido...??
>
[Trade]
Decimalist
so i had a nightmare..
hindi na kumilos kagabi ang GMT kagaya ng nagawa niya kahapon..
so dahil ginusto kong makabawi, inilipat ko yung USD 471 na mula sa XRP papunta sa kung anu-anong cryptocurrency..
quick trade lang ang ginawa ko..
from 471 lumago sa 477 to 494 to 497 to 507..
USD 36 na kita na sana iyon...
kaso may malaki akong pagkakamali..
yung iniwan ko sa GMT na USD 129 ang value eh nalagas dahil sa pag-crash nung GMT..
dahil dun ay USD 30 ang nabawas ulit sa kanya, at naging USD 99 na lang siya...
supposedly meron na akong:
- USD 88 na nakaltasan ng value
- USD 68 na trinabaho ko para lumaki
- USD 208 na galing sa XRP ng Binance
- USD 405 na galing naman sa XRP ng Coins
ibig sabihin, nasa USD 769 na dapat yung hawak ko sa ngayon...
kaso, dahil sa mga nalugi sa akin..
nakapagsimula na lang ulit ako kanina sa USD 594..
nawalan man ako ng madami..
inunti-unti ko ulit ang pagte-trade..
from 594 to 596 to 607 to 614 to 621..
at nagawa ko ngang kumita ulit ng USD 27 mula sa aking pagkakalugmok...
ngayon ko lang na-realize na mas magandang strategy ito para pagkakitaan ang trade market..
supposedly, may USD 63 na dapat akong kita hanggang ngayong tanghali..
iyon ay kung hindi ko napabayaan sa GMT yung iba kong pera..
magandang paraan 'to para kumita ng higit sa minimum wage kada-araw...
iyon nga lang..
kailangan ko talagang magsimula sa point ng mga pagkalugi ko..
sana mas natutunan ko ito nang mas maaga..
sana noon pa lamang nagsimula akong maglaro ng Axie Infinity...
is feeling , USD 1,178 ang totoong target.. may 16 days pa ako para tiyagain itong mabilisan at mauntian na mga trade.. para sa pangarap ko na ma-meet si Arianny Celeste...
>
[Trade]
7 months akong na-late... 🙁
buong buhay ko..
ngayon ko lang nagawang kumita ng USD 79..
o nasa Php 3,800 sa isang buong araw lang...
bakit nga ba ngayon lang kita na-realize..?
lagpas 2 buwan ang sinayang ko dahil pinabayaan kong naka-stuck lang yung mga assets ko..
habang naghihintay na mabawi nila yung mga dati nilang value..
samantalang mas mabilis pala kung pipiliin mo na lang na malugi nang kaunti, at saka mo ulit patubuan yung mga assets mo..
fast trade..
mas less ang risks, at mas mabilis ang returns..
sa Php 3,000 a day, Php 90,000 na kaagad 'yon in just a month..
matagal ko na pala dapat naipon yung pang-repair ko ng Dream Date..
sana hindi ako naging bobo sa loob ng mahabang panahon...
sa ngayon, nasa USD 618 pa yung stablecoin ko na pinapaikot sa trade..
samantalang USD 20 naman na stablecoin din ang nasa savings para mag-farm ng interest..
ang totoong tanong na lang dito ngayon ay hanggang kailan mananatiling matatag ng mga stablecoin...
is 💘 feeling , baka nga kaya ko pang lumaban.. para kay Arianny Celeste...
---o0o---
March 16, 2022...
[V-League]
mahal ko ang volleyball..
pero ewan ko ba..
madami ang nagbago sa akin simula nang ma-involve ako sa cryptocurrency..
sobrang nakaka-stress pa na wala ng value ngayon lahat ng mga ginagawa ko...
bumagal ako..
ang dami kong nagagawa noon na hindi ko na nagagawa ngayon..
siguro kasi madalas ding lutang ang utak ko...
dati, nagagawa ko pang manood ng volleyball, kahit pa nagtatrabaho ako..
pero ngayon..
wala na akong panahon...
is feeling , kailangan na kitang pakawalan...
