Saturday, December 18, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of December 2021 (Renewed Filter)

Loveless Story


December 13, 2021...

hindi 'to maganda..
nagawa na nung sindikato ng human trafficking halos lahat ng adjustments para makalusot sila sa mga kaso nila..
bakit ganun, parang may protektor talaga na nagtitimbre sa kanila...??

napalitan na nila ang mga texts..
at nakapag-provide na rin sila ng cover para sa kanilang mga handler...

nagawa na nila halos lahat, maliban yung tungkol sa ilegal na paggamit nila ng hindi reliable na COVID-19 rapid test sa kanilang trabaho...

is feeling , pare-parehas kayong mga tiwali...

---o0o---


December 14, 2021...

wala..
walang gustong tumulong sa akin..
hindi ako welcome para sa kahit na sino... 🙁

sobrang saklap lang...

courteous decline..
lahat sila sinanay na magpakita ng courtesy sa pagtanggi..
pero hindi ibig sabihin na magagalang at mabubuti nga silang tao...

is feeling , hayop kang demonyong Tabachoy ka.. pati yung p*ta na 'yon.. winasak ninyo ang lahat para sa akin.. balang araw mababangga din kayo, o di kaya eh tatamaan ng lindol...

---o0o---

December 15, 2021...

madami nga ang available..
madami naman ang verified..
madami din ang mga scammers lang..
pero wala naman akong makita na gusto ko..
at yung mga gusto ko naman, eh naka-filter ako pagdating sa communication... 🙁

kung meron mang available na okay..
eh mga nasa 5-digits naman... 🙁

sobrang saklap.. 🙁
bakit ako yung pinapalabas na masama..?
eh ako nga yung kinasangkapan lang ng dahil sa pera..?
niloko ng dahil sa pera, habang nakikipaglandian sa ibang mga lalaki... 🙁

is feeling , lalaslasin ko na ba ang pulso ko...??


>
mga put*ng ina ninyo talaga..
namigay ako ng Php 10,000..
naloko ako sa isang deal na worth Php 60,000 plus ang gastos..
tinarantado at hindi pa binabayaran ng Php 21,000...

tapos ngayon, nagpapasok na naman kayo ng bioweapon variant sa loob ng bayan.. 🙁
ano, bawal na naman akong lumabas...??

is 💀 feeling , kung kailan nakausap ko na si YAM...


>
kinausap na ako sa wakas ni YAM..
bini-verify pa kung sino ako...

tapos..
yung poser naman nung isang streamer eh b-in-lock na ako..
hindi kasi makasagot sa hinihiling kong verification through video call..
kaya ayun, diniretsa ko siya na kilala ng Google kung kaninong pictures yung gamit niya..
tsaka masyado din talagang long shot ang Bulacan to Makati kasi...

kaso heto..
pinapasok ang Omicron variant..
malamang para may dahilan na naman para mangutang at magnakaw... 🙁

is feeling , put*ng ina, makikipag-race na naman ba ako sa bioweapon...??

---o0o---

December 16, 2021...

tutol ako sa SIM card registration..
eh kasi naman wawasakin nun ang mundo ng mga ninja.. 🙁
gagawin nun na traceable ang lahat, maging sa mata ng mga sindikato...

is ⚠ feeling , ang simple lang kasi ng solusyon, edi huwag magpaloko sa mga scam na related sa mobile numbers.. hindi yung ipagbabawal ang pagiging discreet...

---o0o---


December 17, 2021...

noong sila yung may kailangan, sa akin sila lumapit..
kesyo naiintindihan daw nila yung panloloko na ginawa laban sa akin..
kesyo paano yung ganito, ganyan..?
at dahil tanga nga ako, tinulungan ko naman sila..
naglaan ako ng oras para tulungan silang makilala...

tapos noong ako na yung may kailangan ng tulong..
kesyo hindi pwede si ganito, ganyan..
kesyo hindi na magiging available kahit na kailan si ganito..
at sobrang kapal pa ng mukha nung humingi sa akin ng tulong noon para i-block ako... 🙁

lahat ng 'yon dahil lang nagka-problema kami sa utang nung manggagamit nilang kagrupo..
ako yung nawalan ng malaking halaga ng pera..
ako yung hindi pa rin makasingil hanggang ngayon ng pautang..
pero ako pa rin yung masama, dahil lang sa naniningil ako ng perang pinaghirapan ko.. 🙁
gaano ba talaga kasasama ang mga p*ta...??

is feeling , mga hayop kayong lahat...

-----o0o-----


December 14, 2021...

