Loveless Story
December 6, 2021...
so cancelled na talaga ang bayaran... 🙁
manggagaling pa daw kasi sana sa Austria yung magbabayad sa akin..
iyon daw ang boyfriend niya..
teka, nagsisinungaling na naman ba siya..?
o totoong nanggamit na naman siya ng ibang lalaki para lang maka-survive sa buhay..?
iyon kaya yung kliyente na nagawang maglabas sa kanya sa kung saan-saan...??
pero may mali eh..
plano daw niyang mangutang sa iba para makabawas pa rin sa mga utang niya sa akin..
pero bakit hindi na lang niya ipa-remit yung pera ng boyfriend niya..?
lockdown lang naman ang meron..
hindi naman ibig sabihin na mata-trap na rin yung pera sa Austria...
is feeling , ang hirap magtiwala sa ganitong klase ng mga tao...
---o0o---
December 10, 2021...
mukhang magkahiwalay nga sila...
is feeling , retired...??
-----o0o-----
December 4, 2021...
[Game]
so nakuha ko na yung pangalawang sahod nung scholar account ko..
1,199 SLP, at nasa Php 3,429 sana ang value sa bagsak na Php 2.86 na palitan ng SLP noong isang araw...
yung pinakahuling sahod ko naman doon sa main account ko eh 13 days nang naka-stuck sa XRP..
at 2 days na lang eh maaabutan na siya nung panibago kong sahod...
kaso nasa impiyerno ngayong araw ang sitwasyon ng maraming cryptocurrency..
Php 5,600 plus sana ang bini-beat kong value para doon sa XRP ko..
Php 5,400 plus naman yung closest na iginalaw ng market niya bago nakigulo ang Omicron variant..
siyempre nanghinayang ako sa Php 200 plus na mawawala sa akin noon, pero ngayong araw eh nasaksihan ko na bumagsak yung palitan kung saan nasa Php 3,800 na lang yung value ng asset ko..
meaning halos nasa Php 1,800 na yung nawalang value ng mga pinaghirapan ko...
kahit yung ipinagbibili kong Axie..
USD 190 ang inaasahan ko mula doon, mula sa palitan na USD 4,700 per ETH..
pero today eh nasa USD 160 plus na lang yung value niya...
sa ngayon, hindi maganda na galawin yung mga Tokens at Coins..
pare-parehas silang bagsak kaya hindi mababawi sa magandang palitan yung mga value nila bago nag-crash ang lahat..
kaya naman walang magagawa kundi maghintay..
maghintay na bumalik sa Php 60 plus ang palitan ng XRP..
maghintay na bumalik sa Php 3 plus ang palitan ng SLP..
at maghintay na bumalik sa USD 4,700 ang palitan ng ETH...
is feeling , kasalanan na naman ba ito ng kamalasan ko..? o may pag-asa pa bang makabawi ulit ang lahat sa waiting game...??
>
[Game]
dahil kagulo pa ang market..
nag-decide ako na mag-stake na muna ulit..
walang problema doon sa WETH, dahil savings ko naman iyon..
pero talo ako pagdating sa SLP dahil sa bagsak na palitan niya..
yung 160 SLP ko lang dati, halos 265 SLP na ang katumbas ngayon..
so parang talo ako ng nasa Php 328..
sana lang may paraan para mabawi kapag tumaas na ulit ng palitan ng lahat...
baka kasi maging sobrang halaga yung WRON sa hinaharap..
kaya makabubuti yata kung medyo pabibilisin ko pa yung pag-farm..
sa ngayon parang nasa Php 2,000 na yung worth nung assets ko na naka-stake...
is feeling , kailan kaya bubuti ang lahat...??
---o0o---
December 5, 2021...