---o0o---
March 16, 2022...
[Trade]
back to depression..
akala ko may pag-asa na ako..
pero nilamon lang ulit ako ng mga kamalasan... 🙁
yung naipon kong USD 622 kahapon..
nalugi nang nalugi..
hindi ko maintindihan..
pero sa tuwing nag-i-invest na ako, kahit pa sa bandang gitna, bigla na lang bumabagsak ang market nang dire-diretso..
regardless kung gaano kadami ang nagte-trade..
na para bang ako talaga ang gumagawa ng point of resistance.. 🙁
sa ngayon nasa USD 470 na lang ulit ako..
mas bagsak pa kesa sa dati kong level... 🙁
pati dun sa laro, sobrang minalas din ako kanina..
nilimitahan lang ako sa 6 wins..
hindi naman ako naligo ng mga Critical..
pero panay Plant at Reptile ang mga ini-assign sa akin bilang mga kalaban...
wala na akong pag-asa ulit.. 🙁
either Lottery lang talaga..
o kung magagawa nga ng XRP na makapalo sa USD 5...
sa ngayon..
kailangan kong isipin na walang halaga lahat ng kinita ko mula doon sa laro..
maliban doon sa Php 18,000 na naibalik ko sa trade..
at yung Php 8,500 na halaga nung huli kong Axie..
masasaktan lang ako lalo kung iisipin ko pa lahat ng mga kamalasan na dumadating sa buhay ko...
is 💀 feeling , suko na ako...
---o0o---
March 17, 2022...
[Natural Calamities]
Magnitude 7.3 sa Japan..
mali-mali kayo..
hindi dapat mapahamak si Oda...
is feeling , doon kayo sa Eastern at Northern Empire magkalat ng Magnitude 10...
>
[Trade]
sa buong panahon ko sa cryptocurrency, ni minsan hindi pa ako nagising sa isang umaga na nasa 70% na ang naging increase ng assets ko..
at pangarap ko sana na maranasan din naman iyon...
dForce ang nakadali sa USD 622 na pondo ko..
isa siyang sudden steep na paitaas na mabilis din namang bumagsak..
ang kaduda-duda sa kanya..?
sobrang bilis magpalit ng 2nd digit niya..
tinulugan ko din yung trade, kaya naman nawalan ako ng nasa Php 125 dahil sa crash...
hindi ko pa rin tested noon yung auto-sell feature ng Binance...
pero yung GMT ang totoong pagkakamali ko..
nagpakawala ako ng USD 30 dahil namatay ang GMT noong March 15..
hindi pa kasi tapos nun yung event, kaya nagtaka ako kung bakit bumagsak na yung market..
pero iyon pala sana yung opportunity na kailangan ko para lalong mapalago yung pondo ko..
yung USD 497 ko, dapat eh nasa USD 800 to 900 plus na ngayon..
o kung USD 622 ang ipinasok ko, edi sana ay pumalo na sa USD 1,100 plus..
March 15 pa lang kahapon sa kanila, kaya dapat naisip ko na gagamitin nila yung pagkakataon para i-boost yung market hanggang March 16..
pero wasak na wasak ako kahapon para maisip pa iyon... 🙁
at huli na nga ang lahat..
sa tuwing nag-i-invest ako, bumabagsak ang market..
kaya siguro nagagawa lang nilang umangat sa tuwing wala akong pondo sa kanila...
is feeling , bakit hinding-hindi ko maranasan yung mga bagay na nararanasan ng ibang investors...??