[Online Marketing]

10 years na ako doon sa art platform..
at after more than 4 years sa pagiging opisyal na bentador ng comics..
sa wakas, may nagregalo na sa akin ng Core membership..
siguro kasi hiniling ko rin, kaya nila ginawa...

actually, hindi naman Core membership yung iniregalo sa akin, kundi badge..
pero kasama na sa mga bonus nung badge na iyon yung Core membership..
so ang galing na hindi na kinailangan pang gumastos ng pera para dun...

at dahil dun..
napalitan ko na sa wakas yung username ko doon sa platform..
kaya at least katugma na siya ngayon ng official artist name ko..
lehitimo na ang dating...

is  feeling , USD 3.95 worth ng holiday gift...


>
[Trade]

lagot na naman..
kung ganun, ang Imperyo pala ulit ang nagdulot ng pagbagsak ng mga cryptocurrency..
kundangan naman kasi, sali pa nang sali, eh mga terorista naman... 🙁

mali na naman ang diskarte ko..
dapat nag-trade na ako dati noong nakapagpatubo ako ng USD 20..
tapos nag-reinvest na lang sana ako noong nagbagsakan na ulit ang lahat...

is ⚠ feeling , yung 2 pusta ko, parehas nang talo sa palitan...

---o0o---


December 15, 2021...

[Game]

ayun..
umamin ang bulok na management ng Axie Infinity na may nagaganap na cheating sa kanilang laro..
bosohan ng inilalapag na cards..
nakikita ng mga cheaters kung anong mga cards ang ginagamit ng kanilang kalaban, kaya naman nagagamit nila nang husto ang sarili nilang mga cards at Energy... 🙁

ang bulok na solusyon nila..?
extension daw ng Season 19..
mga put*ng ina..
ang tamang solusyon eh i-ban lahat ng mga All-Seeing cheaters..
mga walang utak na developers... 🙁

ako naman..?
2 araw nang hinihila ulit pababa sa 900 MMR..
inihaharap sa mga Plant at Reptile na backline..
kahit na d-in-owngrade nila ang Risky Fish ng mga Aqua..
nakakatuwa..
sobrang saya..
t*ng inang game fixing 'yan... 🙁

tapos ano pa..?
yung Yam ko madalas na hindi nabubunot sa mga unang round..
kapag may Beast akong kalaban, madalas na walang Shoal Star na pang-iwas sana sa Last Stand..
kapag Aqua naman na ang kaharap ko, eh madalas na wala o kulang ang aking Swift Escape.. 
ano..?
ganun bang kalaking krimen para sa akin ang makatapak muli sa 1,200 MMR...??

is feeling , mga Satanas kayong mga developers kayo.. lahat gagawin para lang madaya ang mga maliliit na investors...


>
[Trade]

sa wakas..
naka-farm na ako ng 1 WRON kagabi..
after 28 days..
pero medyo bibilis na nga siya sa 1 WRON per 20 days dahil nasa Php 2,000 na ang investment ko...

sa Binance naman..?
ayun..
hindi gumana yung Savings Trial Fund ko para makakuha sana ng interes..
siguro dahil sa naging pagbagsak ng cryptocurrency market kahapon, dahil sa terorismo ng Imperyo..
pwede na sana akong gumawa ng sarili kong savings kung pumasok lang sana yung interes ng BUSD ko kahapon..
kaso eh hindi nga nangyari..
pero wala namang magagawa, dahil palibre lang naman yun ng Binance para sa mga users...

is feeling , nasa decimal places man sa simula, ang mahalaga eh lumalago at hindi lang nakatiwangwang...

---o0o---


December 16, 2021...

[Game]

wala, Terminator na RBP team talaga ang mas tamang investment..
mas mataas ang stability niya pagdating sa MMR..
kumikita nang sapat para sa isang araw..
at hindi nahihila pababa sa 1,000 MMR...

na-break ko din yung dating record ko doon sa scholar account..
177 SLP na yung highest kong na-farm sa loob ng isang araw..
walang galing sa 12 SLP zone, panay mula lang sa 6 at 9...

kaso ayun..
panay wrong timing na naman ako..
yung MANA ko nga, yung 2 investment eh parehas nang talo sa palitan sa ngayon..
tapos, gusto ko sanang mag-invest sa Solana kahit mahal siya..
pero dahil hindi pa iniri-release yung sahod ko, eh yung USD 160 eh nakaakyat na ulit sa USD 180...

is feeling , laging malas...


>
nakahanda na para sa 2022..
na-convert na lahat ng templates para maging pang-2022..
pero distracted pa rin ako dahil sa panggagamit na sinapit ko ngayong 2021...

is feeling , gusto kong magbakasyon, pero walang gustong tumanggap sa akin...