[Trade]
sobrang bobo ko talaga... 🙁
made a huge mistake..
kahapon kasi bumagsak ang palitan ng XRP hanggang Php 32..
kaso nag-focus lang ako doon sa masamang pangyayari kontra sa naka-stuck kong XRP..
that time naisip ko lang na lugi na ako sa sahod kong iyon...
hindi ko naisip na malaki ang chance na makaka-recover yung XRP mula sa pagsadsad niya..
gaya kung paano nakaka-recover ang iba pang mga pangunahing cryptocurrency..
kung nag-invest lang sana ako ng Php 19,000 noong time na nasaksihan ko yung pagsadsad..
edi kumita pa sana ako ng nasa Php 5,930 noong nakaakyat na ang XRP pabalik sa Php 42 na palitan..
edi nahila sana nun pataas yung value nung na-stuck kong XRP..
kaso nga sobrang bobo ko talaga..
malas na bobo... 🙁
bukod sa sabay-sabay na bagsakan ng mga cryptocurrency, active na naman pala kasi ulit yung kaso ng XRP..
pero sana lang matulungan sila ng Citi Bank para maka-recover...
kaya ayun..
na-late ako ng pagbili ng XRP..
nasa Php 43 na ang palitan noon..
ang target kong palitan ay Php 46 para mahila pataas yung value nung na-stuck kong XRP..
basta minimum na Php 24,700 ang kailangan kong total amount...
is feeling , puros mali ang mga ginagawa kong desisyon...
---o0o---
December 6, 2021...
[Trade]
wala akong ginusto kundi maisalba lang yung value ng huli kong sahod..
pero dahil sa kamalasan ko, naghilaan na silang lahat papunta sa impiyerno...
put*ng ina..
so ito yung epekto nung na-suspend na network ng XRP noon..?
na-delay nang husto yung transfer ko..
bumaba ang value..
at tinamaan pa silang lahat ng pagbagsak ng mga cryptocurrency... 🙁
dahil hindi ko na alam kung ano pang pwede kong gawin, nagpasok pa ako lalo ng pera sa kung anu-anong assets..
yung 1,351 SLP na sahod ng main account ko kanina, Php 1.94 na lang na palitan ang inabutan, at nasa Php 2,620 na lang ang value..
kaya ang ginawa ko pinagsama ko sila nung sahod nung scholar account..
2,285 SLP lahat-lahat, at kailangan kong maghintay na makaakyat muli sa USD 5 ang palitan ng MANA ng Decentraland para makapaghabol ng Php 6,000 na kita...
patuloy naman sa pagsadsad ang XRP..
bumili ako kanina ng panibagong Php 900, hoping na iyon man lang eh maibawi ko ng value..
pero matapos akong bumili eh lalo lang bumagsak ang palitan ng XRP na para bang kontrolado talaga ng dala-dala kong kamalasan ang pagbagsak ng lahat..
kailangan ko ng palitan na higit sa Php 40.45 bago muling mai-convert yung pera ko...
sa ngayon, unti-unti nang naglalaho ang value ng lahat ng assets na inaasahan ko..
- Php 19,900 sa XRP
- Php 9,000 sa bentahan ng Axie
- Php 5,700 para sa na-stuck na unang sahod
- Php 2,700 para sa na-stuck na ikalawang sahod
- Php 2,700 para sa na-stuck na ikatlong sahod
- Php 2,000 na value ng assets na naka-stake
- Php 6,000 na liability
Php 36,000 sana iyon..
pero bakit parang kukunin na naman sa akin ng kapalaran ang lahat...?? 🙁
is feeling , Php 36,000 o zero...??
---o0o---
December 7, 2021...
[Trade]
medyo nakaakyat naman ang XRP..
kaya ayun, binawi ko na yung Php 900 ko..
wala eh, nakakatakot..
nakakuha naman siya ng interes na Php 25.82 kahit na papaano..
kaya yung Php 19,000 na lang ang naiwang kadikit doon sa asset...
tapos, tutal eh naghihintay na rin lang ako ng magandang palitan..
eh nag-decide ako na mag-save sa Binance..
mabilisan lang pala kasi ang pag-interes doon, after 2 days lang..
barya man, pero pinatulan ko na rin..
maige na 'yon kesa wala..
ipinasok ko sa savings yung MANA ko..
at kahit yung natira kong USDT 2 plus eh ginawan ko na rin ng savings...
is feeling , kailangang umubra lahat ng klase ng effort, kundi mauuwi ang lahat sa wala...