>
[Trade]
Trading Guide
1) mas maganda kung nalalagpasan o sobrang lapit ng trading volume sa market cap
2) dahil madami ang attracted sa green na 24-hour change, depende sa current na galaw ng market, pwedeng ma-predict kung kailan lalaki ang green rate sa pamamagitan ng point-to-point comparison ng bawat time of performance
3) mas maganda din sana kung may magandang update, news, o event patungkol sa partikular na cryptocurrency dahil mas nakaka-stimulate 'yon ng trading
4) bumili ng mga bagong cryptocurrency na supported ng Binance dahil malaki ang chance na gagamitin ng mga traders yung pagkakataon para magpatubo
5) i-check din ang galaw ng Bitcoin dahil may epekto iyon sa buong market
Avoid:
- na pumasok sa trade after ng sudden peak o yung sobrang bilis lang na pag-akyat ng rate ng palitan, mas reliable yung hindi sobrang biglaan
- yung sobrang bilis na movement ng 2nd significant digit ng trading value, pwedeng maging lason ang mga paspasan na trade
is feeling , USD 260 na ulit ang kailangan kong bawiin...
---o0o---
March 18, 2022...
hindi maayos ng Globe ang problema namin sa 10 Mbps namin na internet..
kaya naman ang ginawa nila eh in-upgrade na lang nila sa 35 Mbps...
hindi ko pa alam kung anong mangyayari sa monthly bill namin nito..
ayoko namang isipin na lolobo ang bill namin after ng lock in period nung plan...
is feeling , solusyon nga ba, o magiging panibago lang na problema...??
>
[Trade]
grabe ang ginawang pananakit sa akin ng GMT...
simula noong March 14..
bukod tanging March 15 lang ako nagising na bagsak ang market ng GMT..
nasa USD 30 ang nawala sa akin noon, kaya naman umatras na ako..
pero anong nangyari after that..?
March 16, 17, at 18, sunud-sunod na araw akong nagigising sa umaga kung saan nabi-beat ng GMT yung huli niyang peak...
so anong ibig sabihin nun..?
bakit bukod tanging noong panahon lang na may investment ako sa kanila nag-bearish yung trend..?
dahil ba yung isang desisyon ko na iyon ang nag-trigger para mag-crash yung market nila..?
isang desisyon ko sa buhay, pero buong community ng GMT ang damay..?
tapos ano..?
kinailangan ko lang na mawala sa market nila, para magawa nila ulit na umangat nang umangat...?
nasa USD 1,500 plus na dapat ako pagkagising ko kanina..
wala na sana akong ibang kailangan na gawin, kundi ang i-click yung sell button..
regardless pa kung magkano ang palitan..
pero bakit..?
bakit kamalasan lang ang dala-dala ko sa bawat ginagawa ko...?? 🙁
is feeling , market destroyer...
---o0o---
March 19, 2022...
[Trade]
5 araw nang maganda yung takbo ng market..
at sobrang sakit lang talaga kung paanong ipinapakita niya sa akin nang harapan na posible talagang magpalago ng USD 500 hanggang libu-libong dolyares sa loob lamang ng ilang araw... 🙁
GMT, OGN, JASMY, MBL, MFT..
lahat ng 'yon, nagamit ko naman..
pati yung bagong APE sana..
lahat ng mga 'yon ay opportunity para matupad ko na yung Dream Date..
pero bakit nahila ko lang sila sa pagkawasak noong may assets ako sa kanila..?
bakit kapag nasa kanila ang pera ko, downward lang yung nagiging trend kahit pa magpalipas ako ng 24 hours...??
yung trauma na idinulot sa akin nung dForce..
yung nakakatakot na kakayahan na magpabagsak ng isang market dahil lang sa taglay mo na kamalasan..
at ang magdulot ng suwerte para sa iba, basta ba't lumayo ka sa kanila..
nakakarumi ang pakiramdam na 'to... 🙁
is feeling , yun yung bagay na kailangan ko ngayon.. pero bakit ninyo pinaparamdam sa akin yung sobra-sobrang level ng kamalasan ko...??
No comments:
Post a Comment