>
[Trade]

yun naman..
bumawi ang Binance..
after 2 days na hindi sila nagbigay ng interes para sa BUSD Trial Savings Fund nila..
eh biglang nagbigay sila ngayong last day..
at ang nakakapagtaka dun, ni hindi na nga active yung trial savings na 'yon kanina, pero may pumasok pa rin nga na interes..
bale sa 7 araw na kini-claim nila, eh 5 araw kong napakinabangan yung worth Php 25,000 na pondo nila para kumita ng Php 5 mahigit na interes...

at dahil dun..
pwede ko nang ipautang yung mahigit 0.1 BUSD na iyon para makapag-farm siya ng sarili niyang interes...

is feeling , ang numero unong tip sa Binance.. bawal ang natutulog na coin o token, kung hindi mai-convert o ma-withdraw dahil nasa decimal places lang, edi ipautang sa system nila para kumita ng interes araw-araw...

---o0o---


December 17, 2021...

[Trade]

palabiro pala 'tong Binance..
kahapon, akala ko na interes lang na good for 5 days ang kukumpletuhin nila para sa akin..
pero pagdating ng gabi, eh ibinigay din pala nila sa akin lahat ng kinita nung trial fund for the entire week...

mabuti pa ang Binance..
mapagkakatiwalaan sa pagbabayad ng pautang..
arawan pa kung magbigay ng interes.. :like:
hindi katulad ng mga manggagamit na babae, na masasamang tao... 🙁

is feeling , BUSD, bahala ka na dyan.. lumago kang mag-isa mo...


>
[Trade]

so kasunod na ang Russia sa mga nagbabalak na buwagin na ang cryptocurrency mining at market sa kanilang teritoryo..
nakakatawa lang na parehas na mga tiwaling nasyon ang sila pa talagang tutol sa cryptocurrency..
ang gagaling ninyo sa piracy, mga tarantado kayo...

mukhang ire-regulate na rin yung mga activities dahil sa lalong lumalakas na mga natural calamities..
according sa estimate, ang annual na energy consumption ng cryptocurrency mining ay halos katumbas ng consumption ng Argentina..
pero may solusyon pa rin naman, dahil posible pa rin ang mining kahit umasa lang sa solar energy...

is feeling , convert na, convert na.. huwag isakripisyo ang mundo ng dahil lang sa pera.. ang mga masasamang tao na lang ang kalusin para makabawas sa carbon emissions...


>
[Game]

magre-retire na sa scholar account..
after 48 days ng paglaban sa panggigipit ng mga developers..
mula sa 1,400 plus na MMR, eh nagawa ko naman siyang iakyat ulit at gawing madalas na stable sa 1,300 plus MMR..
hindi na masama, considering na may 3 na-downgrade na cards para doon sa team...

1,262 SLP ang pinakahuling sahod niya..
mas malaki pa this time, kumpara noong nakakuha ako ng 300 SLP reward mula sa Ruin 36..
at nagpapakita lang 'yon kung gaano ang iginanda ng ranking niya pagkatapos nung downgrade..
unfortunately, nasa Php 1.64 na lang ang palitan ng SLP..
so nasa Php 2,096.68 na lang ang estimate na worth nun..
kaya kailangan ko na namang umasa sa trade para mabigyan ng mas matinong value iyon...

is feeling , mami-miss ko yung pagkita ng 6 to 9 SLP kada-match...

---o0o---


December 18, 2021...

[Trade]

may sa maligno talaga ang buhay ko..
kagabi, i-t-in-rade ko yung latest kong sahod para sa MANA..
for a few hours, naglalaro na kasi sa USD 3.08 to 3.11 yung palitan niya, at mababa na siya sa puntong iyon..
so kumuha ako ng palitan around USD 3.08..
pero after only a few minutes, eh ayun, bumagsak pa sa USD 3.02 yung palitan niya... 🙁

sino ba dyan ang may kaaway na gustong malasin nang sobra sa buhay..?
ipakilala nyo lang sa akin, at natural na 'yon..
buwisit..
sana pwede kong gawing trabaho yung pagpapasa ng mga kamalasan sa ibang tao...

tapos ayun..
nakuha daw na partner ng Decentraland ang brand na Under Armour at ang isang NBA star..
so sana naman makatulong sila para mabigyan ng bullish trend yung MANA..
nang makabawi-bawi naman ako sa buhay...

ang dami kong nasasayang na pagkakataon..
yung Php 30 plus to Php 40 plus na naging bullish trend ng XRP..
at yung pagkakataon na tumubo na ako ng nasa USD 12.00 sa MANA ko..
ang lesson, hindi pwedeng mag-expect ng sobrang taas na yield lalo't nasa bearish trend ang buong market..
kaya naman ibababa ko sa USD 0.30 lahat ng target ko, at pautay-utay na babawiin lahat ng mga lugi ko..
token at USDT..
bibili ng token kapag bagsak ang palitan nila..
iko-convert sa USDT kapag naabot ang target na pag-angat..
at ipapasok ang lahat sa savings habang nasa waiting period...

is feeling , yung mga fans ng Golden State Warriors sa buong mundo, bumili na kayo ng mga MANA...


No comments:

Post a Comment