>
[Trade]
ilang buwan na rin akong naglalaro nung game..
sana matagal ko nang nabusisi yung mobile app ng Binance..
kundangan naman kasing nagla-log out nang kusa from time to time, kaya hindi ko masyadong ginagamit..
kung alam ko lang na may flexible na savings doon, edi sana doon ko na muna iniiwanan ang mga ipon ko...
makapag-impok na nga ng USDT..
tutal stable coin naman 'yon kahit papaano..
hindi na masama yung 0.50% APY para sa below 75,000 USDT..
doon ko na lang ipapasok lahat ng kinita nung scholar, tsaka yung magiging benta nung Axie...
is feeling , flexible savings.. basta kailangang umangat lahat ng palitan ng assets ko...
---o0o---
December 8, 2021...
[Trade]
ano bang pinaggagagawa ko talaga sa buhay..?
hindi ako sigurado, pero nasa 3 tig-500 USDT trial fund voucher na pala yung nasasayang ko..
nagkamali ako ng intindi..
akala ko kasi gaya ng mga physical voucher na kailangan din na maglabas ng ibang pera para magamit iyon nang 100%..
pero hindi pala..
libreng pondo pala siya na pwedeng gamitin para makapag-save at makakuha ng interes..
parang patikim kung anong pwede mong makuha mula sa pagse-save ng medyo malaking halaga...
dahil sa problema ko sa mga assets ko, ngayon lang ako nakakapaglaan ng oras para magbasa..
500 BUSD na trial fund yung nagamit ko sa unang pagkakataon..
mahihiram ko 'yon for 7 days para makagawa ng interes...
is feeling , nasa decimal places man, ang dolyar ay dolyar pa rin.. nasa times 50 rin 'yon approximately...
---o0o---
December 9, 2021...
[Trade]
okay..
medyo bumilis nga yung pag-farm ko ng WRON at maging ang pagkita ko mula sa liquidity pool ng Katana..
nasa 0.06 WRON ang estimate ng nakukuha ko kada 24 hours, at halos katugma ng napa-farm kong amount ang kinikita ko mula sa fees (mas mababa lang ng 1 decimal place)..
lagpas nang konti sa Php 2,000 ang investment ko..
at posible akong makapag-farm ng 1 WRON every 20 days...
is feeling , hindi na masama.. yata...
>
[Trade]
grabe, sobrang bilis ng market..
kaninang 6:00 PM, laking gulat ko nang makita ko na naabot ko na sa wakas yung target value ko..
Php 25,000 plus..
hindi pa nga ako makapaniwala noong una, kaya nag-verify pa ako sa CoinGecko, at totoo nga..
unfortunately, minutes lang ang itinagal ng mga palitan at nawala rin sa target ko yung value..
kasalanan ko, kasi inakala ko na mauulit kaagad yung Php 25,000 plus...
after that, 2 beses ko pa ulit naabot yung target ko..
bale 3 beses iyon from 6:00 PM to past 8:00 PM..
at dahil ayoko nang sumugal pa gamit yung Php 19,000 ko, eh pinatos ko na yung palitan kahit below Php 25,000 lang iyon...
ganun pala yung tinatawag nila na bullish trend..
kumpara sa kabaliktaran na bearish...
is feeling , maraming salamat sa lahat ng mga tumutulong sa Ripple...
---o0o---
December 10, 2021...
[Trade]
may data na ako..
yung Php 25,000 worth ng trial BUSD fund, eh kayang mag-produce ng mahigit na Php 1.00 na interes everyday..
grabe, talong-talo ng Binance ang local bank ko..
iba talaga kapag dolyares, pang-dolyares din ang reward...
tapos, nagpasok ulit ako ng Php 1,000 sa Binance..
susubukan kong pagkakitaan ang conversion ng MANA..
panghila din dun sa 2 kong sahod na naka-stuck pa doon hanggang ngayon..
basta ang target ay USD 4.00 na palitan ng MANA...
pero Solana talaga ang magandang pagkakitaan..
bibili ka tuwing babagsak siya sa USD 180 or below..
tapos ibebenta mo tuwing nasa USD 190 or 200 and up na siya..
kaso masyadong mahal kasi ang proportion sa Solana...
is feeling , umakyat kayong lahat...
No comments:
Post a Comment